Panimula
Panimula
Napilitan kaming tumalon sa balon para lang makaligtas kami mula sa mga humahabol sa amin. Makaraan ang ilang minuto isang pangyayari ang hindi namin mapaliwanag.
Bigla nalang may liwanag na nagmumula sa kinatatayuan namin. Sa isang iglap isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa amin. Nang mawala ang liwanag na nagpapasilaw ng mata namin. Bumungad sa amin ang hindi familiar na lugar.
Bangin na matarik ang nakita namin. Nasa itaas kami. Tanaw namin ang mga alon na humahampas sa mga batong nasa ibaba.
"A-nong nangyari?" Bakas sa boses ni Jackielou ang takot.
"Nasaan na tayo?" Naguguluhang tanong ni Ferly.
Saan nga ba kami napunta? Anong lugar ito? At huli. Paano kami nakarating dito?
Kahit hindi namin alam kung nasaan nga kami, umalis kami sa bangin na yon.
Kailangan naming malaman kung nasaan kami. Kailangan namin ng mga kasagutan.
Sa apat na araw namin sa gubat. Wala kaming nakasalubong na tao, tanging hayop lamang ang aming nakita. Hindi na din namin alam kung saan kami dadalhin ng kapalaran namin.
"Pagod na ako. Look! I'm look like sina unang tao. Like duh!!" Pagmamaktol ni Rica.
Inatake na naman ng pag dradrama ang loka-loka.
"Manahimik ka, please..." Pagpipigil ni Ferly.
"Aawayin mo ako?" Taas kilay na tanong ni Rica habang naka cross arm.
"Ah-putangina ka! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Mapapatay ko to!!" Gigil na lalapitan sana ni Ferly si Rica ng pumagitna si Jackielou.
"Sa susunod huwag kang magtapon ng tinik at boto Jackielou." Sabi ko. Tinignan nila ako na may pagtataka.
"B-bakit?" Takang tanong niya.
Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa may batok ko. Sinagot ko muna ang tanong ni Jackielou bago na unang mag lakad.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko. Nag away na naman ang magkaribal na aso't pusa." Sabi ko sa swabeng naglakad paalis.
"Ay...may rabies pala kayo." Dinig kong pang iinis ni Jackielou saka patakbong sumunod sa akin.
"Your such of f*cking pangit Jack!/Tangina mong kahali ni Jackie chan!!"
Sabay na mura ng dalawa saka hinabol si Jackielou.
Mukhang nakalimutan na nilang magpahinga dahil sa pag-aaway nila na hindi matapos tapos. Napatigil ako sa paglalakad ng may maramdaman akong presensiya. Kakaiba ang awarang nararamdaman ko. May ilang mga matang nakamasid din sa amin.
"Tanga. Dapat si Dora, at least matutulungan pa tayong makabalik." Pakikipagtalo ni Ferly.
"Boba! Dapat yung wonder pets. Sasagipin nila tayo. E si Dora ang dami pang satsat, like. Ask here, ask there! Dora is look like you! Pangit and boba!" Si Rica.
"Bw*sit ka! Ako nilalait mo ng ganyan. Kung ako si Dora ikaw naman si Boots. Ka-bw*sit kang unggoy!" Pikon nasabi ni Ferly.
Natigil lang ang dalawa ng makarinig nila ang mga kaluskos sa mga halaman. Takot silang lumapit sa akin na parang ayaw nilang mapag-iwanan.
"I h-hate this kind of place." Dinig ko mula kay Rica.
"Huwag kang mag-alala. Tulad ng lugar nato, hate din kita." Nakuha pang mang-asar ni Ferly.
"Time out muna yang away na yan." Awat ni Jackielou sa dalawa.
Tumigil ang mga kaluskos sa halaman. Pero kahit na ganon hindi kami kumilos para makiramdam kung anong nilalang ang gumagawa ng ingay mula sa mga halaman. Makalipas ang ilang minuto at tuluyan ng walang ingay kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Ang wierd naman." Dinig ko mula kay Ferly.
"Baka mga hayop lang yon." Sabi naman ni Jackielou.
"Siguro nga." Pagsangayon nalang Ferly.
Hindi ko magawang lingunin ang matang nakamasid sa amin. Baka sa maling kilos ko bigla nalang silang kumilos na hindi ko inaasahan. Pinili kong kumilos ng normal hanggang makarating kami sa isang talon.
Nakakaagaw pansin ang talon lalo na sa dami ng alitaptap na dumadako sa isang puno.
"Wow!" Manghang sabi ni Ferly.
"F*ck! It's so fantastic." Si Rica.
