Okay lang naman 'to diba?
Sa sobrang saya ko na makita si Bryant ay hindi ko na naiintindihan kung anong sinabi nila Jay.
"It's my birthday yet all you think is my brother"
Bahagya akong natigilan nang maalala iyon. Mahina ko ring binatukan ang aking sarili. Muli ay tiningnan ko si Bryant. Mag-isa lang siya ngayon. Maayos naman siyang kumilos pero halata sa itsura na nahihilo siya. Siguro ay dahil sa alak, ani ng aking isip. Gayunpaman ay masaya akong makita na hindi niya kasama si Dei ngayon.
"It's my birthday yet all you think is my brother"
Mariin akong napapikit. Siguro naman ay maiintindihan ako ni Trenz diba? Tiningnan ko si Bryant. Mukhang may kinuha lang siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay pagkatapos ay pagewang-gewang na umalis. Direksiyong papunta sa labas ang tinahak niya. Naalerto ako dahil doon.
Saan siya pupunta?
Sinundan ko siya hanggang sa makarating sa pinakamalapit na parke dito sa lugar namin. Mga limang minuto rin ang kailangang gugulin upang makarating doon at dahil nga pagewang-gewang si Bryant at inabot iyon ng pito.
Sa bahay nila nagkakasiyahan bakit kailangang pumunta pa siya rito? Nagtago ako sa likod ng mga puno, madilim doon dahil sa anino nito kaya natitiyak kong hindi ako makikita. Sinisigurado ko rin na sapat ang distansiya para maayos ko siyang makita.
Masinsinan ko siyang pinagmasdan. Malamig dito sa labas. Hindi ko maiwasan ang mag-alala. Isang simpleng t-shirt at short lang ang suot niya.
"Sabi ko naman hindi na kailangan e" ani Dei nang salubungin niya si Bryant. Bahagyang kumirot ang aking puso dahil doon. I'm so stupid in thinking na wala ng Dei na involved dito.
Kanina bago ako umalis ay nasa loob sila ng kwarto ni Bryant. Pagkatapos ay bumalik ako, nakita na nag-iisa si Bryant, sumaya ako dahil doon. Pagkatapos ay sinundan ko siya para lang makita na kasama nanaman niya si Dei? Wala akong ideya kong anong nangyari sa kanila at kung bakit nandito na sa parke si Dei but one thing is for sure, nasasaktan ako sa nakikita ko.
"Baka magkasakit ka" ani Bryant pagkatapos ay isinuot dito ang jacket na kanina niya pa hawak. Kakatwang nag-aalala ako sa kanya pagkatapos ay nag-aalala naman siya sa iba.
"How about you?" nag-aalalang tanong ni Dei.
Nakakapagsising medyo malapit itong puno na tinataguan ko at naririnig ko sila.
"I'm okay basta safe ka" banat ni Bryant, maging ang kinikilig na itsura ni Dei ay nakita ko.
Kung sa ibang pagkakataon ay mapapangiwi ako then cringe, ngayon ay mas dobleng sakit pa ata ang nararamdaman ko lalo na ng unti-unting niyakap ni Dei si Bryant at hinalikan naman siya nito sa labi. Mabilis lang iyon ngunit ang ngiti at tingin nila sa isa't isa pagkatapos magdampi ng kanilang mga labi ang mas dumurog sa akin.
Why do I have to see that?
Wala sa sarili akong napahawak sa aking pisnge ng maramdaman ang pamamasa niyon. Bukod doon ay labis din ang paninikip ng aking dibdib at ang paghapdi ng aking mata, ramdam na ramdam ko ang mainit na likidong lumalabas ngayon mula doon.
Tiningnan ko sila kasabay ng pagyakap ko sa aking sarili. Wala na akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila. Nanlalabo ang paningin ko at kahit ilang beses ko pang punasan ang luhang tumutulo doon ay wala ring silbi dahil hindi ko pa man tapos punasan ang lahat ay may lumalabas kaagad na kapalit mula sa aking mata. Tinakpan ko ang aking bibig at pinilit na pigilan ang hikbing kanina pa gusto kumawala.
Ayokong marinig nila ako, magmumukha lang akong katawa-tawa.
Hanggang sa umalis sila ay ganoon ang ginagawa ko. Tanaw ko pa rin sila habang naglalakad palayo ngunit hindi pa rin ako umaalis sa aking pinagtataguan. Kung ang dahilan ba ay ang pakiramdam ko na kasalukuyan akong nakapako sa lupa o wala akong lakas ay hindi ko na alam.
Tanging nasa isip ko lang ay ang mga nakita ko. Buong buhay ko ay si Bryant lang talaga ang lalaking gusto ko. Kasabay ng aking paglaki ay ang pagbabago rin niyon. Mas lalong naging malalim ang pagkagustong nararamdaman ko at napalitan ito ng pagmamahal. Siguro kong sa iba ko iyon sasabihin ay pagtatawanan lang ako ngunit sigurado at seryoso ako sa aking nararamdaman.
Gusto kong mainis sa aking edad dahil iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit hindi ko magawang umamin sa kanya. Sino namang maniniwala sa isang katorse anyos na kagaya ko?
At ngayon nga, may minamahal na ang lalaking mahal ko. Ginagawa ko ang lahat para makahabol sa kanya ngunit paano naman ako makakahabol kapag usapang edad na? Gayong kahit siya ay 'nene' pa rin ang tingin sa akin.
I hate to admit it pero alam ko. Kung sakali man na umamin ako ngayon ay wala ring patutunguhan. My age has something to do with this. Hindi pa ngayon, hindi pa pwede.
"Done watching?"
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa aking sarili ng marinig iyon.
"I'm sorry times two"
"For what?" ngayon ay katabi ko na siya, tulad ko ay tinitingnan din niya kung paanong inaalalayan ang kuya niyang pagewang-gewang ng girlfriend nito habang masaya silang naglalakad palayo sa kinaroroonan namin.
"Bumalik ako para magsorry sa'yo tapos hindi ko rin nagawa dahil mas pinili kong sundan si Bryant"
Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang aking luha at hindi pa rin nawawala ang kirot sa aking dibdib subalit ang pagkawala nila Bryant sa paningin ko ay isa ng malaking bagay para mabawasan kahit papaano ang sakit na aking nararamdaman. Bahagyang bumagal din ang pagitan ng pagtulo ng aking mga luha gayong kanina ay para silang mga presong nag-uunahan lumabas. I want to see Bryant but without Dei.
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng hangin.
"And what's with the times two?" aniya at inilagay ang hood ng aking jacket sa aking ulo.
"It's because I obviously did the same mistake twice"
Nagtampo siya dahil mas iniisip ko si Bryant kahit na kaarawan niya. Mali naman talaga iyon at ang bastos ng dating.
"Hindi ko na birthday ngayon so technically you only did the mistake once" aniya kasabay ng pag-unat ng kaniyang braso.
"Ginagawa mo?" nagtataka kong tanong. Matapos umunat ay diretso niya kasing itinapat ang isa niyang braso sa harapan ko kaya't nagmukhang hinaharangan niya ako.
"Wala akong panyo kaya 'yan nalang ipahid mo"
Tiningnan ko ang telang bumabalot sa braso niya. Gaya ko ay nakasuot din siya ng jacket. Hinawakan ko iyon.
Ioffer ba namang pamunas ang jacket niya. Gusto kong tumawa.
"Trenz" ani ko, sa telang nasa harapan ko pa rin nakatingin.
His jacket is made out of cotton. Sayang naman kung ipupunas ko lang sa luha ko.
Kasunod ng paghikbi ay huminga ako ng malalim.
"Pangako, this is the last time na uunahin ko si Bryant over you"