KABANATA 20

1169 Words

“Bye Carmela!” Inismiran niya si Julius at dere-deretsong lumabas ng pinto. Narinig pa niyang nagtawanan ang mga kaibigan nito at maging ang pangangantiyaw ng mga ito sa lalaki dala ng ginawa niya. Kanina pa siya naiinis sa pagmumukha ni Julius at hanggang ngayon ay inaaway pa rin niya sa isip ang kanilang instructor dahil sa ginawa nitong sitting arrangement. Kahit nagkaklase sila kanina ay panay ang papansin nito sa kanya. Pero sa kabilang banda naman ay nagpapasalamat siya sa pangbubuwisit nito dahil kung hindi ay baka nakayupyop na siya sa armchair at nabato na ng eraser. Ilang beses din kasi ang pagpitik ng ulo niya dala ng antok. Ang mga mata niya ay papikit-pikit na rin. Inaantok ang mga matang binaybay niya ang corridor patungo sa malapit na hagdan palabas ng college of nursing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD