Ikalawang Pahina

1493 Words
Part 2 "Nang matapos ang klase nila ay muling isinabay ni Elmer si Jeny. Tito Elmer Maraming salamat po sa tulong mo kapag kumikita na ako ay babawi po talaga ako halos naluluhang wika ni Jeny at bumaba na sa trycecle. Nako wala yon Jeny sige na ingat ka ayaw mo ba talaga na hanggang sa bahay niyo ay ihatid kita. "Hindi na po tito kaya ko na lakarin hindi rin po kakasya ang trycecle niyo doon sa eskinita. Tango lang ang sagot ko kay Jeny at hinatid ko nalang ito ng tanaw habang papalayo at subrang magaan ang loob ko sa kanya. "Samantala oh, anak kamusta ang klase niyo bakit ang bilis mo tanong ni Jhana sa anak."Sabay tingin pa sa orasang nakasabit habang ang dalawang kamay naman ay abalang mag tahi ng basahang ilalako niya. Ayos naman po Mama sagot ko sa ina malapit ka na magkaroon ng anak na beautician kunting kembot nalang po ay matatapos na ako at tsaka sumakay ako sa trycecle Ma, may nalinisan kasi ako kaninang umaga pagsisinungaling ko at ibinaba ko agad ang dala kong mabigat na bag na puro pampaganda ang laman. Kinuha ko naman ang gunting at nagsimula nako sa pag gupit ng mga luma naming damit na naging isa rin sa malaking tulong kay Mama ang halos patapon na naming damit ay nagiging pera pa pambili ng pang araw-araw na pagkain habang ang sinasahod niya sa pagwawalis ay nakalaan talaga sa pambayad ng bahay. Magpahinga ka muna utos ni Jhana sa anak marami pa naman ang mga retaso pagod ka at baka maging mabigat yang kamay mo sa pag pedicure ganon daw yon para hindi mo masaktan ang mga magiging customer niyo sa salon. Napahalakhak ako sa pinagsasabi ng ina naniniwala ka pa rin sa kupong–kupong na pamahiin Ma, hindi na uso yan ngayon rebound palang ubos na ang lakas ng kamay at katawan basta para sa akin Ma, kong pagod na ang kamay ay huwag ng ipilit na mag pedicure para hindi masira sa customer. Wala na akong sinabi ikaw na ang tama kamot sa ulong sagot ni Jhana kay Jeny at hinayaan na ito. Lumipas ang mga araw at naging kasama ni Jeny sa pagtatapos ang tito Elmer nito dahil siya ang naging modelo hanggang sa dulo at nasaksihan nito ang lahat ng paghihirap niya para matuto. Naluluhang tinitigan pa ni Jeny ng matagal ang tesda NC2 certificate na patunay sa hindi birong training para makuha ito kahit na hindi man ito ang pinakamataas na kursong pangarap ko pero kahit paano naman ay magagamit ko pa rin. "Baka matunaw yan huwag mo masyadong titigan biro ni Elmer kay Jeny at kinamayan ito congratulations!" Maraming salamat po tito wika ni Jeny lalo na sa malaking tulong mo sa akin at naluluhang niyakap ko ito bigla. Batang ito paiiyakin pa ako sabay gulo ni Elmer sa mahabang buhok ni Jeny at tila kami mag ama na nagpapalitan ng pasasalamat at pagbati. Dapat lang talaga na pasalamatan ka ni Jeny wika ni Yeng sa likoran ng dalawa." Dahil kong wala ka ay hindi siya natapos mag aral. Ikaw ba naman ang masipag pumasok kahit late pero walang model natatawang biro ko na sa pinaka batang estudyante ngunit ito naman ang pinaka mabilis matuto. Humiwalay ako mula sa pagkakayap kay tito Elmer at hinarap ang instructor naming kalmado na ang tuno ng boses ngayon. Ma'am Yeng talaga hindi muna ako ngayon inaaway kasi hindi na tayo magkikita kaya naging mabait ka na ngayon sa akin ganting biro ko. Napamura si Yeng sa biro ni Jeny Letche!" Ka Tigilan mo nga ako lokong batang 'to pilusupo halika sabay lahad ko ng braso para yakapin rin ito. Niyakap ko rin ang masungit kong instructor na ngayon ay nagagawa na niyang biroin ako. Huwag mo akong kalilimotan kapag naging mayaman ka na dito mo lang ako matatagpoan sa training center natin magtuturo ako hangga't kaya ko pa wika pa ni Yeng sa estudyante. "Oo, naman Ma'am promised po sagot ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang pakakayap sa masipag naming instructor. Sige na umuwi na kayo Good luck, sa papasokan niyong trabaho basta lagi niyong tatandaan ang mga naituro ko sa inyo bilin ulit ni Yeng sa mga ito. "Yes Ma'am Yeng Maraming salamat po sagot naming lahat at masaya ng nagsilabas sa ilang buwan rin naming naging eskwelahan. Tulad ng dati sakay ulit si Jeny sa trycecle ni tito Elmer." Niya ngunit nagtaka ito ng iba ang daraanan nila. Surprise!" Nagustohan mo ba nakangiting tanong ko kay Jeny ng itigil ni Elmer sa pag aari niyang restaurant ang trycecle. Nagulat si Jeny sa surprise ni Elmer Mahal po ang pagkain nila dito tito gulat kong sagot at napapailing pa ng yayain na niya akong bumaba. Natawa si Elmer sa dalagitang natakot bigla sa presyo ng kakainin nila kahit na nasa labas palang sila ng restaurant." Halika na hindi tayo mabubusog kong titingnan lang natin dito sa labas natatawang hinila ko ito para makababa hanggang sa makapasok kami ay hawak ko pa rin ang kamay nito dahil baka tumakbo pa palabas at ipinaghila ko pa ito ng upoan niya. Pumili ka ng kahit na anong gusto mong kainin sabay abot muli ni Elmer sa menu. Namimilog ang mata ni Jeny sa presyo ng pagkain dahil halos pang ilang buwang budget na namin sa pagkain at kasama na upa sa bahay ang halaga ng isang order. Hinalbot ni Elmer ang menu kay Jeny dahil mukhang titingnan lang nito." itinuro ko sa inip ng waiter ang alam kong hindi pa ni Jeny nakakain base sa reaction nito. Tito ang gastos mo Mahal po yong mga inorder mo dalawa lang tayong kakain wika ni Jeny ng umalis na ang waiter. Special day, mo ngayon Jeny kaya dapat tayong mag celebrates parang anak na din kita alam mo ba yon wika ni Elmer. Napatulo ang luha ni Jeny. "dahil sa narinig dahil ang pangarap kong ama ay ito ang pumuno sa maikling araw na nagkakasama kami dahil baka hindi ko na rin ito makita ng madalas mula sa susunod na araw. Mag sisimula na rin kasi ako ng bagong kabanata ng buhay ko kahit siguradong mahihirapan akong makahanap ng trabaho dahil under age pa ako sa edad na seventeen. Nako naiyak nanaman tahan na alo ni Elmer sayang ang inilagay mong makeup sabay dampot ko ng tissue at pinahidan ang luhaang mata ni Jeny. Maski paglalagay ng pagkain sa plato nito ay aligaga si Elmer."kain ng kain nagpabalot ako para naman sa Mama mo para makatikim rin siya wika ko dahil halos ayaw ng galawin ni Jeny ang kalahati ng pagkaing inorder ko. Halos busog na busog kami pareho ni Tito Elmer ng matapos kumain at inihatid niya ako ulit malapit sa eskinitang patungo sa bahay namin. "Saan ka galing anak sita ni Jhana." akala ko ba ay tapos na ang training niyo usisa ko kay Jeny habang inaayos ko ang gagamitin kong walis ting–ting. Kumain ka muna Ma, sagot ni Jeny sa paalis nang ina."bakit hapon ang pasok mo mainit pa ah, takang tanong ko dahil pang umaga lagi sila. Nakaaway ko kasi yong boss namin inilipat ako sa panghapon sagot ni Jhana sa anak. Masarap ba yang dala mong pagkain sabay usyuso ni Jhana." sa paper bag na dala ni Jeny ngunit para lang magulat sa tatak ng restaurant at agad nitong itinulak palayo dahil pag aari ni Elmer yon. Saan ka kumuha ng pera Mahal ang pagkain na yan may himig na galit na tanong ni Jhana sa anak." may hindi ba ako nalalaman anak magsabi ka nga ng Totoo may boyfriend ka na ba ha." Ma!" Ano ka ba ang bata–bata ko pa para mag boyfriend sagot ni Jeny at kinabahan sa reaction ng ina."bigay lang sa akin yan nong matandang kaibigan ko parang mayaman siya Mama kasi kaya niyang kumain sa mamahalin kahit na nagtrytrycecle lang siya. Napakunot ang noo' ni Jhana."dahil sa narinig na sinabi ng anak ikaw ngang bata ka huwag kang nakikipag kaibigan sa taong bagong kilala mo lang at sumasama ka pa itapon mo nga yan baka may inilagay pang kong ano diyan galit kong utos sa anak. Mama!" Walang nilagay diyan mamahalin pa hindi namin binili sa turo–turo yon ang madumi kong minsan may langaw kamot sa ulong sagot ni Jeny sa inang nagalit nalang bigla. Basta mula ngayon ay dito ka lang hala manahi ka na nga diyan at huwag ng lalabas pa wala ka rin namang mapapasukan pang trabaho ang bata mo pa mahigpit na bilin ni Jhana sa anak. Kinakabahan ako sa sinasabi nitong matandang kaibigan hindi kaya si Elmer na ang tinutukoy ni Jeny nakita na ba niya kami kong saan nagtatago." baka kunin na rin niya ang anak ko at ilayo sa akin may takot na nararamdaman si Jhana sa bagong kaibigan ng anak nito. Habang Panay tulo ng luha nito papalayo sa maliit nalang inuupahang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD