Hindi ko mahulaan kung ano ang binili niya para sa akin dahil ang ganung kahon usually ang laman ay earrings, necklace at bracelets. Pwede rin namang relo. At para matapos na ang panghuhula ko ay nagpasya na akong walang pag-aalinlangan na buksan at tingnan ang laman. Gaya ng isa sa nabanggit ko, necklace ang gift ng aking ama sa akin. Kauna-unahang regalo na natanggap ko mula sa kanya kaya ang saya ko! “Wow!” bulalas ko ng makitang silver necklace iyon na mayroong maliit na heart pendant. “Ang ganda po ng regalo mo sa akin Tatay. Gusto ko!” Nakangiting tinanggal ko na iyon sa box. Walang kupas pa rin sa kinang ang mga mata dahil sa saya. Para ngang gusto ko na namang umiyak ngayon. Kumbaga tears of joy naman at hindi dahil nalulungkot ako at nasasaktan. Nang lingunin ko si Leon sa gili

