Chapter 4: FBGG?

1467 Words
Lorraine's POV. MAAGA palang gising na ako.Papasok kasi ako ngayon nang maaga sa kadahilanang sabi sa akin ni Jamie ay may mahalaga daw akong malaman.Di ko nga rin alam ehh kung ano yun.Tsk nacurious tuloy ako. Pagkatapos ko maligo ay agad naman akong nagbihis at sinuot ang salamin ko pagkatapos makapagsuklay.Pinuntahan ko naman agad ang kabilang kwarto kong saan natutulog si Lennie. "Lennie gising na."Yugyog ko sa kapatid ko habang nakadapa ng higa.Pinulot ko naman ang mga unan na nalaglag sa sahig.Tsk ang likot talaga ng kapatid kong to pag natutulog."Lennie isa pag di ka gumising diyan di ka makakaulam nang hotdog."Nabigla naman ako ng bumalikwas siya agad nang bangon at agad yumakap sa akin sabay halik sa pisngi ko."Good morning ate kong maganda hehe."Hinalikan ko naman siya sa noo bago kinuhanan nang tuwalya para makaligo na siya. "Morning baby girl, oh siya bilisan mo nang maligo at magluluto muna ako para makapasok na ako sa school."Tumaliwas naman siya agad sa sinabi ko at agarang nagtungo sa banyo.Lumabas naman ako agad ng makitang nakapasok na sa banyo ang paslit at agad nagtungo sa kusina para makapagluto. Habang nagluluto ako ay naisip ko naman ang mga ganap ko sa skwelahan na pinapasukan ko.Nitong mga nakaraang araw kasi ay yung biglang tahimik kong mundo ay bigla nalang naging impyerno sa kadahilanang maraming nangbubully sa akin sa di ko malamang dahilan. Yung feeling na dadaan ka tapos bigla-bigla nalang may sasaboy sayong drinks like soup, spaghetti, kamatis na may itlog at ang pinakaworst sa lahat ay yung pintura talaga.Ang tagal kasing matanggal tsaka nung nakaraang araw nga ay nabigla nalang ako ng matapos ang klase namin ay pagtayo ko ay nagkaroon ako bigla ng red paint.Akala ko nga may dalaw ako nun ehh yun pala may naglagay sa upoan ko nun. Si Jamie nga naaawa na sa akin pero sinabihan ko nalang siya na okay lang at kaya ko pa naman.Di naman mild yung ginagawa nila parang ano lang patikim o matatawag na pagsubok.Pero sabi niya pag pisikalan na daw at may nakita siyang galos sa akin ay di na raw siya magpapapigil pa at papatulan na niya lalo pa't mukhang may alam siya kung sino ang nag-utos sa mga nang bully sa akin.Laking pasalamat ko talaga na nakatagpo ako nang kaubigan na tulad niya.Oa pero protective. "Ate yung hotdog nasusunog na."Nagising naman ang diwa ko nang maamoy ko ang mukhang sunog nanaman na hotdog dala sa pagkatulala ko.Napatampal nalang ako sa aking noo ng makita kong mukhang sunog nga-pero may konting pula pa naman hehe."Ano ate?Sunog nanaman?"Ngumuso naman akong naglakad papalapit sa lamesa at inilagay sa hapag ang hotdog na sunog."Pasensya na bunsoy at nasunog nanaman ni ate."Napahalumbaba naman ang kapatid ko habang titig na titig sa akin ng may seryoso sa mukha. Minsan napapaisip rin ako sa kapatid kong to ehh kung sino ang matanda sa aming dalawa.Bukod kasi sa marunong na siyang magsalita ay talakera din siya sa edad niyang tatlong taong gulang.Matalino rin naman siya pero di ko pa siya pwede ipapasok sa school at sa susunod na buwan pa.Gusto niya na rin kasing mag-aral sabi niya para makakita siya ng maraming kaibigan.Oh diba?Nakaka wow ang trip. "Ate magpa check-up kana kaya."Kunot noo ko naman siyang sinulyapan habang ngumunguya."Bakit mo naman nasabi yan?"Sagot ko sa tanong niya bago nilunok ang kinain ko."Napapadalas na kasi ang pagkalutang mo ate, di na nakakatuwa."Napatigil naman ako sa pagkain sa sinabi niya.Actually napapansin ko rin naman yun pero isinawalang bahala ko nalang kasi diba natural naman yata sa tao ang matulala kahit saglit lang lalo na't marami kang iniisip. Parang ang oa lang kasi nitong kapatid ko mag-isip. "Bunsoy natural lang sa tao ang matulala naiintindihan mo ba yun?"Sabi ko pa sa kanya at niligpit ang kinain ko since tapos na akong kumain."Hindi naman sa ganun ate pero kasi nagsasawa na akong kumain lagi nang sunog mong luto."Nakabusangot niyang reklamo habang ako naman ay napatampal lang sa noo.Akala ko pa naman seryoso siya.Loko rin ang batang to ehh. "Ewan ko sa'yo bunsoy, bilisan mo nalang kumain diyan ng makapasok na ako."Sinunod niya naman agad ang sinabi ko habang ako naman ay nagtooth brush lang."Tapos na po ako ate."Niligpit ko naman ang kinainan niya.Mamaya ko nalang huhugasan pag uwi ko."Halika nang mapulbosan ko yang likod mo."Kinuha ko naman ang bag niyang may kaliitan na lagi niyang dala-dala.Panigurado madumi nanaman to mamaya sa paglalaro.Kaya nga lagi ko siyang pinapabaunan ng extrang damit dahil nagiging batang lansangan siya.Perks of being makulit tsk. "Oh tapos na, tara na."Matapos ko masarado ang pinto ay hinawakan ko naman ang kamay niya at naglakad papunta kina Aling Doray."Magandang umaga po Aling Doray."Bati ko dito ng makita ko siyang nagwawalis sa may gilid ng tindahan niya."Magandang umaga din Raine, oh ako na ang bahala diyan sa kapatid mo."Kamot ulo naman akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin ang kapatid ko."Oh mauuna na si ate ahh?Behave ka dito bunsoy okay?"Bilin ko sa paslit."Opo ate behave po ako lagi, magdala ka nang ice cream po ahh?Hehe."I pinch her cheeks at hinalikan ang kanyang noo bago tumango sa kanya.Ang cute talaga ng kapatid ko ang sarap ibulsa charot. Matapos ko makapag-paalam kay Aling Doray ay sumakay naman ako ng tricycle papunta sa university. Nang makarating ay nasilayan ko naman agad si Jaime na kanina pa naghihintay sa labas ng gate.Napansin ko naman na nakakahakot siya ng atensyon na isinawalang bahala niya lang.Napailing nalang ako sa kanya.Ang sungit din ng isang to ehh. "Hi kanina ka pa?"Tanong ko sa kanya ng makarating sa harap niya."Hindi naman mga 15 minutes palang."Napahinga naman ako ng maluwag at sabay na kaming pumasok sa loob."Siya nga pala bakit mo ako pinapapasok ng maaga?May sasabihin ka ba?"Takang tanong ko sa kanya habang papasok kami sa loob.Nandito nanaman yung mga estudyanteng ang sasama ng tingin habang yung iba naman ay nagtatawanan lang na nakatingin sa akin.Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila at nagpokus sa paglalakad. Sa araw-araw ko ba naman tong naranasan medyo sanay na rin naman ako. "Yup, mamaya nalang sigurong lunch total 10 minutes nalang before magsisimula ang klase."Napatango naman ako sa sinabi niya.Pagkarating namin sa loob nang classroom ay napansin ko naman na medyo tumahimik ang mga kaklase ko pagkakita sa akin.Napayuko naman akong naglakad habang papunta sa upoan ko at di nalang sila pinansin. "Don't mind them."Bulong ni Jamie.Tumango naman ako sa kanya at umopo ng tahimik sa kinauupoan ko.Nag ring naman agad ang bell hudyat na magsisimula na ang first subject. "Class Dismissed!" Sabi ng guro at agaran namang nagsilabasan ang mga kaklase ko para sa 2nd subject ngayong araw.Lumabas naman kami ni Jamie sa classroom at nagtungo papunta sa labas.Yup diyan kami lagi kumakain sa karinderya malapit lang dito sa school.Bukod kasi sa masarap ang pagkain nila ay sulit din dahil unli rice din ito hehe.Buti nga di maarteng tao to si Jamie ehh kaya ayos lang. Nang makarating kami sa loob ay sinalubong naman kami ng ngiti ni Ate Cheska na matanda sa amin ng limang taon."Wazzup kids ang aga niyo ata?"Kids ang tawag niya sa amin since mukha daw kaming baby face.Ewan ko ba sa kanya kong bakit yan ang palagi niyang tinatawag sa amin.Nung una nga napasimangot nalang kami pero kalunan ay sanay na rin at pinabayaan nalang namin.Siya daw ang masusunod ehh edi pabayaan. "Ate yung dati parin, dinuguan, pakbet at pancit at kanin na dalawa."Sabi ko sa kanya at agad niya naman itong nilista."Yun lang ba Rainey?"Tumango lang naman ako at sinabihan rin siyang padagdagan ng soda."Ikaw naman cutey Jamie?"Tahimik naman ang katabi kong nag-oorder at tinuro lang ang mga pagkaing nakahilera sa harap."Okie dokie, opo lang kayo dun sa may bakante kids at ihahanda ko lang ang pagkain niyo."Sumunod naman kami sa sinabi niya at umopo ng tahimik. "So habang wala pa ang order natin ay gusto mo na bang malaman kung ano ang sasabihin ko?"Tumango naman ako sa sinabi niya.Nakakacurious lang kasi.Ang seryoso pa naman niya."So here it is, sasabhin ko sa'yo ngayon ang details about sa FBGG."Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya. "FBGG?"Tanong ko na ikinatango niya."Aha!"Napatulala naman ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD