"Don't forget, class, we will be having a long quiz tomorrow. Hindi ako magbibigay ng special quiz sa mga aabsent bukas, kahit ano pa iyang excuse niyo. Pag absent bukas, bagsak na! That's all. Dismiss," paalala ni Sir Martin saka lumabas ng room.
Napatingin ako sa labas ng bintana, ang lakas ng ulan. Wala akong dalang payong.
Nagtayuan na ang classmates ko kaya tumayo na rin kaming tatlo. Pumunta sa locker para mag-iwan ng gamit.
"Do you have umbrellas?" tanong ni Kylzer sa'min ni Maddie.
"Wala."
"Nothing," sagot namin.
"Pa'no 'yan? I don't have umbrella too. Mababasa tayo papuntang parking lot," aniya.
"What if hintayin muna nating humina ang ulan?" suggest ni Maddie.
"Matatagalan pa bago 'yan humina," ani Klyzer.
Napatingin naman ako sa langit, sobrang dilim na.
"Then, we don't have any choice," sabi ko.
Napalingon si Maddie sa akin. Si Klyzer naman, kanina pa nakatingin.
"Magpapaulan tayo?"
"Yeah," sagot ko at sumugod na sa ulan.
Tumakbo agad ako papuntang parking lot. Sumunod naman sina Maddie at Klyzer sakin. Pagdating ay pumasok na kami ni Maddie sa kotse, samantalang si Klyzer naman, may kinuha pa sa back compartment. Pagpasok ay may binigay siyang towel kay Maddie na agad namang nagpunas ng katawan.
"Here," abot niya sa akin ng isa pang towel.
"Thanks," sabi ko at nagpunas na rin.
May isa pa siyang towel kaya nagpunas na rin siya. Ang dami naman niyang towel?
Nang matapos sa pagpupunas ay sinampay ko sa sandalan ang towel na pinahiram niya. Pinaandar na rin niya ang sasakyan.
"Salamat sa paghatid. Baba na ako," paalam ko sa kanilang dalawa nang nasa tapat na kami ng gate namin.
"You're welcome, bestfriend," si Maddie ang sumagot.
"Don't forget to take a bath. Baka magkasakit ka," paalala ni Klyzer.
Eh? Concern ba siya?
"Ma'am Jillian, sabi po ng mommy niyo na ako na lang daw po ang gigising sa inyo kasi aalis daw po siya," rinig kong sabi ng isang kasambahay namin.
"Okay po," tanging nasabi ko.
Argh! Tinatamad akong bumangon! Ang sakit at bigat ng ulo ko! Gusto ko pang matulog. Kaso, naalala ko yung sinabi ni Sir Martin kahapon, may long quiz at bawal umabsent. Ang sakit talaga ng ulo ko. Ano ba naman yan! Lalagnatin pa yata ako!
Sobrang bagal ng kilos ko. Mula sa pagligo at pagbihis. Kulang na lang, halos paliguan at bihisan na ako.
"Ma'am Jillian, nasa labas na po ang mga kaibigan mo. Hindi ka pa po kumakain," Dinig kong sabi na naman ng maid namin sa labas ng kwarto ko.
"Paki-sabi na lang na baba na ako," ani ko.
"Pero hindi pa po kayo nag-aalmusal," aniya.
Kung wala lang akong sakit ngayon, baka nasigawan at nasungitan ko na itong maid namin. Kaso dahil masama nga ang pakiramdam ko, hindi ko magawa.
"Okay lang po. Sa school na lang po ako kakain," sabi ko naman.
"Sige po," narinig ko ang hakbang niya palayo.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula ang mukha ko hanggang leeg. Pati ang mga mata ko, namumula rin. Ang putla ng lips ko! Naglagay ako ng liptint para hindi masyadong halata ang pamumutla ko. Nagsuot din ako ng jacket.
Naka-park na nga ang sasakyan ni Klyzer sa labas ng bahay namin. Nakatayo siya at nakatitig na naman sa akin.
"Good morning," bati niya sabay ngiti.
Tumango lang ako dahil nahihirapan akong magsalita. Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Pinilit kong ngumuti sa kanya kahit ang sakit na ng ulo ko.
Habang nasa biyahe, pasulyap-sulyap silang dalawa sa akin. Parang nagtataka sa akin.
"Are you okay, Jill?" 'di na napigilan ni Maddie at nagtanong na siya. Sumulyap naman si Klyzer sa rear mirror.
"Y-yeah. J-ust sle-sleepy," napapaos kong sagot at pumikit para hindi na sila magtanong.
Lunch time na. Nakatungo lang ako habang naglalakad papuntang cafeteria. Nasa likod ako nina Maddie at Klyzer. I know naman na napapansin nila ang kanina pang pananahimik ko. Wala rin akong inaway na classmate or schoolmate ngayon.
Feeling ko, pagod na pagod na ako kahit upo lang naman ang ginawa ko at hindi na nga masyadong nakinig sa mga teacher.
Argh! Ang sakit talaga ng ulo ko. Bakit ba naman kasi nagpaulan ako kahapon! Nakalimutan kong mahina pala ang resistensya ko kaya madali akong magkalagnat kahit konting ambon lang.
Hanggang sa pagkain, tahimik lang ako. Pagpunta sa locker, pagbalik sa room, tahimik lang ako.
Second to the last subject na. Sobrang bigat ng ulo ko. Parang nasusuka pa yata ako. Nakatungo lang ako sa mesa ko.
"Ms. Fritz, are you okay?"
I wanna lay on my bed. I want to sleep. Ang sakit-sakit na ng ulo ko. Parang maiiyak na ako.
"Ms. Fritz?!" Napatunghay ako nang tawagin ako ni Ma'am Guevara.
"M-ma'am?"
"I'm asking you if you're okay?" aniya.
I'm not feeling well.
"I'm okay, Ma'am," sagot ko naman at umayos sa pagkakaupo.
"Then answer this one," aniya.
Napatingin ako sa whiteboard. Why me? Nahihilo na nga ako rito eh. Tumayo na ako at muntik pa akong ma-out of balance. s**t! Dumaan ako sa harap ni Maddie at nakita kong nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Paglagpas ko kay Kylzer, naramdaman ko naman ang panginginig ng tuhod ko.
"Aaahhh!" Napatili ako nang bumigay ang tuhod ko.
I expect na mappahiya ako dahil matutumba ako, but the next thing I knew, hawak na ako sa bewang ni Klyzer, inaalalayan niya ako para hindi bumagsak sa sahig.
Napatitig ako sa kaniya. Ang gwapo talaga niya. Makapal ang kilay at eyelashes. Matangos. Natural ang red lips niya. Perfect din ang jaw niya. Gusto ko pa siyang titigan kaso ang bigat na ng talukap ng mata ko. Unti-unti akong pumikit at bumigat ang katawan ko.
"Jillian!" Huling boses na narinig ko.
Boses ni Klyzer...
Nagdi-dinner na kami ni Mommy nang may marinig kaming footsteps.
"Good evening."
Halos tumalon ako sa inuupuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Kahit di ako tumingin, alam kong siya iyon.
"Daddy!" sigaw ko sabay yakap sa kanya.
Bumaba naman siya para magkapantay kami.
"I miss you, princess," he hugged me.
"I missed you too, Daddy!" masiglang wika ko at humalik sa pisngi niya.
Lumapit din sa amin si Mommy. Tumayo na si Daddy saka yumakap at humalik kay Mommy.
"Hey, honey," bati niya kay Mom.
"How's your trip?" malambing na tanong ni Mommy.
Ang sweet-sweet talaga nilang dalawa. I'm so lucky to have a parents like them. They love me very much. I love them too of course.
I noticed that these past few days, Dad's getting busy. Busier and busier each day. Dati naman na laging umaalis si Dad para sa business trip. Pero ngayon, iba na. Kung dati, 2-3 days, ngayon 2-3 weeks na siya bago umuwi. At my young age, I tried to understand him.
"Dad, buy me an ice cream, please," pagpapacute ko kay Daddy.
Tinap niya naman ako sa head before he answers, "Sure princess."
I smiled widely. I really like it everytime he calls me ‘Princess’
"I want balloons, too," sabay turo ko sa tinderong dumaan sa harap namin. Madami siyang dalang balloons at iba't-iba ang color.
Binilhan ako ni Daddy ng ice cream at balloons. Umupo kami sa isang bench dito sa park.
"Mm. You want an ice cream too, Daddy? Sharap po."
Umiling lang siya at kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang bibig ko.
"You're big girl na. Dapat hindi ka na makalat kung kumain ng ice cream," aniya
Sumimangot naman ako. "Big girl? I'm just eight, Daddy."
"Just kidding, princess. Even you're big girl na, you're still my Princess and my baby, okay?" nakangiting sambit niya.
Masayang tumango naman ako sa kanya.
"I love you, princess." He said and kiss my forehead.
"Mommy, Daddy!" umiiyak kong tawag sa kanila.
Agad namang lumabas mula kusina sina Mommy at Daddy.
"Hey, baby. What happened? Why are you crying?" agad na lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. Pumwesto naman sa likod ko si Daddy at hinagod ang likod ko.
"Why are you crying, princess?" mahinahong tanong ni Daddy.
"Mommy, Daddy! My classmates bullied me again," umiiyak kong sumbong sa kanila. "Tinapon po nila yung pagkain ko kanina sa canteen and they pushed me po. Nasugatan po ako, look oh," sumbong ko pa at tinaas nang konti ang palda ko para mapakita ang sugat ko sa tuhod.
"Sshh, stop crying, princess. I won't let that to happen again, okay?" pagpapatahan sakin ni Daddy.
"I hate it the most when I see my princess crying," he added.
After a day, nalaman ko na inexpell na pala ang nambully sa akin dahil kinausap daw ni Daddy ang guidance para ma-expell yung tatlo kong kaklase. I don't know how it happened basta pagpasok ko ay wala na raw sila.
"I love you, princess."
"I love you too, Daddy."
Napaupo agad ako sa kama.
"Daddy..." bulong ko at napahawak sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
Napatulala ako saglit dahil sa napanaginipan ko.
‘I miss you, dad’
"Are you okay?" halos mapatalon ako nang may marinig akong boses.
"Klyzer? What are you doing here? Why are you here at my---" Di ko na natapos ang sasabihin ko nang ilibot ko ang tingin ko.
Eh? Wala ako sa kwarto ko?
"Where am I?" baling ko sa kaniya.
"Clinic. Nawalan ka ng malay kanina," aniya habang lumalapit sa akin.
Nawalan ng malay? Hinimatay ako? Bakit?
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.
Napakunot-noo naman siya bago sumagot, "4:45."
"What? May long quiz pa tayo kay Sir Martin!" ani ko at tatayo na sana nang bigla akong mapahawak sa ulo ko at mapapikit.
Ang sakit ng ulo ko.
"Careful," aniya at inalalayan akong makaupo nang maayos. "May lagnat ka pala, bakit ka pa pumasok?" tanong niya at nilapat ang likod ng palad niya sa noo ko.
Ang init ng kamay niya! Halos mapapikit pa ako dahil sa kamay niya.
"I-I'm okay, may quiz tayo diba?" pnilit kong 'wag mautal.
"So, kaya ka pumasok dahil lang may long quiz? Kahit inaapoy ka na ng lagnat?" Kunot-noong tanong niya nang nakapamewang.
Bakit ba siya galit? Don't tell me, nag-aalala siya?
"Sinabi ni Sir na huwag daw aabsent! Hindi raw siya tatanggap ng kahit anong excuse kaya ako pumasok. At saka, bakit ka ba nagagalit? Are you worried?" tanong ko sa kaniya.
Tumitig lang siya sakin at hindi sumagot. Pero yung titig niya, parang umaabot hanggang kaluluwa ko.
Ako ang nahiya sa tanong ko kaya iniba ko ang usapan.
"W-why are you here? Diba dapat nasa classroom ka at nagqu-quiz?"
"I'm done. And excuse ka na rin. Makakapagtake ka ng quiz tomorrow." Aniya.
"I thought 'di siya magbibigay ng special quiz? Kaya nga pinilit kong pumasok ngayon eh," sagot ko.
Naglakad naman siya papunta sa side table, may kinuhang something.
"Here," abot niya sa akin ng gamot. "Inumin mo raw sabi ng nurse. "Why you didn't take medicine even you know that you're sick?" kunot noong tanong niya.
Inabutan niya rin ako ng bottled water. Kinuha ko iyon at ininom.
"And, you can take a special quiz tomorrow. I already told Sir Martin that you're here. Hinimatay ka lang kanina. Pumayag naman siya. Baka nakonsensya," nakangising paliwanag niya.
"Where's Maddie?" Tanong ko pagkainom ng gamot.
"Hindi pa tapos. Pupuntahan ka na lang daw dito 'pag dismissal na."
Natahimik kaming dalawa.
"Jillian!"
Sabay kaming napalingon nang may humawi sa kurtina ng clinic na naghahati sa iba pang kama.
"Are you okay? Gosh! I'm so worried! Ngayon lang ako nakapunta sa'yo, natagalan kasi ako sa long quiz natin. Masyadong mahirap! Ano? Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?" sunod-sunod niyang tanong.
"She's not feeling well yet," si Kylzer ang sumagot.
Nilingon siya ni Maddie saka ulit tumingin sa akin.
"Ano ka ba naman kasi? Bakit ka pa kasi pumasok eh alam mo namang may lagnat ka! Alam ba 'to ni tita?" tanong niya nang nakapamewang.
"No. Wala siya sa bahay pag-alis ko," nakatungong sagot ko.
Nakakatakot naman kasi 'tong si Maddie. Kahit may lagnat ako, parang kayang-kaya niya akong hambalusin.
"I'll excuse myself. Magpapalit lang ako ng gamit sa locker," pagsasalita ni Klyzer nang nakatingin sa akin.
"Hindi ka ba dumaan do'n bago pumunta rito?" kunot-noong tanong ni Maddie.
"No. Dito agad ako dumiretso kanina. Wala kasi siyang kasama rito," hindi na siya nakatingin sakin nang sabihin niya yun.
"Okay, we'll wait," ani Maddie kaya lumabas na si Kylzer.
"Oh my gosh, Jill!" biglang tili ni Maddie pagkaalis ni Kylzer. Halos yakapin niya pa ako.
Ano bang problema nito? Kanina akala ko hahambalusin na ako pero ngayon, kilig na kilig? I think, she should consult a psychiatrist, ah?
"What the hell?" iritang tanong ko kahit ang sakit na ng ulo ko.
"I think, I'm right!" kinikilig na aniya.
"Right?" kunot-noong tanong ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong, "That he has a crush on you---no, scratch that, he likes you."
Naramdaman kong nag-init ang mukha ko hindi dahil sa lagnat ko kundi sa sinabi niya.
"H-how did you say that?"
"Sinalo ka kaya niya kanina nung nahimatay ka. Alalang-alala siya and siya ang nagdala sayo sa clinic. Kinarga ka niya. Bridal style! Siya rin ang nakiusap kay Sir Martin na magtake ka ng special quiz tomorrow," sabi niya habang nakatingala.
Magkahawak din ang mga kamay niya at nakalagay banda sa may dibdib. Parang nag-iimagine ng something.
She looks stupid.
Tinignan niya ako nang nakangisi na naman.
"Did you hear me? He likes you. Kylzer likes you. My cousin, Kylzer, likes my bestfriend, Jillian," paulit-ulit niyang wika.
"Ma'am Jillian, nasa labas na ho yung mga kaibigan mo." Rinig kong sabi na naman ng maid namin.
Wala pa rin kasi si Mom. She texted me then she said she will return on Sunday. Wala tuloy akong kasama bukod sa maid namin. Hindi rin naman ako close sa kanila. Hindi ko na rin pinaalam kay Mom na nilalagnat ako, baka kasi umuwi siya, mukha pa namang important yung lakad niya.
Nakahiga pa rin ako dahil walang nag-asikaso sakin kagabi pag-uwi. Uminom lang ako ng gamot. I didn't bother to tell our maids. Argh! Headache!
"Jill?"
Kahit nahihirapan, I forced myself to look when my door opens.
Then I saw Maddie and Klyzer...
Nahiya naman ako dahil naka-uniform na sila samantalang ako, nakapantulog pa.
"I-I'm not going to school," pilit kong sabi habang nakahiga pa rin.
"Better. You should rest," sabi ni Kylzer na nasa may pinto pa rin.
Lumapit naman si Maddie sa akin at kinapa ang noo ko. Napaingit naman ako dahil sobrang nahihilo ako.
"Damn!" mura niya kaya napatingin kaming dalawa ni Kylzer sa kaniya.
"Why?" Kylzer asked.
"She's so damn hot! Mas lalong tumaas ang lagnat niya!" sagot ni Maddie.
Lumapit din sa akin si Kylzer at kinapa ang noo ko. Napapikit naman ako.
"A-ahh," daing ko.
"f**k! Wala bang nag-asikaso sayo? Where's your Mom?" kunot-noong tanong niya pero halata ang pag-aalala sa boses niya.
"Wala. Our maids didn't know, 'd-di ko sinabi sa kanila. Si Mom naman, sa Sunday pa raw ang balik niya. May importanteng inaasikaso, I didn't tell her too," mahinang sagot ko at pinilit umupo, inalalayan naman ako ni Maddie.
Nakakahiya naman sa kanila. Di pa ako nakakapag-toothbrush!
"Why you didn't tell them? You must! Pa'no pala 'pag kinumbulsyon ka na riyan, wala man lang nakakaalam?!" tanong ni Klyzer na--naiirita? Eh?
"Aabsent na lang muna ako ngayon para may magbantay sayo," suggest ni Maddie.
"What? No, Maddie. No. You should go to school. I'm fine here," pag tanggi ko.
"You're not fine!" halos pasigaw ni Maddie.
Shit! Be thankful, Maddie, that I'm sick, 'coz if I'm not I won't let her to yell at me! And she knows that.
"No, Maddie. You should go to school." May authority sa tono ni Kylzer.
"But she needs---" he cuts her word.
"I will be the one who'll be absent today," sabay kaming napalingon sa kaniya.
What? Seriously?
Are you insane, Kylzer?
"What?" Maddie asked.
"Just tell the teachers and I'll write an excuse letter for Jillian," he said with finality.
Ngumisi na naman nang nakakaloka si Maddie pero agad niya ring tinago nang lumingon sa kanya si Klyzer.
"Okay then," tanging nasabi ni Maddie.
Mabilis na natapos si Klyzer sa paggawa ng excuse letter at inabot sa pinsan niya.
"Here. Just tell them," aniya.
Iniabot naman iyon ni Maddie. "Okay."
Lumapit siya sa akin at niyakap saka bumulong, "I told you. He really likes you."
Umayos siya ng pagkakatayo at tinap ang balikat ko.
"Get well soon," aniya at lumingon kay Kylzer. "I'm going. Baka ma-late pa ako." Saka siya lumabas.
Tumitig lang ako sa nilabasan ni Maddie. Naiwan kaming dalawa ni Kylzer sa kwarto...
I want to believe her but half of mine, didn't want to. Belief lang naman 'yon ni Maddie and that's not sure kasi wala namang assurance ni Klyzer. I don't want to assume that he likes me...too.