IV. Prey

2342 Words
Railey. His arms were wrapped around my waist, and all I can hear is my loud heartbeat. I saw myself standing in a mirror. I can feel his touch, and presence. Yet, I can't see his reflection. "You're mine, Selene." His voice is cold as ice but his breath is warm. "s**t!" Mahina kong usal nang mapabangon ako bigla. Pangatlong pag-gising ko na 'to dahil sa bangungot. Parehong-pareho ang panaginip na ito sa mga nauna. "Damn that pale-skinned man!" Pinukpok ko ang ulo ko para magising ako. Alas-singko na ng umaga, at wala pa akong maayos na tulog. Shit! Why am I having a dream or I should say nightmare about that man? Ni hindi ko siya kilala. Muli akong humiga, at tumitig sa kisame. I can vividly see those pair of deep-blue eyes staring at me. Bakit ba siya galit sa akin? Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Alam ko naman na hindi lahat ng estudyante sa Fairfield High ay magugustuhan ako, at sa totoo lang ay wala naman akong pakealam kung gustuhin man nila ako o ayawan. Pero hindi ko lang inaasahan na may isang estudyante doon na magagalit sa akin kahit sa unang pagkikita pa lang, at kahit na wala naman akong ginagawa na masama. I think I need to confront him, and maybe should ask him what is the problem. Kaso baka sapakin ako bigla? Mukhang nananapak yun. Parang tatanggalan ako ng ulo kapag nakikita ako. Baka suntukin na lang ako bigla kapag lumapit ako. Hindi na ako bumalik sa pag-tulog dahil natatakot ako na baka siya nanaman ang maging laman ng panaginip ko. Damn! That stanger is driving me crazy! Pinukpok ko ang ulo ko para magising ako. Nananaginip pa rin ba ako? O binabangungot? Pumunta ako sa kusina para magkape, "s**t! Ang aga pa!" Mahina kong usal sa sarili nang makitang halos hindi pa sumisikat ang araw. Goodness! I am not used to wake up in dawn. "This is crazy." Mahina kong usal habang humahagikgik. Tangina mukha akong tanga! Hindi naman ako sanay magsalita mag-isa. Umupo ako sa mahabang lamesa, at tahimik kong inilapag ang kape ko. Kapag nakita ko talaga ang lalaki na 'yon mamaya sa Arts makakatikim siya sa akin ng isang malaman na sapak. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko, as if kaya ko siyang sapakin. Paano ko siya mabubugbog kung sa tingin niya pa lang naduduwag na ako. There was something in his gaze, and I could not say what it was. Halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko, at kung minamalas nga naman natapon sa akin yung mainit na kape. Ramdam ko ang hapdi, at init na kumalat sa dibdib ko. Pareho kaming napasigaw. "Mom!" Sigaw ko. "What?!" Sigaw niya rin. Well, at least nagising ako. Literal na nagising ako dahil sa kape. "Bakit ka naman nang gugulat Mom?!" Tanong ko. Tangina akala ko may papatay na sa akin dahil sa pag-iisip ko ng masama dahil sa lalaking 'yon. "Bakit ba ang aga mong nagising?" Tanong niya rin sa akin. "Hindi kasi ako makatulog." Ayoko naman sabihin ang tungkol sa lalaking 'yon. Lumapit ako sa sink para dampian ng malamig na tubig ang dibdib ko ang hapdi kasi. "Gusto mo bang ipagluto kita ng almusal?" Sabi niya. Umiling-iling ako, "I can manage." Tipid kong sagot. "Sigurado ka?" Ramdam ko yung sarcasm sa boses ni Mom. "Yes, bakit maaga ka bang aalis?" Pag-iiba ko ng usapan. "Oo may hawak na kasi akong kaso ngayon kaya mapapadalas ang pag-alis ko." Sabi niya. "Hindi ka na ba mag-aalmusal?" Tanong ko. Umiling-iling siya, at niyakap ako. "Sweetheart kung may problema sabihin mo lang sa akin." Sabi niya nang bumitaw siya sa yakap. I chuckled, "Mom, okay lang ako. Siguro naninibago lang ako dito sa Fairfield." "I have to go now." Sabi niya bago ako iniwan sa kusina. Hindi na ako nag-almusal dahil wala naman akong gana. Gusto ko ng komprontahin ang lalaking 'yon. natatandaan ko pa ang sinabi ni Dad. Kapag sinubukan daw akong awayin ng lalaki sipain ko daw agad si Junjun! Pagkatapos maligo, at mag-ayos ay nagdrive na ako papunta sa school. Katulad kahapon ay halos wala pang mga estudyante sa school. Iilan pa rin ang mga kotse sa parking lot. Nagtiyaga ako na maghintay sa Ferrari 488 pero dumami na ang mga estudyante, at halos mapuno na rin ang parking lot ng mga sasakyan ay wala pa rin ang sasakyan na hinahanap ko. Nagpasya ako na bumaba na sa sasakyan dahil malapit ng mag-umpisa ang Arts. Baka naman kasi hindi sa kanya ang sasakyan na 'yon, at baka naman nakikisakay lang siya. Tama! Baka nandoon na siya sa classroom. Umakyat na ako sa third floor, at nagtungo sa classroom ni Mr. Wilson. Naabutan ko ang mga estudyante doon na nag-uusap gaya ng kahapon, at may sari-sariling mundo. Agad akong napalingon sa upuan ko kahapon sa tabi ng lalaki na hindi ako binigyan ng kapayapaan mula kahapon, walang tao. Tahimik akong umupo doon, at sa kasamaang palad may nakapansin sa presensya ko. "Hello, I am Shawn Johnson. Railey Selene Red, right?" Tanong ng isang lalaki na sa palagay ko ay team captain ng basketball team. matangkad ito at nakasuot ng varsity jacket ng Fairfield High, at nangingibabaw ang pabango nito na maamoy sa mga typical na lalaki. Nakipagshake-hands siya sa akin. Mukha naman siyang mabait pero ewan wala na ata akong tiwala sa mga lalaking estudyante dito. I forced a smile, "Yes." Sabi ko. Umupo siya sa table ko kaya naman kailangan kong makipag-usap sa kanya habang nakatingala. "I bet you met my twin sister Lana. She's the-" Pinutol ko ang pagsasalita niya. "Editor-in-Chief, yes I met her yesterday." Sabi ko. "Hindi ko alam na kambal pala kayo." Magkahawig nga sila, blonde, green eyes, at parang lalaking version ni Lana ang kausap ko ngayon. "Hindi kita malapitan kahapon kasi katabi mo si Xy, at hindi ko alam kung bakit mukhang galit na galit siya kahapon. Kung ako ang katabi mo kahapon kakausapin kita." Nakangiti niyang sabi. Para siyang isang bata na nagcoconfess ng nararamdaman niya. "Hindi ko rin alam kung bakit siya nagalit ng ganun sa akin. Ayaw niya siguro ng may katabi?" I shrugged. "Weird naman talaga si Xy kaya walang gustong tumabi sa kanya." Kibit-balikat na sabi niya. "Baka binili niya ang lamesa na 'to?" Sarcastic na tanong ko. Tumawa siya, "Nakita kita kahapon mag-isa kang kumakain sa bleachers. Pwede mo kaming makasama sa lunch, kasama si Lana. Kung wala kang kasabay, at kung wala kang kasama." Tumango-tango ko, at nakita ko ang malapad niyang ngiti na parang nanalo sa lottery. Dumating na si Mr. Wilson, at nagsimula mag-discuss. Bakit siya absent? Ganito niya ba ako kinamumuhian? Hindi baka naman may personal na dahilan kaya siya absent. Baka may pinuntahan siya. O baka tinatamad. Mabilis na natapos ang mga subject hanggang sa dumating ang lunch. Parang lumipad ang oras sa paligid ko, at hindi ko ito namalayan dahil absent-minded ako sa buong umaga. Dahil siguro sa gutom 'to. Paglabas ng classroom ay sinalubong agad ako ni Shawn. "How was your morning subjects?" Tanong niya sabay akbay sa akin. Napansin ko naman na nagtingin ang mga estudyante. Agad kong tinanggal ang kamay niya. Kung may fans man siya dito ayoko ng kung ano mang problema. "Okay lang." Sabi ko sabay iwas ng konti sa kanya. "Hindi ako makalapit sa'yo kahapon kasi mukhang lutang ka, at para kang naiinis." Sabi niya. Ganoon ba ako ka-transparent? "Naninibago lang siguro ako." Pagtatanggi ko. Sumang-ayon naman siya. Nang makarating kami sa canteen ay agad kong hinanap ang dulong table kung saan siya nakaupo kahapon. Pero yung dalawang kasama lang niya ang nakaupo doon. Pagkatapos namin bumili ng mga pagkain I mean siya dahil tubig lang naman ang binili ko ay umupo na kami sa table kung saan nakaupo si Lana at ang tatlo pa nilang kasama. "Railey!" Masayang sabi ni Lana bago ako sinalubong ng mahigpit na welcome-hug. "Hello, Lana." Nakangiti kong sabi. "Oh let me introduce you my company. This is Shelby, Bruce, and José. Guys, this is Railey Selene Red." Nakipagshake-hands sila sa akin habang nagpapakilala. Mukhang spanish si José, si Shelby ay isang shy type na babae, at si Bruce naman ay team mate ni Shawn pero mas maliit, at mas payat tignan itong Bruce. "Totoo nga ang sabi nga ang sabi nitong si Shawn, mas maganda ka sa malapitan." Sabi ni José na may halong pang-aasar kay Shawn. Siniko naman siya ni Shawn, at napayuko na lang ako. May sira ba sa mata ang mga taong 'to? Paano ako magiging maganda? Napakaputla ko, at napakapayat. "Pero seryoso Railey, eres tan hermosa." Sabi ni José. "Gracias." Sagot ko naman. Ngumiti si José, at halatang hindi inaasahan ang pagsagot ko. Tinanong nila ako kung ano ang buhay sa Calexico, at kung bakit ako lumipat. Tipid ang mga naging sagot ko sa kanila. Hindi ko alam, siguro ay wala ako sa mood makipag-usap, at inaantok ako. Muli akong napatingin sa pinakadulong lamesa, at halos masamid ako sa pag-inom nang makitang nakatingin sa akin ang dalawang kasama ni Xy kahapon. Para nila akong pinapanood sa malayo, at kahit nakita nila na nakatingin ako ay hindi sila umiwas ng tingin. Para silang nag-iisip. Parang hinahalukay nila ang buong pagkatao ko gamit lang ang tingin. Napalunok ako, at umiwas. "Sino sila?" Tanong ko kay Lana sa turo sa pinakadulong table gamit ang ulo ko. Naintindihan niya naman agad. "May relasyon sila, at nakatira sa iisang bahay. Yung lalaki ay si George Jaymes, ang babae naman ay si Katerine Gomez. May isa pa silang kasama, si Xy Jaymes gwapo siya at hot pero wag ka ng umasa dahil hindi siya nakikipagdate. Dahil para sa kanya walang babaeng maganda rito." Sabi ni Lana sabay yuko. Siguro nabasted na 'to ni Xy. Tumango na lang ako, at muling tumingin sa dalawang pares ng mata na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. Nag-uusap sila pero sa tingin ko ay sila lang din naman ang nakakarinig. Mababakas sa mga mukha nila ang pagtatanong, at confusion. Pagkatapos ng lunch ay inihatid ako ni Shawn sa Economics ko, at wala akong ganang makinig sa discussion dahil inaantok ako, at nagugutom. Ni hindi ko namalayan na nakaidlip ako sa last subject ko, ginising na lang ako ni Ma'am Mason-- ang teacher ko sa Science ang last subject ko. Mabait si Ma'am Mason, medyo may katandaan na rin siya pero magaling pa rin magturo. "Ms. Red, oras na ng pag-uwi." Nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa taas ng white board. 5o'clock. "Sorry, Ma'am Mason. Wala po kasi talaga akong maayos na tulog kagabi." Agad kong kinuha ang bag ko. "Sige na, maiging umuwi ka na at ituloy mo na ang pagpapahinga sa bahay niyo." Nakangiti niyang sabi. "Ang bait niyo po talaga, Ma'am. Sorry po ulit." Sabi ko. Nang makalabas ako ng pinto ay kumaripas ako ng takbo papunta sa baba, hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Malumanay akong naglakad nang marating kong ang parking lot. Iilan na lang ang naiwan na kotse rito, at kung minamalas nga naman ay makulimlim na ang langit nagbabadya ng malakas na pag-ulan. Malamig ang paligid dahil sa malakas na hangin, at napakatahimik. Papalapit na ako sa kotse ko nang may lumapit sa akin. Ryan. Hindi nag-iisa si Ryan dahil may mga kasama siya na papalapit rin sa akin, tatlong lalaki na kamukha niya. Mukhang adik, at lango sa weeds. Nag-umpisa na akong kabahan, nagsitayo na rin ang mga balahibo ko dahil sa takot, at lamig ng paligid. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kotse pero mas mabilis ang paglalakad nila papunta sa akin. Kinapa ko ang bulsa ko para sa susi pero wala. Nasa loob ito ng bag ko. "Saan ka pupunta, Red?" Tanong ni Ryan nang makalapit sila. "Uuwi." Halos mapiyok na ako sa sobrang kaba. "Gusto mo bang ihatid ka namin?" Nakangiti niyang sabi. Ngiti na may halong kamanyakan. Sinagi ko siya pero binangga ako ng kasama niya para ikulong sa gitna nilang apat. Nanghihina ako, inaantok, at kinakabahan. Hinawakan ni Ryan ang pisngi ko, sinampal ko naman siya ng malakas. Maling idea dahil mukha siyang napikon, at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. "Bitawan mo ako, Ryan! Tulong!" Piyok na sigaw ko sa school building kung may mga tao pa roon. Tinawanan naman nila ako, hindi ko alam kung dahil sa pagkapiyok ko o dahil humihingi ako ng tulong kahit wala namang makaririnig sa akin. Hinawakan ni Ryan ang magkabilang braso ko, hinalikan ako sa leeg. Inipon ko ang buong lakas ko, at sinipa ang p*********i niya kaya naman napabitaw siya. Nagsimula akong tumakbo palayo, kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko, at nanghihina ay pilit kong tinakasan ang tatlong lalaki na humahabol sa akin. Malabo na ang mga mata ko dahil sa luha, at hindi ko alam kung nasaan na ba ako. Basta ang gusto ko lang ay ang makalayo sa mga lalaki. Pero sa kasamaang palad may matigas akong nabangga. Malamig ito, at parang kasing tigas ng bato. Bahagyang nahulog ang mga patak ng luha ko, at naaninag ko ang isang maputing bagay. Hinawakan ako nito. Ayokong ibigay ang virginity ko sa mga r****t pero wala na akong kawala ngayon. "Akin ka lang." Ito ang sinabi ng isang malamig, at hindi pamilyar na boses. Agad kong pinunasan ang luha ko, at hindi ako makapaniwala. Mas lalo akong natakot, para akong natuod. His deep-blue eyes are staring at me. His jet-black hair is messy, at nakasuot siya ng pajamas, at v-neck na kakulay ng balat niya. Kulay puti. Sinugod niya ang tatlong lalaki na humahabol sa akin, at isa-isa niyang pinagsusuntok ang mga ito. Takot na takot ako, dahil sa mga dugo na lumalabas sa mga lalaki na kasama ni Ryan. Mabilis ang pag-galaw ni Xy na para bang lumulutang siya sa hangin, at sa loob ng halos isang minuto lang ay mahimbing na sa pagkakatulog ang mga lalaki na kanina ay parang mga matatapang na lobo na hinahabol ang isang tupa. Ngayon ko lang napagtanto na nasa loob na kami ng kakahuyan di kalayuan sa school campus. Napaatras ako nang tumingin si Xy sa akin. Ngayon ay kaharap na ng Tupa ang Leon. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa akin pero kung nakaya niya na bugbugin ang tatlong lalaki na 'yan ay walang hirap niya akong mabubugbog o mapapatay ngayon. Ayos lang. Kung ang napakagandang nilalang na ito ang papatay sa akin ngayon ayos lang. Mas maigi ito kaysa sa kamay ni Ryan, at ng mga kasama niya. Ang sabi ko ay sasapakin ko siya kapag nagkita kami ulit ngayon binabawi ko na. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko, at napapikit na lang ako nang igalaw niya ang mga braso niya papunta sa akin. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD