Lorraine's POV.
"Sorry to wake up you students but nandito na tayo, pakigising nalang ng katabi niyo."
Naalimpungatan naman ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko sa adviser namin na nandito na kami. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko bago magpasyang lumingon sa katabi kong kakagising lang rin. "Ate nagugutom na ako."Dinampot ko naman ang bag kong nahulog sa may paanan bago kinuha si Lennie kay Miss Astrid. Tumango naman siya sa akin na okay lang kaya kinuha ko naman agad ang kapatid ko at kinarga ito palabas matapos ko makuha ang bag ko."Sige mamaya okay?"Tumango naman ito kaagad at kumandong sa balikat ko.
Inaantok pa siguro ang paslit.
"Red!"
Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita kong patakbong papunta sa gawi ko si Nicole kasama si Jamie na parang inaantok pa."Wew! Akala ko iniwan mo na kami ehh."Kunot noo ko naman silang tinignan habang si Lennie naman ay parang nagising sa ingay nila."T-Teka, akala ko ba nakababa na kayo?"Nagkatinginan naman silang dalawa at sabay na nagkibit balikat na ikinataka ko."Hmm.. let's go?"Sabay naman kaming naglakad papunta sa mga kaklase namin na naka linya na by section.
Ibinaba ko naman si Lennie mula sa pagkarga at hinawakan ang kamay niya sabay lakad papunta sa may section namin sa may bandang dulo.
"Okay class, since nandito na ang lahat ay may kaunting sasabihin lang ako para naman may alam kayo sa mga pasikot-sikut dito."Kinalabit naman ako ng kapatid ko at nakita ko itong parang nagpapakarga."Ate ang ginaw huhu."Hinawakan ko naman ang mukha niya bago sana kakargahin ng biglang may nagsalita sa likod ko."Omg is she your sister?"Napalingon naman ako kay Miss Athena nang mapansin kong ito pala ang nagsasalita. Alanganin ko naman siyang nginitian bago sumagot.
"A-hh oo hehe."Kamot ulo kong sambit.Ngumiti naman siya bago nginitian ang kapatid ko."Hello baby girl, how are you?"Nagtaka naman ako ng magtago sa likod ang paslit dahilan para mawala ang kaninang ngiti sa mukha ni Miss Athena.Tinignan ko naman ang bata sa likod bago ito kausapin.
"Lennie bakit ka nagtatago diyan?Kinausap ka ni Miss Athena huwag kang bastos."Suway ko sa kanya sabay pinandilatan ito ng mata."E-hh Ate sabi kasi sa akin ni Ate Jamie na don't talk to strangers daw lalo na sa kanya."Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya sabay turo sa kay Miss Athena habang si Jamie naman ay parang natatawa kasaman ni Nicole.Napansin ko naman na parang nanliit ang mata ni Miss Athena sabay tayo at harap sa dalawang nagtatawanan i mean kay Jamie pala habang diretso lang ang tingin.
"Having fun?!"
A cold voice echoed in the whole area dahilan para matigil ang iba sa ingay na kanina pa habang yung dalawa naman na tumatawa ay parang mga asong naging maamong tupa sabay tungo sa ulo nila. Nang makarecover si Jamie sa pagtawa ay bigla naman itong sumeryoso at walang emosyon na sinalubong ang nagbabagang tingin ni Miss Athena."Bakit Ms. Mondragon?Gusto mong maki join?!"Napa woah naman ang mga tao at ngayon ko lang rin napansin na pinapalibutan na pala kami ng mga schoolmates namin.
T-teka, asa'n na ba kasi sila ma'am nang maawat na sila dito?Huhu.
Napansin ko naman si Miss Astrid na matamang nakatingin sa akin at makikita mo rin sa mga mata nito ang walang emosyon katulad ni Miss Athena. Wait- bakit parang magkatulad yata sila?Magsasalita na sana si Miss Athena ng biglang may sumigaw sa di kalayuan na ikinahinga ko ng maluwag.
"What's happening here?!"
Ani ng pamilyar na boses. Nakita ko naman ang adviser namin na nakataas ang kilay habang palipat-lipat ang tingin kay Athena at Jamie na parang may kuryente sa pagitan nila. Ang sama kasi ng tingin nila sa isa't-isa hehe.
"And all of you, proceed to your rooms now!"
Agad namang nagsialisan ang mga chismoso at chismosa habang ako naman kasama ang kapatid ko at mga bitches girls ay ang naiwan."Ms. Francisco and Ms. Mondragon, sumunod kayo sa akin."Sasagot pa sana si Athena ng biglang pandilatan siya ng mata nitong guro naman."And please don't try to talk when i said so Ms. Mondragon."Agad namang napasinghal ang isa at sumunod naman agad habang si Jamie ay ganun din.
Naiwan naman kami dito nila Astrid, Allyson, Aphrodite, Nicole ako at ang kapatid ko na kanina pa nakatago sa aking likod.Napansin ko naman na papalapit sa kinaroroonan ko si Miss Astrid na kanina lang ay walang emosyon ang mukha."Let's go to our room, and by the way we are room mates at para hindi ka na magtanong pa. Come on baby girl."Hindi paman ako nagsasalita ay agad na niyang hinawakan ang kapatid ko sabay hila nito. Susunod na sana ako ng marinig kong nagbabangayan ngayon yung dalawa- i mean si Allyson at Nicole pala.
"Edi ipaiba mo ang room mates mo para hindi ka na mag-aalburoto diyan na parang bulkan!"
"How dare you! Bawiin mo nga ang sinabi mo, you b***h!"
"Nye.. Nye.. mas b***h ka tse! Tabi nga hmp!"
"Arghh damn you piece of sh*t!!!"
Tatawa-tawa namang naglakad palayo si Nicole na parang nanalo sa lotto habang yung kasama niya naman sa kwarto ay nag-aalburoto na sumunod sa kanya habang hila-hila ang kanyang maleta. Agad naman akong sumunod sa kanila since ako nalang mag-isang nakatayo dito. Sumunod rin kasi agad yung si Aphrodite kina Athena kanina pagkaalis na pagkaalis nila.
Pagkarating ko sa suit na inookopan namin ay agad naman akong pumasok. Namangha naman ako pagkakita ko kung ano ang nasa loob at agad napanganga nang matanaw ko mula dito ang mga nag-gagandahang bulaklak na may iba'-ibang kulay at sa gilid nun na may mga tanim yata ng mga strawberries na parang farm yata.
"How was it?"
Nagitla naman ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko dahilan para lingunin ko ito. Tumaas naman ang kilay niya ng mapansing hindi pa ako sumasagot."A-hh.. ang alin po ba?"She just rolled her eyes matapos marinig ang aking sagot. Napanguso naman ako ng palihim sa klase nang pagtrato niya sa akin."The place tss."Nagkibit balikat nalang ako at hindi na siya sinagot pa. Nakakainis kasi tsk parang ang laki naman ng kasalanan ko sa kanya kung tratuhin niya ako ng ganito.
"Ate!"
Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita ko naman ang kapatid kung parang kanina pa kumakain ng chocolate?T-teka saan naman kaya to kumuha ng ganung klaseng pagkain dito?"Ate tignan mo may chocolate at strawberries ako hehe."Nanlaki naman ang singkit kong mata matapos makita ang itsura niyang puno ng chocolate isama mo pa yung damit niya.
"Saan galing tong' chocolate?At ito sa'n galing?!"Nawala naman ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha at napalitan ng pagnguso."Ehh Ate bigay naman sa akin to ni Ate ganda ehh hmp."Agad naman napantig ang tenga ko sa narinig."Diba sabi ko sa'yo na huwag kang tumanggap ng pagkain sa di mo kakilala?!"Kahit kailan talaga tong batang to ohh! Pinagsabihan ko na siyang huwag basta-basta tumanggap ng pagkain lalo na't masilan siya nun at mabilis sumakit ang tiyan niya.
Sasagot pa sana ito ng nagsalita ang taong nasa likuran namin na nakalimutan ko na nandito pa pala ito.
"Why blaming her?Ako ang may nagbigay kaya dapat ako ang pagalitan mo!"