RE PUBLISHED. CHAPTER 001 "Maraming salamat po sa inyo," magalang akong yumuko sa kanilang lahat upang magpasalamat sa ilang araw nilang pagdalaw-dalaw sa puntod ng yumao kong ina. Katatapos lang ng libing at isa sa nang nagsisiuwian ang mga nakilibing. Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa lupang kinalilibingan na ngayon ni mama. Ngayon, paano na ako nito? Ang mama ko na lamang ang nag-iisa kong pamilya sa lugar na ito at ngayong nawala pa siya, hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay. Masyadong hindi inaasahan ang nangyari kaya naman wala akong plano sa ngayon. Nagaaral pa ako at ngayong wala na ang nagpapaaral sa akin, siguradong titigil na muna ako. Magt-trabaho na muna siguro ako. "Paalam, mama." huli kong pamamaalam sa puntod ni mama. Hindi 'man siya ang totoo kong i

