Kabanata 11

1650 Words
“Alexia, bilisan na daw natin at baka dumating na rin ang ibang panauhin. Ang sabi ay baka mag-umpisa na rin sila sa oras na makumpleto ang lahat,” sabi sa akin ni Cristy habang nakatanaw sa bintana. Naging abala na ang lahat sa pag-aasikaso ng mga papeles kaya naman nagtungo na rin ako sa kwartong paggaganapan mamaya para ayusin ang mga gamit doon ngunit paglabas ko ay hindi ko inaasahan ang unang taong sasalubong sa akin. “L-lynxx?” mahinang tanong ko sa sarili ngunit mukhang narinig ito ng binata. Agad akong pinangalibutan matapos makita ang nakaka-intimidate na aura nito gayunpaman ay hindi ako pinanghinaan ng mga tuhod lalo na ng makita ang malalamig na titig ng kaniyang mga mata. Kaparehang-kapareha ito ng mga mata niya noong pinatay niya sa harapan ko ang Mommy ko. Magsasalita na sana ako nang pagtaasan ako nito ng kilay saka nagsalita. “Move. Away,” may diin na sambit nito ngunit dahil nanatili akong nakatuon sa paraan ng pagsasalita nito ay hindi ko na napansin na seryoso na itong nakatingin sa akin hanggang sa mahigpit niyang hinawakan ang balikat ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang pinapakiramdaman ang nangyayari sa akin. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ang sarili na nakaupo na kasabay ng malakas na pagbagsak ko sa sahig. Halos lahat ng tao ay nakatingin na sa direksyon ko, walang naglakas loob na magsalita bagkus ay nabalot ng katahimikan ang paligid. Ngunit para bang walang naririnig ang lalaking nasa harapan ko bagkus ay nakatingin lamang ito sa harapan saka pumasok sa pinto at isinara ito pagkatapos. Napatingin ako sa sahig habang nakakuyom ang mga kamao ko. What the hell just happen?! Hindi ko alam kung ano ang gagawin lalo pa nang mapansin ang tingin ng mga tao sa paligid ngunit alam ko, alam kong galit ako at naiinis ako sa taong iyon. Bigla na lamang niya akong binalibag sa sahig na para bang isang walang kwentang bagay lamang! Na para bang isa lang akong papel na wala nang pag gagamitan kaya itinapon na lamang. Hindi na rin ako nagtagal pa at mabilis na tumayo mula sa sahig at mabilis na tumakbo papunta sa CR. Napatingin pa sa akin ang mga taong nakasalubong ko. “Ms. Alexia?” tawag ng mga ito sa akin ngunit maski isa sa mga ito ay wala akong pinansin bagkus ay mas binilisan ko ang pagtakbo ko hanggang sa makarating ako sa isang comfort room. Mabilis kong ni-lock ang pinto at nagmukmok sa harap ng salamin. “Just, just who did he think he is?!” mariing tanong ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Arghh!! After what happened… a decade had passed but I still see it, I can still remember him. He is the one who killed my Mom in front of me. Hindi ako pwedeng magkamali. Unti-unting nag silaglagan ang luha sa mga mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano pinatay ng isang bata ang sarili kong ina. Napakuyom ako ng kamao habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko. Para bang isang sirang plaka na umaandar ang huling ala-ala ko kay Mommy habang nagmamakaawa itong nakatingin sa akin. Naninigas ang buong katawan ko habang nakatingin kay Mommy nang mga oras na iyon at para bang walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang mga salitang "mamatay na si Mommy,". Hindi ko alam kung saan titingin. Kay Mommy na umiiyak habang nakatingin sa akin at nakataas ang kamay o sa isang bata na dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya habang walang emosyon ang mukha. Hanggang sa huling pagkakataon ay napasigaw na lamang ako kasabay ng pagpatak ng huling luha ni Mommy. Nakataas lamang ang kamay nito na para bang sinasabi na tumakbo na ako gayunpaman ay wala akong balak na umalis sa kinatatayuan ko. "Ms. Alexia?" Napakuyom ako ng kamay habang nanginginig pa rin ang katawan sa pinaghalong kaba at galit. Alam kong makikita ko na ngayon ang batang iyon. Alam ko, at pinaghandaan ko ang araw na ito. Iyon ang akala ko. "Ms. Alexia? Nandyan po ba kayo?" Pero ang totoo. Kinakabahan pa rin ako. Na baka mangyari ulit ang nakaraan. Hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa mga taong malapit sa akin ngayon. Si Ryder....si Tito Kio. Hindi malabo na sila ang unang makita ng mga ito at magamit laban sa akin. "ALEXIA!!!" malakas na sigaw sa labas kasabay ng malakas na kapampag sa pinto. Agad akong natigilan at napatingin sa salamin nang marinig ang malakas na katok na iyon. "Y-yes?!" malakas na sigaw ko rito pabalik. "A-are you okay?" mahinang sambit nito. Nakatingin pa rin ako sa repleksyon ko sa salamin. Alam kong nag-aalala sa akin si Cristy kaya agad niya akong sinundan nang makita niya ang nangyari. Sa totoo lang ay alam ng lahat. Isang malaking balita para sa kompanya ang pagkamatay ni Daddy, ang may-ari ng kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan at talagang pinag-usapan ng buong bansa lalo pa at hindi lamang isang tao ang namatay kundi buong angkan namin. Alam rin ng lahat na tanging ako lamang ang nakaligtas ng oras na iyon. At dahil tumestigo rin si Tito Kio ay napag-alaman nga namin na ang pamilyang Pascal ang may pakana ng lahat ngunit ng mga oras na iyon ay nabalewala ang lahat ng ebidensya ng kampo namin dahil sunod sunod na problema ang dumating sa amin. Maliban sa nag-undergo ako ng counseling dahil sa trauma ay nag-atrasan rin ang mga kasosyo ni Daddy sa negosyo kaya naman bumaba bigla ang sales nito. Si Tito Singh na siyang gumawa ng paraan para matulungan kami sa kaso ay nahati rin ang atensyon dahil kailangan niyang pangatawanan ang nalulugi naming kompanya. Mayroong ibat ibang sektor na naglakas loob na tulungan kami ngunit nagugulat na lamang ang lahat dahil hindi na ito umaabot ng ilang araw ay bigla na lamang nawawala. Magpahanggang ngayon ay misteryoso pa rin ang pagkawala ng mga ito hanggang sa tuluyan na lamang naging close ang kaso na iyon. "Alexia, buksan mo itong pinto...." sambit ulit ni Cristy sa labas. Dahan dahan kong inayos ang sarili at pinunasan ang luha sa mga mata ko at diretsong humarap sa salamin. Alam kong mag-aalala lamang ang mga tauhan namin at kasamahan ko sa oras na makita nilang namumula ang mata ko kaya naman naghilamos muna ako bago lumabas. "Hmm...oo wait lang," sagot ko rito bago tuluyang lumabas. Bumungad sa akin ang nag-aalala na mukha nito kaya naman agad akong napangiti. "Bakit ba tawag ka ng tawag, hahaha. Nagpalit lang ako,okay...." sambit ko rito saka siya nilampasan. Hindi ko na ito hinintay pa na magsalita at nagpatuloy na ako sa paglalakad pabalik sa opisina ko at katulad ng inaasahan ay kakaiba ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko na para bang nag-aalala ang mga ito dahil sa nangyari. Hindi ko na lamang sila pinansin pa at dumiretso na lamang sa opisina ko. Hindi ako pwede magpabagal-bagal dahil ilang minuto na lamang ay mag-uumpisa na ang meeting. At isa pa, hindi lang naman si Lynxx Pascal ang panauhin namin kundi pati na rin ang mga dating kasosyo ni Daddy na gustong bumalik bilang ka-partner ng kumpanya namin. Ilang taon na ring lubog sa utang at mababa ang ratings ng kumpanya namin at kung tatagal pa ito ay baka mawalan na ng trabaho ang ilang daang tauhan ng kompanya ni Daddy. Kaya naman hindi ako dapat huminto dahil lamang sa nakita ko ang taong iyon. Ipapakita ko rin sa kanila na kaya kong tumayo bilang CEO ng kompanya at patunayan ito sa council. Kapag nangyari iyon at ako na ang mismong nakaupo sa mataas na katungkulan ay saka ko tatanggalin ang ugnayan ng kompanya sa pamilyang Pascal. Hindi na ako nagtagal pa lalo na ng marinig ko ang tawag sa akin mula kay Tito Singh. Mag-uumpisa na raw ang pagpupulong at kailangang naroon ako para makita at malaman ko ang takbo ng meeting. Sa ganoong paraan ay magiging maalam rin ako kung sakaling ako na ang CEO ng kompanya. Papasok pa lang ako ng pinto at dahan-dahan akong napabuntong hininga. Kaya ko 'to!! Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng mga tao sa loob. Inikot ko kaagad ang paningin at nakita sina Cristy na nasa isang tabi. Kumaway rin ito sa akin kaya mabilis akong tumakbo palapit rito. Habang naglalakad ay inisa-isa kong tiningnan ang mukha ng mga panauhin hanggang sa mapadako ang paningin ko sa isang lalaki na nasa dulong bahagi ng mahabang mesa. Nakatingin lamang ito sa mesa habang pasimpleng iniikot ikot sa mga daliri ang hawak hawak nitong ballpen. Sa hindi malamang dahilan ay napakuyom ako ng kamao na agad kong itinago bago pa man ako makalapit kina Cristy. "Kanina ka pa namin hinihintay, ayos ka lang gurl?" nag-aalala na tanong nito sa akin. Agad akong napangiti rito at itinaas ang kamay. "Oo naman...ayos lang, medyo natagalan lang dahil sa sakit ng puson ko," pagsisinungaling ko rito saka muling humarap sa mahabang mesa. Mukhang hindi naman kumbinsido si Cristy sa sagot ko ngunit sa halip na magsalita pa ulit ay nanahimik na lamang siya na ipinagpapasalamat ko. Pasimpleng bumati sa akin ang mga panauhin dahil alam naman ng mga ito na ako ang anak ng may-ari ng kompanya at susunod na CEO nito. Tango at simpleng pagngiti lamang ang sinagot ko dito hanggang sa nagsimula na ang pagpupulong. Napatingin ako sa direksyon ni Lynxx para pagmasdan ang mga galaw nito ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin rin ito sa akin. Katulad kanina ay walang emosyon ang mga mata nito ngunit sa pagkakataong ito ay para bang may panghahamak akong nakikita rito. Unti-unti pang tumaas ang dulong bahagi ng labi nito na mas lalong ikinainis ko. "Why are you smirking, you piece of s**t?!" inis na tanong ko sa sarili habang nakataas rin ang kilay na nakatingin sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD