Part 6
"Matapos ang ilang araw naming pagiging abala at maayos muli ni Ma'am Yeng ang business permit ay excited na kaming apat sa muling pagbubukas ng salon at babago rin sa buhay ko dalawang buwan bago ang birthday ko.
This is it, girl's I'm so happy na makitang mag ningning ulit ang dati kong negosyo wika ni Yeng,"habang iniikot ang paningin sa bagong ayos na salon.
Kaming apat lang ang gumawa at puro wallpaper lang ang ginamit do it yourself dahil nagtitipid kami sa budget.
Bumili pa kasi ako ng bagong mga hair treatment at mas malaki ang nagastos ko sa business permit ni Jeny.
Handa na ba kayo sa ribbon cutting natin girl's sambit muli ni Yeng sa masayang tinig.
"Yes, Ma'am Yeng sabay–sabay naming sagot nila ate Aby at Rica.
Sige na magsiuwi na tayo para fresh tayo bukas teka akala ko ba ay isasama mo dito ang Mama mo Jeny takang tanong ni Yeng dahil hindi naman nito nakikita ang ina ni Jeny.
Gusto ko po kasi siyang i–surprise Ma'am Yeng sagot ni Jeny.
"Wow may pa shocking ka pala baka biglang ma–ospital naman yon. dahil bigla kang naging CEO na dating sa bangketa lang rumaraket natatawang biro ko kay Jeny.
Pero magandang idea yan minsan gulatin rin natin ang mga Nanay natin na may nagawa rin tayong tama.
Parang ang sama naman naming anak Ma'am Yeng Saba't ni Rica habang nagsusuot na ito ng sapatos.
Kaya nga may natin Rica ibig sabihin tayo kasama ako ikaw talaga. wika ni Yeng at pinandilatan pa nito si Rica." Tara na Yaya ko sa tatlo at nagpatiuna ng lumabas.
Nang makarating ako sa bahay ay pagod akong nahilata agad kahit na hindi pa ako nakapagbihis.
Anak!" Mag palit ka muna ng damit mo nakailang customer ka ba ngayon at parang nag araro ka takang tanong ni Jhana sa anak habang pilit na pinababangon ito.
Mama gisingin mo ako ng maaga bukas huh, at may pupuntahan tayong importante huwag mong kalilimotan. bilin ko sa ina habang pilit kong hinubad ang damit na suot at patamad kong isinuot ang binigay nitong duster.
"Saan ba ang lakad natin magpapaganda ba ako muling pangungulit ni Jhana sa anak ngunit mahinang hilik na nito ang naging sagot.
Tulad ng bilin nito hindi ako pumasok sa trabaho. dahil baka importante nga ang lakad naming dalawa bibihira kasi itong mag Yaya at madalas nga ay importante talaga may pagtataka man ngunit hindi na ako nagtanong pa ng magising ito.
Ma!" Halika dito aayusan kita tawag ko sa ina at nagsimulang pahidan na ito ng kolorete sa mukha wow!" Mukhang donya ang Mama ko ngayon may paghangang bulalas ni Jeny ng matapos." Maganda rin talaga si Mama nong panahong kabataan niya.
Inakay ko na ito palabas ng bahay namin at sa tapat nila Aling Carmela ulit kami dumaan. gusto ko rin sana imbitahin si tito Elmer ngunit hindi ko na siya nakikita pa sa pilahan ng trycecle kong saan niya ako nakita.
Anak!" Party pala ang pupuntahan natin sana sinabi mo agad at ng nakapag dala ako ng plastic. siguradong maraming matitirang pagkain pagkatapos ng handaan." Natatawang biro ko kay Jeny dahil naramdaman ko ang panlalamig bigla ng kamay nito hindi kasi ito sanay makipag sosyalan.
Mama!" Naman baka may makarinig sa'yo nakakahiya. alam kong biro mo lang pero sa iba baka akalain nilang Totoo bulong ko sa inang pilit akong kinakalma dahil naramdaman na nito ang pagiging kabado ko.
Ngunit nagulat ako ng makita ko si mare Leizel na nasa loob ng salon anak bakit nandito rin ang Ninang mo takang tanong ni Jhana sa anak.
"Let's welcome our young Ceo wika ni Yeng sa malakas na tinig ng matanaw nito sa labas si Jeny."
Pagkatapos ay hinila ko ang nakatakip nitong tarpaulin na nakatayo rin malapit sa pintoan na may malaking Ribbon.
Napakapit ako ng mahigpit sa braso ng anak habang halos nanikip ang Dibdib ko sa subrang pagkagulat at halo–halong emosyon na nararamdaman kong paano naging CEO ang anak ko. gayong wala naman kaming pera maliban nalang sa ama nitong mayaman at napatingin si Jhana sa nakangiting anak.
Inilinga ko pa ang paningin sa paligid at pilit na hinahanap ng mata ko si Elmer ngunit wala akong nakita. maski ang anino nito kaya muling napaling kay Jeny ang nagtataka kong mata.
Sabi sa'yo Jeny baka ospital ang puntahan ng Nanay mo at hindi ma–surprise. natatawang biro ko at nilapitan na sila ako si Yeng Romero instructor ni Jeny at may ari nitong pwesto. Natatandaan muna ba ako nakangiting pakilala ko sa ina ni Jeny kahit na ilang beses na rin kami nitong nagkita.
Pero ang anak mo ang mamamahala nito at kapag nagsimula na siyang kumita ay saka niya ako babayaran pakonti–konti paliwanag ko sa gulat na ina nito.
Napatulo ang luha ni Jhana."Dahil sa narinig hindi ko akalaing may ganitong malaking opportunity na darating sa anak ko Ma'am Yeng, Oo natatandaan na kita ang ganda mo kasi ngayon at subrang pag tulong na ito sa aming mag ina.
May future ang anak mo Mrs. At nakikita ko ang pagkatao ko sa kanya nong bata pa ako. kaysa masira itong salon ko ay maiging mapakinabangan niya tinulongan ko lang sila pero busy talaga ako kaya nakita mo ako ngayon.
Napakaswerte mo sa pagkakaroon ng anak na masipag at pursigidong makatulong sa'yo Mrs. Sabay lahad ko ng kamay congrats at iingatan niyo itong negosyo.
Maraming salamat po talaga Ma'am sisikapin naming linangin itong pambihirang pagkakataon na makatanggap kami ng malaking tulong sabay abot ko rin ng kalyohin kong palad kay Ma'am Yeng.
Mama Jhana ko po Ma'am Yeng pakilala ko habang hinahaplos ko ang likod ng inang nalulunod sa saya.
Tama ng iyakan yan halika na Mare naiinip na si father tawag ni Leizel sa tatlong nag iiyakan.
Napalapit kaming tatlo kay Ninang Leizel at agad nagsimula ng misa ang pari na kasama niya. tila ako idinudoyan sa alapaap habang pinupotol namin magkabilaan ni Ma'am Yeng ang malaking Ribbon hudyat ng pagbubukas sa pag aari kong negosyo.
"Samantala naging abala si Elmer mula ng magsimula na ang renovation sa bahay nito."
Napako bigla ang tingin ko sa nahulog na kahon at agad lumabas ang nakangiting picture ni Jhana.
Malungkot kong dinampot at ibabalik na sana sa kahon na pag aaring gamit pala nito. ngunit tumambad rin ang picture namin nong ikinasal kami sa huwes.
Binuksan ko ang maliit na sobreng halos naninilaw na dahil sa pinaglumaan na ito ng panahon. marriage contract naming mag asawa at birth certificate niya pala ang laman nito napatulo ang luha ko ng mapatitig sa apilyedong nakalagay sa pangalan ng Nanay ni Jhana sa birth certificate niya. dahil iyon din ang apilyedong sinabi ni Jeny at nakalagay sa tesda certificate nito.
Jeny Vista Lagdameo ang gamit rin nito hindi kaya anak ko si Jeny naibulalas ko bigla sa malakas na tinig at baka hindi naman Totoong nakunan si Jhana napabuga ako sa hangin at parang kabado sa naiisip ko bigla.
Baliw ka na ba anak sita ni Elma sa nagsasalitang anak."
Iba naman ngayon ang trip mo mag salita mag isa at inis kong hinalbot sa kamay nito ang naitago pa palang marriage contract nila ni Jhana at akmang pupunitin ng may umagaw rin sa dalawang kamay ko.
Mula ngayon ay wala kang karapatan pakialaman ang mga gamit ng asawa ko galit kong bulyaw sa inang nagulat.
"Oras na malaman kong buhay ang naging anak namin ni Jhana ay hindi muna kailangan pang tumira dito. umuwi ka sa bahay mo sinira mo ang pagsasama naming mag asawa may himig na galit na wika ni Elmer sa ina."
Pinatira kita dito Para may kasama siya dahil buntis siya at kailangan ng kasama. pero isang pagkakamali ko pala yon Nay!" Na pagsamahin kayo sa iisang bubong.
"Lahat ng ginawa mo sa asawa ko Nay!" Nalaman ko hanggang sa pagkadulas niya at pinanuod mo lang at hindi mo manlang tinulongan iwan muna ako please!" Gusto kong mapag isa.
Napatulo ang luha ko dahil sa narinig at tahimik kong iniwan si Elmer.
Pumasok ako sa kwarto ko at nagsimula na mag ligpit ng mga gamit ko?" dahil madalas naman ako maglagi sa bahay na bagong bili ni Elmer ay kukonti lang ang mga gamit na inilagay ko sa maleta.
Aalis ka po Ma'am hindi ka pa yata nakakapili ng bagong ipipintura sa kwarto mo takang tanong ni Fe, sa amo na may hila–hilang dalawang maleta kami na po ang magdadala Ma'am sabay kuha ko ng maleta.
"Sige isakay niyo sa kotse ko Fe, hindi na ako makikialam dito sa bahay. dahil may interior designer naman alagaan niyo nalang si Elmer at itago niyo ang mga alak dahil kapag nagkasakit yan ay wala na kayong magiging mabait na amo.
Bilin ni Elma sa mag inang kusenera at labandera na matagal ng naninilbihan sa kanila at nagmamadaling tinalikuran na ang mga ito.
Nang mapadaan si Elma sa sala ay binuksan nito ang mga drawers at ng makita ang pakay ay kinuha niya ang maliit na nakatagong picture frame na kuha pa nong unang inuwi ni Elmer si Jhana dito sa bahay niya at muling ibinalik sa ibabaw ng mga picture na naka displayed.
Siniko ko ang ina ng makita kong ibinalik ni Ma'am Elma ang picture ng dating mag asawa na gusto pa sana nitong ipatapon sa akin.
"Huwag ka na ngang makialam anak baka nataohan yan bulong ko sa anak, at hinila na ito palayo sa among umiiyak.
Samantala Kinabukasan ay nagpaalam na kami kay Aling Carmela na aalis kasama namin si Ninang Leizel at anak nitong panganay na namamasada ng taxi kaya hindi kami mahihirapang maghakot.
Dadalawin niyo ako dito lagi huh, naluluhang wika ni Carmela kay Jeny.
"Opo, Aling Carmela lilinisan at kukulayan ko pa rin kayo ni ate Sally sagot ko at mahigpit ko rin itong niyakap.
"Hoy, young CEO huwag mo rin ako kakalimotan paano ba yan wala ng mag uukay–ukay sa mga lumang damit namin nakangiting biro ni Sally kay Jeny at nakisali rin sa yakapan nila ni Aling Carmela.
"Oo, ate Sally tawagan mo lang ako at pupontahan kita agad. sabay kuha ko ng lumang cellphone na halos patay sindi na at kailangan laging naka charges.