I. Hometown
Railey.
"Are you sure you want to do this, Railey? Pwede naman tayong bumalik na lang sa Calexico. Masaya naman kaming kasama ka." Pamimilit ni Dad sa akin na bumalik.
"I want to spend time with Mom, okay? I've been with you for the passed 10 years, Dad. I know it's hard for you to let me go. But the three of you deserve privacy." Humigpit ang hawak ko sa strap ng backpack ko, at napakagat na lang ng labi.
I am not good at good byes.
He hates the idea of me living with my Mom. Lagi niya kasi iniisip na mapababayaan ako ni Mom dahil lagi itong subsob sa trabaho.
But I am 17 now. I can take care of myself.
Yes, my Mom is a lawyer. Pero kahit kailan ay hindi niya ipinaglaban ang relasyon nila ni Dad. Kaya ang ending, divorce.
Lumapit si Mom sa amin na kabababa lang sa sasakyan niya. As usual, she's wearing her formal aura at nakipagshake-hands pa kay Dad na para bang nasa isang business meeting lang.
"Shane." Nakangiting bati ni Dad.
"Ray." She gave him a bittersweet smile.
"It's good to see you, sweetheart! It's been a long time. I missed you." Sincere niyang sabi habang yakap ako.
"Missed you too, Mom." Sagot ko.
"Mukhang di na ako kailangan dito." Kamot-ulo na sabi ni Dad. "Bye, Railey."
I waved good bye to my Dad, and gave him a warm-see-you-soon hug.
Niyakap ako ulit ni Mom, at inayos ang magulo kong buhok.
"Anak nga talaga kita, magkamukha tayo." Naiiling niyang sabi.
I chuckled. Totoo, we look exactly the same from black hair, green eyes, nose, voice, and skin. A pale chalky skin. Except sa ugali, dahil mas mahalaga para sa akin ang pamilya.
"Mom, Hindi ka pa rin ba nakapagmove-on?" Alam ko na maling itanong ko ito. Dahil obvious naman na Oo.
Hindi ko rin naman masisisi si Dad kung bakit iniwan niya si Mom. Pero mali pa rin na humanap siya ng iba.
Tinitigan niya ang mga mata ko, at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"You'll never understand everything, Railey. Unless you're married." Nakangiti niyang sagot.
Sumakay na kami sa sasakyan niya ng mailagay namin sa backseat ang mga gamit ko.
Then, we left the airport.
"Sigurado ka ba na gusto mong... tumira kasama ko?" She hesitated.
"Of course, Mom!" I tried to sound cheerful but the truth is I am not really sure about this idea.
I am not sure about the things I do. As always.
"How's Kate, and Marco?" She opened up.
"Kate is great, magkasundo sila ni Dad sa mga bagay-bagay. Marco is turning 7 next month." Tipid na sagot ko.
Ayoko magbigay ng iba pang detalye kung gaano kasaya ang bagong pamilya ni Dad ngayon. Siguro ganoon din kami kasaya kung magkasundo lang talaga sila sa mga bagay-bagay.
The thought of having a broken family still aches my heart.
"Mabait ba siya sa'yo?" Tanong niya.
"Kate? Yes, she treats me like her own daughter." Na dapat ay ikaw ang gumawa.
Sandaling natahimik sa loob ng sasakyan.
"Siya nga pala, naayos ko na ang papers mo sa Fairfield High. Medyo nahirapan lang dahil second semester mo na pala." She said without looking at me.
"Thanks." Tipid kong sagot.
"You sure you don't want to study in a private school?" Tanong niya.
Umiling-iling ako.
"Ayoko mag-aral sa mahal na school, Mom. Ayoko maging pabigat sa'yo."
She stared at me with disbelief.
"Kaya ako nagtatrabaho para sa'yo, at ang mga kinikita ko sa trabaho mostly ay napupunta sa bank account mo. Hindi ka pabigat sa akin sweetheart, okay?"
I just nodded. Pero ayoko talaga na umaasa sa pera ng mga magulang ko. Yes, totoo halos lahat ng kinikita ni Mom ay sa bank account ko napupunta pero kahit kailan ay hindi ako kumuha doon para sa luho na gusto ko. Ginagastos ko lang ang pera doon para sa pag-aaral.
I am sure she'll be sicked if she knew that I worked on a hardware shop back in Calexico.
Kaya nga laking gulat ko nang malaman na nabawasan ng 3.7 million na pera ang bank account ko, at hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mom na nanakawan ako ng ganun kalaking halaga. Baka palayasin niya ako pabalik sa Calexico ng wala sa oras.
Fairfield is a beautiful town, perfect for those people who love to hike, and swim. A mountainous town beside an awesome blue sea.
I think I'll love the mountainous area because I really love the smell of trees, and the thought about wandering deep in the wood gives me an overwhelming excitement.
Malaki ang bayan ng Fairfield, hindi ito gaya ng inaasahan ko. May mga establishment kami na nadaanan na kadalasan ay sa City lang makikita.
Nang malagpasan namin ang kabayanan ay dito na nagsimula ang mahabang daan na napalilibutan ng pine trees.
Pagkaraan ng halos kalahating oras ay nagsimula ng magkaroon ng mga kabahayan.
Maya-maya pa ay huminto na kami sa isang malaki, at pamilyar na bahay. The house that I used to live in when I was a child.
Iniakyat na namin ang mga gamit ko sa kwarto. Hindi naman marami dahil isang backpack, at duffle bag lang ang dala ko.
"Sumunod ka na lang sa kusina para sa lunch, honey." She kissed my cheek, and went down the stair.
Mukhang ipinaayos na ni Mom ang kuwarto dahil wala na ang dating kulay pink na kama ko, napalitan na ito ng bago at mas malaki, iba na rin ang bintana, may bookshelf at study table, TV wall na katapat ng kama, closet, heater at air conditioner.
Lumapit ako sa bintana na katapat ng front yard, at naalala ko ang sarili ko na naglalaro doon noong dito pa kami nakatira ni Dad. Noong buo pa ang pamilya namin.
Napabuntong-hininga na lang ako, at pinunasan ang luha na kusang kumawala sa mga mata ko.
"Masasanay rin ako." Bulong ko sa sarili.
Ayoko muna mag-emote ngayon dahil i-rereserve ko ang pag-iyak mamayang gabi.
Nang matapos kong iayos ang mga damit ko sa closet ay bumaba na ako, at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Mom na nakasuot pa ng apron habang nagluluto.
"May oras ka para magluto." She heard the sarcasm on my voice.
She chuckled.
"Medyo inaamag na ang cooking skills ko." Nakangiti niyang sabi.
"Ikaw ba ang nagluluto ng mga pagkain mo?" As if I care.
"Ngayon lang, nagpapadeliver ako ng pagkain tuwing nasa trabaho, at kung walang oras magluto."
Nagluto siya ng Lasagna, Grilled ribs, Fajitas, California rolls, at Truffled mac'n'cheese.
"Ang dami mong niluto, Mom. Hindi natin mauubos yan." Mahina ako kumain.
"Pupunta dito ang kababata mong si Aethan, pati na ang Elders ng Cortez Tribe." Sabi ni Mom.
Yung makulit na kulot na si Aethan Cortez.
I nodded. Then suddenly I heard a car stopped in front of house.
Isang babaeng kasing edad ni Mom ang lumabas sa sasakyan, may tatlong matatandang lalaki na casual ang suot, at ang pamilyar na buhok ng batang lalaki na kalaro ko noon. Pero hindi na siya bata dahil napakatangkad niya, at napakakisig ng katawan. Parang tumatambay sa gym ng 24/7. May hawak itong malaking bilao na natatakpan ng aluminum foil.
Binuksan ni Mom ang pinto, at inalok na pumasok sa loob ng bahay ang mga bisita.
"Spending too much time on work, Shane?" Sabi ng babae na kaedad ni Mom.
"Too much stress." Sagot ni Mom.
Halos umangat ako sa sahig nang yakapin ako ni Aethan.
"I missed you, Railey." Makulit na sigaw niya.
Shit! Akala ko nagmature na ang mokong na 'to.
"I missed you too!" Sigaw ko habang pasimpleng sinusuntok ang likod niya. Ang tigas.
Ibinaba niya naman ako bago pa ako maging kulay violet.
"This is Apo Riyan, Apo Wallad, and Apo Friar. They are the Elders of the Cortéz Tribe, kung matatandaan mo pa." Pagpapakilala ni Mom sa akin.
Tumango naman ako bilang pag-galang.
"And this is my Mom, Ria." Pagpapakilala ni Aethan sa Mom niya.
"Hello." I'm not used to meeting new people.
"Let's eat! Nagdala kami ng grilled turkey. Recipe yan ni Aethan." Proud na sabi ni Ria.
The lunch started as well as the endless chat.