"Bakit hindi tumatalon ang talon?" Naguguluhang tanong ni Jackielou.
Binitawan ng tatlo ang daladala nila saka sila lumusong sa tubig na nagmumula sa talon.
Minabuti kong maupo saka inilubog ang paa sa tubig. Pinanood ko ang tatlong naglalaro naisipan kong kunin ang selpon sa bag ko, saka kinuhanan ng litrato ang tatlo. Kinuhanan ko din ng litrato ang puno na pinapalibutan ng alitaptap, nag reflection sa tubig ang ilaw ng alitaptap dahilan kaya kaaya-aya pagmasdan ang talon at ang puno.
Dahil sa hindi malamig ang tubig kaya ilang oras nagbabad sa tubig ang tatlo. Nahiga nalang muna ako sa damo saka pinagmasdan ang kalangitan na punong-puno ng bituin.
January 3 ng gabi kami napunta sa balon na 'yon. Pang limang gabi na kami sa gubat o lugar na'to. Ang nakakapagtaka, bakit kami napunta dito ng maliwanag na? E gabi kami napunta sa balon na 'yon. Anong kababalaghan kaya ang nangyari sa amin?
Kinaumagahan naalimpungatan ako dahil sa ingay naririnig ko. Pero pagmulat ko wala naman ibang tao sa paligid. Nilingon ko ang tatlong mahimbing na tutulog. Imposible sila yon!? Kakaiba ang narinig ko.
"Anong oras na?" Tanong ni Jackielou habang nag-uunat ng braso.
Kinuha ni Ferly ang selpon niya sa bulsa ng bag niya para tignan kung anong oras na, siya na din ang sumagot.
"6:30." Sagot niya.
Natigilan kami dahil sa kakaibang ingay mula sa kung saan. Panay ang tingin ng tatlo sa paligid para hanapin ang ingay. Mas minabuti kong kunin ang bag saka isinakbit sa balikat ko.
Masama ang kutob ko sa mga ingay na naririnig namin. Iba sa ingay ng tao o ingay ng mga hayop.
Sa isang iglap mula sa kinatatayuan namin mga labing tatlong...duwende??
Ang tangkad nila'y hanggang tuhod ko lang. Sa takot ng tatlo nagtago sila sa likuran ko habang kung anu-ano ang sinabi dahil sa takot at pagkabigla.
"Hula 'ko. Galing sila sa Nayon." Sabi ng isang batang lalaki. Kahit maliit siya halata naman sa mukha niya ang pagiging bata. Mataba ang kanyang magkabilaang pisnge. Sa taba panggigilan mo nalang siya.
"Hindi." Sagot naman ng isang babae.
Pinagtinginan siya ng mga kasama niya.
"Paanong hindi?" Tanong naman isa na bahagya pang lumapit sa akin para suriin ako. Sa ginawa niya ginaya din siya ng iba.
"Sa pananamit palang masasabing hindi sila galing sa Nayon. Hindi din sila galing sa matataas na pamilya. Maging sa maharlika." Muling sabi nang babae.
"Kung gano'n saan sila galing? Saan antas sila nabibilang?" Tanong nang panibagong duwende.
"Hindi ko din alam." Sagot ng babaeng duwende.
Sabay-sabay silang tumingin sa amin at bahagya pang lumapit dahilan para umalis ang tatlo sa likuran ko.
"Saan kayo nagmula?" Tanong nung batang duwende sa akin.
Bagkus na sagutin ang tanong niya nagtanong ako.
"Anong lugar 'to?" Tanong ko.
Saan lugar nga ba kami napunta? At anong nilalang ang meron sa lugar na'to?
"Paanong hindi niyo alam ang lugar na'to?" Naguguluhang tanong ng babaeng duwende.
Dahil napunta lang kami dito ng hindi namin alam.
Gusto kong sabihin 'yan kaso mas minabuti kong alamin ang lahat mula sa anong lugar kami napunta? At sa Huling tanong na...makakabalik pa ba kami?
Sumama kami sa kanila hanggang makarating kami sa sinasabi nilang...Bezah Lunan.
Hindi madaling makarating sa Bezah Lunan lalo na sa amin apat. Naiiba man ang laki nila sa amin pero kakaiba ang paraan nila sa buhay.
"Maligayang pagdating sa aming Bezah Lunan!!!" Sabay-sabay na pagsalubong nila sa amin.
Hindi ko maitago ang pagkamangha sa kanilang tahanan na kung tawagin ay Bezah Lunan.
Sa mga batong lumulutang may ilang mga bahay ang nakatayo roon. Sa madaling salita parang floating island ang ilang mga bahay.
Napayuko kami sa pagdaan ng malaking ibon. Hindi kapanipaniwala ang mga nakikita namin, mula sa mga duwende, sa lugar nila na kung saan may mga batong lumulutang. Para kaming nasa isang palabas na mapapanood sa telebisyon.
"F-fantastic..." Naibulalas ni Rica sa labis na pagkamangha.
Kulang nalang mapasukan ng langaw ang bunganga ng dalawa. Ang tanong may langaw ba?
Bumaba sa tapat namin ang isang asul na ibon. Tumaas ang kilay ko ng magsalita ang ibon. May gano'n?
"Azulla, yan pangalan ko." Pagpapakilala ng ibon at bahagya pang yumuko upang magbigay galang.
"M-may lahi kang parrot?" Tanong ni Ferly.
"Hindi ko maunawaan ang luhing sinabi mo binibini." Si Azulla.
Pilit na ngumiti si Felry. "Huwag mo ng isipin 'yon."
Pumunta kami sa lugar kung saan silang lahat ay nagpupulong pulong. Pitong pinaka punong pinuno nila ang nasa harapan. Halata na sila ang pinuno dahil sa puti nilang kilay, balbas at bigote.
"Pinunong Kallen, sila po ay natagpuan namin sa talon ng mga alitaptap." Sabi nang batang duwende saka ngumuya ng mansanas.
"Saan antas kayo galing mga binibini?" Tanong sa amin ng pinunong ang ngalan ay Kallen.
"Hindi namin alam kung anong antas ang tinutukoy niyo. Pero kami ay galing sa mundong tawagin namin na Neptune." Sabi ni Jackielou habang tumatango tango.
Nabitin sa ere ang kinakain ni Rica habang si Ferly nabulunan sa kinakain.
Tsk.
Iba talaga ang takbo ng utak niya.
"Kung gano'n saan matatagpuan ang sinabi mong Neptune?" Tanong ng isa pang pinuno ng mga duwende.
Sandaling napaisip si Jackielou ng panibagong kasinungalingan na sasabihin.
"Yun ang problema. Hindi basta basta napupuntahan ng kahit na sino ang Neptune. Maraming nagtatangkang pumunta roon pero bigo silang makarating doon." Sabi niya bago uminom ng tubig.
Tumango tango nalang ang mga pinuno ng mga duwende sa sinabi ni Jackielou.
Marami kaming natuklasan tungkol ng lugar na'to. Hindi lamang duwende ang narito, maging mga batong lawa, mga diwata, asong lobo, dragon, salamangkero, mangkukulam, sirena, pirata, halimaw ng dagat, ang bundok na yelo, ang apat na tagangalaga at ang bampira. Yan ang mga nakwento sa amin ng pitong pinuno ng mga duwende.
Ang grupo ni Semna ang gumawa ng kaluskos nung nasa gitna kami ng gubat. Pero sino ang mga matang nakamasid sa amin nang marating namin ang talon ng mga alitaptap? Anong nilalang sila nauuri?
Bakit sila nakamasid sa amin?
Nakatingala ako sa langit para pagmasdan ang mga bituin. Naalala ko ang kwento ng pitong pinuno ng mga duwende kanina.
Binigyan kami ng limang araw na manatili dito pagkatapos ng limang araw na 'yon kailangan naming pumunta sa Nayon.
"Gising pa kayo?" Dinig kong tanong ni Ferly.
"Me. I still awake." Sagot ni Rica.
"Jackie. Judanna. Gising pa kayo?" Muling tanong ni Ferly.
"Bakit?" Tanong ko habang nasa langit ang tingin.
Hindi sumagot si Jackielou dahil malamang tulog na.
"Hindi ba kayo natatakot?" Tanong ni Ferly.
Napaisip ako sa tanong niya. Takot ba ako sa mga nilalang sa lugar na'to? Siguro Oo, dahil takot akong hindi makabalik sa mundo ng mga tao. Kung saan kami galing.
"For me, ofcourse yes. Ikaw ba naman makakita ng mga napapanood o nababasa mo lang. Tapos pagkamulat mo, heto. Nandito ka sa lugar nila." Sagot ni Rica.
"Ikaw ba?" Balik na tanong ni Rica kay Ferly.
"Syempre takot. Pero meron sa part ko na-iexcite." Sagot ni Ferly. "Ano kaya ang hitsura tsaka powers nila?"
Bago kami natulog nag-away pa ang dalawa. Pinag-awayan nila ang tungkol sa mga kinuwento ng pitong pinuno ng mga duwende.
Kinaumagahan inilibot kami ni Dande sa buong Bezah Lunan. Panay ang kain niya habang naglilibot kami. Masyadong bibo kaya siya nalang ang kasama namin na maglibot. Kung kanina takot ang tatlong sumakay ngayon halos ayaw nilang bumaba kay Mertan. Siya ang ibon na sinakyan ng tatlo. Kami naman ni Dande ay naka sakay kay Azulla.
Naantala ang paglilibot namin sa kadahilanan na kakailanganin nila ng tutulong sa pagkuha ng pagkain. Mas minabuti nalang namin na sumama sa kanila para makatulong kahit papaano.
Panay ang sigaw ng tatlo. Halatang nag i-enjoy sila. Kumuha nalang ako ng mga litrato bago ibinalik sa bag ang selpon. Hanggang ngayon hindi maalis sa akin kung sino ang mga nilalang ang nakamasid sa amin. Hanggang ngayon ay ramdam kong may nakamasid sa—akin??
Bumuntong hininga nalang ako. Mag-isa siya. Hindi ko lang alam kung kasama din siya sa mga nakamasid sa amin nung nasa talon kami ng mga alitaptap.
Pagkarating namin sa talon ng mga alitaptap, napag desisyunan kong humiwalay sa iba. Nag iba din ako ng direksyon hanggang marating ko ang isang parte ng gubat kung saan hindi halos masinagan ng araw dahil sa naglalakihang puno. Pagkaraan ng ilang minuto pero walang nagpapakita. Sa labis na pagkabagot naisipan ko nalang umalis. Pero sa hindi inaasahan isang puting paniki ang bumungad sa harap ko.
Sinuri ko ang nasa harap ko. Mula sa kulay niya na puti, ang mata naman niya ay kulay gray. Katakataka din kung bakit siya nasa harapan ko ngayon. Sa pagkakaalam ko sa gabi lang lumalabas ang mga paniki. Kahit na hindi na sisinagan ng araw ang parte ng gubat na'to hindi sila pumunta dito ng hindi pa gabi. Anong kababalaghan nga ba ang bumabalot sa buong Havilla?
Sa isang iglap bigla nalang siyang nawala. Hindi ko narin maramdaman ang matang nakamasid sa akin. Napailing nalang ako bago bumalik sa mga kasama. Pagkarating ko wala akong naabutan na kahit isa sa kanila. Possible kayang nakalimutan nila ako? Dahil sa nangyari sumilong ako sa isang puno malayo sa na sisinagan ng araw para magpahinga. Hindi pa man ako dinadalaw ng antok ng bigla nalang nag-iba ang paligid ko. Napabangon ako na wala sa oras.
Ang talon at puno ng alitaptap ay bigla nalang naglaho. Inilibot ko ang buong tingin sa kinaroroonan. Isang madilim na silid ang kinaroroonan ko. Ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay mula sa kabisera. Tinungo ko ang malaking pinto saka sinubukan na buksan kaso masyadong malaki ang pinto. Sa inis ko sinipa ko nalang hanggang sa umikot ang pinto.
Tsk...
Wala palang silbi ang doorknob.
Kailangan lang itulak ang pinto para umikot palabas ang pinto. Tulad ng pitong ito ang mga napapanood ko sa mga k-drama. Pagkaikot ng pinto isang katangkaran na tao ang bumungad sa akin. Sa sobrang lapit niya halos maduling ako. Umatras siyang nakapamulsa.
"Sino ka? At nasaan ako?" Tanong ko.
Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus tumalikod siya saka naglakad paalis. Bumuntong hininga nalang ako sa ginawa niya. Wala akong nagawa kundi ang sundan siya.
Lahat ng mga nadadaanan namin na pasilyo ay may ilan mga larawan ang nakasabit sa pader, isang larawan ang nakaagaw ng atensyon ko. Huminto ako para pagmasdang maigi ang malaking larawan. Ang nasa ay ang pitong kilalang magkakaibang antas sa buong Havilla. Sa kuwentong nasabi sa namin kunti palang ang nalaman namin sa lugar na'to. Ilan uri lamang ng nilalang ang na kuwento sa amin. At masasabi kong marami pa kaming matutuklasan bago makaharap ang naglahong matandang babaylan.
Iwinaksi ko sa isipan ang tungkol sa naglahong matandang babaylan. Muli akong naglakad ang kaso hindi ko na alam kung nasaan na yung sinusundan kong lalaki. Napalinga-linga ako para hanapin siya ang kaso napagiwanan na ako.
Bakit kasi napakaraming daanan kaya hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Sa labis na pagkabagot kinuha ko sa bag ang selpon saka kumuha ng ilang larawan. Gusto kong tanungin ang pitong pinuno ng mga duwende sa mga larawan na nakasabit sa pader. Baka sakaling may maging clue kami sa paghahanap sa babaylan.
Bigla nalang ang pagsulpot ng lalaki sa harap ko. Ewan ko kung anong klaseng nilalang siya. Bigla-bigla nalang kasing sumusulpot.
Akmang aalis ulit siya ng muli akong nagtanong.
"Sino ka?" Tanong ko.
Humarap siya sa akin habang nakapamulsa.
"Kahit sabihin ko ang pangalan ko hindi mo pa rin ako kilala." Walang emosyon niyang sabi bago naglakad paalis.
Tama siya pero...kainis! Pangalan na ngalang ayaw niya pang sabihin. Akala mo naman may mawawala sa kanya kapag sinabi niya ang pangalan niya. Tsk! Nakakabadtrip.
Sinundan ko siya hanggang makababa kami ng hagdan pero napaatras ako sa nakita ko. Kung kanina ay ang anyong tao siya ngayon naman ay anyong puting paniki. Naalala ko ang paniking nakita ko sa gubat. Hindi kaya siya 'yon? Possible na siya din ang paniking 'yon dahil sa kulay ng katawan, mata ay pareho.
"Ikaw din ba ang paniking nagpakita sa akin sa gubat?" Tanong ko.
Bumalik siya sa anyong tao saka naupo. Kinuha niya sa mesa ang isang kopa saka sumimsim doon.
Anong klaseng nilalang ngayon ang kasama ko? At anong kailangan niya sa akin? Napapaisip tuloy ako kung may kinalaman siya kaya naiwan ako sa talon ng mga alitaptap.
"It's me." Simpleng sagot niya.
Tama nga ako. May mga nais akong itanong kaso baka hindi niya sagutin ng totoo.
"Just ask." Utos niya. Mukhang ramdam niyang may mga nais akong itanong.
"Anong klaseng nilalang ka?" Tanong ko na ikinatigil niya. Ang kaninang kulay abong mata naging pula. Ngayon ay makikita ko ang emosyon sa mata niya. Emosyon niyang galit.
Umatras ako sa takot na baka saktan niya ako ng dahil lang sa naging tanong ko. Hindi ko maiwasan na gapangan ng takot kahit na bumalik na sa dating kulay ang mata niya. Nakakakilabot ang pulang mata niya. Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot sa tanan ng buhay ko.
Damn it!
Tatlong araw akong nasa poder niya at sa tatlong araw na 'yon ang dami kong pansin. Tulad nalang ng hindi siya nagiiba ng anyo kung nandito siya sa loob ng lumang palasyo, pero kapag lumabas siya ng palasyo bigla nalang siyang nagiging anyong paniki. Tatlong minuto lang ang pwede niyang itagal na maging tao sa labas. Ang mahaba niyang puting buhok na lagpas baywang ay kapansin-pansin. Kahit mahaba ang buhok niya hindi maikakaila ang taglay niyang hitsura.
Tumingin ako sa malaking bintana ng silid na kinaroroonan ko. Ang malakas na tulog at kidlat kasabay ang malakas na hangin at ulan. Napasandal nalang ako sa headboard ng kama.
Ano kaya ang kalagayan ng tatlo don sa Bezah Lunan? Umuulan din ba don? Takot pa naman sa malalakas na kulog si Rica at Ferly. Baka hindi makatulog ang dalawang 'yon dahil sa takot. Maarte at may pagka-OA ang dalawa. Paniguradong problemado si Jackielou. Nakatulugan ko ang pag-iisip, nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko.
Napabalik ako sa pagkakahiga ng bigla niyang pagsulpot.
"Did you know how to knock?" Inis kong tanong.
Hindi siya sumagot at wala pang minuto at nasa ibabaw ko na siya. D-damn!
"T-teka a-anong g-ginagawa m-mo?" Utal kong tanong.
Hindi niya hawak ang kamay ko pero hindi ko magawang igalaw para itulak siya. Anong nangyayari? Bakit hindi ko manlang siya maitulak? Damn!
Ang kabang naramdaman ko bigla nalang dumoble. Ramdam ko ng hininga niya sa leeg ko. Napapikit ko ako ng dilaan niya ang leeg ko. Ilan segundo bago siya tumigil at tinignan ako.
"You want to be free, right?" Tanong niya.
Tumango ako bilang sagot na 'Oo'.
Kung noon hindi ako nakakaramdam ng takot ngayon halos gusto kong maglaho sa harap niya sa sobrang takot.
"Let me free form the curse of along time ago." Huling sabi niya bago naglaho.