Lorraine's POV.
"That's all for today, class dismiss!"
Saad ni Mr. Pascual at agad lumabas sa classroom. Nag unat-unat naman ako kaagad sabay ligpit sa mga gamit ko habang yung mga kaklase ko naman ay agarang lumabas na parang kalahi ni flash.
Lumingon-lingon naman ako sa paligid at nagbabasakali na makita ko yung dalawang kaibigan ko. Yup, you heard it right. Dalawa na sila since part na ng circle of friends naming yung si Nicole na sinang-ayonan ko rin naman. Mukhang mabait naman kasi siya at maypagka kikay. Based on my observation lang naman yun.
"Raine matagal ka pa ba?"
Agad ko naman sinukbit ang bag ko nang tinawag na ako ni Jamie sa labas ng classroom. Nakita ko naman si Nicole na katabi niya na kanina pa mukhang di maipinta ang mukha. I wonder why. "Sorry natagalan, ano tara?"Sabi ko at tumango lang naman sila habang papalabas kami ng campus. Don' parin kasi kami sa dati and as usual may nadagdag na since Nicole is also our friends now.Hindi rin naman kasi maarte ang isang to like Jamie at napaka down to earth. Sana lahat ng mayaman ganyan.
Pagkarating namin sa labas ng campus ay nakita naman namin yung apat na bitches dito sa school at mukhang papunta rin sila sa gawi namin kong di ako nagkakamali. Tinignan ko naman sila isa-isa at ang masasabi ko lang talaga ay. Napakaganda nila grabe. Wala kaman lang makikitang pimples sa kanila. Unfair lang hmp.
"Where are you going?"
Nagitla naman ako at napakurap bigla ng nandito na pala sa harapan namin sila Miss Astrid. Napatampal nalang ako sa aking sarili ng marealize na natutulala nanaman ako. Siguro kong nagluluto ako sa lagay na'to ay siguradong sunog na yun tsk. Napapadalas ka na talaga Raine. Pagkausap ko pa sa aking sarili.
"Ah- ehh sa kuan..kainan hehe." Utal kong sagot sa kanya since parang napipi na yata tong' dalawang kasama ko. Napatingin naman ako sa kanila at napansin kong parehas blangko ang kanilang mukha. Ehh? Anyare sa kanila?
"Kainan?Where? May canteen naman dito ahh!"Saad nung babaeng mukhang friendly na kasalukuyang nakangiti pa sa akin ngayon- at oo sa akin lang talaga since yung dalawa ay parang wala na yatang balak magsalita.Napakamot naman ako sa ulo ko bago sumagot."Ahm- sa ano karinderya oo- yun diyan lang sa may malapit."At itinuro sa kanila ang sinabi ko na sinundan naman nila ng tingin. Nakita ko naman sa mukha nila na parang nandidiri. Well maliban nalang dun sa kay ano nga pangalan niya?Ana?Athena?Ahh oo yun Athena hihi.
"Ohh! Pwede ba makisabay?If okay lang?"
Medyo nabigla naman ako sa sinabi ni Miss Athena at magsasalita na sana nang naunahan ako ng mga kasama niyang- mukhang maaarte. Halata naman kasi hmp.
"Seriously Athena?!"
"Ugh! Kung gusto mo ikaw nalang sumama sa kanila b***h tsk."
"Kadiri ka ghurl like eww, baka may germs ang mga pagkain nila dun yuck!"
Iba't-ibang klase ng reaksyon ang narinig ko sa mga kasama niya habang ako naman ay di maiwasang mainis sa narinig. Isama mo narin ang mga kasama ko na bahagyang napakuyom ng kamao. Napansin ko naman na tumayo ng tuwid si Nicole at mataray na tinignan yung kaaway niya sa corridor dati. Naalala niyo pa yun guys?
"Tss, kung maka eww ka naman akala mo sobrang ganda mo. Paalala ko lang sa'yo na kung wala ang mga taong mahihirap baka sa lansangan ka na pulutin ngayon and..."At pinasadahan niya ng tingin yung Allyson bago muling nagsalita na may kasama ng ngisi.
"Ang payat-payat mo nga. Maitanong ko lang... kumakain ka pa ba?"Pang-iinsultong sabi ni Nicole dito dahilan para magsalubong ang kilay nung isa. Akmang susugod na sana si Allyson dito nang magsalita na si Jamie na kanina pa tahimik."Let's go. Tss what a waste of time."At nauna nang maglakad pero bago yun ay di nakaligtas sa aking paningin ang pagtingin niya kay Athena. Hmm okay? Ano kaya ang ibig sabihin nun?Weird.
Agad rin namang sumunod sa kanya si Nicole at muling inirapan si Allyson na ikinairita nung isa lalo. Ano ba yan para tuloy akong na oop sa kanila. Para kasing may past sila na sila lang ang nakakaalam. Weird nila hah.
Nagpaalam naman ako sa kanila pero bago paman ako makakalakad ay may humawak na sa kamay ko. Medyo nabigla naman ako dito at napalingon sa humawak na si Miss Astrid lang pala. Suddenly, naramdaman ko nanaman yung feeling na para kang kinuryente bigla. Ano ba yun?
"Ahh ehh bakit?" Taka kong tanong sa kanya. Napansin ko naman na nagpaalam na ang mga kasama niya sa kanya at kaming dalawa nalang ang natira. Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita habang hawak parin yung kamay ko."Ahm..I just wanna ask na pumasok ba ang kapatid mo?"Huh? At bakit naman kaya?May kailangan ba siya kay Lennie?"Oo bakit?"Nagtataka kong tamong sa kanya. Napansin ko namang biglang nabalisa siya bago binitawan ang kamay ko kaya bigla akong nakaramdam ng panggihinayang?Woah! Bakit ko naman naramdaman yun?Hmp!
"I just want to see her and visit to your house, okay lang ba?"
Seryoso ba siya?Kasi sa pagkakaalam ko ay pangit at maliit naman ang bahay namin. Pero ano nga ba ang konek nun Raine?Kapatid mo nga ang sadya diba at hindi bahay. Tangek lang. Pagkakausap ko sa aking sarili. Oo nga naman Raine bakit ka ba kumokontra huh?! Napailing nalang ako sa mga naisip ko at nginitian ang kausap ko bago siya sinagot.
"Pwede naman, mamayang 4:00 pm pa naman ang labas natin kaya okay lang."Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko at nakangiti pa nga na ikinatulala ko nanaman. Ang ganda kasi niya nakangiti. Mapapa sana all ka nalang talaga huhu."Great, so sabay na tayo mamaya at ako narin ang maghahatid sa inyo okay?And no buts."Sabay taas ng kilay. Napalunok naman ako ng wala sa oras at agad tumango bilang sagot.
"Oo naman hehe."Kamot sa ulo kong sabi na ikinangiti niya nanaman?!Huhu jusko pigilan niyo ako at parang mahihimatay na ako dito sa klase ng ngiti niya."Good, so mauuna na ako. Bye nerdy." Sabay halik sa aking pisngi ngunit bago paman ako makapag react ay nakapasok na siya sa loob ng campus habang ako naman dito ay naiwang tulala sa kanyang ginagawa. Ahhhh! Bakit nanaman ba bumubilis ang t***k ng aking puso sa tuwing ginagawa niya ang ganoong bagay huh?! Paki explain nga po huhu.
Napailing nalang ako sa mga naisip ko at agad na pumasok sa loob ng karinderya kung saan naroon sila Jamie na mukhang kanina pa naghihintay.
"Geez ang tagal mo girl, nagugutom na ako."
Nag peace sign naman ako kaagad kay Nicole na nagrereklamo na habang nakanguso. Okay. Mukhang good mood na yata siya ngayon ahh?Hmm ang bilis naman. Napatingin naman ako sa harap ko ng makita kong may mga kanin at ulan na. Mukhang napansin naman yata ni Jamie ang pagkalito ko kaya agad na siyang nagsalita.
"Inorderan na kita. Don't worry, nabayaran ko na yan." Magrereklamo na sana ako ng magsalita nanaman siya ulit."No buts and just eat Raine para makabalik na agad tayo."Seryoso niyang saad na ikinalunok ko bago nagpasya na kumain nalang.
Libre daw niya ehh edi hayaan.
PAGKATAPOS ng kalahating oras na pagkain namin ay naglakad naman na kami pabalik papuntang campus. Hinimas-himas ko naman ang tiyan ko na bahagyang lumaki yata sa sobrang busog.
Matapos ang limang minutong paglalakbay ay nakarating naman kami agad sa classroom. Agad naman akong umopo pati narin yung dalawa since magkaklase kami sa lahat ng subjects. Nagpalipat kasi ng schedule tong' si Nicole at gusto niya raw na magkakalase kami sa lahat. Buti nga pinayagan siya ehh. Edi sana all nalang hmp.
Ilang sandali pa ay dumating naman agad ang aming guro at nagsimula ng mag lecture at salita ng kung ano-anu. Blah blah blah..."Before i dismiss, i have a special announcement."Nakuha naman ang atensyon ko ni ma'am since kanina pa ako di nakikinig sa kanya at nakatulala lang sa harap.
"We have an early activity fieldtrip at napagdesisyonan ng admin na agahan raw namin ang pag-papaalam sa inyo para masabihan niyo ang magulang niyo tungkol dito. So any suggestion kung ano ang magandang lugar na pwede puntahan?"Agad naman naghiyawan ang mga isip bata kong kaklase habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig katulad nila Jamie."Ilang days po ba yan ma'am?"Tanong ng isa kong kaklase na si Erickson. Napatingin naman ako kay ma'am ng sumagot ito. Yan rin nga ang itatanong ko. Ilan nga ba?
"Ohh that, well 3 nights and 4 days tayo doon."Whatttt? Bakit parang antagal naman yata?Sana naman ginawa nalang nilang one week noh?Tsk.
"Woah! s**t in na agad ako haha."
"Ayos matagal-tagal pala tayo dun."
"Ihhhhhhh- i'm super excited girl gosh!"
"Class Quiet!" Agad naman silang natahimik sa pagsigaw ni ma'am. Tumikhim naman siya bago nagsalita ng makitang naging maamong pusa na yung mga kaklase kong isip bata."So any suggestion kung ano ang magandang lugar?Anyone?"
"Palawan!"
"Batangas ma'am!"
"Bagiou po ma'am kasi masarap ang hangin."
"Davao po ma'am kasi masasarap ang prutas lalo na ang durian."[A/N: Try nyo puntang davao guys at matikaman niyo ang pinagmamalaki namin xD.]
At marami pa silang ibang lugar na nabanggit."Sasama ba kayo girls?"Napalingon naman kami kay Nicole ng magsalita ito."Kung sasama kayo go ako."Saad ni Jamie dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin. Napabuntong hininga naman ako bago nagsalita.
"Pag-iisipan ko pa." Saad ko sa kanila.
Pag-iisipan ko pa naman talaga dahil bukod sa magastos ay nababahala rin ako sa kapatid ko kung saan ko siya iiwan since wala sina Aling Doray sa kanila at umuwi sa kanilang probinsya. At tsaka hello! 4 na araw kami dun noh tsk.