RE PUBLISHED. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata matapos masilaw sa sinag ng araw na tumatagos sa aking mukha. Unang bagay na bumungad sa akin ay ang puting kisame na kung tama ako ay sa kwarto ko. Napaunat ako ng kaonti at bahagyang tatayo na ng makaramdam ako ng sakit sa kanang braso ko. "Aww!" Napatingin ako rito at nakitang naka-benda ito hanggang pag lagpas ng siko ko. Bakit ba ako mayroong ganito? Anong nangyari? Nadisgrasya ba ako? Bakit wala akong matandaan. Bumukas ang pinto at nakita ko ang tito na may dalang baso ng tubig. Nang makita iyon ay agad kong naramdaman ang uhaw. Nilapag niya muna ito sa maliit na lamesa na nasa kama ko at tsaka ako inalalayang sumandal sa head board ng kama, tsaka nito inabot ang tubig na dali ko naman ininom. "Kamusta na ang pakiramdam mo

