RE PUBLISHED. EDITED Naglagay ako ng pulang lipstick sa labi ko tsaka tinignan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. Nang makitang ayos na ay kinuha ko na ang gamit ko para bumaba. Nagpaalam narin ako kay Tito na papasok na ako kaya't tumango lamang siya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang naglalakad ng matanaw ko na mula sa malayo ang sasakyan ni Lucaz. Mas binilisan ko pa ang lakad hanggang sa nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. "Good morning, gorgeous." Pakiramdam ko ay nagtaasan ang dugo ko patungo sa mukha ko ng batiin niya ako. Palagi naman na niya itong ginagawa pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Napakasarap kasi sa pakiramdam, yung tipong hindi ko gustong sanayin para laging bago sa pakiramdam sa tuwing may gagawin siyang kakaiba. Hinapit niya ang bewan

