"Guys, wala si Ma'am Marquess so free tayo ng one hour," pag-announce ng class monitor namin.
"YES!" sabay-sabay at tuwang-tuwang sigaw nila.
"But," biglang pagsasalita niya kaya naman natahimik ulit ang lahat at naghintay sa sasabihin niya.
"But what?" maarteng tanong ni Faye.
"We are not allowed to go outside the classroom. Pagpunta lang sa comfort room ang pwede. At hanggang time, saka lang tayo makalalabas.
"Aw," disappointed ang class.
Natawa naman sa reaction ng classmates namin si Aljur, class monitor namin.
"Why she's not here?" tanong ni Maddie.
"Dean Alonzo assigned her to do something," sagot niya na nakatingin nang diretso kay Maddie.
Naiilang naman na umupo si Maddie. Eh? What's with that look?
Nag-ingay na naman ang mga kaklase ko. Maya-maya, lumapit sa amin si Aljur. Nilingon ko si Klyzer, parang walang pake sa paligid niya. Naka-earphones at kung may anong pinapanood o tinitignan sa phone niya dahil pangiti-ngiti pa. Nilingon ko rin si Maddie. Ba't parang hindi siya mapakali. What's her problem? Aligagang kinakalkal niya ang bag niya.
Kinalabit ko siya at tinanong, "Are you okay?"
Pero hindi niya ako sinagot. Patuloy lang siya sa paghalungkat ng bag niya.
Ano bang hinahanap niya at parang hirap na hirap siya? Imposible namang hindi niya agad mahanap 'yon eh kakaunti lang naman laman ng bag biya.
"Maddie," tawag sa kanya ni Aljur na nasa harap niya.
Biglang tumigil sa pagkalkal si Maddie at tiningala si Aljur.
"W-what?" utal niyang tanong.
"Uh, we have a meeting. All Monitors and Vices," sagot niya at napakamot sa ulo. Silang dalawa kasi ang class monitor and Vice.
"N-ngayon na?"
"Yes."
"As in ngayon na talaga?"
"Y-yeah. Pero saglit lang naman daw. About lang daw sa--" 'di niya na natapos ang sasabihin niya nang biglang tumayo si Maddie at dire-diretsong lumabas.
Eh? She's acting weird. Napalingon naman ako kay Aljur na kakamot-kamot sa ulo at iiling-iling na sinundan si Maddie sa labas. What's with them? Hmm. Smells something fishy.
Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan nila nang maramdaman kong may lumapit sa akin kaya't nilingon ko sila.
"What?" I asked them with a bored tone.
"Hi, Jillian," si Faye na ngiting-ngiti sa harap ko.
Kasama niya rin sina Danniella at Angela sa likod niya.
"Hey, Jill," bati rin ng dalawa.
Tinaas ko lang ang kaliwang kilay ko na parang nagtatanong sa kanila.
"How are you?" tanong ulit ni Faye.
"Why do you care?" taas-kilay ko ulit na tanong.
"Why can't you be nice to us?" pababeng tanong din ni Angela.
"Yeah, you're always nambabara," segunda ni Danniella.
"The hell do you care?" kalmadong tanong ko pero inis na inis na ako sa mga pagmumukha nila. Grr.
"Argh! She's so maldita!" bulong ni Danniella pero narinig ko naman.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yeah, I hate her," sabay simpleng irap ni Angela.
The feelings are mutual, girl.
Pasimpleng siniko naman sila ni Faye at pinandilatan. Tss? Ano bang ginagawa nila? Naiirita na ako sa kanila ah!
"A-ah, Jillian, don't mind them haha," sabay tawa ni Faye.
What's the funny?
What are they doing ba kasi? Eh obvious naman na ayaw nila sa'kin. Duh.
"What do you need?" I asked them using a poker face, but deep inside, I want pull their hair and slap.
"We want you to be our friend," nakangiting sabi ni Faye.
Siya ba ang spokesperson ng grupo niya? Tss. And wait, they want me as their friend? Eh obvious naman na gusto lang nila akong maging 'friend' dahil malapit ako kina Maddie at syempre kay Klyzer.
Kanina ko pa napapansin ang pasulyap-sulyap nila kay Klyzer at itong lalaki naman na 'to, parang wala namang pake at patuloy lang sa panonood sa kung ano man diyan sa phone niya.
"Sorry girls, but our feelings are not mutual," pagtataray ko sa kanila.
"W-what do you mean?"
"I don't want you to be my friend," pandidiretso ko sa kanila.
Stupid.
"W-why? We're nice to you naman diba? And we're pretty, too. There's a lot of students that want us to be their friends and you're lucky because we're talking to you," si Faye na naman.
Siya talaga ang spokesperson ng grupo nila dahil kanina pa siya daldal nang daldal.
"I don't care to others. And I'm not interested. So please, umalis na kayo sa harap ko. You're wasting my time. I'm so irritated on your freaking faces," madiin kong sabi sa kanila.
"Tss, you're choosy huh?" biglang pagtataray ni Faye.
I knew it! They're just pretending to be nice to me.
Padabog akong tumayo kaya't nagsipagtinginan sa amin ang iba naming classmates, naramdaman ko ring lumingon si Klyzer. At dahil sanay akong makipag-away, wala na akong pake sa mga nakakakita sa bad attitude ko.
"I'm not choosy for having a friend. I just don't want to have a plastic friends like you," maarteng sabi ko sa mismong mukha ni Faye.
Halatang nainis naman siya.
Tinirik niya muna ang mata niya bago tumingin ng masama sa akin. As if I'm scared with that glares. I rolled my eyes.
"Why so b***h, girl?" mataray niyang tanong. Masama na rin ang tingin sakin nina Angela at Danniella.
"The question was for yo," sabay duro ko pa sa kanya. "Why so b***h, girl?" ulit ko.
Bigla namang lumapit si Angela. "Who do you think you are?" pasigaw na tanong ni Angela.
Aba, nawala ang pagiging pabebe ah? Tss, sabi na eh. Lalabas lang din ang tunay na kulay nitong mga 'to.
"You're just a transferee. Pero kung umasta ka, ang tapang-tapang mo!" sigaw din ni Danniella.
"Eh bakit din ba pinapakialaman niyo ako ha?" Tumaas na rin ang tono ng boses ko.
Nakakainis naman kasi. Ano naman sa kanila kung b***h ako? Why they just can't shut their mouth and mind their own business!
"Why? Is it because nalalamangan ko kayo? Or dahil..." Lumingon ako kay Kylzer na naka-smirk sa'kin at prenteng nakaupo. "Dahil nakakasama ko 'yang iniidolo niyo kahit baguhan lang ako? At kayong matagal na dito, hanggang tingin pa rin?" confident kong sabi at nilingon ulit 'tong lalaking 'to.
Nakangisi pa rin ito at nakataas ang kilay. Hays!
Nanonood pa rin ang mga classmates namin. Nilingon ko naman ang tatlo.
"What did you say?" gigil na tanong ni Faye.
"Oh girl, are you deaf? I mean, are you stupid? Do you want me to repeat those insults?" pang-aasar ko.
Halos umusok naman ang ilong nilang tatlo. Narinig ko ang bungisngisan ng mga kaklase ko.
"Ang tapang mo! Porke ba malapit sa'yo 'yang sina Maddie at Klyzer? Pinagmamalaki mo na 'yon, ha? Eh, alam naman naming lahat na ginagamit mo lang silang dalawa to gain fame." gigil na sabi Faye. Halos magputukan na rin ang mga ugat niya sa leeg.
Nag-init naman ang ulo ko sa sinabi niya! What do they think of me? A famewhore? Huh! Yes, maldita ako but I will never use someone just for my own sake. That's selfishness. And I'm not like that.
"What did you say? I'm using them? Huh? I am not that desperate to use someone for my own benefits. I am not like you, b***h!" sigaw ko sa mismong mukha niya at tinulak nang bahagya.
"Gow dare you!" Umangat ang kamay niya para sampalin ako and I'm ready to face her slap.
Tinignan ko siya nang diresto at saka nagsmirk. One touch on my face, I'll take off your scalp. Go on, b***h.
Sasampalin niya na sana ako nang may humarang na kamay. Hinawakan niya ito sa braso para pigilan ang pagsampal sa akin.
"Don't touch her," mariing utos niya.
Bumakas naman ang takot kay Faye. Ganon din sa dalawa niyang kasama at nabigla rin ang mga classmate namin. Me too, I'm also shocked!
"You don't touch me!" binabawi niya ang braso niya kay Klyzer pero hindi siya binitiwan nito.
Lumingon ako kay Kylzer at nakatayo na pala ito sa tabi ko.
"I said don't touch her or else, you'll need to find a new school tomorrow," sabi niya pa at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa braso ni Faye. Napasinghap naman sina Angela at Danniella.
"What's your problem, Klyzer?!" inis na sigaw ni Faye.
Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Kung sinong magsasalita, don ako titingin.
"Ikaw ang naunang puntahan si Jillian. So, what's your problem?" walang emosyon niyang tanong.
"Are you defending her?" gigil na tanong niya at pilit na binabawi ang kamay.
"Got a problem with that?" hr asked as he smirked.
Pabatong binaba niya ang braso ni Faye na kaagad namang nilapitan ng mga kaibigan niya.
"Bakit ba, huh? What are you two? Anong meron sa inyo?" tanong naman ni Angela na nakaalalay kay Faye.
"She's my girlfriend."
Napalingon ako kay Kylzer nang sabihin niya iyon. Bahagya pang nakaawang ang bibig ko. Napatitig ako sa kanya. This is the second time that he said I'm his girlfriend. But why? Girlfriend? Seriously? First, sa maids namin. And second, in front of our classmates?
Lumingon din sa kanya ang iba. Natigilan din sina Faye at hindi makapaniwalang tumingin dito sa 'boyfriend' ko raw.
"Girlfriend?" 'di makapaniwalang tanong ni Danniella dahil mukhang speechless sina Faye at Angela. Speechless din naman ako.
"You heard it right. I won't say it twice. So..." nilibot niya ang tingin sa buong klase. "Don't you dare to touch my girlfriend."
In-emphasize niya pa yung 'girlfriend'. s**t! Nagsimula namang kumabog nang malakas ang puso ko.
Mas lalo akong natigilan nang akbayan niya ako. Napatitig na lang ako sa kanya. Ngumit naman siya. Argh! My heart skipped a bit.
"I'm sorry, Love. I know you want it secret but, I can't take it anymore. I want to tell them all that you're mine and I'm yours," sabay kindat niya pa.
A-ano bang sinasabi niya! Halos hindi na magsink in sa utak ko ang mga pinagsasabi niya!
Narinig kong nagsipagtilian ang mga kaklase ko.
"Waaahhh! So sweet!"
"She must be very lucky!"
"I also want a boyfriend like him!"
"Upo na tayo," aniya kaya sumunod naman ako.
Iniwas ko na ang tingin sa kanya pero ramdam ko pa rin ang titig niya.
Umalis na sa harap namin ang grupo nina Faye at nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila kanina. Wala na sa amin ang attention ng lahat.
Nang matauhan ako ay nilingon ko si Klyzer. I glared at him! Yung tipong kung nakamamatay lang ang tingin, bumulagta na siya.
Napaayos siya ng upo at naiilang na tumingin sa akin.
"W-what's with that look?" nakataas ang kamay niya na parang sumusurrender.
"Anong mga pinagsasabi mo sa kanila?" madiin kong tanong.
Parang kinakabahan naman siya ngayon.
"Uhm..." 'Di siya makapagsalita. Parang walang masabi.
"I'll talk to you later," sabi ko at kinuha ang phone at earphones at nanood ng kung ano sa phone ko.
Actually, excuse ko lang iyon para hindi niya na ako kausapin. At kunwari lang yung 'glare' ko sa kanya. s**t! Kinikilig akoooo! Napapangiti na ako pero pilit kong ikinunot ang noo ko at kunyaring seryosong nanonood sa phone ko kahit hindi ko naman talaga maintindihan 'to dahil nakatitig pa rin 'tong hindi ko alam kung papaano ko naging boyfriend.
Maya-maya pa, dumating na si sir Martin at last subject na namin pero wala pa rin sina Maddie at Aljur. Nasan na kaya sila? Akala ko, saglit lang? Eh halos isang oras na sila do'n ah?
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung 'boyfriend thingy'. At sabi ko pa naman sa kanya, kakausapin ko siya pero parang nailang naman ako. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung kakausapin ko siya o hindi. First of all, anong sasabihin ko? Anong itatanong ko? Kanina, halos mag-unahan ang mga tanong ko, pero ngayon hindi ko na alam kung saan iyon na napunta. Itong lalaki naman na kasi 'to eh, kung anu-ano ang pinagsasabi. Pinapagulo ang isip ko. Oo nga, gusto ko nga siya at kinilig ako sa sinsabi niya kanina pero bakit?
"Ms. Fritz?"
Napaayos ako ng upo nang marinig kong tinawag ako ni Sir Martin. Hindi ko alam pero kanina napasulyap muna ako kay Klyzer bago tumingin kay Sir at tumayo. s**t! Nakakatitig na naman 'tong lalaking 'to.
"Y-yes Sir?"
"Where's Maddie?" tanong niya at nilibot ang tingin sa buong klase, napatigil din siya sa vacant seat ni Aljur at napataas ng kilay. "And also Mr. Varro isn't here?" Tanong niya at muling tumingin ulit sa akin.
"Uh, they're on their meeting, Sir. All class monitors and Vices," sagot ko at bahagyang yumuko.
Hindi kasi ako sanay makipag-eye contact sa lecturers. Bakit ba naman kasi ako ang tinatanong niya?
"Oh, is that so?"
"Yes, Sir."
"Okay, take your seat," sabi niya at tumalikod at naglakad pabalik sa table sa unahan.
"Let's start our discussion,"niya kaya nagsikinigan na sila kay Sir Martin.
Habang nagsusulat si Sir sa whiteboard, naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya't kinuha ko 'yon. Kaka-swipe ko pa lang nang marinig kong bumulong si Kylzer kaya napalingon ako sa kanya.
"Careful. Sir Martin might see you using your phone while in his class. He might confiscates your phone," aniya habang nagsusulat. Ni hindi man lang lumingon sa akin.
"Why do you care? If my phone had been confiscated, I don't bother to get it back. I'll just buy new one," mataray kong tugon.
"I know but Sir will scold you. At mapapahiya ka sa klase," sabi niya at tumigil sa pagsusulat at nilingon ako.
Nailang naman ako kaya't tinignan ko na lang ang phone ko. One message received? I opened it and read.
From Maddie:
Mauna na kayong umuwi ni Klyzer. Matatagalan pa kami rito. Sasabay na lang ako kay Aljur.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nabasa. What?! So it means, kaming dalawa lang ang magkasama mamaya? Ugh. It'll be so awkward!
Humarap si Sir Martin kaya tinago ko ulit ang phone ko.
"Copy this and this will be your assignment."
Pagkatapos ay lumabas na si Sir. Nagsisilabasan na rin ang iba. Tumayo na rin ako nang matapos kong ayusin ang mga gamit. Nanatiling nakaupo naman 'tong lalaking 'to.
"Oh? What are you waiting for?" taas-kilay kong tanong.
"Waiting my cousin," supladong sagot din niya.
"Oh yeah, I forgot," sabi ko at kinuha ang phone ko sa bulsa at pinakita ang text niya kanina.
Bigla naman siyang napaiwas ng tingin at biglang tumayo saka naglakad palabas.
Great! He left me! Tss. Inis na sumunod ako sa kanya papunta sa locker. Nauuna siya sakin at hindi rin kami nag-iimikan. Mabuti naman. Tss.
Padabog kong nilagay ang mga gamit sa locker ko at padabog ding sinara ang locker. Hindi pa tapos si Klyzer pero hindi ko na siya hinintay at nauna nang maglakad palabas at papunta sa locker. Tss, iniwan niya rin naman ako kanina eh. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod ko pero hindi ko pa rin siya nilingon. Pagdating sa parking lot ay dumiretso ako sa kotse niya. Bubuksan ko na sana yung backseat nang magsalita siya sa likod.
"Not there."
Lumingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Why not?"
"I'm not your driver so, sa front seat ka," sabi niya at nauna na sa driver's seat.
I rolled my eyes!
Okay, fine!
Hindi niya inistart ang engine ng car pagkapasok ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Why? Ba't di pa tayo umaalis?"
"I thought we will talk?"
Shit! Naalala niya pa 'yon! Ano ba 'yan bakit ko pa kasi sinabi iyon. Nahihiya na ako! But I have no choice, nandito na eh.
"Y-yeah. Let's talk."