"Kailan pala kayo magpapractice since next week na rin pala ang intrams?" tanong ko pagkaupo namin.
Halos lahat ay nandito na sa classroom, except Maddie and Aljur. May 10 minutes pa before ang afternoon class kaya wala pa ang teacher.
Nakatingin kaming dalawa sa whiteboard.
"Baka bukas para may one and a half week pa kami sa pagpapractice," sagot naman niya.
Tuesday pa lang ngayon so Wednesday ang practice nila.
"May practice din kayo sa weekend?"
"Sure of that."
"What time ang practice niyo?"
Masyado na ba akong matanong? Eh sa gusto ko lang naman malaman eh.
Tumingin siya sa akin kaya tinignan ko rin siya. Ito na naman yung pakiramdam na sa tuwing magkakasalubong ang mga mata namin, bumibilis ang t***k ng puso ko, mabilis at sobrang lakas.
"Sa weekend, baka 7:30 am hanggang 11:30 kasi ibang grade level naman sa hapon. Pero kung weekdays, hindi ko alam. It depends on our coach."
Tumango ako. Possible na ang oras ng practice nila ay before class, ang start ng class is 7:30 am, so baka 5:00 pa lang, papasok na siya. Kaya baka hindi kami magkasabay sa pagpasok. Hindi ko alam kung bakit pero masarap sa pakiramdam kalag sabay kaming pumapasok at nakakalungkot na sa mga susunod na araw ay hindi ko siya makasasabay dahil may practice sila. For intrams naman iyon so okay lang.
Bumukas ang pinto kaya napatingin kami doon. Pumasok ang isang gay na student, naka-eyeglass siya at medyo magulo ang buhok. If I'm not mistaken, he's the SSG President, grade 12 din.
"Good day, students. I know that you're aware for upcoming intramurals in our school. So for those students who want to join any sport, just go to our office, the SSG office, to see who'll be the coach of every sports. That was already posted on bulletin outside of our office. That's all, thank you," pagkasabi niya nun ay lumabas na siya.
Kaya naman pala mukhang haggard na siya dahil nagro-room to room siya sa pag-announce.
Agad nagtayuan ang classmates namin para lumabas at makapagpalista na rin suguro. Nagkatinginan pa kami ni Klyzer bago siya magsalita.
"Magpapalista muna ako," paalam niya.
Ngiti at tango lang ang isinagot ko kaya tumayo na siya para lumabas at sumunod sa iba pa naming classmates. Halos kalahati rin ang lumabas kaya't iilan na lang kami. May kaniya-kaniya rin silang ginagawa. Kukunin ko na sana ang phone ko sa bulsa nang lapitan na naman ako nina Faye. Hinila niya ang upuang nasa harap ko para doon umupo. Sina Angela at Danniella naman ay nasa likod niya at naka-crossed arms. Tss, ano 'yan? Moral support? I simply rolled my eyes.
"Jillian, Klyzer's girlfriend," pagsasalita ni Faye.
Tinignan ko rin siya nang may mapang-asar na ngiti. "The one and only."
"Girl, may I remind you, Klyzer is popular here. He has a lot of fans and I'm pretty sure that they now hate you. They couldn't accept that Klyzer's girlfriend is you. They want someone's better for him and obviously it's not you," dinuro niya pa ako.
"And you think it's you? C'mon, girl. Bakit hindi mo na lang tanggapin na he won't like you, ever. He's mine, now," mayabang kong sabi.
Sinulyapan ko ang dalawa sa likod niya at parehong masama ang tingin sa akin. As if I'm scared. Akala ko sa mga movies and stories lang ang mean girls, pati rin pala in real life. Sorry dear, but he's already mine and I don't share.
"Ha! And you're proud of it?" pagsasalita rin ni Angela.
"Sa inyo na rin nanggaling, he's popular and he has a lot of fans. So why I shouldn't be proud? Kasi sa dami ng nagkakandarapa sa kaniya, ako pa rin ang pinili niya."
Halatang nainis sila sa sinabi ko pero wala naman akong pakealam. Huminga ng malalim si Faye na para bang pinapakalma at pinipigilan ang sarili niyang sabunutan ako at tumingin sa'kin.
"We won't let you to be happy," pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya at inis na bumalik sa upuan nila, sumunod naman ang mga alaga niya.
Faye, the insecure. Angela and Danniella, her pets and puppets. Was that a threat? Oh well, I'm not scared. I trust him. I know he won't let anyone ruin our relationship. Six years was enough proof of that.
After a couple of minute, nagdadatingan na ang mga classmates namin. Pumasok na rin si Maddie at umupo sa tabi ko.
"Where's Aljur? I thought you two are together?" Akala ko ba magkasama sila? Diba galing sila kay Sir Alejandro?
"Magkasama sila ni Klyzer papunta kay Mr. Fred, magiging coach nila sa intrams, para magpalista."
"Oh? Player din pala si Aljur?"
"Yeah, actually, partner silang dalawa lagi. Parehong magaling kaya lagi silang champion," paliwanag niya.
Humarap siya sa akin at nando'n na naman ang mapanuksong tingin niya.
"What?" I asked.
"We're not yet done talking."
"About what?" nagtataka kong tanong.
Ano bang tinutukoy niya?
"Duh? Siyempre yung sa inyo ni Klyzer," she rolled her eyes.
Ah, yeah. Hindi pala kami natapos sa pag-uusap kanina sa cafeteria dahil dumating sina Aljur at Klyzer.
"Yeah, about that. What do you want to know?"
"All. Lahat. As in lahat-lahat," maaksyong sabi niya.
Natawa naman ako sa kanya dahil lumapit pa talaga siya sa'kin na para bang kung hindi siya lalapit sa akin, hindi niya rin maririnig.
"Okay, ganito. Remember no'ng nagkasakit ako? Diba hindi siya no'n pumasok para alagaan ako? Pinagluto niya ako ng lugaw, sabi pa nga niya ayaw raw sana siyang payagan ng mga maids namin pero buti na lang daw napapayag niya. Tapos no'ng umalis na siya, yung maids namin, sinabi sakin na sabi daw ni Klyzer na girlfriend niya naman daw ako kaya ipagluluto niya ako," bulong ko sa kanya.
Kaming dalawa lang dapat ang makarinig kasi mahirap na pag may iba pang nakarinig. Siya naman ay nakikinig lang.
"Then, yesterday? No'ng umalis kayo ni Aljur kasi may meeting kayo? Diba walang teacher kaya maingay tapos nilapitan ako nina Faye because they want me as their friend daw. Siyempre, hindi ako pumayag. Eh if I know, gusto lang naman nilang mapalapit sa inyo, lalo na kay Klyzer. And you know me, ayoko sa plastic. After kong tumanggi sa kanila, lumabas na yung tunay nilang kulay," I rolled my eyes when I remember what happened yesterday. "Edi, nagsasagutan na kami tapos yung pinsan mo umeksena. Sabihin ba namang girlfriend niya ako. Of course, I'm shocked. Halos matulala pa ako. At nang pauwi na, do'n niya sinabi ang lahat, na nakita niya na ako dati sa bahay niyo after graduation," I explained.
Bigla naman 'yang pinitik ang daliri niya na para bang may naalala.
"I knew it! Kaya pala ganon siya kung makatitig sa'yo. I told you, right? Sabi ko sa'yo nakikita ko yung mga titig niya sa'yo, na tinititigan ka niya. Yung mga titig na halu-halo yung emotions? Parang masaya, pero parang malungkot? Yung parang nangungulila? Eh kasi naman pala matagal ka na niyang kilala."
Para kaming mga tanga dito na nagbubulungan. Halos magdikit na din ang mga mukha namin.
"Girl, I guess, he just don't like you. He already love you. Imagine? Six years of waiting? That kind of man was so rare."
Is it possible? Mahal niya na ba ako? Pero, paano naman ako makakasiguro na ‘mahal’ na nga niya talaga ako? Mahal? Hindi ba masyadong malalim ang salitang ‘mahal’? Hindi iyon basta-bastang salita lang. That's a strong word. Will I believe her?
"Eh ikaw? Sa tingin ko, may feelings ka rin sa kanya. I can see it in your eyes."
Yeah, I like him.
Sasabihin ko ba sa kanya? Bestfriend ko naman siya eh.
"Y-yeah, I like him," nakatungong sabi ko. "Pero, like lang naman eh, not love."
"Love starts in like. I know that you'll fall for him, soon. And I'll support you.”
Tinignan ko siya sa mata.
"Whay if you're wrong? What if hanggang ‘like’ lang 'to? And magsawa ako?"
"Hindi mahirap mahalin ang pinsan ko, Jill. I'm with him for six years and I know all about him. He's a boyfriend material, though no girlfriend since birth siya."
"What? NGSB siya?" gulat kong tanong.
Sino ba naman ang hindi magugulat? Sa gwapo niyang 'yon NGSB siya?
"Yeah. Akala ko nga baka gay siya eh. Then no'ng bumalik ka, I realized that he's not kasi umpisa pa lang, napapansin ko na yung tingin niya sa'yo. At dahil sa sinabi mo, kaya pala siya NGSB dahil hinihintay ka niya."
"Good afternoon, class."
Napaayos kami ng upo ni Maddie nang marinig naming magsalita si Ma'am Mateo. Nakapasok na pala siya, 'di namin namalayan. Napatingin ako sa wrist watch ko, 12:59 pm. Sakto lang pala si Ma'am.
"Where's the others?" Tanong niya nang mapansing iilan pa lang kami.
"Nagpapalista pa po para po sa intrams," sagot ng isang classmate namin. Siya rin yung lumapit samin kanina sa cafeteria para sabihan sina Maddie at Aljur na pinapatawag sila ni sir Alejandro.
"Is that so? Okay, we'll wait for them. We will start our discussion if everybody's her," pagkasabi niya no'n ay binuklat niya ang librong dala niya at may binasa.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Maddie kanina. Klyzer loves me? Natuwa ako nang marinig ko iyon pero at the same time natakot ako. Lalo na no'ng sabihin niya na ma-fo-fall ako sa pinsan niya. Natatakot talaga ako.
Oo, ilang beses ko nang sinabing ‘I like him’ pero gusto kong hanggang doon lang 'yon kasi hanggang ngayon, natatakot pa rin ako na 'pag nagmahal ako, baka iwan at saktan din ako tulad ng ginawa ni Daddy kay Mommy. I saw her breakdowns. I saw her hurting. I heard how her sobs turn into loud cries. Nakikita ko siyang palaging nakatulala. Nakikita ko siyang palihim na umiiyak. Nakikita ko siyang sobrang nasasaktan dahil mahal na mahal niya si Daddy. Nakita ko siyang gano'n sa loob ng ilang taon. Nakita ko lahat ng paghihirap niya at ayokong maranasan iyon dahil alam kong sobrang sakit no'n. Mahal na mahal niya si Daddy pero iniwan pa rin siya. Buti nga no'ng grade eleven na ako, hindi ko na siya nakikitang umiiyak. Lagi na siyang nakangiti. Parang isang araw, paggising niya, limot na niya ang lahat ng sakit na iniwan sa kanya ng lalaking mahal niya. And I'm very happy for her because she finally moved on.
'And you think you are?'
I heard my mind's shouting.
What the hell? Of course, I am. Matagal ko na siyang kinalimutan.
'Kaya pala iniyakan mo siya kagabi? Tanggapin mo na kasi na mahal mo pa rin ang lalaking nanakit sa Mommy mo!'
Hays! Nakakainis naman 'tong utak ko, ngayon pa eeksena kung kailan nasa school ako. Pero seryoso, moved on na ako sa kaniya at ayoko na sa kaniya.
"Hey?"
Napakurap ako nang may pumitik sa harapan ko.
At nang lingunin ko siya, sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Siya lang ang nakakagawa nito sa'kin, ang pabilisin ang t***k ng puso ko. Ang pakabahin and at the same time, pasayahin pag nandiyan siya. Nakaupo na siya at hindi ko man lang namalayan dahil sa iniisip ko.
"H-hey?"
"Nakatulala ka. What are you thinking?" tanong niya.
"H-huh? N-nothing. I'm just sleepy," palusot ko. Mukhang effective naman kasi holy hour ngayon.
"Do you want to go to clinic?"
"What? I'm not sick! I'm just sleepy and I'm okay. Normal lang kasi holy hour," natatawang sabi ko sa kaniya.
Ang OA naman kasi, sinabi ko lang na inaantok ako, clinic agad?
"Yeah, like that, just smile. You're beautiful but you're much more beautiful when you smile," nakangiting sabi niya at titig na titig na naman sa akin.
Ayan na naman! Nagkakarera na naman ang dugo ko papuntang puso kaya't sobrang bilis at lakas ng t***k nito. Nakatitig lang din ako sa gwapo niyang mukha. Napakagwapo. I wonder, ano kayang meron sa'kin para magustuhan niya?
Parang magkakatotoo nga yung sinasabi ni Maddie na ‘I will fall for him, soon.'