Part 3
Samantala Anak!" Galing ka daw sa restaurant at may kasama ka pa daw na halos wala na sa kalahatian ng edad mo at hatid sundo mo pa nahihibang ka na ba huh, nagagalaiting sigaw ni Elma.
Kong ano–ano na ang pinaggagawa mo sa buhay galit na bulyaw muli ni Elma."Sa anak na si Elmer dahil kong hindi trycecle Driver ang trip nito ay mangbabae naman ngayon at mas bata pa sa edad nito ang kinuha niya.
B–Bakit?" Nanay wika ni Elmer." Mayaman ka na komportable na ang hinihigaan mo at kumakain tatlong beses sa isang araw mas higit pa nga sa tatlong kain ang buhay na naibigay ko sa'yo. sagot ko sa nanggagalaiting ina at naupo sa mini bar pagkatapos ay sinalinan ko ang hawak na baso ng alak at deretsong nilagok.
Dinampot ni Elma, ang tsenelas at buong lakas na ibinato sa naglalasing na anak kahit hapon palang ay nagsisimula nanaman itong mag inom. Nanunumbat ka ba isumbat ko rin kaya sa'yo ang pagbubuntis ko sa'yo ng siyam na buwan at pag papa–aral namin ng Tatay mo iyan ba ang itinuro sa'yo ng bago mong Babae.
Nahilot ni Elmer ang ulong tinamaan ng tsenelas at nilingon ulit ang galit na ina hindi ako nanunumbat Nay!" ang sa akin lang ay bigyan niyo naman ako ng kalayaan hindi na ako ang batang inaalagaan niyo noon." forty five years old na ako Nay!" Para turoan at sabihan niyo ng gagawin ko sa buhay.
Ano naman ngayon kong kumuha ako ng mas batang asawa pang iinis ko pa lalo sa galit na ina.
Tanga!" ka galit na bulyaw muli ni Elma sa anak." iyan ang huwag na huwag mong gagawin dahil pera mo lang ang kailangan nila sa'yo at hindi ka mamahalin at iiwan ka rin kapag naubos na ang perang pinaghirapan mo ng ilang taon sa abroad. wala ng tatanggap na trabaho sa'yo dahil matanda ka na kapag naubos ang pera mo.
"Hmmm..!" tulad ba ng ginawa ni Jhana Nay!" Muling sagot ko sa ina.
Dahil sa narinig ay napatayo agad si Elma."mula sa kinauupoan at tinalikuran si Elmer dahil inuungkat nanaman nito ang tungkol sa nakaraan niya. dahil natatakot na akong pag usapan pa ang tungkol kay Jhana dahil ako ang may kasalanan kong bakit ito nakunan.
Napangiti si Elmer."dahil tumahimik na ang ina at iniwan na siya nito."Buhat ng umuwi ako ay inalam ko ang Totoong nangyari ngunit huli na pinagtatagoan na ako ni Jhana kaya bilang ganti ko sa malditang ina ay puro sakit ng ulo niya ang ganti ko.
Inubos ko ang kalahating bote ng alak bago umakyat sa kwarto.
Lumipas ang isang buwan ay subrang naiinip na si Jeny."dahil naubos na ang retasong tahiin niya kaya lumabas ito ng bahay at kinatok ang mga kapitbahay nila.
Ate Sally may mga patapon na ba kayong pinaglumaang damit wika ni Jeny sa kapitbahay.
"Oo, naman Jeny sagot ni Sally."marami halika pasok ka at maghahanap tayo pero mamaya balikan mo ako huh, mag papalinis ako sa'yo ng kuku. Sayang yong pinag aralan mo bakit hindi ka nalang mag home service kong hindi ka pa pwedeng tanggapin sa salon.
Nako ate Sally salamat sa idea mo masayang sagot ni Jeny."mabuti nalang at lumabas ako naiinip na talaga ako sa bahay naubos na kasi yong retaso na ginagawa naming basahan ni Mama hayaan mo bibigyan nalang kita ng basahang magagawa ko.
Ito naman okay lang yon wika ni Sally." natutuwa nga ako dahil hindi ko na kailangan pang itapon sa basura ang pinaglumaan naming damit dahil pwede palang i–recycled para mapakinabangan pa.
Halika tulongan muna ako para mabilis tayo yaya ko kay Jeny at binuksan ko ang mga dorabox sa kwarto naming mag asawa at pumili ng luma naming damit na ibibigay ko sa kanya.
Tama na ate Sally awat ni Jeny."Nang halos mahigit isang sako na ang nakuha nilang dalawa dahil nangatok pa ito sa mga ibang kapitbahay nila.
Pasan ni Jeny ang mabigat na sako pauwi sa bahay nila ng matanaw nito ang kanyang ina.
Ano yan takang tanong ni Jhana sa anak ng makitang hirap na hirap ito sa mga dala.
Mga lumang damit Ma, sagot ni Jeny." nahinge ko sa mga kapitbahay natin naubos na kasi yong damit natin baka pati suot nating dalawa ay gawin ko na ding basahan. Natatawang biro ko at muli ng naglakad pauwi dahil may hahakotin pa ako na naiwan.
Inipit ni Jhana sa kili–kili ang walis ting–ting na dala at tinulongan ang anak na hirap sa pagbubuhat."Iwan muna dito ako na ang magpapasok Maraming salamat kamo sa mga bigay nila.
Makakarating po Ma, kaya mo ba talaga paniniguro kong tanong ng ibaba ko na ang buhat na sako.
"Oo, naman kaya pa nga kita itapon lalo na kapag matigas ang ulo mo biro ni Jhana sa anak at binitiwan na ang nakaipit na walis sa kili–kili niya. Para ipakitang malakas pa siya ay agad niyang pinasan ang may kabigatang damit.
Pumalakpak pa si Jeny ng maipasok nga ng ina nito sa bahay nila ang mabigat na sako ng damit." malakas pa talaga ito pagdating sa mabibigat na trabaho kaya muli ko na binalikan ang mga naiwan ko pang nahinge sa kapitbahay.
Ngunit hindi pa ako nakakaliko ay natanaw ko na agad ang may ari ng bahay na inuupahan namin kaya patakbong napabalik ako kay Mama.
M–Mama!" Mag Tago ka bilis nandyan si aling Carmela utos ko sa ina na halos pabulong lang dahil wala pa silang sahod kaya hindi pa kami nakakapagbayad sa upa maging ang dalawang buwan na deposit ay hindi pa rin nito naibibigay.
"Sige anak sagot ni Jhana."mabuti at nakita mo siya agad kamot sa ulong sagot ko at Nagmamadali na isinara ko ang pintoan para magtago dahil wala pa akong perang pambayad.
Kunyaring pinulot ko ang nabitiwang walis ni Mama at kahit wala namang duming wawalisin ay panay ang pag wawalis ko sa tapat ng bahay.
Nasaan ang magaling na Mama mo Jeny may himig na galit na wika ni Carmela. isang buwan na kayong walang bayad huh, tsaka yong pangako niyang dalawang buwan na deposit. Ay hindi naman niya hinuhulogan naawa lang ako sa inyo kaya pinatira ko kayo dito kahit isang buwan lang na advanced abay abuso naman yan.
"Tingnan mo sinadya ko pa kayong puntahan na dapat sana ay kusa niyong ibigay sa tindahan ko?" Nadadaanan lang ninyo sa labasan pero hindi niyo magawa or talagang umiiwas kayo at sa kabila nagdaraan. Malumanay ngunit may diin kong wika sa dalagitang anak ni Jhana.
Pasensya na ho, Aling Carmela kapag dumating po si Mama ay sasabihin ko at ako mismo ang puponta sa tindahan niyo. para magbayad sagot ko sa matandang kaharap na pilit kinakalma ang sarili dahil sa galit nito kay Mama.
Sisiguraduhin mo lang Jeny dahil pasensyahan tayo kapag pinaalis ko kayo kailangan ko rin ng pera. kaya ako nag papaupa may mga estudyante pa akong pinag aaral sana naintindihan niyo rin ang lagay ko wika ni Carmela.
Naiintindihan ko po kayo Aling Carmela pasensya na po talaga hinging paumanhin ni Jeny at kagat labing pigil ang huwag mapaluha dahil sa nakakaawa nilang sitwasyon na mag ina.
"Sumabay na rin ako ng mag lakad na paalis si Aling Carmela."pagkakuha ko sa mga naiwang dala ay binalikan ko na agad si Mama nagsisimula na itong magtabas ng mga lumang damit na nahinge ko.
Ako na ang gagawa diyan Ma, mamaya pagkatapos kong linisan si ate Sally ng kuku magpahinga ka muna.
Kailangan nating makabayad anak sagot ni Jhana."kaya bawal magpahinga dahil baka sa kalye ulit tayo pulotin. ikaw ang mag pahinga kaya ko na ito utos ko sa anak at muli kong nilagyan ng sinulid ang maliit na makina kahit paano ay nakikisama pa rin sa amin dahil hindi pa ito bumibigay.
Nahilata ako sa maliit naming kutson ni Mama ngunit hindi naman ako makatulog. dahil lumilipad ang isip ko kailangan namin ng one thousand five hundred ngayong araw para may maipambayad kay Aling Carmela.
Sumapit ang oras ng pagbalik ni Jeny sa bahay ni Sally bitbit ang gamit sa paglilinis ng kuku at maliit na upoan." halos nasa labas ang mga kapitbahay namin dahil oras ng paglalaro at merienda ng mga bata.
Naghohome service ka na pala Jeny ako rin pagkatapos mo kay Sally at para ng taniman sa bukid itong kuku ko wika ni Rich.
"Oo, Sige po ate Rich kailangan kong kumita ngayon pambayad sa upa baka may gusto pa diyan mag palinis ng kuku or mag pa footspa sagot ni Jeny habang kumatok na sa bahay nila Sally.
Maghahanap ka pa ng iba ako muna bago sila nauna ako sa kanila saba't ni Sally kay Jeny ng pagbuksan niya ito ng pintoan. diyan nalang tayo sa labas para makarami ka ng customer dahil maiinggit rin ang mga yan at gagaya sa amin ni Rich. pero halika muna dito sa loob mag merienda ka muna bago tayo magsimula.
Nang matapos naming mag merienda ni ate Sally ay inumpisahan ko na linisan ang kuku nito sa labas ng bahay nila at tama nga ito dahil marami ang naiinggit. dahil unang sabak ko palang ay apat na customer agad." nanakit agad ang likod ko ng matapos at ang iba ay bukas ko nalang daw balikan kaya subrang masaya ako ng iligpit ko na ang gamit ko at agad kong pinuntahan ang tindahan ni Aling Carmela at inabot ko sa kanya bilang paunang bayad ang kinita kong limang daang piso.