Simula
Ang story na ito ay pawang kathang isip lamang ano man ang pagkakatulad. Pangalan o lugar ay hindi sinasadyang mabanggit.
♡♡♡♡◇◇◇
Part 1
"Nilingon ni Jhana ang anak na si Jeny na kaagapay lang rin nito sa paglalakad kamusta ang pag aaral mo anak. Pasensya ka na huh," At hindi kita nasasamahan ngayong mga nag daang araw. Bilang model mo dahil kailangan kong magtrabaho para may maipambayad tayo sa upa.
Nako Ma," naintindihan ko po huwag mo na po akong alalahanin kaya ko naman tinutulongan po ako ng mga classmate ko palitan kami model nila ako minsan at model ko rin sila sagot ko sa ina. Pampalubag sa mga iniisip nito kahit na ang Totoo ay nahihirapan talaga ako kong minsan makahanap ng maimomodel ko.
Napabilis ang paglalakad namin habang papalapit sa bahay dahil pareho kami ni Mama pagod at gusto ng ihilata ang patang katawan.
"Kinabukasan sa napakainit na katanghaliang tapat lahat ng nakapilang trycecle Driver, sa terminal ay walang makuhang pasahero kaya nililibang mo na nila ang mga sarili para hindi mainip."
Nagkukumpolan ang mga ito sa malilim na bahagi at nanunuod ng kilalang noontime show sa maliit rin na television.
"Malayo palang ay natanaw na ni Elmer ang dalagitang naglalakad sa tirik na sikat ng araw maging ang asawa ng kaibigan niya na dating nag mamay ari sa trycecle na ginagamit niya. Bilang pampalipas oras lang niya. Dahil naiinip siyang tumabay sa bahay nila kasama ang kanyang inang pakialamera. Kaya napabangon siya mula sa hinihigaan niyang trycecle.
Hindi sanay si Elmer ng walang ginagawa Nawala ang pukos ng mata niya sa pinanunuod at napatingin sa dalawang Babaeng magkasunod na naglalakad.
Pawisan na ang dalagita at namumula ang pisnge."Kahit na nakapayong ito habang ang mga kasamahan niyang trycecle Driver ay sinusundan naman ito ng malagkit na tingin dahil kahit bata pa ito ay may karismang kahit sinong lalaki ay mapapalingon.
Mare!" Saan ang punta mo halika sumakay ka na tawag ko kay Helen.
"Oh, pare ginagamit mo na pala ang trycecle namin malungkot na sagot ni Helen at napatingin sa dating pag aari nilang trycecle.
"Oo, kahit paano ay may napaglilibangan ako sagot naman ni Elmer at muling napatingin sa dalagitang kasunodan ni Helen.
Sinimangotan naman ni Jeny ang matandang panay rin ang tingin sa kanya tulad ng mga kasamahan nitong trycecle Driver." Habang may kausap itong matandang Babae na nakatalikod sa kanya. Pagkatapos ay ibinaba niya ang hawak na payong ng tumapat na siya sa mga ito para hindi nila makita ang kanyang mukha.
Nagtitiis siyang maglakad para makatipid at kahit na may kalayoan ang bahay na nilipatan nila ng kanyang ina." Para kumasya ang sahod nito sa isang buwan bilang isang street sweeper at kong minsan ay basahan na pinagtutulongan rin nilang dalawa tahiin gamit ang mga pinaglumaang damit. Dahil hindi nito kayang bumili ng telang retaso na pangunahing materyales nito.
Nag aaral si Jeny sa tesda bilang isang cosmetologist." Dahil hindi naman kakayanin ng Mama niya kong magpapatuloy pa siya sa kolehiyo. Kaya pinili nalang niya ang medyo kaya ng kanyang ina."Para makatulong siya agad dahil hilig rin naman niya ang trabaho sa salon.
"Iyon nga lang ay nahihirapan rin si Jeny kong minsan sa pagbili ng mga gagamitin niyang beauty products."
Dahil may kamahalan rin kong bibilhin ang mga gamit at maging ang taong isasama niya para gawing model na kanyang pag papraktisan."Dahil wala pang tiwala sa kakayahan niya ang mga bago nilang kapitbahay at baka masira lang daw ang buhok at mukha nila.
Napatingin siya muli sa mumurahin niyang relo na nasa bisig at lalong napabilis sa paglalakad. Dahil baka mahuli na siya masungit pa naman ang instructor nila at ayaw nito na may nahuhuli sa klase nila.
Samantala binuhay na ni Elmer ang kanyang trycecle ng sumakay na si Helen.
"Saan tayo Mare tanong ko ng magsimula na kaming umandar.
Doon tayo sa training center ng tesda Pare," maghahatid lang ako ng mga order sa aking beauty products. Sayang din ang kikitain ko sa kanila kahit matagal mag bayad sagot ni Helen at napatingin sa likoran nila.
"Teka Pare, isabay na natin iyang dalagita nag aaral yan doon awat ni Helen ng makita niyang nagmamadali na itong maglakad.
"Sakay na Ineng tawag pansin ni Helen sa dalagita kahit na alam niyang mahihirapan siya na makumbinse itong sumakay.
Napalingon si Jeny sa tumawag."Wala po akong pamasahe tanggi ko sa pagitan ng mabilis na paglalakad. Habang napatingin ako sa matandang Babae na kasunod kong naglalakad kanina. Ito ang nagpapautang ng mga beauty products sa mga kapwa ko estudyante.
Puponta na rin ako doon wika ulit ni Helen sa dalagita mainit oh, sumabay ka na sa akin.
Halika na ililibre kita muling alok ko sa dalagita na mukhang nagmamadali na dahil halos tumakbo na ito sa bilis niyang maglakad at panay rin tingin sa suot nitong relo.
Muling napatingin si Jeny sa matanda wala po talaga akong ipambabayad. muling tanggi ko ngunit ayaw nila umalis at sinasabayan pa rin ako.
Libre nga Saba't na rin ni Elmer sa dalawa."Hindi kami nagbibiro nakangiting wika ko para makumbinse kong sumakay na rin ito.
Napakamot nalang sa ulo si Jeny at napilitang sumakay na rin libre lang po talaga huh," paniniguro ko ng makaupo na.
"Oo, nga Sigurado basta sinabi namin sagot ni Elmer. "Laki rin ako sa hirap at madalas na magsakay ng libre saan nga ulit tayo muling tanong ko sa dalawa.
Doon Pare sa training center ng Brgy. Sagot ulit ni Helen kay Elmer.
"Hindi ko alam yon ituro niyo nalang sa akin sagot ni Elmer.
Sige po Manong maraming salamat po talaga sagot ni Jeny sa matandang Driver." Bilang pasasalamat na rin niya sa Dalawang matanda. Pagkatapos ay sinimulan na niyang ituro ang daan patungo sa training center ng Brgy. ngunit ng makarating sila ay nagsisimula na ang klase.
Natanaw ko agad ang instructor ko na nakatingin sa akin ng masama at naglakad palabas.
Jenny!" Late ka nanaman sigaw ni Yeng sa pinakabatang tinuturoan wala kapang dalang model mo pumasok ka pa salubong ang kilay kong wika kahit na pababa palang ito sa trycecle.
Hindi napigilan ni Elmer ang hindi magsalita at napatingin rin sa galit na instructor ang sungit naman ng nagtuturo sa inyo Ineng naawang wika ko at pinatay ko ang makina ng motor.
"Oo, nga po nahihiyang sagot ni Jeny sa dalawang matandang kaharap pero kailangan ko rin po Manong taposin ang kursong kinuha ko. Para makakuha po ako ng tesda certificate at makatulong kahit papano sa Mama ko.
Masungit talaga na instructor iyang si Ma'am Yeng, pero mabait yan kong makikilala mo ng tuloyan. Ganyan lang siya sa umpisa Saba't ni Helen.
Halika na Ineng sa loob at ng mapaubos ko na rin itong mga paninda ko. Mamaya nalang ang bayad ko Pare huh," magbebenta mo na ako pag uwi ko ay saka ko nalang ibibigay sa'yo. Ikaw kasi pinasakay mo ako wala pa akong benta natatawang wika ni Helen pero napabilis naman kami nitong si Ineng salamat huh," at nagpatiuna ng maglakad papasok buhat ang mabibigat niyang mga dala.
Tango lang ang sagot ni Elmer sa kumare niya at napahanga naman siya lalo sa sinabi ng dalagitang kaharap at muli kaming napatingin sa instructor nila.
Ano na Jeny!" At balak mo pa talaga makipag chismisan diyan muling sigaw ni Yeng sa estudyante at lalong napabilis ang pag paypay sa hawak niyang abaniko." Dahil kasing init ng panahon ang ulo niya sa mga matitigas ang mukhang tinuturoan.
Kabadong napabilis ang paghakbang ni Jeny papasok sa maliit nilang training center Sorry!" Po Ma'am Yeng sagot ko.
Napabuntong hininga muli si Yeng ng makalapit na si Jeny."Paano ka niyan mag aaral kong wala kang dalang model aber sige nga wika ko sa pigil na galit.
Napababa naman si Elmer sa trycecle nito at nilapitan ang masungit na nagtuturo.
Ako po Ma'am ang model niya presinta ni Elmer sa sarili.
Gulat na napalingon si Jeny sa matandang nagpasakay sa kanya ng libre tapos ngayon ay isinalba uli at hindi na sa matinding sikat ng araw kundi sa pangarap na niya.
Napataas ang kilay ni Yeng at tiningnan mula ulo hanggang paa, ang lalaking kaedaran lang nito sige na magsimula na kayo bilisan niyo.
"Okay po Ma'am Yeng, kabadong sagot ni Jeny at humila ng upoan Sigurado ka po ba talaga Manong na gusto mong maging model ko tanong ko pa rin kahit na mukhang desidido na ito.
Inikotan ni Elmer ng tingin ang mga kasamahan ng dalagitang nagugulat pa rin sa biglaang pag presenta niyang maging modelo nito." Maging ang kumare niyang si Helen na natatawa sa kanya habang abala itong mag lista at maningil ng mga pautang niyang beauty products.
Gupit ang pinag aaralan nila at talagang napasubo ako dahil matagal rin na panahon ang hinintay ko sa pagpapahaba ng buhok.
Sigurado ka po ba talaga kabadong tanong ulit ni Jeny sa matandang katabi.Dahil tila natitigilan pa ito.
Nako huwag muna tanongin Ineng baka magbago pa ang isip niyan sige ka?" Isa pa ay pagkakataon na ni Pare, maging gwapo at libre pa kaso yong Gagawa ay nag prapraktis palang natatawang Saba't ni Helen ng marinig niya ang tanong nito kay Elmer.
Natawa din si Elmer dahil sa sinabi ni Helen. "Oo, naman kalbohin mo nalang ako pag hindi maganda ang kinalabasan Ineng sagot ko at naupo na sa upoan na hinila nito.
Dahil baka pagalitan nanaman kaming dalawa ng masungit nilang instructor at inalis ko na din ang ponytail sa mahaba kong buhok.
"Wow, Manong mulagat na wika ni Jeny ang haba po pala ng buhok mo at ang ganda pa wika ko at hinawakan ang ilang hibla ng mahabang buhok nito na may paghanga.
"Oo, ilang taon ko rin iyang inalagaan ako nga pala si Elmer Dacasin tito nalang ang itawag mo sa akin pwede ba yon?" Hiling ko sa Dalagitang nasa likoran ko kaysa naman Manong masyadong nakakatanda kamot sa ulong hiling ko.
"Okay po tito Elmer, ako naman po si Jeny Vista Lagdameo." Ganting pakilala ko rin sa sarili ko. Thank you po pala sa tulong mo sa akin at sana hindi mo rin ako pagalitan kapag hindi maganda ang kinalabasan nitong trabaho ko.
Natawa ako sa sinabi ni Jeny nako hindi ako magagalit pogi naman ako maski kalbo 'di ba biro ko dahil mababakas na kabado pa ito.
Natatawang tumango nalang ako at Nilagyan ko na si tito Elmer ng tissue sa leeg para hindi pumasok ang buhok sa damit nito at Sinuotan ko na rin ng salon gown.
Pagkatapos ay kinuha ko ang suklay at gunting na gagamitin maging ang hair clip at hinati ko sa apat ang mahaba nitong buhok.
"Hmmm.." Pwede na magaling ka naman pala eh, puri ni Elmer kay Jeny habang nakatingin sa malaking salamin at nakasubaybay sa bawat ginagawa nito.
Talaga po tito Elmer pasado na sa'yo itong gupit ko.
Tango lang ang sagot ko kay Jeny ngunit lihim ko rin kinakabisa ang mukha nito dahil sa ilang araw na nakikita ko itong dumadaan sa paradahan ng trycecle namin ay kataohan ni Jhana ang nakikita ko sa dalagitang katabi ko na ngayon at gumugupit sa mahaba kong buhok.
Mula ng umalis ako at mangibang bansa ay nawalan na kami ng kontak ni Jhana at ayon sa mga dati naming kaibigan ay lagi itong palipat lipat ng tirahan kong natuloy siguro ang ipinagbubuntis nito ay kaedaran na ngayon ni Jeny ang naging anak namin.
Napatayo si Yeng mula sa kinauupoan at inikotan niya muli ang mga estudyante."Oh, huwag mo naman ubosin ang buhok niya Jeny!" magtira ka para may kukulayan at irerebound ka pa sa susunod na araw.
Wika ko habang inuusisa ang trabaho nito samahan mo nga lagi itong batang 'to nako nanggigil ako sa kanya dahil madalas walang dalang model niya wika ko sa ginugupitan nitong lalaki.
Talaga Ma'am sagot agad ni Elmer sa kalmado ng instructor ni Jeny kapag ganitong oras naman ay libre ako kaya pwede ko siyang samahan.
"Yon naman pala eh, sa friday sumama ka sa kanya dahil rebound ang ituturo ko sa kanila huwag naman kayong magpahuli ni Jeny at baka abutin tayo ng madaling araw bago matapos kaya umaga tayo magsisimula wika ni Yeng." Habang inusisa muli ang pag gugupit ni Jeny madali ito matuto ngunit kulang sa pera na pambili niya ng mga beauty products at model.
Nahihiyang napatingin si Jeny kay Elmer dahil sayang ang kikitain nito kong ma–aabala ng halos isang araw.
"Yes, Ma'am.
Sagot ulit ni Elmer dahil hindi makasagot si Jeny at napatingin pa sa kanya marahil ay iniisip nito ang abala niya sa trabaho ko.
Tahimik lang na tinapos ni Jeny ang pag gupit sa buhok ni Elmer at pinagpag ng brush ang maliliit na hiblang dumikit sa salon gown.
Kunti nalang ay po–pogi na ako nito wika ko sa natahimik na dalagita kaya habang libre ang pag papasalon ko ay susulitin ko na natatawang biro ni Elmer at tumayo na sa upoan.
Napangiti si Jeny dahil sa sinabi ni Elmer.
"Muling napalingon si Yeng sa mga estudyante at model nilang nagsitayoan na agad."Hindi pa kayo tapos may pedicure pa balik sa upoan sigaw nito.
Napakamot sa ulo si Jeny ng marinig muli ang sinabi ng instructor nila."Ma'am Yeng talaga hindi niyo pa sinabi agad sagot ko dahil mabuti nalang ay lagi kong dala ang mga gamit ko.
Nagrereklamo ka ba Jeny!" Nakataas ang kilay na wika ni Yeng habang umiikot ulit sa mga ibang tinuturoan nito.
Huwag muna Kontrahin Jeny wika ni Elmer.
Ganyan talaga kasungit ang mga menopause natatawang bulong ko habang ipinatong na nito ang marumi kong paa at kuku sa ibabaw ng tuhod niya at sinimulang linisan ito.