CHAPTER XVIII

1809 Words
Chapter 18 Ilang oras nang naghihintay si Cleo sa pagdating ng malapit na kaibigan. Nakatayo siya sa harap ng isang kilalang mini-stop habang kausap ang kaibigan sa cell phone. Halatang naiinip na rin si Cleo sa kahihintay dahil sa matinding init ng panahon. Tagaktak na ang pawis sa kaniyang mukha na naging dahilan nang pagtanggal ng kaniyang inilagay na pulbo. "Nasaan ka na ba?" naiinip niyang tanong. "I'm on my way, just wait for more five minutes," sabat ng kausap. "Ikaw talaga! Kung hindi ka lang anak ng mayaman iniwan na kita. Kanina pa ang five minutes na 'yan, eh," reklamo ni Cleo sa kausap. Nakapamewang na si Cleo sa sobrang pagkainip. Paglingon nito sa kaniyang likuran ay nakangiti sa kaniya ang isang babae na may kausap rin sa telepono. Ibinaba ni Cleo ang kaniyang cell phone habang magkadikit na ang kaniyang mga kilay. "It seems that you're not excited to see me," the girl said, smiling to Cleo. "It has been a while!" she said, giving a hug to her friend. "Ewan ko sa'yong babae ka. Don't English me because I'm Filipino ha!" "Okay. I'm so sorry-" "Oopsss, anong sabi ko ngayon lang?" "I mean, pasensiya ka na dahil pinaghintay kita," paumanhin ng kausap. "Saan ba tayo sasakay?" napatanong niya. "Hoy, babae mukhang ibinilad sa gatas! Sa yaman mong 'yan 'di ka nagdala ng sasakyan?" "Nagpahatid lang ako sa driver namin." "Hayun naman pala. Sana hindi na ako naghintay sa'yo, noh. Akala ko pa naman makakasinghot na naman ako ng aircon ng sasakyan mo." Natawa ang kaibigan. "Don't worry, I'll bring my car next time." "Shhhhh..." biglang pagpapatahimik ni Cleo sa kausap. "Is there any problem?" "Oo, anak ng mayaman," napakamot-ulong sagot ni Cleo. "What is it?" "Ang pagiging palakang Englishera mo! Hay naku! Dudugo lang ilong ko sa tuwing kausap kita. Kaya nga si Amaris lang gusto kong kaibigan, eh." "Sorry na kasi. Hindi lang ako nasanay talaga," may tono pa sa kaniyang pagkakasabi. "Biro lang. Ang totoo kasi niyan wala akong pera pamasahe." Napahalakhak na nga ng tuluyan ang kausap. "I knew it. Ako ng bahala sa-" "Alam ko naman. Halika ka na baka maubusan tayo ng karne do'n." Sabay nitong hinatak ang kaibigan at tumawid sa kalsada kung saan nag-aabang ang jeep patungo sa kanila ni Amaris. ***** Ryker has sent you a message. Ryker: I'm on my way. Na-traffic lang. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Amaris. Amaris: Sige. Papunta na rin dito si Cleo. Mag-ingat ka. Ryker: Salamat. See you. Napangiti ulit si Amaris sa huling mensahe sa kaniya ni Ryker. Simula ng maging magkaibigan sila ni Ryker ay bigla na lang nakalimutan niya ang lahat. Madalas din silang makitang magkasama sa eskwelahan kaya nagiging ugat na naman nang bulong-bulongan. "Amaris!" Napalingon si Amaris sa kanilang pinto. Bumungad sa kaniya si Milio na magiliw na nakangiti sa kaniya. He's wearing a black jeans paired with white sneakers and striped tee-shirt. He's pleasantly handsome on his look. "Hoy! Fiesta pinunta mo rito hindi party," birong saad ni Amaris. "Pero natulala ka naman," biro naman ni Milio. "Sira! Akala ko ba magkasama kayo ni Ryker? Bakit nauna ka?" "Parang ayaw mo yata ako mauna rito pumunta, ha?" "Loko ka talaga!" Agad naman nitong tinapik ang kaibigan. "Anak halika't-oh, may bisita ka na pala. Milio, iho, halika at pumasok ka," anyaya ng ina ni Amaris nang makita nito ang binata. "Ma, paanong-" "Naku, anak. Hindi ko pa pala nasabi sa'yo. Siya at ang isang lalaking pogi na kasama ni Cleo ang tumulong sa akin na maghanap sa'yo noon. Kilala ko iyang gwapong batang kaibigan mo," natutuwang kuwento ng ina nito. Napatingin nang masama Amaris kay Milio. He has a why-you-did-not-tell-me look to Milio. Parang nais niyang kainin ng buhay ang binata. Alam niya naman na ang isang tinutukoy ng ina niya ay si Ryker. Kaya hindi naman nito mapigilang mapangiti. "Sandali lang at maghahain muna ako ng makakain. Umupo ka muna diyan, iho. Amaris h'wag mong hahayaan ang bisita mo diyan," saad ng ina ni Amaris. Naiwan ang dalawa sa sala. Hindi pa rin maalis ang tingin ni Amaris kay Milio. "Bakit hindi mo sa'kin sinabi na tumulong ka pala?" "Naku, parang 'yon lang. Ang mahalaga ligtas ka." Ngumiti si Amaris. "Thank you. Kahit kailan hindi ka nawala sa tuwing kailangan ko ng tulong." "Para sa'yo, Amaris. Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para protektahan ka lang. Hindi lang pagiging freshman sa school ang turing ko lang sa'yo." "Huh?" "Matagal ko na kasing gustong sabihin sa'yo, Amaris, na-" "Yippy! We're here!" masayang bungad ni Cleo pagpasok ng pinto. "Oh, teka! Parang ang seryoso niyo ata? Haler, fiesta ang mayroon kayo Amaris hindi lamay, okay?" Napairap ng masama si Amaris sa kararating lang na kaibigan. "Ikaw talaga walang preno 'yang bibig mo," sambit ni Amaris. "Welspakels. Anyway, may kasama ako. Guess who?!" eksaheradang sabi ni Cleo. "Sino na naman 'yang lalaking dinala mo?" nagtatakang tanong ni Amaris. Napangiti naman nang bahagya si Milio. "Ay, hala! Ngumiti siya. Nakikisalo?" pikon na tanong ni Cleo kay Milio. "I'm sorry," paumanhin ni Milio. "Ito kasing, lakba, na 'to wala ring preno ang bungaga." "Sino nga kasi siya?" tanong muli ni Amaris. "Saglit lang!" "Naku! Ang daming alam," sumbat ni Amaris. Tinawag ni Cleo ang kaibigan. Magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay. Natutop sa kinatatayuan si Amaris nang makita muli ang kaibigan na kasama ni Cleo. "Mirielle!" magiliw na tawag ni Amaris sa pangalan nito. "Amaris!" Mirielle energetically said. "I missed you!" Nagyapakan silang dalawa. "Ang tagal din nating hindi nagkita, huh," aniya ni Amaris. "Ngayon masaya ka ng lakba ka?" singgit ni Cleo. Tiningnan muli ng masama ni Amaris ang epal na kaibigan. "Epal," he mouthed. Nahagip naman ng mata ni Mirielle si Milio na nakatingin sa kaniya. Mukhang gulat na gulat ang binata nang makita ang presensiya ni Mirielle. Hindi ito makapaniwala na nakita ulit nito si Mirielle. "Mimo? Is that you? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong ni Mirielle. "Mimo" ang tawag ni Mirielle kay Milio habang "Mishie" naman ang tawag sa kaniya ng kausap. Kilang-kilala nito ang binata dahil isa siya sa mga kaibigan ni Ryker. "Ops!" singgit ni Cleo. "Kilala mo siya?" nagtatakang tanong nito. "Yes, he's my ex's friend," sagot ni Mirielle. "What a coincidence na kaibigan mo rin pala ang friends ko," tanong niya sa 'di makapagsalitang si Milio. Timikhim si Milio bago nakasagot. "Auhm, ano kasi... si Amaris, eh... I mean, Amaris is our junior student in the Department kaya nagkakilala kami, Mishie," paliwanag nito. "Yes, he's my senior," dagdag ni Amaris. "Great! Mabuti at nakilala mo itong magaling kong kaibigan, Mimo. How about Ry-" "If you don't mind, magpapahangin muna ako sa labas," pagputol ni Milio sa sasabihin sana ni Mirielle. "B-bakit?" nagtatakang tanong ni Amaris. "O sige, tatawagin na lang kita kapag nakahain na ang pagkain," pagtatapos ng usapan ni Cleo. "Why won't you join us, Mimo. Magkwentuhan naman tayo. Besides, matagal din akong nawala," nakangiting sabi ni Mirielle. "I'm okay, Mishie. Enjoy the company of Amaris. Besides, matagal ka ring hindi nakasama nila. Ito na ang oras para makapag-usap kayo," akma ni Milio, may halong pangamba sa sinabi. "S-sige," mahinang sagot ni Mirielle. Lumabas si Milio ng bahay at dali-daling kinuha ang kaniyang cell phone sa bag. Kaagad na hinanap niya ang pangalan ng kaibigan sa kaniyang contacts. Tinawagan niya ito nang makita ang numerong hinahanap. Mabuti na lang at sumagot kaagad ang kabilang linya. "What's the matter?" tanong ng kausap nito. "She's here," tugon ni Milio. "Who?" asked of the person on the other line, wondering what Milio's trying to say. "S-si Mirielle," mabilis na sagot niya, may halong pangamba. "N-nakauwi na siya, Ryker. Nandito siya sa bahay nila Amaris ngayon. Mas lalong hindi ka maniniwala sa nalaman ko. He's Amaris' friend." Pinagpapawisan si Milio dahil sa kaba. Hindi niya alam kung magandang ideya na magkita sina Ryker at Mirielle sa pagkakataong iyon. Mas lalo siyang natatakot malaman ni Mirielle ang koneksiyon ni Ryker kay Amaris. Bakas sa kaniyang mukha na hanggang ngayon ay si Mirielle talaga ang taong nakausap niya kanina. Hindi lang siya namamalik-mata. "I know, Milio," tipid na sagot ni Ryker. ***** Magkasamang nakaupo sina Cleo at Mirielle sa sofa habang busy na tumutulong si Amaris sa kaniyang ina sa paghain. Hindi pa rin makapaniwala si Cleo na magkakilala sina Milio at Mirielle. "Hoy, babaeng mayaman! Paano kayo nagkakilala ni Milio?" Tumawa si Mirielle. "Why do you keep insisting? It sounds weird, huh. Do you have a crush on him, do you?" "Pakialam mo? Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko. Ang dami mo pang satsat diyan," naiiritang sagot ni Cleo. "Okay. Fine. Milio's family and my family are business partners. Before, Milio and I are dating, however I felt that I am not serious by that time. To be honest, I don' like him either way. It's my mother who was forcing me to date him," she explained, "It's because of our family's friendship and connection." "Apaka-arte mo. Hindi ka naman kagandahan, mayaman ka lang," may inggit sa tono nito. "Alam mo ba, babaeng mayaman? Sa panahon ngayon, hindi mo na kailangan maging choosy sa love. Tingnan mo tuloy sitwasyon mo, olats!" tawang-tawa na saad ni Cleo. "Whatever. I have someone that I loved. I'm just waiting for him to court me... again," she confidently said, it seems her butterflies on her stomach started to dance. "Iyong ex na sabi mong mahal ka pa? Hay naku, Mirielle! Baluga ka talaga. Naniniwala ka naman?" sabi ni Cleo. "Maganda ka naman talaga, pero minsan baluga ka rin, 'noh." "Baluga?" "Ahhh... that is... Ahhhh... It is when you make a baby laugh," tugon ni Cleo. "Huh?" said Mirielle, still in deep confusion. "Like this, oh." Tinakpan ni Anais ng kaniyang kamay ang mata niya. "Baluga!" sabi nito, pagkatapos tanggalin ang kamay na nakatakip sa mata. Tawang-tawa si Cleo sa kalokohan niya. Naaaliw kasi ito na kausapin ang kaibigan dahil sa pagiging inonsente pero mataray nitong ugali. "You always make me laugh," she said. "Whatever happens, I will wait to my ex to come back." "Baka 'di naman guwapo at daks, h'wag na. Masasayang lang pera mo, dzai." "Daks? I don't understand the words you are saying to me," she complained. "Malaki, Borta, Large, Masakit sa lalamunan, 'Di ma-keri. 'Yon ang meaning no'n. Ikaw ang hina mo rin talaga." "Malaki? Ang alin?" "Ang kaniya... kaniyang biceps." "Yes. Actually, he's an athlete- a swimmer to be exact." "Sino ba kasi 'yon? Pakilala mo na." Mirielled smile widely. "In fact, he is also studying in your university. I know... you know him." "Sino ba kasi 'yon? Ayaw pa kasi i-reveal. Gusto may pa ex reveal talaga, dito pa? Ang arte mo talaga." Mirielle giggled. "You really look funny when you are pissed." "Tsk." "He's name is Ry-" Kring! @phiemharc - Hindi Tugma (K18)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD