Chapter 10: Weird Feelings

1353 Words
Lorraine's POV. Dalawang buwan na pala ang nakalipas simula nung nag-aral ako dito sa BU. So far so good ayos naman ang pag-aaral ko at malalaki rin ang nakuha kong mga scores sa quizzes, exams, recitation at report.Buti nalang talaga at mataba tong' utak ko kaya laking pasalamat ko na rin dahil hindi ko napapabayaan ang scholarship ko. Sa nagdaang mga araw, linggo at buwan ay medyo marami narin ang nangyari. Yung dating hotdog at itlog na ulam namin ni Lennie ay nadagdagan na since nagsimula na akong magtrabaho ng part time sa jollibee. Inapply kasi ako dun ni Jamie nung time na nasabi ko sa kanya na kailangan ko ng trabaho. Buti nalang talaga at may alam siya tsaka nagkataon rin na bestfriend ng mommy niya ang may-ari nun na ipinagpasalamat ko na rin kaya ako nakapasok agad. Ang dating ulam namin na dalawang putahi lang ay nadagdagan na nang spaghetti, chicken joy at marami pang iba.Tuwang-tuwa nga ang bubwit na makulit since sabi niya ay matagal-tagal na rin siyang di kumakain nun. Namiss ko rin naman kasi. At tsaka yung kapatid ko na yun ay nag-aaral na rin ngayon sa pinapasukan kung skwelahan since may kinder garden dun. Well, sinabay rin kasi siya ni Aling Doray na ipa enroll nung time na gusto na rin nang anak nila na si Khian na dun na mag-aral since ito lang na skwelahan ang malapit. At tsaka guys kung di niyo naitatanong ay scholar rin po ang kapatid ko kahit kinder palang. Ako naman ang taga hatid at sundo sa kanya. Katulad nalang ngayon. Nandito ako sa harap ng classroom nila at isa pa kakadismiss rin lang kasi namin kaya dito na ako dumiretso. Biyernes namam kasi at half day lang. Mamaya pa naman ang duty ko mga 7pm since sinadya kong ipa gabi ang schedule ko para mahaba-haba ang tulog ko lalo na't mag-aaral pa ako. Natigil naman ako sa malalim na pag-iisip ng mapansin ko na nagsilabasan na ang mga bata sa kanilang classroom. Nakita ko naman agad ang kapatid kong mukhang inaantok na dala sa pagkapagod na may kasamang paghikab. "Ate uwi na tayo, inaantok na ako yawn*."Kinuha ko naman agad ang bag niya at nag decide na ako na ang magbitbit. Magaan lang naman to tsaka sa mukha ng kapatid kong to' ay parang anytime matutulog na ehh. Di siguro to nakatulog ng maayos kagabi. "Tara na, maglalakad ka ba o buhatin ka ni Ate?"Itinaas naman agad niya yung mga kamay niya senyales na gusto niyang magpabuhat. Umiling na muna ako bago siya kinarga at agad na naglakad palabas ng campus. Napansin ko naman na wala na masyadong tao at kaunting estudyante nalang ang nakikita ko since yung iba pang gabi ang klase habang yung iba naman ay katulad ko lang ring half day. Palabas na sana kami ng gate nang biglang sumigaw tong' kapatid ko."Ate gandaaaa!" Napatigil naman ako sa paglalakad at agad na ibinaba si Lennie. Tumakbo naman agad siya papunta sa likod ko bago ko naisipang lumingon. Nagulat naman ako ng bahagya na ang tinutukoy pala na ganda ni Lennie ay si Ms.Bitch ng BU. Holly-cow! Bakit ko nga ba yun nakimutan?Hays. "Oh, hello baby girl." Nagpakarga naman agad ang kapatid ko na parang biglang nawala ang kanyang antok. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na siya lang ang mag-isa at wala doon yung mga kaibigan niya. Buti naman. Agad naman ako naglakad papunta sa gawi nila habang luminga-linga sa paligid. Mahirap na noh baka may bigla nalang mangbato sa akin dito ng itlog, kamatis at kung ano-anu pang malalagkit na bagay since magmula nang mag-aral ako dito ay parang maging impyerno ang buhay ko. Pero nitong mga nakaraang araw ay nagtaka rin kasi ako kung bakit bigla-bigla nalang silang nawala- i mean di naman sa nagrereklamo ako. Nakakapagtaka lang kasi. Pero naisip ko rin na mabuti nga yun para hindi na ako laging magbabaon ng damit hehe... Natigil naman ako sa pag-iisip ng tawagin ako ng kapatid ko."Ate saan ka pupunta?"Huh?Lumingon naman ako sa pinanggalingan ko kanina at ngayon ko lang napansin na nalampasan ko na pala silang dalawa nang diko namamalayan dala sa malalim na pag-iisip. Napatampal nalang ako sa noo ko ng palihim sa ginawa ko. Tsk ito nanaman ang sakit kong to. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Miss Astrid habang nakatingin sa akin.Kinagat ko naman ang labi ko bago pumunta sa may gawi nila at sinagot ang tanong ng kapatid ko. "Huh?Wala i mean- may tinignan lang ako dun bunsoy hehe." Saad ko at umiwas ng tingin. Spell awkward?Wew. "Are you sure?"Napatingin naman ako ng sumagot siya. Napatitig naman ako sa mukha niyang maganda. "Huh?- oo naman.." Teka- bakit ba ako nautal?Relax Raine- napaghahalataan ka tuloy tsk."I see, so pauwi na ba kayo?"Sumagot naman agad ang kapatid ko."Opo ate, bakit mo po natanong?"Ang batang to' talaga hays. "Naitanong ko lang, gusto niyo bang ako na maghatid sa inyo?"Sabay tingin sa akin. Agad naman akong umiling at nagpasyahang sumagot bago pa makaangal ang paslit."Ay huwag na po, nakakahiya tsaka isa pa malapit lang naman."Sabi ko sa kanya.Agad naman umalma ang isa at ngumuso. "Anong malapit ate?Ang layo-layu nga tsaka isa pa kailangan pa natin sumakay sa jeep hmp."Pinandilatan ko naman ng mata ang kapatid kong dumila lang sa akin. Aba't! Mamaya ka sa akin bata ka tsk. Napatingin naman ang isa sa akin at ngumisi na ikinakaba ko."Magsisinungaling ka nga lang, palpak pa. Oh siya ako na ang maghahatid sa inyo and ops- bawal ka tumanggi understood?"Sabay turo sa akin. Ako naman na masuniring nilalang ay agad na tumango-tangu na parang maamong tupa na ikinangiti niya bago sumunod sa kanila. Napairap naman ako ng lihim. Walang hiya, parang ako pa ang naargabyado dito ahh?Tsk! Agad naman kaming sumakay habang yung kapatid ko naman ay doon umopo sa harap so bale ako lang ang nabubukod tanging nasa likod.Napansin ko naman na kinabetan siya ng seatbelt ng isa. Mukhang close na sila ahh. Ang bilis naman. Pero sabagay bibo naman kasi tong kapatid ko tsaka maasyadong madaldal- katulad nalang nung kanina tsk. Nakakahiya talaga. Pero di bale, magtutuos pa kami niyan mamaya sa bahay. Pinaandar naman agad ng isa ang sasakyan. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang naman kaming nakikinig sa radyo. Ilang sandali pang pagmamaneho ay nakarating naman agad kami sa bahay. Inihinto niya naman agad ang sasakyan at pinatay ang makina. Lumabas naman ako agad habang bitbit ang gamit ni Lennie at nagpunta sa harap ng pinto kung saan siya umopo. Kinarga ko naman agad ito ng mapansin kong nakatulog pala. Kaya pala ang tahimik. Pagkatapos ko makuha ang kapatid ko ay agad ko naman isinarado ang pinto. Nakita ko naman si Ms. Astrid na nakatitig sa akin sa diko malamang dahilan."Ahm- ano salamat pala sa paghatid."Kamot ulo kong saad sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti na ikinanganga ko katulad kanina nung nginitian at kinindatan niya ako. Suddenly, out of nowhere ay bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ko sa di malamang dahilan. "Your welcome, sige una na ako since late na rin. Good night nerdy." Nanigas naman ako ng maramdaman ko ang malambot na bagay na dumapo sa pisngi ko. Bahagya naman akong di makagalaw sa kinatatayuan ko at yung- puso ko! Ang lakas ng t***k jusko po. Ano ba yun?Bakit ba niya ako hinalikan?Di ba siya nandidiri? Tatanungin ko sana siya..Ngunit bago pa ako makapagsalita muli ay nagising nalang akong wala na ang kanyang sasakyan sa harapan ko at pinaharurot na ito patakbo. Napailing nalang ako sa sarili at biglang kinapa ang puso kong bahagyan ng kumalma. Relax heart. Ano bang nangyari sa'yo at bakit ka nalang tumitibok bigla?Pagkausap ko sa sarili. Iwinaglit ko nalang yun sa isip at agad na pumasok sa loob ng bahay. Weird. I silently mumbled.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD