Ikalimang Pahina

1592 Words
Part 5 "Lumipas ang mga buwan anak!" Ito ang pera mamalengke ka mamaya utos ni Jhana sa anak." Pang budget natin wika ko habang hinahakot ko ang mga paninda kong basahan na order sa akin. "Okay Ma, hindi na may pera ako dito itabi mo nalang yang pera mo gusto mo ba ihatid kita sa kanto. nandiyan na ba si Ninang Leizel sabay akmang tatayo na si Jeny para ihatid sana ang ina. Kaya ko na 'to anak taposin mo nalang yang pagupit sa retaso para may tatahiin ako mamaya pag dating ko. Muli akong bumalik sa kinauupoan at nagsimula gupitin ng maliliit ang bagong bigay ni Ninang Leizel na mga lumang damit nila bilang pag sunod kay Mama. Makalipas ang ilang oras ay napag disesyonan ko ng pumonta sa palengke ngunit mukhang masama ang panahon. dahil makulimlim kaya nilakad nalang ni Jeny ang patungo sa palengke ngunit nakatawag pansin agad sa kanya." Ang dalawang Babaeng nag mamanicure sa gilid ng kalye kahalera ang nag rerepair ng sapatos at naglalako ng sari–saring ipit sa buhok. Ate!" Tawag ko para kunin ang atensyon nila nagbabayad ba kayo dito tanong ko nag mamanicure rin kasi ako gusto ko din sana gayahin kayo. Napalingon si Aby sa nagtatanong." Libre lang ang pwesto kahit saan mo gusto alerto ka nga lang kapag pinaalis ka. dapat magagaan lang ang gamit mo bumili ka ng ganitong bag para hihilahin nalang at pwede mo rin ipatong ang pauupoan mo sa customer. Mukhang bata ka pa sugal rin ang mag trabaho dito Ineng dahil kalaban natin ang init at ulan. pero walang amo at solo mo yong kita hindi na rin problema ang customer dahil iyan lang sila padaan daan pero meron ding maarte. Kahit anong araw mo gustohing magsimula ay pwede mahabang litanya ko sa nagtatanong na dalagita. Maraming salamat po sa pag sagot mo ate ako nga pala si Jeny pakilala ko sa dalawang manicurerista. Ate Aby at Rica sagot ko at kinamayan ito. Aasahan kong makikita pa tayo sa susunod na araw pahabol kong sigaw kay Jeny ng maglakad na ito palayo. "Oo, ate Aby gusto mo bukas agad natatawang sagot ko at nagtungo na sa bilihan ng bigas at grocery. Makalipas ang ilang araw tulad ng nabuong desisyon ni Jeny. "Bitbit na nito ang maliit na upoan maging ang may kabigatan na bag pack laman nito ang mga gamit sa pag mamanicure." Para hindi magtaka si Mama kong saan ako puponta ay pinauuna ko muna itong umalis mabuti nalang at naibalik na ito sa pang umagang trabaho."Tama nga ang sinabi ni ate Aby ang magiging customer namin ay hindi na problema dahil padaan daan na sila sa harapan namin. "Hi, Ineng bati ni Aby, "akala ko ay ayaw muna tumuloy nakangiting bati ko sa bagong makakasama at inayos ko na rin ang pag pwepwestohan ko sa tabi nito kamusta may naging customer ka na ba. "Oo, ate Aby meron na pong isa tinakasan ko lang kasi ang Mama ko?" baka po hindi niya ako payagan kamot sa ulong sagot ko habang pinapahiran ko ng alcohol ang gamit ko sa manicure. Magkakaroon ka rin ng suki dito tulad namin ni Rica kaya huwag kang mainip ibigay mo ang serbisyong tulad ng sa salon at asahan mong babalik balikan ka rin nila. Maraming salamat po talaga sa payo niyo sa akin ate Aby eh, bakit nga pala ngayon lang kayong dalawa balik tanong ni Jeny. Galing kami ni Aby sa kabilang pwesto namin Saba't ko na rin sa usapan ng dalawa kaya ngayon lang kami lumipat dito. "Hmmm.. talaga po ate Rica pwede palang palipat lipat. "Oo, naman kong saan ka swertehin ay doon ka pumirmi sagot ko sa bagohan palang na si Jeny. Marami pa kaming napagkwentohan habang inaasikaso namin ang mga customer. dahil nakakaantok ang music ng mga katabi naming nagtitinda. "Lumipas ang mga buwan dahil nakasanayan na ni Jeny ang trabaho ay hindi na nito napapansing nagtatagal na pala siya sa bangketa. Hindi na namin problema ni Mama ang pangbayad sa upa. dahil kaya ko na bayaran tulad ngayon naka pila ang tatlong customer ko ganon rin sila ate Aby kaya maganda agad ang Buenamano naming tatlo. "Samantala Pababa sa trycecle na sinasakyan si Yeng para lang magulat ng unang mahagip ng paningin nito ang naging estuyante na laging late kaya agad niya itong nilapitan. Hindi kita tinuroan para maging beautician sa bangketa Jeny!" Magaling ka at may feature mataray kong wika. Napaangat ang mukha ni Jeny nang marinig niya ang galit na boses ni Ma'am Yeng at nahihiyang napatingin ito sa customer niya. Mas okay dito Ma'am wala kaming amo Saba't ni Aby," Dahil tila maiiyak na si Jeny wala po kaming piniperwisyo at nagtratrabaho kami ng maayos at ibinibigay rin namin sa customer ang kayang serbisyo ng salon. "Hoy, taba galit na bulyaw ni Yeng."Hindi ikaw ang kinakausap ko ikaw ba si Jeny bakit ikaw ang defensive sabay irap ko pa. Bastos!" Din 'tong nagturo sa'yo Jeny awatin mo nga ako at baka bunotin ko ang ma– ingrown niyang bunganga bulong na wika ni Aby. Ate!" Huwag muna pansinin pagbigyan muna ang matanda ganon talaga sila bulong ko ding awat sa napikon ng si ate Aby. Bilisan niyong tatlo muling mataray na wika ni Yeng, at huwag na kayong kumuha ng customer may bibilhin lang ako wika ko sa dalawang nagbubulongan at iniwan na sila. Nagkatinginan kaming tatlo at sinunod ang sinabi ni Ma'am Yeng. dahil baka pagalitan nanaman niya kami kahit na may pagtataka. Napatayo si Jeny sa kinauupoan nang matanaw na nito ang dating instructor bitbit ang may kalakihang supot ako na Ma'am presenta ko ng makalapit na ako. Nailigpit niyo na ba ang mga gamit niyo tanong ni Yeng."Kay Jeny habang inaabot sa kamay nito ang supot ng pinamili niya. Hindi pa Ma'am kamot sa ulong sagot ni Jeny. Hinila ko ang nakalugay na buhok ni Jeny ang tigas rin talaga ng ulo mo. hala sige iligpit niyo na at tatawag lang ako ng trycecle bilis muling bulyaw muli ni Yeng sa dating estuyante ng ayaw pa nito kumilos. Isasama ko rin ba sila Ma'am tanong ko ulit at nahilot ang anit kong medyo nasaktan ni Ma'am Yeng. Binge ka ba Jeny!" Uulitin ko pa ba ang sinabi ko nakapameywang na sagot ni Yeng. Tarantang nilapitan ko ang mga kasama at pinagligpit ng gamit nila. "Sigurado ka ba na sasama tayo sa kanya Jeny eh, ang toxic niyang kausap laging galit nakasimangot na bulong ni Rica. "Subokan lang natin ate Rica baka may maganda namang sasabihin sa atin pangungulit ko sa dalawa na alanganin pang sumama sa'kin. Ano?" Magbubulongan pa ba kayo diyan muling sigaw ni Yeng, sa tatlo at nauna ng sumakay sa trycecle. Napilitan kaming buhatin ang mga gamit at sumakay na rin sa trycecle ngunit ng makarating kami sa itinuro ni Ma'am Yeng na lugar sa Driver ay nagulat kaming tatlo. Dating salon ko ito wika ni Yeng sa tatlong kasama."Ilang buwan na ang nakakaraan buhat ng magsara malakas ang customer dito kaso hindi ko na maasikaso pa. dahil mas gusto kong ibahagi sa mga gustong matuto ang kaalaman na meron ako. Matalino ka at isa sa magaling kong naging trainees at nakikita ko na may feature ka. kahit bata ka pa tulad ng madalas kong sabihin sa'yo." Walang problema sa financial buhayin mo ito Jeny!" At kapag nakabangon ka ay saka muna ako bayaran. Nag unahang tumulo ang luha ko dahil sa narinig na sinabi ni Ma'am Yeng at nayakap ko ito ng mahigpit Totoo ba talaga Ma'am sampalin mo nga po ako. Gaga!" Ayaw mo yata sabihin niyo lang halika sa loob tingnan niyong tatlo at ng maging desente ang trabaho niyo. hindi kayo maiinitan at ma–aarawan sabay dukot ko sa bulsa ng bitbit kong bag ng susi oh, taba ikaw na ang magbukas utos ko sa kasama ni Jeny. Kabadong inabot ni Aby ang susi dahil kahit pala masungit ang matandang ito ay may busilak na puso. Namangha kaming tatlo ng makapasok dahil kompleto na lahat maliban sa mga gamit na pang rebound na expired. Itong business permit ay ako na ang bahala ayosin niyo nalang dito at pwede na rin kayong mag stayed. may dalawang kwarto sa itaas malumanay ng wika ni Yeng sa tatlong kasama. Talaga!" Ma'am pwede ko po ba isama ang Mama ko dito para hindi na kami uupa at pamasahe every day tanong muli ni Jeny. "Oo, naman bilang owner ay karapatan mo yon basta kapag kumikita ka na at kaya muna mag bayad ng renta dito ay saka mo ako bayaran ayaw ko kasing maibenta ang unang gamit na nabili ko at itong salon. May tiwala ako sa'yo Jeny!" Sana lang ay huwag niyong tatlo sirain ang tiwalang ibinigay ko wika ni Yeng. Promised!" Ma'am naiiyak ko ulit itong niyakap maging ang dalawang naging ate ko sa bangketa at umalalay sa akin. nong nagsisimula palang ako at hindi ko akalaing matutupad ko ang pangarap sa tulong ng may mabuting puso. May ngiti sa labing isinara na ulit namin ang salon at nagsiuwi para may lakas kaming maglinis bukas. Nang makarating ako sa bahay ay masaya kong niyakap si Mama, dahil sa wakas ay mababago ko na rin ang buhay niya sana nga lang ay makaya ko. "Ang saya mo yata ngayon anak tanong ni Jhana."Anong meron dahil panay ang lambing nito sa akin. Wala Ma, pagsisinungaling ko kahit kinakati na ang bibig kong sabihin ang magandang opportunity na pumasok sa akin ngayong araw pero gusto kong i–surprise siya bilang regalo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD