Lorraine's POV.
"Anong meron sa kanila?"Takang tanong ko sa kanya."Well makinig ka nang mabuti dahil isang beses ko lang sasabihin to."Napatango-tangu naman ako sa sinabi niya.Ang seryoso niya talaga tsk.Di ko tuloy maiwasang kabahan.Walang hiya!
"Meet the FBGG also known as Four Bitches Gorgeous Girls."Simula niya at napatango-tangu naman ako habang nakikinig lang sa sasabihin niya."Details number 1, meet the bully, strict, famous, hot, sexy and so maarte Astrid Monteverde.Siya ang nag-iisang anak ng business tycoon na si Mr.Monteverde na nagmamay-ari ng paaralang Brixton High na usually pinapasukan natin at siya rin ang nagmamay-ari ng sampung chain hotels dito sa manila at mapa abroad man o dito sa pilipinas."Napanganga naman ako sa sinabi niyang mga salita at di maiwasang mamangha.Wow ang yaman pala talaga nila noh?Akalain mo yun sampung hotel tapos yung mga skwelahan pa na pagmamay-ari nila.Unbelievable.
"Details number 2, meet Allyson Dela Fuente.Siya ang matalik na kaibigan ni Astrid na kaparehong-kapareho niya ng ugali at ang parents niya at ni Astrid ay magkaibigan and business partners sa larangan nang business industry, her parents also a business tycon.Her mom is a medic and her dad is a businessman at sila rin ang nagmamay-ari ng mga resorts dito around luzon and also pati na rin sa iba't-ibang orphanage since palagi silang nagdodonate sa mga taong may sakit specially sa may mga kapansanan na mapa bata man o matanda and she's also bully but not as Astrid."Mahabang sabi niya habang ako naman ay tela natulala sa mga lumalabas sa kanyang bibig.Nakakabelieve naman ang ganun.Grabe lang sana all mayaman.
"Details number 3, meet Athena Mondragon.Siya ang tinatawag nilang playgirl, jolly, chick magnet at isa ring bully kagaya nung dalawang nauna, but of course they are bestfriends since magkaklase ang mga parents nila nung kabataan pa.Sila rin ang nagmamay-ari ng Mondragon Empire diyan sa may malapit lang dito and her parents Mr.and Mrs.Mondragon ay succesful businessman and woman since when they are young ay pangarap na talaga ng mga ito ang magtayo ng negosyo.And one more thing about Athena cause she's a chick magnet, i mean mapababae man o lalaki straight man o bakla ay mapapabaliko niya but despite of that ay mabait rin siya-yun ang sabi ng iba."Napansin ko namang umasim ang mukha niya sa huling sinabi na ikinataka ko.Grabe ang bongga naman nila.Mapapa wow ka nalang talaga sa mga naririnig mo about them.
"And last but not the least, meet Aphrodite Montemayor also known as mataray, cold, eye catcher and she's also a model.Siya ang ikaapat na kaibigan ng tatlo bukod siya ang matanda sa kanila.Actually honestly speaking pero masyadong konti lang ang alam ko sa kanya since bagong kaibigan lang siya nila Astrid but their parents nung high school ay magkakilala lang ewan ko kung magkaibigan ba sila.Ang Montemayor din ang nagmamay-ari ng mga condo dito sa luzon o mapa ibang bansa man since they are also a famous businessman around asia."Halatang konti nga lang.Wala kasi akong narinig na ibang detalye sa kanya bukod sa anak siya ng sucessful businessman at kaibigan nila Astrid ba yun-ay ewan.
"Oh at bago ko makalimutan ay Bully silang apat at sila ang binansagan na Four Bitches Gorgeous Girls hindi lang dito sa Brixton at mapa ibang paaralan man kaya don't try to cross your paths with them dahil magiging impyerno talaga ang buhay mo."Medyo natakot naman ako sa sinabi niya at diko maiwasang mangilabot sa word na Impyerno.Grabe naman yun-kalahi ni Satanas lang?
"Grabe nakakatakot naman pala sila."Speechless kong pahayag matapos kong makakain.Naihatid na kasi to kanina pa ni Ate Cheska since busy kakasalita tong' si Jamie about sa apat na bully'ng magagandang babae.Maganda sana bully lang.Pero teka-medyo nagtataka talaga ako kung saan nalaman ni Jamie ang mga yan since sabi niya nga diba transferee din siya gaya ko?
"Teka pala Jamie, paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?Sabi mo nga diba transferee ka rin?"Nakacross arms naman niya akong tinignan at mababakas sa mukha niya ang walang emosyon.Napalunok tuloy ako ng wala sa oras."Of course i know them since my parents and their parents ay magkaklase since grade school at business partners din nila dad ang mga magulang nang apat na yan."Ahh ganun pala.Akala ko kasi nag research siya about dun.Grabe memorize na memorize ahh?Ang galing niya naman.
"So any questions?"Tanong niya.Pero ang ipinagtaka ko ay ilang taon na ba sila?I mean-magkaedad lang ba kami?"Hm ano ilang taon na pala ang mga yun Jamie?Sabi mo nga diba na yung Aphrodite lang ang mas matanda sa kanila."Napatango naman siya sa sinabi ko.
"Astrid is 17 years old same at Athena While Allyson is 18 years old and Aphrodite is 19."Napatango-tangu naman ako sa sinabi niya.Hm ano kaya ang hitsura ng mga yun?Magaganda kaya?Sabi nga ni Jamie maganda pero di kasi ako mapapanatag since di ko pa nakikita.May pagka observant pa naman akong tao.
Palibhasa ang hilig kong mangilatis ehh hays.
"Yun ba?Tara na at salamat naman sa detalye about sa kanila Jamie hehe."Napatango namam siya sa sinabi ko at agad na kaming lumabas ng karinderya bago nagpaalam kay Ate Cheska."Oh-wait may nakalimutan pala akong sabihin sa'yo kung sino sa kanila ang nag-utos na ibully ka this fast few days."Napalingon naman ako sa kanya at kunot noong napahinto sa paglalakad.
"Sino?"Kahit na kinakabahan sa malalaman ay nagtanong parin ako.Para naman aware ako diba?"It's Astrid."Oh?Yung number one na sinabi niya kanina.Hm ano kaya ang itsura ng babaeng yun?Anyways saka ko nalang siguro sila iisipin.Ang importante lang sa ngayon ay may nalaman na ako about sa kanila para naman aware ako sa paligid ko.
"Ah siya pala yun?Okay simula ngayon mag-iingat na siguro ako lalo na pag nandiyan siya kahit di ko pa nasisilayan ang kanyang itsura."Medyo makata kong sabi na ikinatawa ni Jamie."Well kaya di ko pinakita sa'yo ang itsura nila ay sure naman akong nakita mo na sila nung first day pa, you know yung sa canteen remember?"Napaisip naman ako sa sinabi niya.Hm yun bang nung nakaraan yata yung may nagtilian sa canteen?"Ahh yung pinagtitilian ba yun?"Tumango-tango naman siya habang ako naman ay napanganga lang sa nalaman.
Nanlaki naman ang mata ko at di maiwasang alalahanin ang itsura ng mga yun.Actually maganda naman sila pero hindi ko kasi alam kong sino ang Astrid dun."Actually naalala ko na sila Jamie pero ang mukha nung Astrid ba yun ay di ko pa nakikita."Natawa naman siya sa sinabi ko at tinapik ako ng mahina sa balikat."It's for you to find out Raine."Sabay pasok sa loob ng classroom.Di ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa gitna ng classroom.
Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na rin.Di ko nalang pinansin ang mga kaklase kong maiingay sa paligid.
Napaisip naman ako sa mga sinabi ni Jamie kanina at di maiwasang kabahan lalo pa't yung Astrid pala ang number one bully sa kanila.So dapat pala magmula ngayon ay kailangan mag-iingat na ako sa kinikilos ko?Hays.Napabuntong hininga nalang ako at mahinang pumikit.
So goodluck nalang talaga sa akin dito sa paaralang to.