bc

ROOM FOR RENT (The Landlord's Wife)

book_age18+
411
FOLLOW
1.6K
READ
HE
independent
heir/heiress
bxg
gxg
mystery
loser
campus
city
like
intro-logo
Blurb

A 36 year old married woman na minsang nangako sa sarili niya na wala na siyang iba pang magiging lalake sa kanyang buhay kundi ang kanyang asawa, until Yuri came to her life. An 18 year old single Dad na ngayon ay pilit na pinupukaw ang tahimik na sana niyang puso. Ang lalake na tila kay laki ng kinalaman sa buhay niya. Ang lalakeng kahit ano ang gawin niya ay hindi mawala wala sa kanyang isipan.

Hanggang kailan ba siya magiging mas matatag gayong halos kwarto lang ang pagitan nila dalawa. Ang napaka gwapong binatang ama na kanyang tenant sa pinapaupahan niyang room.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa address na ibinigay sa akin kanina ng matandang tindera sa kanto, na napagtanungan ko. Matapos ang halos ilang kilometro yatang nilakad ko ay nahanap ko din ang lugar na ito. Na halos nasa dulo na yata ng medyo may kalakihang eskinitang pinasok ko. Isa itong dalawang palapag na bahay. Na bahagya kong nasisilip mula sa medyo may kataasan ding bakal na gate, mula dito sa kinatatayuan ko. Eksakto ito sa description ni Manang sa akin. Brown ang kulay ng gate na halos humahalo na sa pintura nito ang bahagyang kalawang mula sa medyo may kalumaan na ding bakal na gate sa harapan ko. May nakapaskil din dito na maliit na tarpaulin at nakasulat na. ROOM FOR RENT "Baby konting tiis nalang ha. Nahanap na natin ang bahay na matitirahan natin ok." mahinang bulong ko pa sa baby na kalong kalong ko habang tahimik itong natutulog. Na tila ba nakikisama na hindi naman siya umiyak sa buong paglalakad ko kanina. "Sana nga talaga ay bakante pa dito..." muling bulong ko pa. Bago ako kinuha ang face towel mula sa sling bag ko, at pinunusan ang basang-basang mukha at leeg ko dahil sa pawis. Matapos kong maibaba ang medyo may kalakihan ding bag na bitbit ko kanina pa. Pakiramdam ko ay nangalay talaga ng husto ang braso ko dahil dito. Habang ang isang braso ko naman ay patuloy na kinakalong ang anak ko. Nagpalingap-lingap ako, bago ako tuluyang lumapit sa gate at bahagyang lumiyad pa upang makita ang loob nito. "Tss saradong sarado... May tao kaya?" bulong ko. "TAO PO!!!" sigaw ko. Walang nangyari... "TAO PO!!!" muling sigaw ko. Wala pa ding lumabas. Sandali akong napahinto at muling nagpalingap-lingap. "Teka wala bang doorbell man lang dito?" Wala akong nakita. Kaya naman, dumukot ako sa bulsa ko at kumuha ng barya mula dito. At tsaka ko ginamit na pangkatok sa bakal na gate. "TAO PO!!!" muling sigaw ko. Ngunit ngayon ay sinasabayan ko na ng malakas pagkatok sa gate, gamit ang barya. Nakalikha ako ng malakas na ingay... Maya-maya pa ay tumahol ang aso mula sa loob at patakbo na lumapit sa gate. Sandali akong napa-atras mula rito. Dahil sa lakas ng kahol nito. At siguro nga ay natakot din talaga ako. Nag-alala ako bigla para sa baby ko. Baka kasi magising siya dahil ingay ng pootek na asong ito. "Langya naman ohh. Tao ang inaasahan kong lalabas at hindi aso." napapailing na bulong ko pa sa sarili bago ako umusad ulit palayo sa gate. "Sino po sila?? Ano pong kailangan?" Isang boses ng babae ang sandaling nagpabuhay ng loob ko. Napaangat ang mukha ko mula sa may-ari nito. "GO-GOOD MORNING PO ATE..." magalang na bati ko mula sa babaeng nakadungaw mula sa ngayon ay bukas ng maliit na gate sa gilid. Tinugon ako nito ng matamis na ngiti. Aaminin kong maganda siya. Makinis ang balat at higit sa lahat maputi siya. Mamula-mula ang makinis niyang pisngi. Dagdag pa ang balingkinitang katawan nito na bumagay sa maamong hugis ng kanyang mukha. "Maganda umaga din naman. Ano po ang kailangan nila?" nanantiyang tanong pa din niya. Habang napansin kong tinitingnan niya ako. Naasiwa ako.. Dahil siguro sa pawisang itsura ko ngayon. At siguro ay magulo na ding buhok ko. "Ahh ehhh mag-inquire sana ako A-ate." naiilang na tugon ko habang bahagya ding napapakamot sa aking batok. Habang napapatingin sa tarpaulin na nakapaskil sa gate nila. Tumitig siya sa akin at sandaling nawala ang ngiti mula sa maganda niyang mukha. "Sorry po pero babae ang hinahanap naming boarder." napapailing na sabi niya bago akmang isasara na ang gate. "Teka...W-Wait lang Ate!!..." Natigilan siya at muling napatingin sa akin. Halata ang medyo pagka-irita niya dahil sa ginawa ko. "Nakikiusap po ako Ate. Kagabi pa kami sa lasangan ni Baby. Wala kaming mahanap na bakanteng kwarto. Sa banketa lang kami natulog ni Baby." halos maiyak na sabi ko. "Sorry po, pero hindi talaga pwede." napapailing na tugon niya at muli ay akmang isasara ang gate. "Nakikiusap ako Ate. Parang awa mo na..." pangungulit ko. Kasabay ng biglang pag-iyak ng baby ko. Malakas ito. Halos makabulahaw sa paligid. "Baby tahan na please. Huwag ka namang sumabay ok, nakikiusap pa si Papa naman ehhh.. hayyy." mahinang bulong ko pa dito habang isinasayaw-sayaw siya upang tumahan. "Pumasok muna kayong mag-ama! Patahanin mo muna yang anak mo, baka nagugutom na..." wala emosyong sabi niya, bago tuluyang binuksan ang gate at pinatuloy kami. "Sa-salamat po A-Ate." Ngumiti siya ng bahagya. At diretsomg lumakad pabalik sa bahay. "Doon muna kayo maupo sa terrace upang mapadede mo siya." patuloy pa niya. "Salamat po talaga..." magalang sabi ko. Hindi siya kumibo at pumasok sa bahay. Habang naiwan naman kaming mag-ama sa terrace at naupo sa isang silya na nandito. "Tumahan kana baby. Eto na inilalabas ko na ang dede mo. Siguro nga ay nagugutom kana." muli sabi ko dito tsaka inilagay sa bibig niya ang kahuli-hulihang gatas na naihanda ko para sa kanya. Sandali siyang nanahimik at tila sabik na dumede. Sandali din akong makaramdam ng kagihawahan dahil dito. Ngunit pansamantala lang pala ito dahil muli siya umiyak ng malakas matapos na maubos ang laman ng dede niya. "Hayyy ano ba problema baby... Nakadede kana diba?! Nagugutom ka pa din ba ha?" halos hindi makaugaga sa sabi ko bago ako muling tumayo upang isayaw-sayaw siya habang kalong-kalong ko. "Hindi talaga tatahan yan sa ganyan.. tsss." sabi pa nito mula sa likuran ko. Napatingin ako sa kanya. "A-Ate...Sorry po kung nakabulahaw pa yata kami sa ---" Tama, sa kaiiyak ni baby ay hindi ko namalayan talaga na nakalabas na pala ulit siya at may dalang isang baso ng tubig. "Nasaan ba kasi ang Nanay ng batang yan ha?" napapailing na tanong niya bago tuluyang inilapag sa table ang baso ng tubig at lumapit sa amin ni baby. Napailing ako. Hindi ako handa sa tanong niya. "Akina nga si Baby. Baka sakali mapatahan ko." muling sabi niya tsaka mabilis na kinuha sa akin ang anak ko at kinalong niya. Humuhuni-huni pa siya habang nakangiting tinatanguan ang anak ko at isinasayaw ng marahan. At tila magic nga na tumahan ito. "Ayan nakatulog na ulit siya.." nakangiting sabi niya sa akin. "Akalain mong ikaw lang pala ang makapagpatahan sa kanya. Ang galing mo naman Ate." humahangang tugon ko habang nakangiting nakatingin sa kanya. "Hindi ka lang sanay noh." tugon pa niya. Hindi na ako naka-imik at piniling ngumiti ng matamis sa kanya. "Two months advance, one month deposit. 1,500 ang pa-renta ko sa kwarto. Bukod ang bayad sa kuryente at tubig." Sabi pa niya habang kalong-kalong pa din ang anak ko. "Pumapayag kana po Ate?" halos hindi makapaniwalang tanong ko. "Pasalamat ka sa Baby mo." Ngumiti siya sa akin. Tingin ko ay lalo yata siyang gumanda dahil sa ngiti na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
43.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.8K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook