Chapter 13: Fieldtrip Part 1 [Bitter Sweet]

1549 Words
Lorraine's POV. "Sige na Raine sumama ka na, masaya yun oh sayang naman." I heavy a sigh para maikalma ko ang aking sarili. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Nicole at Jamie na sumama raw ako sa outing namin na gaganapin this coming saturday. Nagdadalawang-isip pa kasi akong sumama dahil bukod sa magastos nga ay walang kasama ang kapatid ko. Saan ko naman yun maiiwan aber?"Hindi talaga pwede guys at tsaka isa pa walang magbabantay kay Lennie."Sabi ko na agad ikinasimangot ni Nicole habang si Jamie naman ay napabuntong hininga nalang. Hindi ko naman pwede isama yung paslit tsaka if i know bawal ang bata dun noh. "Sayang naman huhu, pero what if isama nalang natin ang kapatid mo Rainey?"Masayang usal ni Nicole at tinawag akong Rainey. Gusto niya kasi na ganun daw ang itawag niya para unique tsaka mukha daw kasing ulan ang tunog. Kaloka siya diba?Ang grabe mag-isip. Mukhang napaisip rin naman si Jamie sa sinabi ni Nicole at ngumiti da akin na parang may nabuo sa kanyang isip."Don't worry Raine, kami na ang bahala."Sabay baba at taas ng kanyang kilay habang si Nicole naman ay mukhang may alam na sa naisip ni Jamie. Okay? Ano kaya yun? Weird. Diko nalang sila pinansin at umayos nalang ng opo since nandito na ang teacher namin. "Ate saan po ba tayo pupunta? Ba't po tayo nag-iimpake?"Takang tanong ng kapatid ko na nakapamewang sa akin ng harap ngayon habang ako naman ay nag-iimpake nang mga gamit namin. Well pinayagan kasi ako na dalhin ang kapatid ko total wala naman daw kaso kasi may teacher at school stuff naman na kasama. And yup, ito pala ang plano nila Jamie at Nicole kahapon kaya ito ngayon nagsimula na akong mag-impake ng gagamitin namin ng kapatid ko dahil maya-maya lang ay papunta na kaming school. 5:00am kasi ang call time at 4:15am palang ng umaga. Medyo maaga pa naman. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kong paano nila napapayag ang principal. Ang weird lang. Isinara ko naman ang zipper ng bag bago ko hinarap ang kapatid kong kanina pa tanong ng tanong."Basta at teka nga- bakit ka ba tanong ng tanong huh? Sasama ka ba kay ate o maiiwan ka dito?"Nakataas kilay kong tanong at nakapamewang rin paharap sa kanya. Aba siya lang ba ang marunong?!Naglakad naman siya palapit sa akin at malambing akong niyakap. "Sasama po siyempre ate hihi."Napabuntong hininga naman ako bago ko siya kinarga para paliguan."Yun naman pala ehh, oh siya tara na at paliliguan pa kita."Agad ko naman hinubad ang damit niya at sinimulan na siyang paliguan. Pagkatapos ng sampung minuto ay tinapos ko naman agad ang pagligo kay Lennie at agad siyang binihisan ng panglakad na suot like pantalon na maong at tshirt na makapal. Sinuotan ko na rin siya ng jacket dahil paniguradong malamig doon since sa Baguio nila napili na mag fieldtrip. Matapos ko siyang bihisan ay ako naman agad ang naligo. Wala pang bente minutos ay tapos narin naman ako agad at nagbihis na sabay suklay since 4:30 na nang umaga. Baka malate pa kami nito hays. Dali-dali naman akong bumaba sa may sala habang bitbit ang bag na dala ko na naglalaman ng mga damit namin ng paslit. Nakita ko naman si Lennie sa may sala at matiyagang naghihintay habang nakayakap sa kanyang sarili. Panigurado inaantok pa ito. Maaga pa naman kasi at hindi pa lumalabas si haring araw.Tinawag ko naman ang pansin niya para makalaalis na kami. "Bunsoy tara?Okay ka lang ba?"Worried kong tanong sa kanya at pinahidan siya ng efficascent para mainitan ang kanyang tiyan at dibdib. Nakakabawas kasi yun ng ginaw at isa pa para iwas sakit ng tiyan yun since napakaaga pa para bumiyahe."Okay lang ate medyo inaantok lang kasi ako."Sabi niya at humikab. I kiss her forehead bago ko hinawakan ang kamay niya at binitbit ang bag ko bago kami lumabas ng bahay. Agad ko naman inilock ang pinto pagkatapos. Pagkatapos masabi kay manong tricycle driver ay nagbiyahe naman kami agad papuntang BU. Buti nalang talaga at may mga tricycle na ngayong ganito kaaga. Nakarating naman kami kaagad at ilang sandali pa ay nakita ko namang marami ng mga estudyante ang palakad-lakad habang yung iba naman ay hinintay ang kanilang mga kasama sa labas at yung iba ay nakasakay na ng bus. Pagkatapos ko makapagbayad kay manong ay naglakad naman kami agad ng kapatid ko patungo sa harap ng gate nitong school since nandun silang lahat.Hindi paman kami nakakadalawang hakbang ay may tumawag na agad sa akin. "Rainey!" Kilala niyo naman siguro kong sino siya diba?Isang tao lang naman kasi ang tumawag sa akin nun. "Woah- buti at nakarating ka na ulan. Kanina pa kami naghihintay dito ehh."Saad ni Nicole kasama si Jamie at agad natuon ang pansin nila sa kasama ko or more like sa kapatid ko na nagtatakang nakatingin sa kanila. "Aww ito ba ang kapatid mo?Hi baby girl hihi."Nicole approach Lennie sabay pisil sa pisngi ng isa. Agad naman ngumiti ang kapatid habang may pagtataka parin sa mukha."Hello po."Sabi ng paslit at bahagyang kumaway pa sa kanila. Nag giggle naman ang dalawa at agad na nagpakilala. "Kyaahhhh your so kyeopta- ako nga pala si Ate Nicole mo and ito naman si Ate Jamie mo."Energetic na sabi ni Nicole habang si Jamie naman ay ngumiti lang at ginulo ang buhok ng kapatid ko."Hello mga ate, ako nga po pala si Lennie."Nagkatinginan naman ang dalawa at mukhang aliw na aliw sa narinig. Nasabi ko kasi sa kanila na tatlong taong gulang palang itong kapatid ko at hindi ko naman aakalain na ganito ang magiging reaksyon nila. Well bibong bata kasi ang paslit na'to at di siya katulad sa iba na bulol magsalita. Sa madaling salita ay matalino rin talaga siya sa murang edad. Mana-mana lang yan ano ba. Joke! Magsasalita na pa sana sina Nicole ng biglang may tinawag ang kapatid ko."Ate ganda!"Napalingon naman sa amin ang ilan habang ang kapatid ko naman ay agad na tumakbo papunta sa direksyon ni- alam niyo naman na siguro diba? Kasama ang mga kaibigan niya na mukhang nagtataka.Nagliwanag naman ang mukha nito ng makita ang kapatid ko at agad niya itong kinarga. "Hello baby girl, why are you here anyway?"Takang tanong niya sa paslit habang yung mga tao naman ay nasa kanila ang atensyon.Itinuro naman ako agad ng kapatid ko kaya napalingon agad dito ang mga ito."Isasama po ako ni ate sabi niya kasi wala daw akong kasama sa bahay."Kunot noo niya naman akong tinignan at ilang sandali pa ay tinawag naman kami agad ng mga guro at ipinapapunta na kami sa naka assign sa aming bus na sasakyan namin. Habang naglalakad kami ay siniko naman ako agad ni Nicole."Kailan pa magkakilala ang kapatid mo at si Astrid?"Napalingon naman ako sa sinabi niya at bumuntong hininga bago pumasok sa bus."Long story."Tipid kong sabi at agad na hinanap ng mata ko ang paslit."Ate dito!"Nakita ko naman ito agad na karga ni Miss Astrid at kumaway-kaway pa habang nakatingin sa akin. Lumingon naman ako sa tabi niya at nakita ko itong nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay. Napaiwas naman ako ng tingin dito bago naglakad patungo sa kanilang direksyon. Agad naman akong umopo nang sinyasan ako nito at di nalang ako pumalag pa at umopo nalang ng tahimik pagkatapos mailagay ng bag ko sa may lalagyan ng bus.Lumingon naman ako sa kabilang side at nakita kong magkatabi sila Miss Athena at Jamie na tahimik lang habang Nicole at Allyson naman ay parehong masama ang tingin sa isa't-isa. Okay?May war ba sila? I shrugged my shoulders at inilihis nalang ang aking tingin sa katabi ko.Nakita ko naman ang paslit na nakatulog na pala sa dibdib ni Miss Astrid. Kaya pala tahimik. Kinalabit ko naman ang katabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin."Ahm- ano kuhanin ko lang sana si Lennie if okay lang?Baka kasi nangangawit ka."Kamot sa ulo kong sabi sa kanya. Napansin ko naman na tumaas ang kilay niya bago ako sinagot."No okay lang siya dito and besides i know naman na nangangalay ka sa bigat ng dala mo."Mahabang sabi niya. Teka- concern ba siya?Well spell ASA Raine?! Napabuntong hininga naman ako at magsasalita na sana ng pinigilan niya ako gamit ang mataray niyang tingin."And, no buts nerdy."Napaurong naman ang dila ko at hindi nalang sumagot pa. Okay sabi niya ehh. Sabagay medyo nangangalay rin kasi ang braso ko sa bigat ng dala ko kanina. Sinabihan naman agad kami ni ma'am na adviser namin since siya yung nandito at binilanan na matulog muna total mahaba pa naman daw ang biyahe. Napahikab naman ako ng wala sa oras at tumingin sa paligid. Nakita ko naman ang mga kaklase kong K.O na agad. Ang bilis naman yata ng mga to natulog?Hayaan na nga. Inayos ko naman ang opo ko at ipinikit ang mata. Ngunit bago paman ako dalawin ng antok ay may naramdaman naman akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko. Hello dreamland.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD