Chapter XIX
Napatigil si Mirielle nang biglang may tumawag sa kaniyang telepono. "Oh, wait! Sorry, Cleo, I have to answer the call," Mirielle excused.
"Kita mo 'tong babaeng mayaman na 'to. Dami pa kasing paliko-liko, di ko alam kung trip niyang mag joyride kami. Hayan tuloy hindi na nasabi kung sino," walang tigil na reklamo na sabi ni Cleo, parang bubuyog na panay bulong.
"Hi, babe!" Nanlaki ang mga mata ni Cleo. Iyong ang huling salita na narinig ni Cleo bago lumabas si Mirielle.
Lumabas na rin galing sa kusina si Amaris. Nagulat ito na nag-iisa na lang si Cleo sa sala.
"Nasaan si Mirielle?" tanong ni Amaris.
"May kausap sa labas ang bruha, babe daw ang sabi. Baka 'yong borta niyang ex na sabing mahal pa raw siya, jusmi," seryoso na paliwanag ni Cleo, may irita sa kaniyang boses.
"Bakit parang naihian ka diyan ng butiki? Tingnan moa ng mukha mo, oh."
"Ang arte kasi ng babaeng mayaman na 'yon. Nag-abroad lang may pa-english-english pa. Noon naman hindi 'yon spokening dollar. Isa lang naman ang tanong ko kasi, pero ang daming pang satsat na sinasabi, ayaw na lang sabihin ngg deretso. Tapos 'yon may biglang tumawag na damuho kaya 'di na niya nasagot."
Natawa si Amaris sa mukha ng kaibigan. "Parang 'di mo kilala si Mirielle. Hayan, dinig ko kanina na ikaw ang nang-aasar sa kaniya. Ngayon, ikaw na 'tong pikon."
"Basta. Curious lang ako sa ex niya. Sa university din natin daw kasi nag-aaral."
Napa-isip bigla si Amaris sa sinabi ng kaibigan. Bigla siyang kinutuban dahil sa unang taong pumasok sa kaniyang isipan. Pero, ipinagsawalang-bahala na lang niya ito. Pero, bakit hindi nila alam na may naging boyfriend si Mirielle sa kanilang university. Kahit minsan hindi niya iyon nai-kuwento sa kanila.
"Tanungin mo na lang siya pagbalik," sagot ni Amaris. "'Yan na pala siya."
Mabilis na tumayo sa kutson si Cleo nang pumasok si Mirielle. "Mirielle, dali na. Sino 'yon?"
Nagmamadaling kinuha ni Mirielle ang kaniyang pouch bag sa mesa nang iniwan niya ito. "Sorry, I'll tell you next time, Cleo."
"Bakit? Saan ka na naman pupunta ngayon?" tanong ni Cleo.
"May importanteng pupuntahan lang. Sorry, Cleo, Amaris. Please tell Tita that I can't stay longer," she said, before leaving.
"Kumain ka muna," pag-aalok ni Amaris.
"I'm well. Thank you, Amaris. I'll have my lunch on the way," Mirielle replied, smiling at Amaris and Cleo. "I have to go."
"Mag-ingat ka sa pag-uwi," bilin ni Amaris.
"Babaeng mayaman, salamat sa pamasahe kanina," pahabol naman ni Cleo.
"My pleasure," tugon ni Mirielle bago tuluyan makaalis.
Naupo silang dalawa sa kutson. Ngunit napatayo si Amaris sa upuan ng biglang may naalala. "Wait! Anong sasakyan ni Mirielle kung nag-commute lang kayo kanina?" tanong nito kay Cleo.
"Lakba! H'wag kang praning. Mayaman 'yon. May driver at sasakyan sila. Magwe-waze lang ang driver no'n para sunduin siya."
"May point ka naman," tugon ni Amaris.
*****
Naipit sa makupad na takbo ng trapiko si Ryker. Patungo na siya sa bahay nila Amaris upang dumalo sa kanilang fiesta. Tatlumpung minuto lang naman ang byahe mula sa kanilang mansyon at ang bahay nila Amaris. Subalit sa sobrang swerte niya ay natagalan siya dahil sa traffic. Nagkaroon kasi nang banggaan sa di-kalayuan kaya pinipilit ng itabi ang mga sasakyan na nakabanggaan para makausad na ang mga sasakyan.
Inip na naghihintay si Ryker sa paggalaw ng traffic. Mayamaya lang ay tumawag sa kaniyang si Milio at ibinalita ang pagdating ni Mirielle sa bahay nila Amaris.
"What's the matter?" bungad niya sa kausap.
"She's here," tugon ng kabilang linya.
"Who?" Ryker asked, seems confusion didn't even bother to register on his angelic face.
"S-si Mirielle," mabilis na sagot ng kausap, may halong kaba sa boses nito. "N-nakauwi na siya, Ryker. Nandito siya sa bahay nila Amaris ngayon. Mas lalong hindi ka maniniwala sa nalaman ko. He's Amaris' friend."
"I know, Milio," he answered confidently, as if an idea popped up on his mind.
He ended the call. Hindi na nagulat si Ryker dahil inaasahan niya naman na pupunta si Mirielle. Kaagad siyang nag-dial ng numero at mabilis naman itong sinagot ng kabilang linya.
"Babe," bungad ng kabilang linya.
"Mirielle, can we meet?" agad na tanong niya.
"Y-yes, of course. Basta ikaw. Where are you? I'll go there immediately. Are you in your Dad's office?"
"No. Just meet me in the coffee shop near the university. Sa dati," walang-ganang sabi ni Ryker bago niya ibinaba ang tawag.
A wide smile drawn on his lips, "Poor, Mirielle."
Biglang naalala ni Ryker ang araw nang nagkita sina Cleo at Mirielle. Hindi siya makapaniwalang magkakilala ang dalawa. Mas lalong nagulat siya ng malaman na kaibigan din ni Ryker ang ex-girlfriend niya. Lumapit siya kay Cleo nang makaalis na si Mirielle.
"Magkakilala kayo ni Mirielle?" tanong niya sa nakatalikod na si Cleo.
Nagulat naman si Cleo sa biglaang pagsulpot ni Ryker. "Ang babaeng 'yon?" turo niya sa nakalayo na kaibigan. "Oo, kaibigan namin siya ni Amaris noong high school. Doon kasi kami sa pinagmamay-arian nilang planta nag-tour. Hayun, nakilala namin siya. Akala ko nga sobrang maldita, ubod pala ng inosente ang babaeng mayaman na 'yon," kuwento ni Cleo.
Napangiti si Ryker.
"Bakit mo pala natanong? At bakit alam mo ang pangalan niya?"
"Auhm..." Ryker paused for a moment. "Her father is my dad's business partner, kaya kilala ko siya. Isang beses nakita ko na siya sa party ng company at doon ko nakilala ang anak ng business partner ng daddy ko. However, we haven't crossed each other's path. Kaya nagulat lang ako na kilala mo pala ang babaeng 'yon."
Beep!
Napabalik sa diwa si Ryker nang malakas na bumusina ang mga sasakyan sa kaniyang likuran. Doon niya lang napagtanto na nakausad na pala ang trapiko. Mabilis siyang nagmaneho upang makarating kaagad sa kanila ni Amaris.
"Malapit na ako, Amaris," sabi niya sa sarili.
*****
Ninanamnam ni Amaris ang samyo ng maaliwalas na hangin. Payapa niyang sinusulit pgamasdan ang papalubog na araw. Nakaupo lang siya sa ilalim ng puno ng mahogany habang hawak ang kaniyang mga kaibigan- ang papel at ballpen.
Lingid sa kaniyang kaalaman ang pagdating ni Ryker. Patuloy lang siya sa kaniyang isinusulat habang dinadama ang ganda ng view. Abot-langit ang ngiti ni Ryker ng makita ang seryosong si Amaris sa kaniyang ginagawa. Hindi ito lumikha ng ingay habang naglalakad patungo sa pwesto ng binata.
Hawak nito ang isang bote ng orang juice at burger. Hindi nito inakala na doon niya makikita si Amaris. Hindi sila nagkasalisi ng landas kanina sa unibersidad, kaya laking pagtataka nito. Pagkatapos ng fiesta nila Amaris ay mas lalong naging malimit pa ang kanilang pagkikita.
Nakatayo si Ryker sa likod ni Amaris habang hindi pa rin namamalayan nito ang kaniyang presensiya. Hindi maalis sa kaniyang mata ang mga ngiti na si Amaris nga ang kaniyang nakikita. Hanggang sa nilapat nito ang malamig na bote ng inumin sa batok ni Amaris. Napalingon naman si Amaris ng maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa kaniyang batok.
"Ano ba't-" napahinto siya sa kaniyang sinabi nang makita si Ryker. "Ikaw pala. Bakit ka nandito?"
"Hindi ba't ako dapat ang magtatanong sa'yo kung bakit ka nandito? May problema ka na naman ba?"
"W-wala," tugon ni Amaris.
Umupo si Ryker sa tabi ni Amaris. Pinagmasdan nilang dalawa ang paglubog ng araw. Ikalawang beses na magkasama nilang nasaksihan ang ganda nito.
"You know what? That sunset symbolizes letting go," Amaris said, staring afar as the sun sets.
"Why?"
"Because you have to let go of the bad memories of the past and embrace the beauty of tomorrow. Sunset means you have to define what matters today, and leave our bad experiences as we welcome the sunrise."
"You are truly a writer."
"I just love to imagine things, perhaps."
Napadako ang tingin ni Ryker sa notebook na hawak ni Amaris. Agad niya itong hinablot sa kamay ni Amaris. Hindi na nagawang pigilan ni Amaris ang ginawa ni Ryker dahil hindi niya rin iyon inasahan.
"Ano ba 'tong sinusulat mo at mukhang seryoso ka yata kanina?"
"Akin na 'yan, Ryker! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" pag-agaw ni Amaris ng kaniyang notebook.
"Sandali lang! Let me know it first!"
"Article ko 'yan sa publication this coming issue."
"Kaka-publish lang ng publication niyo last week. Ibig sabihin ay iba 'tong sinusulat mo."
"Ibalik mo na lang kasi sa akin 'yan, Ryker!"
Bigo na naagaw ni Amaris ang kaniyang notebook. Binuksan ni Ryker ang unang pahina nito at doon nakita kung ano ang nakasulat at ang isang larawan na naka-ipit. Hindi kaagad nakapagsalita si Ryker nang mabasa iyon. Parang bigla na lang siyang tinapunan ng semento kaya nanuyo at nanigas siya sa puwesto.
"Sabi ko kasi sa'yo, ibalik mo 'yan," sabay naman bawi ni Amaris sa kaniyang notebook.
"Sino siya?" tanong ni Ryker.
"W-wala 'to. Sa susunod magpaalam ka naman kung may kukunin ka. Hindi 'yong basta-basta ka na lang humahablot ng gamit ng may gamit."
"Answer me, Amaris. Sino siya?"
"It's none of your business, okay?" sambit ni Amaris at biglang naglakad paalis.
"Amaris!"
Sinubukan ni Ryker tawagin si Amaris subalit tila hindi siya nito narinig. Napakamot ng ulo si Ryker sa inis ng hindi siya nito pinansin ng tawagin niya ito. Gabi na nANg nilisan ni Ryker ang lugar ng kaniyang kapayapaan.
Subalit, sa unang pagkakataon ay nilisan niya itong may bigat pa rin na dala sa kaniyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon ang kaniyang nararamdaman. Bakit ba siya nasasaktan nang mabasa at makita lang ang nakalagay sa notebook ni Amaris.
"Sino siya, Amaris? Bakit hindi mo sinabing may gusto ka pa lang iba?" nanghihinang wika niya.
@phiemharc - Hindi Tugma (K19)