Kabanata 13

1944 Words
Kabanata 13 Aris' POV Nakahinto ako sa gitna ng sala, hawak pa rin ang maleta ko. Tumalikod na si Mikay at iniwan akong nakatayo dito, parang nawalan ng saysay ang lahat ng mga sinabi ko. Pero hindi ako galit. Hindi rin ako nanghihinayang. Sa halip, pakiramdam ko, isang hakbang akong lumapit sa katotohanan. "Mikay..." mahina kong bulong, kahit wala na siya sa harapan ko. Bawat araw na kasama ko siya, mas lalo kong nakikita ang sarili ko na lumalayo sa mundo ng pagiging pari. Hindi dahil sa ayaw ko na sa pananampalataya, kundi dahil natutunan kong may ibang uri ng pagmamahal na hindi ko inaasahan. Pero mali ba ako? Sa bawat hakbang papalapit sa kanya, ramdam ko rin ang bigat ng mga mata ng Diyos na nakatingin sa akin. Naupo ako sa sofa, tahimik na iniisip ang lahat. Mula pa lang sa simula, alam kong delikado ang nararamdaman ko para kay Mikay. Pero bakit nga ba hindi ko kayang pigilan? Sa tuwing nakikita ko siya—ang paraan niyang ngumiti, magalit, at magpakita ng totoong emosyon—para bang may liwanag na bumabalot sa kanya. Isang liwanag na hindi ko na kayang itanggi. Pero alam kong hindi ito tungkol lang sa nararamdaman ko. Alam kong siya ang mas maraming iniisip, mas maraming dapat timbangin. Hindi ko gustong maging dahilan ng pagkagulo ng mundo niya. Bigla akong napatingala, pilit hinahanap ang sagot sa katahimikan ng gabi. “Diyos ko... anong gagawin ko?” bulong ko, halos mapaiyak. Nag-aalangan ako. Dapat ko na bang talikuran ang lahat? Paano kung isang pagkakamali lang ang nararamdaman kong ito? Ngunit sa kabila ng lahat ng alinlangan, may isang bagay akong sigurado: Mahal ko siya. Tumayo ako, ibinaba ang maleta at tumingin sa hagdan. Alam kong nasa kwarto siya, malamang magulo rin ang isip. Pero gusto kong ipakita sa kanya na hindi ko siya iiwan, hindi ko siya pababayaan. Lumakad ako paakyat, marahan ang bawat hakbang. Tumigil ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko, pero kinatok ko siya. Tatlong mahihinang katok na puno ng pangako. “Mikay,” tawag ko. “Andito lang ako. Hindi kita iiwan.” Naghintay ako. Tahimik sa loob. “Mikay, kahit hindi mo ako papasukin ngayon, gusto kong malaman mo na handa akong manatili, kahit gaano kahirap.” Nanatili akong nakatayo roon, naghihintay ng sagot na baka hindi niya pa kayang ibigay. Pero okay lang. Hindi ako nagmamadali. Tahimik pa rin sa loob. Hindi siya sumagot. Nakatayo lang ako sa harap ng pinto, pilit inuunawa ang katahimikan niya. Baka nga mali ang timing ko. Baka kailangan niya ng oras para mag-isip. Pero hindi ko kayang umalis nang hindi ko naipapakita kung gaano ako kaseryoso sa nararamdaman ko. “Mikay,” tawag ko ulit, mas malumanay na ngayon. “Hindi ko hinihingi na sagutin mo ako. Hindi ko rin gustong pilitin ka. Pero gusto kong malaman mo na totoo ang lahat ng sinabi ko.” Bumuntong-hininga ako. Tila ba lahat ng bigat ng mundo ay nasa balikat ko sa sandaling iyon. “Kung ayaw mo akong manatili, sabihin mo lang. Aalis ako. Pero kung kahit kaunting bahagi ng puso mo ay nagsasabing huwag akong umalis, nandito lang ako. Ikaw ang pipili.” Tahimik pa rin. Wala akong naririnig mula sa loob maliban sa mahinang paggalaw. Siguro umiiyak siya. O baka hindi niya lang talaga alam kung ano ang sasabihin. Umupo ako sa sahig, nakasandal sa pinto. Ayoko siyang takutin o guluhin, pero gusto kong maramdaman niya na hindi ako aalis. “Mikay,” mahina kong sabi. “Alam kong pari ako. Alam kong marami akong dapat isaalang-alang. Pero alam ko rin na hindi ko kayang magpanggap na wala akong nararamdaman para sa’yo.” Huminga ako nang malalim bago itinuloy ang mga salitang kanina ko pa gustong bitawan. “Kung ako ang pipiliin mo, handa akong talikuran ang lahat. Ang pagiging pari, ang mundo ko, lahat. Pero gusto kong siguruhin mo sa sarili mo na kaya mong harapin ang gulo na pwedeng mangyari. Dahil hinding-hindi ko gustong saktan ka.” Hindi ko alam kung naririnig niya ako o kung naiintindihan niya ang lahat. Pero para sa akin, sapat na ang maipahayag ko kung ano ang laman ng puso ko. Tumahimik ulit ang paligid. Lumipas ang ilang minuto, pero nanatili akong nakaupo, naghihintay. Hanggang sa marinig ko ang mahinang tunog ng seradura. Bumukas ang pinto nang dahan-dahan, at tumambad sa akin si Mikay. Nakatayo siya sa harap ko, magulo ang buhok, namumula ang mga mata, pero maganda pa rin gaya ng dati. Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, tumingin siya sa akin nang diretso, para bang binabasa niya ang bawat bahagi ng pagkatao ko. “Aris...” mahina niyang sabi, halos pabulong. Tumayo ako, hinintay ang sasabihin niya. “Wag mo ng guluhin ang buhay ko! at 'wag mong sisirain ang relasyon naming dalawa ng asawa kong si Reysan!” mariing sigaw niya at sabay na isinirado ang pinto. Naiwan akong nakatulala habang nakatayo ako sa harap ng pinto ng kwarto niya, hawak ang maleta ko. Pilit kong iniisip kung tama ba ang lahat ng ginawa ko. Mahal ko siya, pero baka mas nakakasama lang ako sa buhay niya. Huminga ako nang malalim, at sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang bigat ng pagpili sa pagitan ng pagmamahal ko para sa kanya at sa pananampalatayang matagal kong pinanghawakan. Nagdesisyon na lamang ako na bumalik sa San Juanico. Bumaba ako ng hagdan, dala ang maleta. Walang tunog ang bawat hakbang ko, pero parang ramdam ko ang ingay ng mga alaala namin ni Mikay na sumisigaw sa bawat sulok ng bahay. Bago ko tuluyang lumabas, nilingon ko ang hagdan. Baka sakaling bumaba siya at pigilan ako. Pero wala. Tahimik ang paligid, parang pinapatunayan lang na ito ang tamang gawin. Paglabas ko ng pintuan, sumalubong ang malamig na hangin ng gabi. Hindi ko maiwasang mapatingala sa langit, pilit hinahanap ang liwanag na maaaring magbigay sa akin ng sagot. Pero madilim ang kalangitan, parang pati ang Diyos ay tahimik. Habang naglalakad ako patungo sa daan, bawat hakbang ay parang dagok sa puso ko. Paulit-ulit kong iniisip kung tama ba ang ginawa ko. Pero alam ko, mas makakabuti ito para sa kanya. Pagdating ko sa terminal, hinintay ko ang susunod na biyahe papuntang San Juanico. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga taong nagmamadaling umuwi. Parang ang dali ng mundo nila, samantalang ako, naguguluhan sa lahat. Umupo ako sa isang bakanteng upuan, inilapag ang maleta sa tabi ko. “Mikay...” mahina kong bulong sa sarili ko. Hindi ko alam kung maririnig niya ang dasal ko, pero umaasa akong maintindihan niya ang desisyon ko. Mahal ko siya, at dahil dito, pinili kong umalis. Habang papalapit ang bus, isang tanong ang hindi mawala sa isip ko: Kung iniwan ko ang lahat para sa kanya, tama ba? At kung bumalik pa ako, matatanggap pa ba niya ako? Habang tumatakbo ang bus papuntang San Juanico, nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Madilim ang paligid, ngunit sa kabila ng dilim, ramdam ko ang bigat ng desisyon kong iniwan si Mikay. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha niya bago ako umalis ang galit, ang kalituhan, at ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong sinaktan ko siya, pero para sa akin, mas mainam na umalis ako kaysa manatili at lalo pang guluhin ang buhay niya. Pagdating ko sa San Juanico, parang walang nagbago. Tahimik ang parokya, gaya ng dati. Binati ako ng ilang staff na tila walang kaalam-alam sa pinagdaanan ko sa nakaraang linggo. “Father, ang aga mo,” sabi ni Mang Tonyo, ang tagapagbantay ng simbahan. “Hindi ba’t dapat pa ay isang linggo ka pa sa bayan?” Ngumiti ako nang tipid at tumango. “May kailangan lang akong ayusin dito, Mang Tonyo.” Hindi na siya nagtanong pa. Nagpatuloy lang ako sa kwarto ko, isinara ang pinto, at napaupo sa kama. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa loob ng parokya. Isang bagay na dati’y nagbibigay sa akin ng kapayapaan, pero ngayon ay tila nagpapaalala lang ng kawalan. Kinuha ko ang rosaryo sa mesa, pero sa halip na magdasal, napapikit ako. Ang mga salita ko kay Mikay, pati ang boses niya, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko. “Huwag kang umalis,” ang sinabi niya sa akin. Pero iniwan ko pa rin siya. Lumipas ang mga araw, bumalik ako sa dating routine ko bilang pari mga misa, kumpisal, at pagtulong sa mga tao. Pero kahit anong gawin ko, naroon pa rin ang kawalan sa puso ko. Isang hapon, habang naglalakad ako sa plaza ng bayan, may lumapit sa aking isang batang babae. Kilala ko siya si Lila, ang anak ng isang masugid na nagsisimba rito. “Father, bakit po malungkot ang mga mata niyo?” tanong niya, inosente ngunit malalim. Napangiti ako nang bahagya. “Malungkot ba?” “Opo. Hindi po ganyan dati,” sagot niya, sabay bitbit sa isang maliit na bulaklak at iniabot sa akin. “Para po sa inyo. Baka po makatulong.” Inabot ko ang bulaklak, at sa sandaling iyon, napaisip ako. Minsan, ang mga simpleng bagay ay nagbibigay ng liwanag sa pinakamadilim na bahagi ng puso natin. Sa gabing iyon, muling bumalik sa isip ko si Mikay. Ang mga ngiti niya, ang galit niya, ang tapang niyang harapin ako. Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin siya. At sa sandaling iyon, nagdesisyon akong harapin ang mga damdamin ko hindi para pilitin siya, kundi para maging totoo sa sarili ko. “Kung talagang para sa akin siya, ipapakita Mo sa akin ang paraan,” bulong ko sa panalangin. Matapos ang mga araw ng kalituhan, nagdesisyon akong bumalik sa San Juanico. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko roon, pero ramdam ko na kailangan kong magtago mula sa lahatpati kay Aris. Hindi ko na kayang harapin ang nararamdaman ko. Ang bawat araw ko sa bahay ay puno ng tanong. Hindi ko alam kung mali ba na iniwan ko siya o kung tama bang pinili ko ang mag-isa muna. Sa San Juanico, hindi ko kailanman inasahan na magbabalik ako, ngunit naramdaman ko na iyon ang tanging paraan upang makapag-isip. Dahil sa mga linggong lumipas, natutunan ko ring tanggapin ang mga bagay na hindi ko kayang baguhin. Ang pagiging pari ni Aris, ang mga responsibilidad niya sa simbahan, at ang mga hangganan na ipinataw sa aming dalawa. Pero ang puso ko, hindi ko kayang kontrolin. Dumating ako sa San Juanico isang hapon, at nang huminto ang bus, nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib. Ang bayang ito na minsan ko nang tinaguriang tahanan ay nagbigay sa akin ng lungkot, pati na rin ng mga masasakit na alaala. Pinili ko na lang maglakad patungo sa simbahan, alam kong ito ang huling lugar na maaari kong hanapin ang aking sarili. Pagdating ko roon, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin, ang tahimik na paligid, at ang mga dasal na naririnig mula sa mga tao. Pumasok ako sa simbahan at nakita si Aris na abala sa paghahanda ng misa. Ang pusong ito na minsang nagtakda ng mga hangganan ay muling nag-aalab sa kabila ng lahat ng nangyari. Siya, na hindi ko kayang kalimutan, at ako, na hindi ko kayang ipagkait ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula, ngunit alam kong kailangan kong makita siya. “Father Aris,” tawag ko, at ang bawat hakbang ko patungo sa kanya ay parang binibigkas ang nararamdaman ko ang paghihirap ng magkasalungat na mundo. Nakita ko siyang tumigil, tumingala sa akin. Ang mga mata niya, puno ng sorpresa at siguro pati ng kalungkutan. “Mikay...” Nakatayo ako roon, nakatitig sa kanya, at alam kong hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD