Ika apat na pahina

1372 Words
Part 4 "Dahil binigyan ako ng tip nila ate Sally at ate Rich kaya isang libo nalang ang kailangan ko. sana ay makarami ako bukas para kunti nalang ang kailangan at makakabayad na rin kami five hundred lang ang upa namin sa maliit na bahay pero halos hirap na hirap pa kami makabayad ni Mama. Idagdag pa ang tubig at kuryente na medyo malaki rin dahil sa makinang ginagamit namin sa pananahi napabuntong hininga nalang si Jeny sa problemang naiisip. "Hmmm.."kailan kaya ulit ang kasunod nito baka umabot nanaman sa bayaran niyo wika ni Carmela kay Jeny." magiging one thousand five hundred ulit yon. Bukas po maghuhulog ako ulit sa'yo sagot ni Jeny." may mag papagupit at pedicure daw sa akin sige po paalam ko sa matandang umaliwalas na ang mukha kahit paano. Kamusta ang trabaho mo anak nagustohan ba nila tanong ni Jhana sa anak ng makitang papasok na ito. "Oo, Ma!" nakapag bayad na nga po ako kay Aling Carmela one thousand nalang ang kulang natin sa kanya meron pa akong customer bukas. sana makarami ulit masayang pagbabalita ko sa inang pilit pa ring tinatapos ang pananahi nito. Hayaan mo anak at ilalako ko rin agad bukas itong mga natapos ko para makadagdag rin ito tingnan mo sabay kuha ko sa mga basahang natapos. paki tali mo nga ito pagkatapos ay kumain ka na para makatulog ka ng maaga. "Okay Ma, ikaw kumain ka na ba tanong ni Jeny sa ina. "Oo, tapos na kong hindi ka pa dumating ay lalabas na sana ako para hanapin ka anak. "I love you, Ma sabay yakap ko at hinalikan ito sa pisnge kunting tiis pa magiging mayaman ka rin at mabibili mo ang lahat ng gusto mo pangako yan Ma, at magkakaroon tayo ng sarili nating bahay. iyon ang uunahin ko negosyo at bahay para hindi na tayo pinalalayas lagi kapag wala tayong perang pambayad pangako ni Jeny sa ina. "Ah, Letche!" Kinulang ka yata sa kain anak at nangangarap ka nanaman ng gising naluluhang wika ni Jhana at gumanti sa yakap ng anak."pasensya ka na anak kong ito lang ang buhay na kaya kong ibigay sa'yo malayo sa pangarap mong buhay. Ma!" Mayaman naman tayo ngayon sa pagmamahal kahit na mahirap lang ang nakayanan mo pero nakikita ko ang hirap at sakripisyo mo sa bawat araw sagot ko sa ina at pinahid na ang naglandas na luha sa mata nito. Tumayo nako at binuksan ang kalderong halos nangingitim na dahil sa uling ang gamit naming lutoan at kong minsan ay kahoy. Tinitigan ni Jhana ang himbing na anak at itigil na ang pananahi para hindi ito maistorbo." may magandang buhay ka sana anak sa poder ng ama mo pero ayukong maranasan mo ang buhay na naranasan ko sa lola mo. Kaya pasensya ka na kong mahirap na buhay ang pinili kong maging buhay mo. dahil may karapatan kang sumaya kahit wala tayong pera bulong ko sa isipan at inayos ko ang kumot nitong nalilis. Kinabukasan ay maagang gumising si Jeny para balikan ang mga customer na hindi natapos kagabi nakapila na ang mga batang magpapagupit sa kanya ng lumabas siya. Idinikit ko sa pader ang mga model ng gupit na pagpipilian nila eskinita ang nagsilbing salon ko. "Samantala nakatayo si Jhana sa gitna ng highway habang may hawak itong basahang bilog sa isang kamay at sa kabilang balikat naman nito ay ang may kabigatang malaking plastic bag." Dinala ko rin ang natahi kong malalaking sized na basahan isinabit ko lang ang kalahati sa plastic na buhat ko para makita rin ng mga bibili. Mata lang ang kita sa mukha ko dahil tinakpan ko para hindi masunog sa matinding sikat ng araw. Tumigil ang usad ng mga sasakyan kaya hudyat na ulit para mag alok kami ng mga paninda. Sigarilyo at tubig naman ang itinitinda ng mga kasamahan kong side walk vendor rin. Isang dozens nga ho, nang bilog na basahan tawag pansin ni Elmer sa hindi malamang edad ng nagtitinda dahil saradong sarado ang mukha nito. "Hoy Jhana mukhang kumota ka kanina maraming bumili sa'yo huh, natatawang sita ko ng pauwi na kami sakay ng pedicab ko. "Oo, medyo Mare Leizel sagot ko sa nag uusisang kaibigan. Muling nagsalita si Leizel habang nagpepedal ng sidecar na sinasakyan nila. kamusta na ang inaanak ko nagagamit na ba niya ang pinag aralan niya. "Oo, Mare kahit paano ay nakabayad na kami sa upa itong kinita ko ngayon ay pandagdag ko nalang sa kulang. sana pasahudin na tayo bukas problemadong sagot ni Jhana sa kaibigan. Mabuti kong ganon Mare kaysa sa mga anak ko puro bulakbol kainaman nga lang ay hindi kami tulad niyong nangungupahan. "Oo,nga mare Leizel mahirap talaga ang walang permanenteng bahay. Ninang!" Masayang tawag ni Jeny ng matanaw ang ina at Ninang Leizel nito. Nakatambay ako sa tindahan ni Aling Carmela dahil ibinayad ko ulit ang kinita kong six hundred ngayong araw. Kagandang bata talaga oh, puri ni Leizel sa inaanak."sabay baba agad namin ni Jhana sa pedicab at mahigpit Kong niyakap si Jeny kamusta ka na isang taon nalang dalaga ka na. "Oo, nga po gusto ko na hilahin ang araw ng birthday ko Ninang para hindi na ako under age at makapag trabaho sa sikat na salon. para hindi kami papalayasin ni Aling Carmela natatawang sagot ni Jeny. Ligtas ka na Jhana four hundred nalang ang kailangan mong bayaran at sa susunod na linggo ulit tayo magkikita natatawang Saba't ni Carmela sa usapan. Talaga anak Totoo ba ang sinasabi ni Carmela. nagulat na tanong ni Jhana kay Jeny na panay yakap sa Ninang liezel nito. "Yes Ma, kumita ulit ako kanina sagot ko sa hindi makapaniwalang ina."Aling Carmela baka gusto mo rin po magpakulay at pedicure sa akin nalang para mabawi ko ang kinita mo sa amin biro ko sa matandang kasera. Lintik kang bata ka ang talino mo masyado sagot ni Carmela."pero sige sa susunod ikaw na ang magiging taga pedicure ko. Napangiti si Jeny dahil may isa nanaman itong magiging customer. paano maiwan ko na kayo paalam ni Leizel inihatid ko lang ang Mama mo binabarikos na sa kakalakad paalam ko sa mag ina at muli na akong sumakay sa pedicab ko. Ingat Ninang sigaw ko sa papalayo ng matalik na kaibigan ni Mama. Halika na umuwi na rin tayo anak Yaya ni Jhana sa anak."ito nga pala ang kulang namin na four hundred Carmela sabay abot ko ng pera pasensya ka na kong medyo natagalan hinging paumanhin ko. "Okay lang pareho tayong gipit Kong minsan kunin muna itong isang balot na ulam. para hindi na kayo magluto dala yan sa akin ng kapatid ko may handaan sa kanila hindi naman ako nakapunta wika ni Carmela. Maraming salamat po Aling Carmela sa uulitin wika ni Jeny."At kinuha na ang plastic na may ulam dahil makakatipid ulit silang mag ina. Mama ang saya sa pakiramdam na wala na tayong utang kahit ilang araw lang hayaan mo mula ngayon ay sisipagan ko na mag home service. para magamit ko ang mga gamit na binili mo sa akin wika ni Jeny sa ina habang naglalakad na sila pauwi. "Huwag kang nagpapagod anak baka magkasakit ka naman okay lang yong sideline tatlong beses sa isang linggo masyado kapang bata wika ni Jhana sa anak. Tango lang ang sagot ko sa ina ngunit buo na ang loob ko na mag sipag. para hindi na maulit na mapalayas kami sa tinitirhan at pupuntahan ng may ari para singilin. "Nang makapasok kami sa bahay ay binilang ko ang natirang pera at napatingin sa kalendaryo ilang tulog lang ay meron nanaman kaming bayarin. "Ma!" Okay ka lang may utang pa ba tayo takang tanong ko dahil halatang malalim ang iniisip nito. "Huh, Oo!" anak ayos lang ako pagsisinungaling na sagot ni Jhana." kakain na ba tayo gulat kong sagot sa nagtatakang mukha ni Jeny wala na tayong utang anak binibilang ko lang ang sasahodin ko at itong natira sa pinagbentahan ko naibigay mo ba ang iniwan kong basahan para kay Sally. "Oo, Ma!" Nag order pa nga ng anim na piraso ako na ang bahala bukas igagawa ko siya sagot ko sa ina at naghanda na ng pagkain naming dalawa. "Kinabukasan ay naging abala naman ako sa pananahi ng basahan na order ni ate Sally.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD