Chapter 3
Pinanghinaan ng loob si Amaris. Gusto na niyang maglaho mula sa kaniyang kinatatayuan. Mukhang naging mahinang tao siya bigla. Nawala na lang ang katapangan na kaniyang ipinakita sa kaibigan kanina.
Marami na rin kasi ang nakakita sa nangyayari. Kasama na rito ang ilan sa mga nagtatrabaho sa cafeteria. Ngunit ni isa ay walang naglakas ng loob na tulungan siya.
This seems the worst first day for Amaris' college life. Mukhang malas talaga ang pangyayari sa unang araw niya. And, this might be the last or the worst c****x of the ride of his journey. Nalagay sa binggit ng kahihiyan ang sarili niya. Magiging sanhi ito ng pagiging topic niya sa buong college career niya 'pag nagkataon.
Hindi na siya nagdalawang-isip na halikan sa labi si Ryker. Tumingkad pa ito para maabot ang labi ni Ryker. Wala namang reaksyon ang lalaki, habang si Amaris ay naliligo na sa pawis dahil sa kaba. Nang unti-unting inilalapit ni Amaris ang labi kay Ryker, inilalayo naman nito ang kaniyang ulo.
"Wrong move," sabi ni Ryker, sabay dampi ng hintuturo nito sa naka-pout na si Amaris. "Guys, nakita niyo ba ang gagawin ng taong 'to? He is willing to kiss me. Ano sa palagay niyo ang tawag do'n? He is a damn gay and idiot. Ang bilis niyang nagpapain sa bitag ko . Tsk, tsk, tsk... pathetic guy." Iyon ang pagpapahiya ni Ryker kay Amaris sa harap ng marami.
Nagtawanan naman ang lahat nang nakarinig. Ang ilan ay nilait pa si Amaris na parang wala silang bahid ng kasalanan. Bulong-bulungan din siya ng mga inggetera na gusto sanang maka-chansing kay Ryker. Ngunit, may iilan na naawa rin sa kalagayan ni Amaris. Ngunit natatakot na masali sa gulo.
"Tarandado ka pala, eh!" galit na sabi ni Amaris.
Dumausdos na ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilang h'wag tuluyang kumawala. Napuno na siya ng kahihiyan.
"Hoy! Kumag ka palang hayop ka! Idol pa naman kita kaso ang baho pala ng ugali mo!" pagtatanggol ni Cleo, pagkatapos bumalik na sa sarili ngayon.
"Hoy, pangit! Hindi ka pinipilit na idolohin ang idol namin. Para ka namang tutong diyan!" sigaw ng patpating babae kay Cleo.
"Okay na maging tutong, masarap pa rin kaysa sa tulad mong kulang sa sustansiya," sagot nito.
Napikon naman ang patpating babae. "Aba't pilosopa kang pangit ka!" Agad na sinugod ng patpating babae si Cleo.
Hindi naman nagpahuli si Cleo at nakipag-away din. Sila na ngayon ang naging sentro ng lahat.
"Hindi ko inakalang hahalikan mo talaga ako. May gusto ka nga sa 'kin," nakangising bulong ni Ryker kay Amaris.
"Wala kang hiya. Makakaganti rin ako sa 'yo," gigil na sabi ni Amaris, habang pinipigilan naman ang kamao niya na mailapat sa mukha ni Ryker. "Pasalamat ka marunong pa ako magtimpi," dagdag pa nito.
"That's enough!" Muling inagaw ni Ryker ang atensiyon ng lahat. Tumigil naman ang dalawa sa pag-aaway at lumapit muli si Cleo sa tabi ni Amaris. "This guy is not straight as you think he is. He likes men, as you've witnessed― or shall I say, he likes me," malakas na kumpiyansa na anunsiyo ng binata.
May ilang nagalit ulit at may ilang wala ring pakialam.
"Tama na 'yan, Ryker." Napalingon ang lahat sa nagsalita.
It was Milio, na kanina pa pala nanonood sa nangyayari. Hindi na kasi kinaya ng konsensiya niya na basta-bastang makitang binu-bully ng Engineering student si Amaris, na kabilang sa kanilang department.
"Yes, little boy? Ano namang mapapala mo rito?" tanong naman ni Ryker kay Milio. Lumapit naman si Milio na mukhang handa nang manapak anumang oras. Tumayo siya sa gilid ni Amaris na ngayon ay namumutla na sa kahihiyan.
"Kakasa ka ba?" banat naman sa kaniya ng kasama ni Ryker, si Don.
"Hindi. Pero ipagtatanggol ko ang freshman ng Department namin."
"Woah!"
"Shokt!"
"Goodness!"
Malakas na nagsigawan ang mga estudyante sa cafeteria. Namilog ang mga mata ng lahat nang nakakita. Hindi sila makapaniwala sa ginawa ni Milio kay Ryker. Halos na-estatwa naman ang tatlo pang kasama ni Ryker kabilang si Don.
"Not bad. Mukha yatang kailangan mong ngumuya ng mint, pare. Hindi kasi mabango ang hininga mo," sabay sabi ni Milio pagkatapos niyang halikan si Ryker.
"Tara na, Amaris." Hinila ni Milio palabas ng cafeteria si Amaris at sumabay na si Cleo sa likod nilang dalawa.
"Bullsh*t!" Napamura na lang si Ryker dahil sa nangyaring hindi niya inasahan. "He'll pay for this!"
*****
Bunsod nang nangyari sa cafeteria ay naging tampulan ng tsismis ang presensiya ni Amaris. He never expected that his first day was hell-like in a snap. He never wished to experience a traumatic college life. Lucky enough that he was brave to face those hearsays and scoff words he heard murmuring.
Ilang buwan na rin ang lumipas, pero parang sariwa pa rin ang nangyari. Mas mabuti pa ngang mabalita sa telebisyon kaysa sa mapahiya sa buong campus. Kasi kung mayroon nang ibang issue, makakalimutan na ang dating center of bashing ng lahat. Gayunpaman, hindi na pinansin ni Amaris ang nangyayari at nagpatuloy na lang sa pag-aaral.
"I haven't seen him, huh," sabi ni Cleo, upang basagin ang namumuong katahimikan sa kanilang mesa.
Nakaupo sila ngayon sa isang bench na nakapaligid sa field. May mesa din ito na gawa sa semento. May nagte-training din kasi ng soccer sa field kaya medyo maingay ang paligid. Nalalapit na kasi ang Sportsfest ng kanilang University. Sa kabila nang pagiging abala ng lahat wala namang pakialam si Amaris sa parating na laro. Para saan pa? Wala naman siyang ganap sa araw na 'yon. Isa lang naman siya sa manonood.
"Anyway, h'wag na nga lang natin pag-usapan si Ryker. Nabe-beast mode lang ako sa ginawa niya sa beshy ko," bawi ni Cleo, nang mapansing hindi kumibo ang kaibigan. "Hindi ba, beshy, magaling ka maglaro ng table tennis?" pag-iiba ng topiko ni Cleo.
Nakatulala pa rin sa malayo si Amaris na parang walang kasama. "Hoy!" malakas na pagkakasabi ni Cleo.
Nagulat naman si Amaris. "Ano ba?! Naririnig kita kaya hindi mo na dapat ipagsigawan pa, okay?" inis na sabi ni Amaris nang lingonin niya ito.
"Iyon naman pala, eh. Bakit hindi ka sumasagot?"
Sumeryoso muli si Amaris. "I am just thinking lang kasi. Masyado ka kasing pabiba araw-araw."
"Grabe naman ang ferson sa mga wordings. Pero, bakit ka ba nag-iisip?"
Muli na naman siyang tiningnan ng masama ng kabigan. "Hayan na naman siya, mukhang mangangain ng wala sa oras," sabi ni Cleo.
"Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang."
"Mayroon naman, beshy. Ikaw talaga ang dali mong mapikon. Ito na, seryoso na ako. Ano nga ba kasing iniisip mo? Si Ryker?" Muli na naman siyang pinanlisikan ng mata sa ikatlong beses. "Chariz lang."
Napahinga muna nang malalim si Amaris bago nagsalita, "simula lang kasi nang nagyari iyong nasa cafeteria, madalang ko na lang makita si Milio. Kung magiging kasama man natin siya, hindi nagtatagal ng isang oras. May kutob ako na baka tinakot siya ng sirang-ulong Ryker na 'yon," paliwanag niya.
"Hoy, agi!" medyo napalakas ang sabi ni Cleo, "Shorry. Pero, maghunus-dili ka naman. Hindi naman siguro gagawin 'yon ni Ryker― ay pero baka nga. Teka nga lang! Bakit nag-aalala ka kay Milio, aber? Besides hindi pa naman kayo magkaibigan ng matagal, huh? Hey! I'm here kaya simula't sapul. Baka ibunyag ko pa dito kung paano ka umiiyak nang naihi ka sa pants mo noong Grade 2?"
"Sige pa. Mang-asar ka lang. Masaya ka diyan?" may inis na sabi ni Amaris.
"Nagbibiro lang. Apaka ano mo. Ano ba tawag do'n. Ah, basta. Apaka ka." Baka busy lang ang ferson? Hindi ba't officer siya ng Sports Club? So, ano ang ganap next week? Sportsfest 'di ba? Masyado kang praning sa life."
"May point ka rin naman. Pero noong nakaraang buwan... wala ka bang napapansin?"
"Hay naku, Amaris. Pumapasok tayo dito sa magandang unibersidad na ito para mag-aral. Hindi tayo nag-aaral dito para magbantay ng tao na mananatili sa atin."
Hindi na kumibo si Amaris. Mukha kasing sinasayang niya lang ang kaniyang laway sa pakikipag-usap sa kaibigan.
"Saglit lang, beshy. Magbabanyo lang ako. Diyan ka lang at huwag mo akong iiwan. Bahala ka baka ngayong araw ka pa mawalan ng minamahal na kabigan," may pagbabantang paalam sa kaniya ng kaibigan.
Hindi sumagot si Amaris. "Sige na. Nawiwiwi na talaga ang beshy mo. Bayers!"
Naiwang mag-isa si Amaris sa bench kaya mas lalong lumalim ang kaniyang pagmumuni-muni. Hindi na niya namalayan ang papalapit na bola dahil sa layo ng narating ng kaniyang pag-iisip.
"Ouch!" Tuluyan na nga siyang natamaan sa pisngi. Mabilis naman itong namula dahil na rin sa kutis niya.
"Hoy! Aba't tarantado ka, huh? Ang lawak ng field na ito, tapos dito mo talaga ipapatama sa puwesto namin?!" galit na sigaw niya sa lalaki.
"Sorry! Hindi namin sinasadya! Pasensiya ka na, Amaris," paghingi ng tawad ng lalaking, tila kabado pa ito.
"F*ck off, asshole!" May biglang nagmura, hindi iyon si Amaris. "Are you alright?" Bigla rin nitong tinanong si Amaris. Nasa likuran niya ito.
"Do I look alright?! Talaga ba?! Kung ako kaya ang sumipa ng bola sa mukha mo, tapos tatanungin kita kung kamusta ka, ayos lang ba―" Natigil siya. Hindi niya inakala na ang taong pinagsasabihan na niya pala ay si Ryker.
Ryker smiled at him.
"Tumabi ka nga! Wala akong oras makipagbasagan ng trip sa 'yo," sabi ni Amaris sa binata.
Umalis si Amaris dala ang kaniyang bag habang hawak ang natamaan nitong pisngi. Hindi na siya lumingon pa sa lalaking nagtanggol sa kaniya dahil wala naman siyang pakialam doon. Besides, it's his fault kaya wala naman siyang sinisisi. Kung hindi siya naging tulala dapat nakailag siya kaagad.
"Amaris! Beshy! Agi!" pagtawag ni Cleo, nang makita ang kaibigan na paalis sa kanilang pwesto. "Wait for me! Oh my, Beshy ko!"
Mabilis na lumapit si Cleo sa kanilang pwesto kanina at agad na kinuha ang kaniyang bag. Nagulat siya nang makita ang presensiya ni Ryker. "Ikaw na naman? Ano na namang kalokohan ang ginawa mo kay Amaris?" maangas nitong tanong.
"I helped him―"
"Opsss, h'wag ka nang mag-rason pa dahil alam kong sinadya mo 'yon. Apakasama mo talaga! Hmmm!" bintang ni Cleo kay Ryker. "Kung hindi ka lang gwapo... naku, baka tinadyakan ko na 'yang bayag mo!" singhal pa nito.
"Wait lang―"
"Ewan ko sa 'yo, Ryker! Makinis at sikat ka lang pero asal baluga ka pa rin! Tse!" kantyaw pa ng dalaga kay Ryker, bago mabilis na hinabol ang kaibigan.
Naiwan si Ryker na tulala sa narinig mula kay Cleo. Tinulungan lang naman niya si Amaris pero parang mas napasama pa siya. Naging center of attention na naman siya dahil sa ginawa. Mabilis na lang niyang nilisan ang field. Bumalik na lang si Ryker sa kanilang block bago pa magsimula ang kanilang klase.
*****
"Hanep ka pare, huh! Hero ka na pala ng patpating 'yon? Pagkatapos noong unang pagtatalo niyo sa cafeteria mukhang nagiging anghel ka ulit," biro ng kaibigang si Kopi.
"Don't say na... nako-konsensiya ka? Naloko ka rin noon 'di ba? Kaya ka lang gumaganti sa iba?" tanong naman ni Asher.
"Exactly! H'wag mong sabihin na nakonsensiya ka sa ginawa mo sa kaniya?" dagdag pa ni Don.
"Isang malaking himala naman yata na ang isang Levious ay may konsensiya pala!" pagbibiro ulit ni Kopi.
"Isa pang buka ng bibig niyo, papatumba ko kayo mamaya!" putol ni Ryker sa pagbibiro ng mga kaibigan.
Mukhang wala nga talaga siya sa mood dahil sa nangyari. Hindi na rin nakaimik ang kaniyang kaibigan at nagtikom na lang ng bibig.
"So, bakit mo nga ba―"
"Get out of my way!" utos nito kay Don na nakaharang sa kaniyang daraanan.
"Hoy! Saan ka pupunta? Hindi ba mamaya pa ang try-out sa swimming? May klase pa tayo!" habol-tanong naman ni Asher.
"Sa lugar na hindi ko muna kayo makikita," sagot ng binata.
@phiemharc - Hindi Tugma (K3)