Pagkatapos kumain, bumalik na ako sa kwarto para makaligo na. Ginawa ko na rin ang mga assignment ko.
Humiga ako sa kama ko pero hindi ako makatulog. Napapikit ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni Klyzer. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kilala niya na ako dati pa. Seriously? Habang nasa ibang lugar pala ako, may isang taong iniisip at hinihintay ako? Hinihintay ako sa lugar kung saan ayoko nang bumalik pa?
Sa totoo lang, ayaw ko na talagang umuwi rito, lalo na sa bahay na 'to. Kasi, napakadami naming memories dito ni Daddy. Dito sa bahay na 'to. Kaya kahit saan ako lumingon, naaalala ko siya kahit na gusto ko na siyang kalimutan. I want to forget him like how he forgot us. Nasasaktan pa rin kasi ako hanggang ngayon. 'Pag naaalala ko ang mga bonding namin ni Daddy, kung paano niya iparamdam na mahal na mahal niya ako and as he always reminds me that I'm his princess, his baby, imbes na matuwa ako, nasasaktan at nagagalit ako. Kasi sa tuwing maaalala ko ang happy moments and bonding namin, susunod kong maaalala yung biglang pang-iiwan niya.
Naramdaman kong nangilid ang mga luha ko kaya napapikit ako. Sa pagpikit ko, naalala ko na naman.
Nagising ako nang makarinig ako ng ingay sa baba. Parang may nagsisigawan na ewan. Pagtingin ko sa wall clock, 8:30 am pa lang at inaantok pa ako dahil masyado akong napagod kahapon sa graduation namin.
Tumayo na ako para naghilamos at magtoothbrush. Rinig ko pa rin ang ingay sa labas pero hindi ko maintindihan kung anong mga sinasabi nila. Pagkatapos ay bumaba na ako, habang pababa ay palinaw na nang palinaw ang naririnig ko.
"Please, don't leave us!"
"Enough! Maawa ka sa sarili mo, Julie! Ayoko na!"
Napatigil ako nang nasa baba na ako ng hagdan. Bakit ang daming maleta? Kanino 'tong mga 'to? Lumingon ako sa gawi nina Mommy at Daddy. Parang sinaksak ng sampung beses ang puso ko nang makita ko si Mommy na nakaluhod, hawak sa kamay si Daddy na nakatayo. Sobrang namamaga na ang mata ni Mommy.
"Please, Lorenz! I'm begging! Don't leave us! Hindi ko kakayanin!" pagmamakaawa ni Mommy.
Walang emosyon na tumingin si Daddy kay Mommy.
"Julie, please lang din, hayaan mo na akong umalis," matigas na sabi ni Daddy na dahilan ng pangingilid ng luha ko.
"D-dad. . ."
Sabay silang napalingon sa akin.
"J-jillian. . ." humihikbing tawag sa'kin ni Mommy.
"Mom? D-dad? What's going on?" tanong ko kahit alam ko na ang nangyayari.
I maybe young but I am not dumb to not realize what is happening.
Walang sumagot sa kanila. Yumuko lang si Mommy at rinig na rinig ko ang paghikbi niya and it hurts hearing her sobs. Si Daddy naman, nakatingin lang din sa akin nang walang emosyon. Nararamdaman ko na ang pangingilid ng luha ko.
"D-dad, w-where are you go-ing?" halos pumiyok pa ako sa tanong ko.
Napalunok ako dahil merong kung anong nakabara sa lalamunan. Dad, please. Sana hindi tama ang naiisip ko.
"Dad? Answer me? Why is she crying?" turo ko kay Mommy kahit nanghihina na ako.
"I'm leaving," diretsong sagot niya.
"Y-you're leaving? Is this a business matter, dad? Business trip or something related to your business?"
Say yes, dad. Please, say yes.
"No," maiksing sagot niya.
"Then where are you going?!" tumaas na ang boses ko kaya't tumingin sa akin si Mommy.
"I'm leaving this family."
Halos matumba ako sa narinig ko. Bigla akong nanghina. I'm already twelve years old kaya alam ko ang ibig niyang sabihin. Iiwan kami ni Daddy? Why? Hindi niya na ba kami mahal? Bakit kahapon, sobrang saya pa namin? Proud na proud siya sa akin dahil graduate na ako sa elementary. Pero, bakit nangyayari ito?
Kahit halos mapako na ako sa kinatatayuan ko, sinikap kong maglakad papunta kay Daddy at agad siyang niyakap. Hindi ko na napigilan at nagsituluan na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napahikbi na rin ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya pero halos manghina na naman ako nang hindi ko man lang naramdamang niyakap niya rin ako.
"N-no, dad. You're not leaving, right? You love us. Diba? Lagi mong sinasabing mahal mo kami? Na mahal na mahal mo ako? Daddy, please 'wag mo kaming iiwan. Ayoko, Daddy. Please. Don't leave us. Ayokong iwan mo kami. Ang sakit Daddy," pagkausap ko sa kanya.
Sobrang lakas na rin ng pag-iyak ko. Nababasa na rin ang suot ni Daddy dahil sa mga luha ko.
Please Daddy, hindi ko kayang iwan mo kami ni Mommy.
"L-lorenz, k-kahit para kay Jillian na lang, kahit para sa kanya na lang, 'wag ka lang umalis. Para sa anak natin," dinig kong sabi ni Mommy.
Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay Daddy. Para akong bumalik sa eight-year-old na Jillian na sobrang iyakin.
"No, buo na ang desisyon ko. Aalis na ako sa pamilyang ito," sabi ni Daddy at pilit na tinatanggal ang braso kong nakayakap sa kanya.
"N-no Daddy, no. Please, no. No. No. No," paulit ulit ko iyong sinasabi at paulit-ulit din ang pag-iling.
Mas lalo ko pang hinigpitan nag yakap ko sa kanya.
"Ayoko na sa pamilyang 'to. Sawa na ako. Pagod na ako. Kaya please lang, paalisin niyo na ako," mariin niyang sambit at tuluyan niya nang natanggal ang braso ko sa pagkakayakap sa kaniya.
Nanghihina akong napaupo at patuloy lang sa pag-iyak. Hindi nagsalita si Daddy kaya't ang malalakas na hagulhol lang namin ni Mommy ang naririnig namin.
"Na-realize ko na hindi na pala ako masaya sa inyo. Pinapakisamahan na lang kita Julie. H-hindi na kita m-mahal. Sorry Jillian, but I have to leave," nakikiusap na sabi ni Dad.
Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya! Hindi niya na mahal si Mommy?! Mas lalo ring lumakas ang hagulhol ni Mommy. Pareho na kaming nasa sahig at parang mga pulubing nanlilimos.
"Daddy! Mahal na mahal po kita! Please, hindi ko po kaya na mawala ka. Daddy! Diba po I'm your princess? And you don't want to see me cry? Pero bakit ikaw pa ang nagpapaiyak sa akin? Daddy, don't leave please, don't. No, daddy. No. Please," sobrang lakas na ng pag-iyak ko, halos sumakit na ang lalamunan ko.
Hindi ko kayang malayo kay Daddy. Hindi ko kaya. He's my hero, he's my king and I love him so much.
Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Unti-unting tumigil si Mommy sa pag-iyak pero pulang-pula na ang mukha niya at namamaga ang mata. Medyo nagulo na rin ang buhok niya. Awang-awa na ako kay Mommy.
"Daddy, please. I'm begging. Nagmamakaawa po ako. 'Wag mo po akong iwan, daddy. I love you so much, Daddy. So please, don't leave me, don't leave Mommy," pagmamakaawa ko.
Halos nakaluhod na rin ako.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako.
"Shh, baby. Tama na, don't cry," pag-alo niya sa akin pero tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Let him, baby. Let him go. If that's what he w-want, then l-let's give it to him."
I looked at her in disbelief.
"Mom? Can you hear yourself? You are letting him go? Mommy! Please, I'm begging, pigilan mo si Daddy!" pagsusumamo ko.
"Jillian," tawag sa akin ni Daddy kaya napalingon ako sa kanya.
Wala pa ring emosyon ang mga mata niya.
"Daddy. . ." tatayo na sana ako para lumapit sa kanya nang bahagya siyang umatras at nagsalita ulit.
"Please, let me go. Don't be too selfish."
Napatigil ako dahil sa narinig ko. What did he say? Am I right on what I have heard?
"Daddy? Don't be selfish?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Y-you're telling me not to be selfish? Huh?!"
Tumayo ako at tiningala siya. Naramdaman kong hinawakan ni Mommy ang braso ko na para bang pinipigilan sa kung anuman ang gagawin ko.
"Daddy?! Can you hear yourself? Don't be selfish? I am selfish? And you are not? Look at you dad, you are the one who's selfish! Iiwan mo kami ni Mommy dahil lang sa ‘pagod’ at ‘sawa’ ka na! Don't you think it being selfish?!" halos pasigaw kong tanong kay Daddy. "What about me, dad? Paano ako, Daddy?"
"Jill, enough. . ." mahinang ani Mommy na pilit pinipigilan ang iyak.
Umiling-iling lang si Daddy at tumalikod sa akin. Tumigil sa pagtibok ang puso ko nang kunin niya ang maleta niya.
"A-aalis na ako," nakatungong aniya na.
Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko siya sa sleeve ng polo niya at hinila-hila iyon.
"Y-youre leaving talaga, Daddy? No, please. Daddy. I'm begging. Daddy! No, don't leave us please!" pagsusumamo ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at pilit na naglalakad kahit nakahawak ako sa kanya.
Lumapit sa akin si Mommy at siya na mismo ang nagtanggal ng kamay ko sa sleeve ni Daddy. Dahan-dahan pa nang mabitawan ko si Daddy. Halos wala akong marinig. Hindi ko na rin marinig ang sarili ko at pilit na inaabot ulit ang kamay niya. Nagpupumiglas ako kay Mommy pero mas lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin.
"Daddy! Daddy! Comeback here please!" sigaw ako nang sigaw habang tinatanaw siyang pasakay ng kotse niya.
"Daddy, I need you, please. We need you!"
"Mommy, let me go! I need to stop him! Pagpupumiglas ko kay Mommy at nang tuluyang makasakay si Daddy, siya namang nabitawan ako ni Mommy kaya't tumakbo ako sa kotse ni Dad pero huli na ang lahat. Napaandar niya na at nakalabas na ng gate. Imposibleng mahabol ko pa siya.
Biglang bumigay ang tuhod ko kaya't napaupo ako. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit. Sobra-sobra. Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko dahil sa pag-alis ng daddy ko. Hindi ko matanggap.
Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak. Iyak nang iyak. Hanggang sa maramdaman kong may yumakap sa akin kaya ang tahimik kong pag-iyak, biglang naging hagulhol.
"Baby, don't cry. Tama na, tama na. Mommy's here naman diba? 'Di kita pababayaan, okay? I won't leave you like what he did."
Napakapit ako sa braso ni Mommy at niyakap din siya.
"M-mommy. . ." tawag ko sa kanya.
"Yes, baby?" tanong niya habang hinahagod ang likod ko.
"Mommy, I hate him!" humihikbing sabi ko. Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Mommy.
"No, baby. Don't hate him. He's still your dad."
"But he left, Mommy! He left! He left us! Kahit awa man lang wala siyang naramdaman! Kahit nakikita niya nang nagkakaganito na tayo!" galit na sigaw ko.
I hate you, Daddy. I hate you. You're not my father anymore.
Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at niyakap iyon. Ginamit ko rin iyon para takpan ang mukha kong basang-basa na ng luha. Kanina pa ako iyak nang iyak nang maalala ko na naman ang pang-iiwan niya.
Kinabukasan pag-alis ni Daddy, I told my mom to leave to and that's what we did. Lumipat kami sa province kahit ayaw na ayaw ko ro'n makaalis lang sa bahay na 'to kung saan sa lahat ng corner ng bahay, nakikita ko ang unang lalaking minahal ko na unang nang-iwan din. And after almost six years, Mom decided to comeback here. Para raw may mag-asikaso ng company namin. No'ng pumunta kasi kami sa province, yung pinsan niya ang nag-manage at dahil kay Mommy at Daddy naman talaga iyon, bumalik kami dito ni Mommy para siya na ang mag-manage. At sa pagbalik ko, naalala ko na naman ang nakaraan.
Pero agad din akong napangiti nang maisip ko ang dinatnan ko rito sa pagbalik ko.
My bestfriend, Maddie.
And,
The guy who's waiting for me, Klyzer. Na sa hindi ko inaasahan, magugustuhan ko pala.
I wonder, what if we didn't leave? What if we stay here? Magkakagusto rin ba agad ako sa kanya?
Kahit namamaga pa ang mata ko dahil sa pag-iyak kanina ay napangiti na lang ako nang maalala ko na naman ang confession niya kanina. Rare na ang mga lalaking ganon, ang kayang maghintay nang matagal at maging loyal.
I smiled. Kahit papa'no pala, tama ang desisyon kong sumama kay Mommy pabalik dito para makilala ko siya. Para hindi na rin siya maghintay pa at makita na ako. Iba ka, Klyzer.