Chapter 11: Nicole Morales

1450 Words
Lorraine's POV. "So, how's you're work on your part time job?"Napatigil naman ako sa pagnguya at uminom muna ng tubig bago sagutin ang tanong ni Jamie."Ayos lang naman at tsaka isa pa ang bait ng boss ko dun."Yup. Mabait kasi ang boss namin di strikto katulad ng iba na kulang nalang ay magsusuper ala dragon sa galit once na may kamalian kang ginawa. "That's good, Tita Minerva is like that at huwag ka nang magtaka pa, ganun lang talaga yun at masasanay ka rin."Napatango-tangu naman ako sa sinabi niya. Halata rin naman kasi. Nung isang araw nga ay may kasamahan naming na' late at akala talaga namin ay papagalitan siya since maraming costumer sa araw na yun at take note- pareho pa kaming bago nun ahh. Nag expect nga kami ehh pero yun pala ay sinabihan lang siya na sa susunod huwag nang ulitin pa. Laking pasalamat narin naman nung si Josh since yun ang pangalan niya. "Halata nga, may anak na ba siya?I mean medyo may edad na kasi siya pero hindi mo naman mahahalata kasi maganda rin siya."Bukod sa mabait ang boss namin ay sobrang ganda niya pa lalo na't pag nakangiti. Makikita mo talaga na pinagpala siya sa maykapal at ang magiging anak niya panigurado- kung meron man. Napaayos naman ng opo si Jamie bago sumagot sa tanong ko at agarang tumingin sa labas. Nasa coffee shop kasi kami ngayon at break time namin. "Yup, actually katulad rin natin siya na nandun nag-aaral sa BU, she's part of our cheering squad actually." Woah! Seryoso? Pero alin ba siya dun? Marami kasing maganda sa Brixton University ehh, isama mo pa yung mga gwapong nilalang na parang mga anghel na bumaba sa langit. Choos! "Ganun ba? Pero alin ba sya dun?Hihi andami kasing maganda at gwapo dito Jamie ehh, katulad mo." Sabay turo ko sa kanya. Parang nabigla naman siya sa sinabi ko. Totoo rin naman kasi na maganda tong' si Jamie. Long wavy brown hair na hanggang bewang. Small waist and white pale skin. Her lips na natural na mapula at yung singkit niyang mata na may kulay na parang hazel eyes. And last but not the least ay yung ilong niya na sobrang tangos. Isama narin natin yung kuko niya na ang taas na may manicure pa na kulay black. Para tuloy siyang yung sa movie na si ano ba yun? Yung may sungay ba- hmm.. Malificient? Oo yun yata yun. Ewan ko nalang sa spelling kung tama ba. Uminom naman siya ng kape bago magsalita ulit. "Paano ka naman? Try mo kayang tanggalin yang salamin mo at makikita mo ang tunay mong ganda. I'm not saying na panget ka okay? Is just that hmm, you really like old fashion. Pero sabagay iba-iba naman kasi tayo nang taste." Napatingin naman ako sa sarili ko at napabuntong hininga bago nag-iwas ng tingin sa kanya. "Ito na kasi ang gusto ko at tsaka isa pa dito ako komportable, hindi rin kasi ako maarteng tao katulad nang iba. Kaya sa ayaw niyo o sa hindi ng gusto ko ay wala kayong magagawa, choice ko'to ehh. Sige..Una na ako." Saad ko at dali-daling tumayo. Mukhang nabigla naman si Jamie sa naging reaksyon ko at pipigilan niya sana ako ng agad na akong tumakbo. Nakaka offend lang kasi yung sinabi niya kahit totoo rin naman. Hindi naman ako galit sa kanya. Mukhang galit pa nga ako sa sarili ko ehh. Tsk ang kitid lang kasi ng utak ng mga tao ngayon. Porket ganito ang suot mo ay manang na? Di' ba pwedeng mas dito lang ako komportable? Hmp. Bakit naman ako magbabago nang taste para magustuhan nila? Mas okay kaya yung nagpakatotoo ka sa sarili mo kaysa naman na nagpapanggap kang santo kahit demonyo ka naman. [A/N: Tbh guys HAHA xD.] Hindi ko man lang namalayan na sa kakatakbo ko ay may nabangga namam akong bulto nang isang tao. At guys napakabilis lang nang mga pangyayari dahil natapunan lang naman yung suot kong uniform ng juice na dala niya. "Hala / Oh my god!" Halos sabay naming sabi. Late reaction nga lang sa lagay na yun. Pero ang ikinabahala ko kasi ngayon ay itong suot ko. Paktay, wala pa naman akong extrang damit na dala kasi nga ay tumigil na ako sa pagdala nun since tinigil na ni Miss Astrid ang you know- pangbubully sa akin. "s**t- I'm sorry miss if i ruined your uniform, ahm what shall i do? f**k!" Napatakip naman ako sa tenga ko sa lakas ng boses niya isama mo pa yung pagmumura niya. Sabihin niyo ako ng ignorante o ano diyan pero hate ko talaga yung palamura huhu. Bad words kasi yun hmp. Parang nagtaka naman tong babaeng nabunggo ko kung bakit di ako nagsalita dahilan para lumingon siya sa akin. At guys maniwala kayo o sa hindi ay bigla nalang nag slow motion ang paligid sabay panlalaki nang mata ko sa babaeng nakita ko sa aking harapan. Woah! Siya yun- siya yung babaeng umiyak nung sa corridor dalawang linggo na ang nakalipas. Ang ganda niya. Nag dedaydream kong usal. Mahaba at itim na itim ang buhok na sobrang straight at yung katawan niya ay parang coca-cola sa ganda. Ilong na matangos, kilay na natural na maporma. Her seductive yet natural red lips at yung mata niya rin na katulad kay Jamie na singkit. And the way she talk ay may lumalabas na parang bilog na malalim sa isang pisngi niya. Grabe, diyosa ba siya? Ang ganda niya huhu. Konti nalang iisipin ko na talaga na hindi tao ang mga nag-aaral dito ehh kundi diyosa. "Hey- are you alright miss? May masakit ba sa'yo?" At yung boses niya ang ganda. Parang- parang dinuduyan ka huhu. "Hey miss? Can i take you to the hospital now. Come on, i insist. "At doon na ako nagising nang marinig ko ang salitang hospital. Ano daw? Bakit naman kaya? May sugat ba ako o siya? Taka ko naman siyang tinignan bago inayos ang salamin ko. "Hala- huwag na nakakahiya at tsaka isa pa wala naman akong sugat, natapunan lang po ako ng juice."Mahinahon kong sabi sa kanya at inayos ang sarili ko. Magsasalita na sana siya ng may biglang tumawag sa pangalan ko dahilan para mapalingon ako dito.. "Raine!" Hinihingal na saad ni Jamie nang makarating siya dito sa harapan ko o namin. Nagtataka ko naman siyang tinignan lalo na sa mukha niya na parang umiiyak na ewan. Medyo mugto kasi yung mata niya. "I'm sorry pala kanina sa nasabi ko sa'yo ahh? Hindi ko naman yun intensyon ehh, is just like na mali ang pagkakaintindi mo- at ohh!" Mukhang nagulat naman siya nang mag-angat siya ng tingin. Nakita ko naman na may tinignan siya sa likod ko at bahagyang nagulat naman ako o kami ng kasama ko isama mo pa yung ibang estudyante dito nang biglang tumili at nagtatakbo yung babaeng bumangga sa akin papunta kay Jamie na karga na siya ngayon. "Kyaaaah! I miss you chipmunk huhu, ang tagal nating hindi nagkita. Mwuah mwuah mwuah." At hinalik-halikan lang naman po niya sa Jamie sa buong mukha habang si Jamie naman ay mukhang nairita."f**k- s**t stop, Nicolee.. Bumaba ka nga!" Parang bata naman na sumunod yung isa. So Nicole pala ang pangalan niya? "Pout, ang sungit mo naman. Still the same grumpy huh?!" Humalukipkip na saad nung Nicole habang si Jamie naman ay inayos ang sarili niya bago hinarap yung isa. Okay- mukhang na oop na ako dito ahh. "And you, still childish huh?" Pagpa fire back ni Jamie dahilan para mahampas siya nung isa."I hate you hmp!" Umiling lang naman si Jamie bago ako tinignan dahilan para mapalingon rin yung isa sa akin. "Raine anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan ang uniform mo?" At doon ko lang naalala na basa pala itong suot ko. Woahh! Paktay na- paano na ako nito ngayon? Huhu wala pa naman akong extra."Ahm- actually it's my fault hihi."Napalingon naman si Jamie kay Nicole nang magsalita ito at kunot noo siyang tinignan. "You what? What are you talking about Nics?"Hala- huwag nilang sabihin na mag-aaway pa sila dito? Nako po! Sasagot pa sana si Nicole ng may biglang nagsalita sa likuran namin dahilan para mapalingon ako or more like kami sa ikalawang pagkakataon. Di naman halatang ang daming umeeksena ngayon noh? "What's happening here?!" Saad ng taong ilang linggo nang hindi mawala sa isip ko lalo na yung ginawa niya na nagpagulo sa puso ko. Napalingon naman ako dito at nakita ko itong matamang nakatingin sa akin dahilan para mangatog ang tuhod ko sa di malamang dahilan. Miss Astrid. I silently uttered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD