Kabanata 12

1040 Words
Kinuha ko ang aking cellphone ngunit tulad kanina ay tinitigan ko lang iyon. Muling dumaan sa isip ko ang inasta ni Trenz. What the hell was that for? Wala sa sarili akong napanguso, nang hindi makuntento ay nagtalukbong ako ng kumot. Kanina pa ako nakauwi ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. I'm still battling with the thought of saying sorry to Trenz or anything. "It's my birthday yet all you think is my brother"  Damn. Aminado akong may mali ako but I didn't expect him to act like that. I mean, he knows naman kung gaano kaimportante si Bryant para sa akin. Hindi niya ako masisisi kung umasta ako ng ganoon. Of all people ay naiintindihan niya dapat ako. Kung nainis man ako sa kanya ay alam niya dapat na iyon ay dahil lang sa frustrated ako. Muli kong kinuha ang aking cellphone at tinitigan ito. Pasado alas dose na ng madaling araw. Maybe I really should say sorry. Ilang minuto ko munang tinitigan ang contact number ng aking kaibigan bago ko pinindot ang call. Nang masigurong nagriring na ang kabilang linya ay inilapit ko na ang cellphone sa aking tenga subalit wala pang sampung segundo ay naputol na agad ito. Did he just reject my call?!  Muli ay nagpipindot ako sa aking cellphone. Kung kanina ay malumanay ngayon ay may halo na iyong gigil. Dumiretso ako sa messages then type words with the presence of curses. Hindi pa ako nakuntento dahil maging sa i********:, Twitter, f*******: at iba pang social media accounts niya ay nagsend din ako ng messages.  Then viola! Kung kanina ay ako ang tumatawag ngayon ay siya na. Nakangiti kong tinitigan ang cellphone ko na nagriring. Nagbilang pa ako ng sampung segundo bago nakangising tagumpay kong pinindot ang salitang decline. Get a taste of your own medicine dumbass. Tulad ng inaasahan ay tumawag ulit siya, tsaka ko lang napagdesisyonan na sagutin iyon. "Tambay tayo?" my real plan is to make an apology but I just can't blurt it out. Yeah, it's me and my pride. "12 midnight na" sambit niya dahilan ng aking pag-irap. "Alam kong hindi pa tapos ang party dyan" I texted one of our classmates to confirm that. Ayon din sa impormasyong nakuha ko ay kila Trenz matutulog ang karamihan sa kanila ngayong gabi. Ang iba naman ay umuwi o sinundo ng magulang, the cons on being a minor. "Medyo pagod na ako" napangiwi ako. Hindi siya galit pero nagtatampo siguro? "Stop acting like that Trenz, sobrang ewwy" natatawa kong sabi. I'm not sure if I should consider this as our first bestfriend quarrel ngunit ito lang talaga ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganito ang asta ni Trenz. Madalas kaming hindi nagkakasundo ngunit hanggang doon lang. "You still don't get it do you?" agad na nabura ang ngiti sa aking labi. The moment he called me, akala ko'y okay na ngunit hindi pa pala. "Of course I do" "It's my birthday yet all you think is my brother"  Napapikit ako nang muli iyong sumagi sa aking isip. Pagkatapos niya kasing sambitin iyon ay hinila niya ako papasok ng bahay namin. Akala ko'y doon kami mag-uusap dahil medyo malamig sa labas ngunit hinatid niya lang ako pagkatapos ay diretsong umalis. "Kaarawan mo ngunit si Bryant lang ang iniisip ko" muli ay napangiwi ako. Bakit parang tinagalog ko lang? Damn stupid Threin. "You—" bahagya akong umubo.  "You do understand what I'm saying right?"  Ang weird. Si Trenz lang ang kausap ko ngunit kinakabahan ako na parang kaharap ko ang isang husgado. "Why didn't you answer my call kanina?" he asked. Gusto ko sanang mag-isip ng magandang palusot ngunit may sariling utak ang aking bibig. "Dahil hindi mo sinagot ang tawag ko. So tell me" gamit ang kanang kamay ay hinawakan ko ang aking dibdib. "Alam mo na ba ginagawa nila Bryant ngayon?" Aminado naman ako e. Minsan talaga nakakagago ugali ko. "Bye na" ani Trenz at ibinaba kaagad ang tawag. Nice one self.  Dinial ko ang kanyang numero pero hindi niya sinagot. Ano bang mali? I'm just being honest! Bumangon ako at tinitigan ang hawak kong cellphone. Of course ako yung mali! Sa halip na bumalik sa pagtulog ay nagbihis ako muli. Dahil nga gabi na ay nagsuot pa ako ng jacket. Dahan dahan akong lumabas ng aming bahay, bawat tapak sa sahig ay sinisiguro kong hindi ako maririnig o makikita ng aking mga magulang. Malalim na ang gabi, kapag nagpaalam pa ako ay tiyak na hindi ako papayagan. Isa pa'y babalik din naman ako, manghihingi lang ako ng tawad kay Trenz.  Hindi na ako nahirapang makapasok sa bahay nila dahil bukas naman ito at tulad ng inaasahan ay hindi pa tapos magkasiyahan ang lahat. Kumpara kanina ay mas kakaunti na ang tao. "Threin!" tawag nila Jay nang makita ako. Kasama niya ang iba pa naming kaklase. "Si Trenz?" kanina ko pa iniikot ang aking mata sa paligid ngunit hindi ko siya makita. "May pinuntahan lang, dito mo nalang  hintayin" ani Edward na kasalukuyang nakaakbay kay Jay. Sampu silang magkakasama ngayon, bakas naman sa mukha nila na natutuwa sila maliban kina Sasha na kasalukuyang nakaupo sa isang tabi. Hindi rin nakatakas sa akin ang pasimple nilang pag-irap. Pinagtaasan ko sila ng kilay at inirapan pabalik bago ko hinarap muli sila Jay, ngumiti ako pagkatapos ay umiling. Gusto kong makisaya sa kanila pero baka magising sila Mama at malaman na wala ako sa bahay. First thing first. Si Trenz ang ipinunta ko rito.  "Saan nagpunta?"  Most of my classmates are kind and fun to be with its just that mas interesado akong alamin ang ginagawa ni Bryant or isipin kung anong dapat kong gawin para magustuhan niya kaya minsan ko lang sila nakakasama. Kapag nasa eskwelahan ay palagi akong may sariling mundo at mukha naman natanggap na nila ang katotohanan na iyon. Kapag naman may kailangan sila sa akin ay approachable ako. Mas malapit sila kay Trenz kumpara sa akin kung kaya't nakakasama ko lang naman sila kapag kasama ko ang aking kaibigan. I don't consider them as my friend nor enemy. Nang ituro nila ang isang parte ng bahay ay umalis ako agad hindi dahil alam ko na kung nasaan si Trenz bagkus ay sa kadahilanang nakita ko si Bryant!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD