CHAPTER II

1579 Words
Chapter II "Talaga?! Kaklase natin siya?!" hindi makapaniwalang reaksyon ng isang chinitang babae na katabi ni Amaris. "Oo! Ang swerte talaga natin, no?" sabat naman ng kaklase nito. "Kaya nga. Ang daming mayayaman at guwapo pala na dito rin nag-aaral," singgit naman ng isa pa. 'Yon ang mga narinig ni Amaris ng makahanap na siya ng pwesto sa kaniyang napiling upuan sa kanilang block. Mas pinili niyang maupo malapit sa bintana para makapag-relax sa ganda ng view sa labas. Hindi na niya pinansin pa ang bulong-bulungan na naririnig niya sa loob ng kanilang block. "Nandiyan na siya!" sigaw ng isang babae, na halos pumutok ang cheeks dahil sa blush-on nito. Napalingon naman ang lahat sa kaniya nang pumasok siya. Hindi naman maipaliwanag ang bulungan at tilian ng mga babae sa narinig. Naguguluhan si Amaris kung bakit ganoon na lang ang mga reaksyon ng kaniyang mga blockmates. They are education students, the future teachers of the country, pero sa kanilang pinapakita mukhang hindi. Inis na inis si Amaris dahil sa ingay na namumuo sa loob ng block kaya nag-earphone na lang siya. Nakuha lang ang atensiyon niya ng may biglang kumuha ng kaniyang earphone. Nakapikit na pala siya sa musika na Paubaya ni Moira. Through Moira's music he was unconsciously asleep in the middle of yells. Naging therapy niya sa inis at yamot ang pakikinig ng musika. "May nakaupo ba dito, bata?" tanong ng lalaki na kumuha ng earphone niya. Nagulat siya sa inasal ng lalaki. Mas lalong nainis si Amaris. "Kung wala kang nakita na bag, ibig sabihin wala," anito at hinila ang earphone. "Okay. This is now my spot," tugon naman ng lalaki. "Akala mo kung sino." "Hindi naman gwapo." "Ang chaka nga eh." Ito ang ilan sa mga nadinig niyang bulungan nang pilosopong sinagot ni Amaris ang lalaki. Muli siyang napalingon sa gawi ng lalaki na katabi na niya ngayon. Makikita sa kaniyang mukha ang ganda ng pagkahulma ng ilong nito at ang mapungay nitong mga mata. "Am I cute?" biglang tanong ng kaniyang katabi, "baka inaakit mo na ako niyan, huh. H'wag kang mag-alala, alam ko namang walang gayuma sa titig lang," dagdag pa ng lalaki nang mahuli siyang nakatingin dito. "As if may ikakagusto ako sa'yo," kaagad na sabat ni Amaris. "Hindi lang natin alam," sagot naman ng lalaki, "co'z, I know when I entered that door―" sabay turo niya sa pinto ng room, "I already find the spark to you― just a spark." Natutop sa kaniyang upuan si Amaris dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking katabi niya ay ganoon din pala kaloko. He hates playing around especially kung pinaglalaruan din siya. Besides, he's not interested to have flings because he only attracted to girls. "Kung wala kang matinong magawa sa buhay mo, tirintasin mo ang kapal ng kilay mo," pagtataas nito ng boses, bago umalis sa kanilang block. Pinili na lang ni Amaris bumalik sa old library na pinanggalingan niya kanina. Mas alam niyang panatag ang kaniyang kalooban kapag nandoon siya pumupunta. Besides, they will only meet their teachers to give their class cards. Hindi pa naman magsisimula ang klase. At saka, hindi rin iyon ikababawas sa grades niya. "Amaris, saan ka pupunta?" napalingon siya sa boses ng nagtanong. "Bakit lukot 'yang pagmumukha mo?" dagdag pa nito, may halong pagtataka sa boses. Lumingon siya. "Ikaw lang pala. Ah, pupunta lang ako ng old library. Wala pa naman kaming klase," sagot ni Amaris. "Baka gusto mong samahan na kita. O baka gusto mong i-tour na lang kita sa campus," alok nito. "I-I'm okay. Don't mind me. Nag-ikot na rin naman kami ng kaibigan ko kanina. You can go ahead, Mr. Esmajer." "Napaka-pormal mo naman. Senior niyo lang ako rito sa campus hindi professor. You can call me Milio," nakangiting usal nito. "Milio? Mukhang unprofessional and unethical naman na tawagin ng freshman ang senior niya sa gano'ng paraan." "You are the only exception, Amaris. Besides, I assume that we're now a close friend, right?" Nabigla naman si Amaris. Napalunok pa siya ng laway bago muling nagsalita. "A-ah. If that so, I shall call you Milio starting today." Milio nodded as a sign of agreeing to Amaris. Hindi na rin nakareklamo si Amaris sa alok ni Milio dahil nagpupumilit din naman ito. They wander around the campus at naging tour guide nga ang role ni Milio. Natapos din nilang nalibot ang kabuuan ng campus. Nakarating na sila sa basketball at volleyball court, swimming area, new library at marami pang iba. Napagdesisyunan nilang mag-meryenda muna kaya nagtungo na sila sa cafeteria. Tila nakalimutan ni Amaris ang yamot sa nangyari kanina sa kanilang block. He really enjoyed the campus tour with Milio. Mas naging masaya pa siya ngayon kaysa sa kasama niya si Cleo, ang kaniyang maingay na kaibigan. "What's your order?" tanong ni Milio. "Hmmm... bake mac, French fries, at drink na lang," tugon nito. Akmang kukuha na si Amaris ng pera sa pitaka ay pinigilan siya ni Milio. "My treat," aniya sabay ngiti ng binata. "Are you sure?" Milio nodded. "O-Okay, Thank you for the treat," nahihiyang sabi ni Amaris. Naghanap na rin sila ng pwesto sa loob ng cafeteria. Hindi naman karamihan ang estudyante ngayon subalit nais ni Milio na walang gagambala sa kanila. First day of school pa lang, pero parang ilang buwan na silang nagkakilalang dalawa. Mukhang mabilis silang naging close sa isa't isa. "Agi!" Tawag kay Amaris. Napalingon silang dalawa sa tumawag. "Sino siya?" nagtatakang tanong naman ni Milio. "S-siya? A-ah, my best friend," tugon ni Amaris, bakas ang inis sa narinig kay Cleo. Nakalapit na si Cleo sa kanilang pwesto. "Bagong jowa― este new friend? Ambilis naman, agi. Ilang oras lang tayong nagkahiwalay nakahanap ka na kaagad ng papalit sa akin. Bahala ka diyan magtatampo ako," pagda-drama ng kaibigan. "Hehehe," pilit tawa ni Amaris. "Bakit ka ba nandito?" "Natural bilihan ito," pilosopong sagot nito. Matalim naman kaagad siyang tinitigan ni Amaris. "Chariz, ito naman stress kaagad, first day na first day ng klase. Bibili lang talaga sana ako ng makakain at swerte na nakita kitang kasama siya-" turo niya sa kasama ni Amaris. "Nakita kong gwapo so lumapit ako. Hi nga pala, I'm Cleo Monseal, 19, sexy, pretty, at higit sa lahat yummy..." nagkaroon bigla ng kaunting katahimikan sa kanila, "charot lang, ang seseryoso niyo talaga. I'm a freshman education student major sa puso mo― I mean, major in Social Studies," pagpapakilala pa ng kaibigan, sabay lahad ng kamay nito. "I'm Milio Joshtine Esmajer, but you can call me, Milio. I'm your senior in the program. It's nice to meeting you, Cleo," magiliw namang pagpapakilala ng kasama ni Amaris. He offers a hand at agad naman itong tinugunan ni Cleo. "Can I call you mine, papichulo?" pabebe pang pagkakasabi ni Cleo, may pakagat labi pa. "H-Huh? Pardon," sabi ng binata nang hindi lubos narinig ang sinabi ni Cleo. "Sabi niya, kung pwede daw maging kaibigan ka namin," singgit ni Amaris. "Sure. Why not? Masaya nga 'yon, 'di ba? Besides, wala pa naman akong kaibigan na freshmen dito sa campus. Mabuti na nga lang at dumating kayo." Napatingin si Amaris sa kaniyang relo. "Anyway, we need to go. We have to meet our last professor at this hour," putol ni Amaris. "Huh? Wala tayong―" "Hindi ba may last meeting pa tayo? Hindi ka kasi pumasok kanina," pagpupumilit ni Amaris kay Cleo, may pagbabantang tingin sa kabigan. "Ay! Oo nga pala, papichulo― I mean, Mr. Esmajer. Sayang nga lang. Sa susunod na lang ako sasama kumain together with you. Mauuna na kami, byers!" pakikay na pagpapaalam ni Cleo. "Ihahatid ko na kayo." "No thanks. Kasama ko naman si Cleo. Don't worry about us," pagtutol kaagad ni Amaris. "Ano ka ba? Ihahatid ka, gurl. Ang arte mo pa," bulong ni Cleo kay Amaris sabay ngiti kay Milio. "Sige na mauuna na kami!" agad namang hinila ni Amaris ang kaibigan. Sa sobrang pagmamadali ay hindi nila nailagan ang papasok sa pintuan ng cafeteria. Tumama si Amaris sa katawan ng makisig na lalaki. Naka-unbutton pa ang itaas na butones nito kaya makikita ang makinis nitong dibdib. "S-sorry," sabi ni Amaris. "Ang tanga kasi," dinig niyang bulong sa di-kalayuan. "Kaya nga." "Ang lakas bungguin si papa Ryker, ha." "Kiss me." Napapitlag siya sa narinig mula sa lalaki. Matangkad ito kumpara sa height niya. Nasa balikat lang siya ng lalaki kaya napatingala pa siya ng bahagya. Samantalang hindi nakagalaw sa kinatatayuan si Cleo dala ng starstruck at takot. Being an avid fan of teleserye, kilala nito ang binata, Ryker known to be savage at walang pinapalagpas sa mga movies. Marami na rin kasi siyang naging roles na ginampanan on screen bilang kontrabida. Bukod sa pagiging artista ay mayaman din sila kaya iyon ang isa sa kinatatakutan ng karamihan. Kaya kasi sila ipatumba nito kung gugustuhin niya lang. 'Yon ang alam ng marami tungkol sa kaniyang pamilya. But Ryker shows no signs of being manipulative and greed. Mabuti naman siyang tao ngunit maangas at short-tempered nga lang. "H-huh?" nauutal na tanong ni Amaris. "Do you want me to forgive you, right?" tumango naman si Amaris bilang pagsang-ayon, "Then, you should kiss me," may angas na sabi ni Ryker. Wala nang nagawa si Amaris kaya sinunod niya ang utos ni Ryker. Hahalikan na sana nito ang binata sa dibdib kung saan niya nabunggo. Subalit pinigilan siya ng lalaki. "Hindi ko sinabing sa dibdib mo ako hahalikan,"sabay sabi nito. "Here." Turo ng lalaki sa kaniyang labi. @phiemharc - Hindi Tugma (K2)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD