KABANATA 59

1732 Words

Kanyang pakiwari ay siya at ito lamang sa gabing iyon sa gitna ng dance floor habang umiindayog ang mga katawan at puso nila sa saliw ng awiting iyon. Na bukod tanging ang pintig ng mga puso lamang nila ang nadarama at nadirinig kasabay ng awiting pag-ibig na iyon. Nagtama ang kanilang paningin at awtomatikong napangiti siya. Umabot ang ngiting iyon hanggang sa kanyang mga mata. Habang magkakonekta ang kanilang mga mata ni Jiro ay nakikita niya ang buong sinseridad na nagmumula sa puso nito. Kung titigan siya nito ay parang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo. Na tila ayaw na siyang pakawalan pa. Na hindi ito basta-basta na lamang makapapayag na mahiwalay siya rito at mapunta siya sa piling ng iba. Animo'y nakikinita niya ang buong buhay niya sa hinaharap sa kulay tsokolateng mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD