Ika pitong pahina

1881 Words
Part 7 "Makalipas ang isang buwan tulad nga ng sinabi ni Ma'am Yeng na matao ang pwesto ay talagang naging abala kaming tatlo at kinailangan ko pa kumuha ng dalawa pang kasama namin. kahit si Mama at Ninang Leizel ay tumutulong na rin sa amin sila ang taga laba ng towel at taga banlaw ng buhok sa mga customer naming nagpapa rebound. Anak!" Anong plano mo sa birthday, mo malapit na sa isang araw na. tanong ni Jhana sa anak habang nagbibilang ng kinita nila maghapon. Kumikita na tayo ngayon ng sapat Ma, at nakakapaghulog na rin kay Ma'am Yeng. pero hindi ko na kailangan pang magpabongga sa birthday ko. Ang parating ligtas at wala tayong sakit ay blessings at regalo na para sa akin Ma." Inilagay ko ang mga perang kinita namin sa magkakahiwalay na lalagyan at mahigpit kong niyakap si Jeny. subrang bait mo talaga anak hulog ka ng langit sa akin. pero deserved mo namang maghanda kahit tayo–tayo lang ipagluluto kita ng paborito mo. Gumanti ako ng yakap kay Mama, at binawasan ko ang perang panghulog namin kay Ma'am Yeng at inabot ulit sa kanya oh, pambili mo. "Hindi na anak tanggi ni Jhana."May pera pa naman ako naipon ko mula sa mga tip ng customer natin. ibalik muna 'to diyan para matapos mo agad ang utang natin kay Ma'am Yeng. Napatitig ako sa mukha ni Mama ng maghiwalay na kami at muling nagbilang ng mga barya. tulad sa perang papel ay may kanya–kanyang ring lagayan at nakalaan naman ito sa pambayad ng tubig at kuryente. "Oh, bakit anak may sasabihin ka pa takang tanong ko ng mapansin kong nakatitig ito sa akin. "Hmmm..tikhim ko at tinatanya ko ang magiging reaction ni Mama sa itatanong ko sana. Seryuso ba ang sasabihin mo anak problema ba yan takang tanong ko sa pagitan ng pagbibilang. "Ma, kasi 'di ba may kambal akong namatay bata pa ako nong puntahan natin siya. parang seven years old yata ako sa pagkakatanda ko." okay lang naman kong ayaw mo akong sagotin malumanay na wika ni Jeny sa ina. Nabitiwan ko ang hawak na tag pipisong barya at tumingin kay Jeny gusto mo bang dalawin natin siya anak iyon ba ang ibig mong sabihin. Mabilis akong tumango bilang sagot sa biglang nalungkot na ina. kaya hindi ko magawang itanong ang tungkol sa Papa namin ng namatay kong kapatid ay dahil alam ko namang ayaw nito pag usapan. "Sige anak sa birthday, niyong dalawa ay dadalawin natin siya wika ni Jhana. Napangiti ako sa sinabi ng ina at tinapos na naming dalawa ang ginagawa para makapag pahinga na rin bago ako nahiga ay sinilip ko muna sa kabilang kwarto sina ate Aby. Nagpapaganda pa kayo matutulog lang naman sita ni Jeny sa dalawa. Syempre gusto mo rin ba para kapag mapanaginipan ko ang crush ko ay maganda ako sa harap niya halika dito tawag ni Aby kay Jeny. Dapat maganda ka sa birthday mo kahit tayo lang mag party naman tayo. "Oo nga daw ate Aby maghahanda si Mama." sagot ko sa pagitan ng pag ngiwi dahil sa sakit na nararamdaman nilagyan kasi nito ng wax ang maninipis kong bigote sa tabi ng labi. Aray!" Sigaw ko ng hilahin na ni ate Aby ang natuyong wax habang nagtatawanan sila dahil ang ingay ko daw. Ano?" Ba ang pinag gagawa niyong tatlo 'dis oras na nang gabi bakit?" Ang iingay niyo pa sita ni Jhana ng puntahan nito ang tatlo ngunit napatawa na rin ito ng makitang nag papaganda pala ang mga ito. "Ma!" Tawa ka din diyan ng tawa halika nga dito ikaw naman sabay tayo ni Jeny at hinila agad ang akmang lalabas na ina. Mga loka–loka huwag niyo nga ako idamay diyan sa kalokohan niyo ayuko masakit yan tanggi at pilit na lumalayo si Jhana sa tatlo. Papagandahin ka nga namin Tita at baka magkaroon pa ng stepfather si Jeny. halika dito pangungulit ni Rica at tulad ng anak nito ay nilagyan ko rin pagkatapos ay nilinisan ko pa ito ng kuku. "Wow Ma, baka talagang magkakaroon ako nito ng stepfather ang ganda mo may paghangang puri ni Jeny sa ina." Buhat kasi ng patigilin ko na ito sa dating trabaho niya ay kuminis na ang kutis nito dahil hindi na nabibilad sa init ng araw. Nako magsitulog na nga kayo batang ito idinamay niyo pa ako sa kalokohan natatawang wika ni Jhana. Gumanda ka naman lalo tita Good night!" Natatawang sagot namin ni Aby at itinulak na rin palabas si Jeny dahil kinuha pa nito ang remote ng TV matulog ka na Babae may trabaho pa tayo bukas. Good night mga ate paalam ko at binitiwan ko na ang hawak na remote. "Nang Sumapit ang araw ng birthday ni Jeny. Pagkaluto ko ng mga handa niya ay nagbihis na ako at bumaba sa salon halika na anak aalis na tayo tawag ni Jhana. "Okay Ma, ate Rica plantsa nalang ito ikaw na ang bahala bilin ko at binitiwan ko na ang hawak na blower. Sige, Kayang–kaya ko na yan ingat kayo sagot ko kay Jeny. Thank you, ate kumain na kayo sa itaas kapag nagutom na kayo huh, at baka gabihin kami ni Mama. Don't worry!" Birthday girl, Madalas ako sa kusina hindi ako gugutomin sagot ni Aby. Bwesit ka talaga ate Aby natatawang sagot ko at tinalikuran na sila. "Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw dahil hapon na nang magpunta kami ni Mama sa cementeryo. marami rin ang pamilyang dumalaw kami lang ang bukod tanging walang sasakyan dahil pang mayaman ito. Tumigil kami sa isang lapida na halos pinaglumaan na ng panahon dahil hindi na masyadong nakikita ang nakaukit na pangalan ng kapatid ko." kaya pumulot ako ng naputol na sangga at agad na naupo sa lupa na nababalotan ng makapal na Bermuda at sinimula kong ukitin muli ang pangalan nang kapatid kong natabonan na ng lupa at kumupas. Elmer Dacasin Jr. Ang pangalan na malinaw ko nang nababasa kapangalan mo pala ang taong tumulong sa akin ng minsang kinailangan ko ng tulong. bulong ko sa isipan at nilingon ko si Mama na inaayos naman nito ang mga dala naming bulaklak at kandila. Nang masindihan na namin ang kandila ay pareho kaming taimtim na nanalangin. para sa kaluluwa ng namayapa kong kapatid matatawag ko itong kuya dahil siya ang naunang lumabas. dahil mahina daw ang kapit niya at ako ang natira ayon kay Mama. "Oh, anak abot ni Jhana sa hawak na kilalang brand ng cup cake ihipan mo itong cup cake niyo happy birthday!" Mga anak sabay halik ko sa pisnge ni Jeny. Natatawang hinipan ko ang cup cake na tinusokan pa ni Mama ng kandila happy birthday!" Din sa'yo kapatid wika ko at humilig sa balikat ni Mama. "Samantala padaskol na biglang naapakan ni Elmer ang preno ng sasakyan ng matanaw nito ang dalawang Babaeng nakaupo sa puntod ng namayapa niyang anak. Kahit nakatalikod ay alam ko na Kong sino ito dahil siya lang ang Dadalaw sa ganitong araw kaya napatulo ang luha ko. Sinadya kong hindi talaga ipaayos muna ang libingan ng namaya kong anak sa pag asang magkikita ulit kami ni Jhana. dahil kapag nakita nitong maayos ang libingan ng anak namin ay siguradong hindi na ito dadalaw. Napalingon kaming dalawa ni Mama ng marinig namin ang nakakangilong langit–ngit ng sasakyan at hinintay na bumaba ang kong sino mang sakay nito. dahil hindi maaninag ang tao sa loob ngunit wala namang bumaba kaya muli kaming tumalikod. Lalong napaiyak si Elmer ng mapatunayan nitong tama nga ang hinala niyang si Jhana ang nasa harapan ng puntod ng anak nila. Idagdag pa ang kasama nitong si Jeny pinunasan ko ang basang mata at maingat na bumaba sa sasakyan ko gusto kong takbohin ang mag ina at yakapin ng mahigpit ngunit pinigilan ko ang sarili. Napalingon ulit kami ni Mama ng may makitang anino sa likoran namin at bigla akong napatayo ng makilala ko ito tito Elmer. Tuwang–tuwa kong bulalas at patakbong nilapitan ito at mahigpit na niyakap I missed you po tito." Bakit hindi na kita nakikita hinahanap kita lagi kaya na po kitang bayaran at ilibre birthday ko po ngayon gusto mo ba ilibre kita masayang wika ni Jeny. Dahil sa narinig na sinabi ni Jeny ay kompirmasyon ito ng hinala ni Elmer. Kaya mas lalo kong niyakap ng mahigpit ang matagal na panahong nawalay na anak. I missed you too sagot ko sa pagitan na ng paghagulhol sa balikat nito. Nagtatakang nilingon ko si tito Elmer, at pilit dumistansya ng konti bakit ka po umiiyak takang tanong ni Jeny at pinahid ang luhaan nitong mukha. "Samantala may pagtataka man si Jhana kong bakit kilala ng anak ang dati nitong asawa at ama niya." Dahil hindi ko na rin ito nausisa pa ng tungkol sa minsang nabanggit nito ang pangalang Elmer maging ang pagkain nitong dala na pangalan naman ng restaurant na pag aari nila Elmer. Napatulo rin ang luha ko ngunit agad kong pinunasan at nagmamadaling iniligpit ang mga dala naming mag ina. halika na anak uuwi na tayo Yaya ko sa garalgal pang tinig at nagpatiuna ng maglakad. Nagmamadaling bumitaw si Elmer mula sa pagkakayakap ni Jeny at hinalbot agad ang braso ni Jhana na malalaki ang hakbang na papalayo na sana at mahigpit ding niyakap. I'm really sorry, kong kailangan kong lumuhod sa harapan mo ay gagawin ko para mapatawad mo lang ako nagsusumamong pakiusap ko sa dating asawa. Natakpan ni Jhana ang bibig para hindi magkatunog sa impit nitong pag iyak habang nakakulong ito sa matitipunong bisig ni Elmer. Napaawang ang bibig ko sa tagpong nakikita dahil mukhang si tito Elmer nga ang Papa ko. "Ma, Papa ko ba siya takang tanong ko kahit parang hindi nila ako narinig dahil pareho rin silang umiiyak. "Oo, anak patawarin mo ako sa pagkukulang ko sa inyong mag ina sagot ni Elmer sa tanong ni Jeny at unti–unting lumuwag ang pagkakayakap kay Jhana at paluhod na bumagsak sa lupa. "Tatay ko pala ang naging modelo ko Ma, naluluhang wika ko at nilapitan ko ang amang nakaluhod sa lupa para itayo ito. Pa–Papa!" Tumayo ka please...!" Pakiusap ni Jeny sa ama at pinunasan ulit nito ang luhaan nilang mata. Papa!" pinapatawad kita ikaw din Ma!" 'di ba pangungulit ko sa inang nakaupo na rin sa lupa halika ipapakilala kita kay kuya Jr. Yaya ni Jeny sa ama. Nanatiling tahimik lang si Mama malayo sa amin ni Papa maigi nalang at malalayo ang ibang dumadalaw sa puntod ng Mahal nila sa buhay. dahil kong hindi ay nakakahiya ang madramang tagpo naming mag anak. Mula ngayon anak babawi ako sa inyo ng Mama mo. tutulongan mo naman akong manligaw ulit sa Mama mo 'di ba bulong ni Elmer sa yakap–yakap na anak. "Oo, naman Pa!" Gusto ko yan mabilis na sagot ni Jeny." Ako mismo ang mag papagwapo sa'yo alisin na natin yang long hair mo nako iwan ko lang kong hindi kiligin ulit si Mama sa'yo natatawang pagsang ayon ko. Halika na Pa, may party pa kami sa bahay isayaw mo ako huh, hiling ko sa ama. "Sige gusto ko yan tapos dance with father ang music happy 18th birthday!" Anak masayang bati ni Elmer sa nawalay na anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD