Napatingin ulit ako sa dokumento at tama nga ang hinala ko. Hindi ako nag i-imagine. Totoong pangalan ito ng isang Pascal.
“Alexia, hoy! Ayos ka lang?” tawag sa akin ni Ryder nang mapansin ang pananahimik ko.
“Ryder,”
“Hmm?”
“Pwede ko bang makita ang pangalan ng miyembro ng Pascal family?” sambit ko rito habang nananatili pa rin ang paningin sa telepono ko.
“Huh? Bakit naman?” nagtatakang tanong nito.
“Basta! Pahiram ako ng pad mo, may titingnan lang ako,” sambit ko rito.
“Huh? Aish! Nasa likod, ano ba kasi ang titingnan mo dyan?” tanong pa nito ngunit hindi ko binigyang pansin bagkus ay mabilis na kinuha ang bag niya sa likod at kinuha ang pad nito. Agad ko rin itong binuksan lalo na ang mga confidential na reports niya.
“Haist, lagot talaga ako sa senior ko kapag nalaman niya na may ibang nakikialam sa pad ko, lalo na ang mga files na ‘yan,” sambit nito habang sapo-sapo ang noo.
"Ryder..."
"Ano na naman?" tanong nito sa akin habang nakataas ang kilay na lumingon sa akin.
"Pang ilang anak si Lynxx Pascal?" tanong ko rito.
"Hmm... Lynxx, ang alam ko ay pangatlo ata siya. May bunso kasi sila na syempre mas bata sa kaniya at dalawang kuya, si Lowell at Khalid, bakit mo natanong?" nagtatakang tanong nito.
"Makikita ko na siya bukas," saad ko sa kaniya dahilan para magulat ito. Agad niyang naapakan ang break ng sasakyan kaya naman maski ako ay nagulat sa biglaang paghinto niya ng sasakyan.
" What did you say?!" hindi makapaniwala na tanong nito sa akin habang halos hindi maipinta ang mukha.
"Look," sambit ko sa kaniya saka ipinakita ang listahan ng mga bisita sa opisina bukas.
"A-are you for real?!" hindi makapaniwala na tanong nito.
"Sino ang head ng meeting bukas?" tanong nito.
"Si Tito Singh, hindi ko rin alam kung paano nangyari ito. Alam nila na nadawit ang pamilyang iyon dahilan para mamatay si Daddy na may-ari ng kompanya at ngayon naman ay gusto nilang papasukin ang pamilyang iyon matapos mamatay ni Daddy?!" tanong ko sa kaniya.
"Masama ang pakiramdam ko rito, why don't you hide for now. You can take a leave for a while and I'll resolve everything for you," sambit ni Ryder habang nag-aalala na nakatingin sa akin.
Hindi naman ako makapaniwala habang nakatingin rito.
"What do you mean?" tanong ko sa kaniya.
"Can't you see it. They are targeting you again. And they are not afraid to take bold action like this. I know they're planning something," sabi nito na agad kong ikinatungo.
Hindi ko alam bakit niya naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Para kasi sa akin ay isa itong pagkakataon. Alam ko na hindi ako kasing talino at galing ni Ryder pero hindi naman ako duwag tulad ng iba. Alam ko at may paninindigan ako kaya paninindigan ko ang una kong sinabi na paghihiganti sa pamilya ko para na rin wala na silang iba pang mabiktima.
Napatingin ako kay Ryder saka dahan-dahang hinawakan ang kamay nito.
"I thought you'll help me?" tanong ko rito.
"Huh?"
"You said you will trust me right?"
"Y-yeah... you know I trust you but I know you'll be in danger once they find out who you are and where you are," sambit nito.
"Trust me, Ryder. They might know, no....I know they already know. But I don't care. I will fight them no matter what. And...and you said that you trust me so I can't disappoint you. I promise, I will not put my life in danger," nakangiting sambit nito.
Napairap naman sa akin si Ryder saka napatango sa manibela. He don't have any choice. This is it.
"You promised... always remember that," mahinang sambit nito habang nanatiling nakayuko.
Napangiti ako.
"Hmm," tango na sagot ko rito.
Ilang saglit pa kaming nanatiling tahimik hanggang sa muling magsalita ang katabi ko.
"So..."
Dahan-dahan nitong itinaas ang ulo mula sa pagkakatungo saka seryosong humarap sa akin.
"So what are your plans now?" tanong nito sa akin.
Napayuko naman ako rito.
"I don't know....but I will definitely face him, no matter what..." sagot ko rito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Alam kong nababasa ni Ryder sa mga mata ko ang paninindigan at pagiging seryoso ko tungkol sa bagay na ito kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang mapa buntong hininga saka muling pinaandar ang sasakyan.
Pagkatapos ng nangyari na iyon ay nanatili na lamang kaming tahimik sa buong byahe hanggang sa makarating na kami sa bahay. Ramdam ko ang pagiging tahimik ni Ryder nang makapasok na kami at agad kaming sinalubong ni Tito.
"Hoy! Nandyan na pala kayo, tamang tama...kakaluto ko lang rin, bilisan niyo," aya sa amin nito.
Sumunod naman agad rito si Ryder habang ako naman ay dumiretso muna sa kwarto para magpalit ng damit.
Ramdam ko ang mga tingin ni Ryder kahit na medyo malayo na ako. Sandali pa akong napahinto nang marinig ang boses ni Tito.
"Anong meron dun? Inaway mo na naman?" tanong ni Tito sa anak.
"Huh? Hindi ah," sagot naman ng isa.
"Eh? Bad mood bigla, di man lang ako binati," parang nagtatampo na sambit ni Tito rito.
Hindi na lamang ako sumagot rito at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko. Hinayaan ko ang sarili na tangayin pahiga sa kama at dahan dahan ring itinaas ang telepono. Bumungad sa akin ang mukha ng pinaka-kinamumuhian kong tao.
Hindi ko maaaring magkamali... Siya ang batang iyon. Ang pumatay kay Mommy sa mismong harap ko. Hindi ko alam na kahit na bata pa lamang siya ay nagawa na niyang pumatay na para bang walang puso.
Dahan-dahang humigpit ang pagakakahawak ko rito dahilan para magusot ang papel.
I will definitely see you, you piece of s**t!
***
Kinabukasan ay wala pang sinag ng araw ay nagising na ako. Bumungad sa akin si Ryder na tahimik na nakaupo sa harap ng mesa. Dahan-dahan pa akong naglakad palapit dito dahil hindi ko alam kung may ginagawa ba ito o sadyang tulala lang talaga siya.
Umupo ako sa katapat na upuan nito habang tahimik na nagtim timpla ng sariling kape. Ilang minuto pa ang nakalipas ay wala pa rin itong pakialam sa akin bagkus ay patuloy lamang ito sa paghalo ng kaniyang kape sa baso.
"Ryder....oy!" tawag ko rito saka lamang niya napansin ang presensya ko.
"Alexia, oh...gising ka na pala. Ang aga ah," sambit nito saka muling inilayo ang paningin sa akin.
Agad akong napakunot ng noo. Para kasing may itinatago siya sa akin, pero maski ako ay walang alam sa kung maitatago ba sa akin si Ryder eh lahat naman ay alam ko.
"Ka-kanina pa ako nandito," sagot ko rito.
“Ah, ganun ba...hindi kita napansin," sagot nito habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko rito.
Nagulat naman itong napatingin sa akin.
"Huh? O-oo naman. Bakit?" tanong nito sa akin at sa pagkakataong ito ay nakaharap na ito sa akin.
"Tulala ka kasi masyado, may tinatago ka ba sa akin?" tanong ko.
"Huh? Wala ah...." sagot nito saka napayuko habang hawak ang tasa sa dalawang kamay.
"Eh bakit parang kinakabahan ka?" tanong ko rito.
Ilang segundo pa bago ito sumagot sa akin.
"Kinakabahan lang ako para sa'yo, " sinserong sagot nito.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko.
"Alam ko kung gaano kahirap sa'yo ang gagawin mo kaya hindi ko rin maisip paano at ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo siya ng personal pagkatapos ng isang dekada. Matapos nang nangyari sa iyo at sa buong pamilya mo," nag aalala na sagot nito.
Unti unti naman akong napangiti rito.
"Ba-bakit ka ngumingiti dyan? Wala namang nakakatawa ah," inis na sambit nito saka namumulang iniiwas ang paningin sa akin.
"Pfft....hahaha natatawa lang ako dahil masyado kang nag-aalala sa akin haha," sambit ko rito.
"Malamang! Mag-aalala talaga ako sa'yo, isa pa...kilala kita. Kung minsan ay kailangan mo pa ako para maging kalmado. Kapag wala ako sa tabi mo, palagi kang napapaaway, minsan umuuwi ka na lang na maraming sugat dahil sa kapabayaan mo," biglang sumbat nito.
Mas lalo tuloy akong napangiti. Hindi ko alam na bigla na lamang niyang ibabalik ang nakaraan. Tama naman siya na may mga pagkakataon talaga na siya lang ang makakapag pakalma sa akin, na siya lang ang matatakbuhan ko kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganun na lang ang pag-aalala niya sa akin.
"HAHA, anong tingin mo sa akin, bata pa rin? Kaya ko na ang sarili ko, Ryder....well kailangan rin kita kaya standby ka lang," nakangiting sambit ko rito.
Mukhang nagulat naman ito sa sinabi ko kaya naiwan siyang nakanganga habang nakatingin sa akin.
"Ka-kailangan mo ako?" tanong nito sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Huh? Oo, sabi mo rin sakin na po-protektahan mo ‘ko diba" sambit ko rito.
Mukhang natauhan naman ito kaya mabilis itong lumapit sa akin.
"Oo naman! Wala ka ng ibang tatakbuhan kaya poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Isa pa, ma-mahalaga ka sa akin..." saad nito saka napaiwas ng tingin.
"See? Then wala akong ibang dapat na ipag aalala," nakangiting sagot ko rito at nagpatuloy sa pag inom.
Pagkatapos noon ay nag-ayos na rin ako para pumasok sa opisina. Inihatid na rin muna ako ni Ryder bago siya pumasok sa sarili naman niyang trabaho. At katulad noong nakaraan ay tinadtad rin niya ako ng sermon bago palabasin ng kotse.
Napabuntong hininga na lamang ako nang tuluyan na akong makapasok sa opisina. Haist, daig pa ni Ryder mag-alala si Mommy dati.
Dumiretso na ako sa sariling opisina nang makasalubong ko si Cristy. Simpleng bati lang muna kami dahil masyado pang maaga ngunit hindi rin nagtagal ay naging abala na rin ang lahat lalo na ng dumating si Tito Singh.
Pasimple akong tumango rito. Sinabi ko rin sa kaniya na mag-uusap kami mamaya tungkol sa pagbisita ng isang Pascal sa kompanya ni Daddy. Alam niya ang tungkol sa pagkakadawit ng pamilyang iyon kaya kailangan ko ng rason kung bakit kailangan pang pumunta ng mga ito sa kompanya.
Maya-maya pa ay dumating na rin ang iba pang inaasahang panauhin kaya naman naging abala rin ako sa pag-aasikaso ng kakailanganing papel mamaya. Palabas na ako ng kwarto kung saan gaganapin ang meeting.
Palabas na ako ng kwarto kung saan gaganapin ang meeting mamaya para sana kunin ang iba pang kakailanganing papel nang bigla akong magulat nang makita ang isang lalaki na nakaharang sa pinto.
Dahan-dahan akong tumingala rito at ganun na lamang ang paninigas ng katawan ko matapos makita kung sino ito. Napalunok rin ako nang tingnan ako nito gamit ang sobrang lamig na tingin dahilan para mas lalo akong makaramdam ng galit.
I knew it. I know this will happen but I didn't expect to see him so soon and so near.
Nasa harapan ko siya. Isang metro ang pagitan namin ngunit ganoon kalayo ang tingin ko habang pinagmamasdan siya.
Lynxx Pascal.... I didn't expect how cold and evil your face is.