RE-PUBLISHED. Edited --- "Shia, para sayo." Nagulat ako ng may inabot sa akin si tito na isang maliit na kahon na kulay pula. Noong una ay nagaalangan akong tanggapin ang bagay na 'yon ngunit hindi na ako hinayaan ni tito na tanggihan iyon ng buksan nito ang kahon. Naglalaman ito ng isang kwintas na mayroong pendat na bilog. Isang simpleng bilog. Maliit lamang ang bilog na iyon at mahaba naman ang tali nito. Sinuot sa akin iyon ni tito. Hinawakan ko ang pendent ng kwintas at agad na napangiti. Napaka-ganda niya. "Ngunit para saan naman po ito?" "Gamit 'yan ng iyong ina noong siya ay dalaga pa. Naisip ko na ibigay sa iyo iyan dahil anak ka naman niya." Napatango ako sa narinig. Napaka-ganda nitong pagmasdan. Nagpasalamat ako sa aking tiyuhin at tsaka inayos ang aking mga dadalhin. Su

