Part 8
Thank you Pa!" Ikaw ang pinaka masayang regalo sa akin ng diyos ngayon sabay lingon namin ulit sa puntod ng kapatid ko. pagkatapos ay nilapitan na namin si Mama at inalalayan naming dalawa ni Papa na makatayo ito at hindi na binitiwan hanggang sa tapat ng sasakyan nito at sa front seat rin namin ito pinapwesto ng upo.
Kinilig ako sa mga magulang ko kahit Lumipas na ang eighteen years na paghihiwalay nila ay may pag ibig pa rin sa mata nila sa kabila ng tampo at sama ng loob ni Mama ngunit pasasaan ba't lalambot ulit ang puso ng ina.
"Nang makababa ay nagulat sina Ma'am Yeng at ate Aby dahil sakay na kami ng magarang sasakyan at may nakaalalay na sa amin ni Mama.
"Oh, 'di ba gusto niyong magkaroon pa ako ng stepfather ito na nakatalisod si Mama sa cementeryo sabay halakhak ko ng ihataw ni Mama sa akin ang bag na dala nito.
Ipinakilala ko sa kanila si Papa at tulad ng sinabi nito ay isinayaw niya ako kasabay rin ng music na gusto nito.
Pa!" Mag inom ka para hindi ka makauwi sulsol ni Jeny sa ama."
Para rin magkatabi kayo ni Mama mamaya sa pagtulog bulong ko bago matapos ang music.
Natatawang tumango si Elmer at sinunod ang utos ng pilyang anak dahil mukhang sinabihan rin nito ang mga kasama niya na bumili ng alak.
"Hoy, mga Babae!" Tawag ni Jhana sa tatlo dahil nakayukyok na si Elmer sa inuupoan nito tumawag kayo ng trycecle at ipahatid sa bahay nila itong nilasing niyo.
Nagmamadaling nagtalukbong agad kaming tatlo ng kumot dahil sa narinig na utos ni Mama at nagkunyaring tulog na.
Inis na sinilip ni Jhana sa kwarto ang tatlo ngunit tulad ng dating asawa ay mga tulog na rin ito kaya pumasok nalang siya sa kwarto.
Para kumuha ng kumot ngunit muntik na siyang mapahiyaw ng mabangga si Elmer na nakangiting nakatayo sa labas ng pintoan.
Bwesit!" ka talaga nangloloko ka lang pala galit na wika ni Jhana.
Concerned ka pa rin naman ikinuha mo pa nga ako ng kumot. Halika na matulog na tayo sagot ni Elmer."sabay hila sa asawa at mahigpit itong niyakap ng magpumilit pa ring makawala.
Good night Mrs. Dacasin I love you mula noon hanggang ngayon bulong ko at hinalikan ito sa labi bago ipinikit ko na ang hapong mata. Ngunit may masayang pintig ng puso dahil nakapiling ko muli ang dating asawa at may bunos pang magandang anak.
Walang araw na hindi pumalya si Elmer sa muling panliligaw kay Jhana sa tulong ng anak at mga kaibigan nito.
Pa!" Good luck, sa date niyo ni Mama kinikilig na wika ni Jeny habang ginugupitan niya ang ama.
Sina ate Aby naman ang abalang magpaganda kay Mama.
"Oo, anak sisiguraduhin kong ikakasal ulit kami ng Mama mo sagot ni Elmer sa anak."
Siya nga pala ito para sa'yo abot ko sa maliit na box buksan mo excited na utos ko habang nakatitig pa rin sa mukha nito.
Napatulo ang luha ni Jeny ng mabuksan ang regalo ng ama."Dahil educational plan ang laman Maraming salamat po Papa tuwang niyakap ko ito ng mahigpit.
I'm so proud of you, anak na natupad mo ang pangarap mo nang wala ako wika ni Elmer."Dahil isa ka nang Ceo," Pero alam kong gusto mo pa rin makapagtapos sa pag aaral at magagampanan ko pa rin ang obligasyon na hindi ko nagawa noon.
"Makalipas ang isang taon ay muling ikinasal sina Mama at Papa at bilang pambawing surprise sa ama ay inimbitahan namin si lola Elma.
Sigurado ka ba talaga na ako maghatid sa'yo Jhana kabadong tanong ni Elma sa manugang."Baka magalit sa akin si Elmer.
"Oo, Nay!" Sige ka magtatampo ako sa'yo at magagalit ulit sagot ni Jhana sa katabing byanan. Habang naghihintay silang buksan ang malaking pintoan ng simbahan.
Napatulo ang luha ni Elmer ng bumukas na ang saradong pintoan. dahil imbes na siya ang inihahatid ng Nanay niya sa altar ay si Jhana.
Mag blessed ka bulong na utos ni Jhana sa asawa ng makalapit na sila.
Bakit?" Ang bait mo wika ni Elmer." Sa kabila ng lahat hindi ko nga siya inimbitahan para sa'yo bilang respeto bulong ko rin kay Jhana.
Wala akong magiging gwapong asawa at magandang anak kong wala siya nakangiting sagot ni Jhana." Kaya napilitan si Elmer na yakapin at halikan ang ina niyang lumuluha.
Iniaabot ko anak sa kamay mo ang kamay ng asawa mo at patawad sa nagawa kong kasalanan sa inyong mag asawa naluluhang wika ni Elma.
Simpleng tango lang ang sagot ko sa ina at inakay na si Jhana sa harap ng altar.
Halika na po lola tawag ni Jeny sa abuela at inalalayan itong makaupo at magka akbay nilang pinanuod ang palitan ng sumpaan at pagmamahal ng magulang niya.
Masayang idinaos ang reception sa pag aaring restaurant ni Papa tulad nong debut ko ay muli kaming nagsayaw at hiniling ulit nito ang music na para sa mag ama."
Walang pagsidlan ang puso ko sa subrang galak na makitang kahit Lumipas man ang matagal na panahong paghihiwalay nila ni Mama ay pinagbuklod ulit sila sa pangalawang pagkakataon.
♡♡♡End◇◇◇