Kasalukuyang nagkakaroon ng pagpupulong sa library ni supremo. Ang elders o ang mga dating naging pinuno ng Ver Hill ay narito, ang buong pack ni supremo ay kompleto at nasa kaliwa naman niya ang beta niya habang ako ay nasa kanan. Lahat ay hindi umiimik. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang sa kanilang lahat. Hindi ko rin matukoy kung bakit ako narito, hindi naman kaylangan ang prisensya ko rito. Nung natapos si supremo sa binabasa niya, tinabi nito ang folder at isa isang tinignan ang mga elders na nandito. Ang elders ay mga naging alpha ng bayan na ito. Once they reached sixty, kaylangan na nilang ipasa ang titulo sa karapat-dapat, yung iba ay mas bata nung pinasa nila ang kanilang tungkulin. Ang mga narito ay may edad na, may dalawang medyo bata pa, sabi ni supremo desisyon ng isang

