Madali naman kaming natapos sa huling pagsasanay. Tinawag na rin kami kaagaad ni lolo Moss pagkatapos nito, habang ako naman ay dumiretso sa pinag sampayan ng damit ni Adam at hindi nakakapagtakang natuyo kaagad ito. Naupo naman ako sa tabi ni Adam na kaharap pa rin si Marcus. Madalas talaga nakaakaumay ang mukha ng isang 'to. "Ano po iyan?" Turo ni Adam sa ulam na may sabaw. May mais at repolyo ito, tapos ang sahog ay buto-buto na mukhang nasobrahan sa pagkaluto at pumuputok na ito. "Iyan ang bulalong kambing," sagot naman ni Marcus. Napa-kunot na lang ako ng noo dahil ang pagkakaalam ko sa bulalo ay buto ito ng baboy o kaya ng baka, pero ito kambing. "Kain na," tipid na sabi ni lolo, tsaka nauna na itong sumandok. Nang matapos na kaming kumain ay kaagad naman kaming nagligpit. Balak

