Kabanata 4

1625 Words
Hindi naman na ako nagpatumpik-tumpik pa at sumunod na rin kay Ryder palabas. Nakangiti pa ito nang ako ay harapin saka pasimpleng itinagilid ang ulo na para bang inaaya na ako na lumabas ng kwarto. Ngumiti na lang ako dito saka naglakad na palabas. Naabutan ko sa harapan ng mesa si Tito Kio na abala sa pag-aayos ng hapagkainan. Sa totoo lang ay retired na si tito sa kaniyang serbisyo kaya naman siya na talaga ang laging nandito sa bahay para asikasuhin ang mga gawaing bahay. Nagkataon lang na wala rin kaming pasok ngayon ni Ryder sa trabaho kaya sabay sabay ulit kaming kakain sa iisang hapagkainan. Tumango lamang ito sa akin saka ako lumapit upang tumulong. Sa ilang taon na pamamalagi ko sa bahay na ito ay wala akong masasabi sa kung paano ako ituring ni Tito Kio. Kung tutuusin ay para na ring magulang ang turing ko sa kaniya at kapatid naman si Ryder. Utang ko ang buhay ko sa kanila dahil noong mga panahon na wala na akong malapitan ay naging bukas sila sa akin na tulungan ako. Wala na rin kasi akong malalapitan nang matapos ang isang bangungot sa buhay ko na ito. Wala na rin naman akong kamag-anak dahil lahat sila ay namatay sa isang iglap. At kahit na hindi ako kadugo nina Ryder ay itinuring pa rin nila akong kaisa sa pamilya na ito. Hindi na rin naman nagtagal ay kumain na rin kami. Ilang piraso ng pritong ham at itlog lang ang ulam namin na pinaresan ng mainit na kape para sa umagang ito. Napabuga ako ng mainit na hangin matapos humigop ng kape. Nilasap ko rin lahat ng kanin at ulam sa pinggan ko at aaminin ko na magpahanggang ngayon ay naiisip ko ang mga araw na si Mommy ang nagluluto para sa akin. Napailing agad ako. Hindi nararapat na paghambingin ang luto ni Tito Kio sa luto ni Mommy dahil pareho naman itong masarap. Nagtatakang napalingon sa akin si Ryder. “Ayos ka lang, Alexia?” nag-aalangan na tanong nito dahilan para mapalingon rin sa akin si Tito. Napatikhim muna ako saka diretsong tumingin sa kaniya. “Ah, oo… medyo gutom lang ata ako haha,” sagot ko rito saka bahagyang ngumiti. napangiti rin dito si Tito saka muling ibinalik ang tingin sa pagkain. Maya-maya pa ay napalingon ulit ito sa akin saka nagsalita. “Siya nga pala, daanan niyo na rin ako ng gamot sa botika pag-uwi niyo mamaya ah. Medyo nananakit na ang ulo ko eh,” sambit ni Tito. Napatango na lamang kami ni Ryder saka nagpatuloy sa pagkain. Ilang taon na rin kasi si Tito ay marami na ring karamdaman na iniinda kaya naman hindi talaga maiwasang makaramdam ng kung ano-ano sa katawan. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na agad ako sa banyo para maligo at magpalit ng damit. Tutal, parehas kaming walang pasok ni Ryder ngayon ay napag-usapan namin kagabi na sabay na mamimili ngayong araw. Sa katunayan ay hindi ito ang unang beses na kami ang mamimili. Kadalasan kasi ay si tito talaga ang gumagawa ng bagay na ito ngunit naisipan namin na pagpahingahin muna namin ito. Pagkatapos ko ay naglagay lamang ako ng light na make-up saka dumiretso na sa labas. Doon ay naabutan ko si Ryder na nagsusuot ng kaniyang rubber shoes. Saglit pa itong napatulala nang makita ako saka agad na umiwas ng tingin at tinali na ang sintas nito. “Pa, aalis na po kami,” paalam ni Ryder sa ama saka nauna nang naglakad. Tumango na lang rin ako at bahagyang kumaway kay tito saka sumunod rito. Habang nasa kotse ay seryoso na nagmamaneho si Ryder kaya naman binalot kami ng katahimikan. Haist, masyado na naman ba siyang nagagandahan sa akin? Psh! Hindi na nasanay eh. “Hoy!” tawag ko rito habang bahagyang kinalabit ang balikat ngunit hindi ako nito pinansin. Napanguso ako. “Hoy!” tawag ko ulit rito ngunit pakunwari itong hindi narinig ang pagtawag ko sa kaniya at lumingon sa labas. Anong problema nito? Napataas ang kilay ko at sa pagkakataong ito ay mas nilakasan ko na ang pagkalabit sa kaniya. “Hoy! Tinatawag kita hoy!” sigaw ko rito at sa pagkakataong ito ay napalingon na rin siya. “Hm?” tanong nito ngunit saglit lamang itong tumingin sa akin. “Anong problema mo? Ang tahimik mo ah,” takang tanong ko rito saka bahagyang sinundot ang tagiliran nito. “Huh? Nagmamaneho kasi ako. Kailangan ko mag-focus,” sagot nito. “Psh! Sinungaling, parang first time mo magmaneho ah,” asar ko rito. Hay nako, kung tama lang ako ay paniguradong naiilang ‘yan. Hahaha! “Naiilang ka na naman ba?” tanong ko rito at ang kaninang mabagal na pag-papanadar niya ay mas lalo pang bumagal sa ngayon. “Hi-hindi ah,” sagot nito ngunit katulad kanina ay hindi pa rin ito makatingin sa akin ng diretso. “Psh, you’re not a good liar, Ryder.” Napangisi ako ng makita ang reaksyon nito sa sinabi ko. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit may mga pagkakataon na bigla-bigla na lamang itong naiilang sa akin. Kahit na ilang taon naman na kaming magkasama ay may pagkakataon talaga na tahimik lamang siya kapag kasama ako. Hindi naman na nagtagal ay nakarating na rin kami agad sa isang mall kung saan kami mamimili. Bigla akong nakaramdam ng lungkot matapos makita ang kaparehong store na pinasukan namin noon nina Mommy at Dad. Sandali pa akong napatulala sa b****a ng pinto nito nang bigla kong marinig ang boses ni Ryder. “Alexia!!” malakas na tawag nito sa akin dahilan para magising ako sa reyalidad. Oh sheesh! “Ah, o- oo wait!” sigaw ko rin dito pabalik saka humabol ng lakad. It’s been 12 years and I still can’t move on. What the heck, Alexia! Napailing na lamang ako habang tahimik na pinapagalitan ang sarili sa isip. Pumasok muna kami sa loob ng isang bilihan ng mga damit at doon ay namili. Sa totoo lang ay recently lang kami nakaranas ng ganito. Hindi naman kasi ganun kayaman ng pamilya ni Ryder dahil si Tito Kio lang ang kumakayod noon. Tapos na idagdag pa ako nang ampunin nila ako. Mabuti na lamang ay nakapagtapos na rin kami ngayon sa pag-aaral at kasalukuyan na akong in-trainee sa isa sa mga negosyo ni Daddy. Sa totoo lang ay kami ang may pinakamalaking shares sa kompanya na iyon kaya naman dapat ay ako ang magiging tagapagmana gayunpaman ay hindi pa ako maaaring mangialam tungkol sa bagay na iyon hangga’t hindi pa nakikita ng board na karapat-dapat ako sa pwesto na iyon. At bilang isang in-trainee ay kumikita naman na ako ng medyo malaking pera at lahat ng iyon ay tinutulong ko kina Ryder. Sa kabilang banda naman ay isang Inspector na si Ryder. Tapos na rin siya sa pag-aaral tulad ko at kahit kaka-graduate niya lamang noong mga nakaraan ay may iba’t iba naman siyang work na pinagkukunan niya rin ng pera. Sa madaling salita ay nagtutulungan na lang kami ni Ryder para makaraos sa buhay at pinagha-hatian ang mga gastusin sa bahay. Ilang oras rin kami naglibot-libot hanggang sa makaramdam kami ng pagod. Medyo marami-rami na rin kasi ang mga pinamili namin kaya naisipan muna namin na kumain sa isang food chain. Habang naghihintay na makapag-order si Ryder ay inikot ko muna ang paningin. Maya-maya pa ay tumunog ang telepono ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa. “Hello?” pagsagot ko rito ngunit isang malakas na tili ang narinig ko sa kabilang linya. “Baklaaa!!” malakas na sigaw nito dahilan para bahagya kong ilayo ang telepono sa tainga. Hay nako, si Cristy na naman ‘to panigurado, boses pa lang eh. Ka-trabaho ko siya sa office at isa sa mga bestfriend ko. Sa totoo lang ay hindi naman ako pala-kaibigan at hindi rin ako masyadong malapit sa kaniya dahil ang dami niyang circle of friends eh, pero sa lahat ng mga ka-trabaho ko ay siya lang ang laging kumakausap sa akin. Napabuntong hininga na muna ako bago sumagot rito. “Cristy? Bakit?” tanong ko rito. “Baklita! Dali, punta ka dito sa office may ipapakita ako,” excited na sambit nito. “Ha?” tanong ko rito habang nakakunot ang noo. “May bisita tayo today, need kita sa Friday,” Mas lalong napakunot ang noo ko. Friday? Eh day-off ko hanggang Sunday ah. “What do you mean, mamaya? Day off ko ngayon eh, ano bang meron?” tanong ko rito. “May bisita kasi but I don’t know if kailan darating. Pero sabi ni Sir mag-ready daw sa Friday kasi baka sa Friday dumating yung bisita fresh from Russia,” sambit nito na para bang kinakabahan na excited. ‘W-wait, from Russia? Sino naman ‘yan? As far as I know, wala naman tayong client galing sa North, puro kalapit na bansa lang ang kasosyo,” sagot ko rito. Hindi naman kasi ganun kasikat ang kompanya ni Dad sa Northern part though mabenta ang mga products naming dito sa bansa at sa South kaya naman paanong magkakaroon ng client galing Russia? At isa pa, kahit in-trainee pa lang ako ay may alam naman ako kahit papaano sa mga ganitong bagay. “Hay nako Alexia-babe, kung alam mo lang. Kakaday-off mo lang kahapon pero biglang tumambak gagawin dito, kaloka. Anyway, sabihin ko na lang sa’yo kung kailangan ko pa ng assistance mo on Friday ah, pero ibakante mo na rin ang araw na ‘yun if ever na matuloy,” paalala nito. “Eh ka-“ “Okay, sige salamat! Love you Alexia-babe!” sambit nito saka tuluyan ng ibinaba ang telepono. Ay bastos. Napasimangot na lamang ako hanggang sa nakabalik na si Ryder dala ang mga pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD