Kipkip ang isang bag ay lumuluhang dumungaw si Carmela sa labas ng bus. Papalubog na ang araw. Hinele niya ang sarili at hindi niya malaman kung tama bang takbuhan niya ulit si Jiro. Ganitong-ganito rin siya noon—sampung taon na ang nakalilipas. At ngayon ay inuulit na naman niya dahil sa kaduwagan at pagiging mahina niya. At ngayon din ay muling ipinamumukha ng panahon sa kanya na isa nga talaga siyang duwag at mahina. Hanggang kailan din siya tatakbo at magtatago sa katotohanan? Isinubsob niya ang mukha sa kanyang bag at hindi mapigilang humagulgol doon nang maalala si Ciarra at ang mukha ng mga bata sa larawang ipinakita nito sa kanya. Nawaglit na rin sa isipan niya kung nasaan siya at hindi mapigilang makakuha siya ng atensyon mula sa mga kapuwa pasahero na malapit lang din sa kanyan

