Wala sa sariling napatitig siya sa mukha ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan habang higit-higit niya ang kanyang hininga. Ang lakas ng kalabog ng puso niya habang titig na titig sa kaanyuan nito. Mula sa brown eyes nito, sa kilay, sa labi nito... "J-Jiro..." Na bukod-tanging siya lang ang nakarinig sa pangalang binigkas. Napalunok siya nang laway sa tila natitigilan pa ring pag-inog ng kanyang mundo. Wala sa sariling napalingon siya sa gawi ni Emman na abala pa rin sa pakikipag-usap sa isang negosyante rin. Akala niya ay si Emmanuel ang nag-aabot sa kanya ng wine! Sa lagay niyang iyon ay tila nagpapasaklolo siya. Hindi niya inaasahan ang pagkikita nilang ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin! "Boyfriend mo?" Naka-angat ang kilay na tanong nito nang awtomatikong bumalik a

