Railey.
"How's Calexico?" Interesado niyang tanong.
"Tinatanong mo ako tungkol sa Calexico?" Tanong ko habang nagsasabon ng pinggan.
Katatapos lang ng lunch, at tambak ang hugasin. Nagvolunteer naman si Aethan na tulungan ako maghugas.
"Yes, I am." Tugon niya habang nagbabanlaw ng plato.
"Calexico is a wet town. Always raining, and foggy. A cold place." Sabi ko.
"You love cold places?" He asked.
I nodded, "I love cold weather, anything cold."
"Narinig ko na may meeting ang Elders, kasama si Mom, at ang Mom mo. Interesado ka ba sa mga meeting?" Tanong niya.
Umiling-iling ako.
"Honestly, I am not." I tried not to disappoint him but he chuckled and said, "Me too." Habang umiiling.
"Ano ba ang mga pag-uusapan nila?" I asked out of curiosity.
"About the tribe. How everything works, tribe stuffs." Sagot niya.
"Sorry Aethan, but I can't remember anything about the tribe. Sobrang tagal na kasi, indigenous people?" Natatandaan ko na mayroong tribe dito sa Fairfield pero hindi ko masyadong matandaan kung anong mayroon doon.
"Cortéz Tribe is a secret society. Walang indigenous people doon, my great great grandfather is the founder of the tribe. You and your Mom as well are members."
Napatingin ako sa kanya.
"Ako? Seriously? You expecting me to wear tribal clothes?" I asked.
"Am I wearing a tribal cloth right now?" Sarcastic niyang tanong.
"They're expecting that I will be the next leader of the Tribe, and they're expecting for my good deeds and right decisions." Nakita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Ikaw na bully?! Magiging leader ka?" I teased him muli naman bumalik ang sigla sa mukha niya.
"Hindi ka ba naniniwala?" He asked.
Umiling-iling ako. Umirap naman siya.
"Pwede mo ako i-tour sa tribe?" I asked.
"Ang anak ng isang Chief ay gagawin mong isang tour guide?!" Tanong niya.
I crossed my arms, "Yes, is there any problem with that?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay.
"Sure I'll be pleased, Ma'am." Sagot niya.
Kaya naman mabilis naming tinapos ang hugasin, at nagpaalam na magliliwaliw sa labas.
Excited akong lumapit sa Chevrolet Camaro niya. Pero nabigla siya nang pumwesto ako sa pintuan ng driver's seat.
"Do you mind if I drive?" I winked.
"Unless you know the route." He teased.
"You can give me some directions." Sabi ko habang nagpapacute.
He gave up the key, and sat his butt at the front seat.
"You have license, right?" Tanong niya.
I nodded, "Wear your seat belt, Sir."
"Impress me." He grinned.
The engine roared to life, I stepped on to the gas, and turned on the radio.
"Woah! Take it easy!" Sigaw niya.
Mas pinalakas ko ang volume ng radio para hindi marinig ang reklamo niya.
"What?" I teased him.
Napakapit siya sa ilalim ng upuan niya. Oh, the muscled man was scared.
"Turn left!" Sigaw niya nang marating namin ang isang cross road.
Nakita ko na napapikit siya nang magdrift ako papunta sa sinabi niyang direction.
"I just bought this Camaro yesterday!" Sigaw niya.
"Hayaan mo, magtatrabaho ako sa coffee shop kapag nasira ko 'to para mabayaran kita." I teased him.
"Racer ka ba sa Calexico?" Tanong niya na medyo nasasanay na sa bilis ng patakbo ko. "Diretso lang."
"Nakikisali ako sa drag race noong first year ako, I once drove a bugatti minsan nahuhuli ako dahil sa speed-limit pero kahit kailan hindi ko nagasgasan ang mga sasakyan na nahawakan ko."
"You impressed me already. So, can you please slow down now?" Sabay turo sa gate na makikita sa bandang kanan isang private road.
May dalawang guard na nakasuot ng formal attire, at tahimik na nagbabantay sa golden gate.
A gate that guarding the woods?
Agad na nagbow ang dalawang guard nang buksan nila ang malaking gate.
Oh yeah right, I am with their future leader.
"Anong tawag sa leader ng tribe?" I asked.
"Chief." Sagot niya agad.
Diretso pa rin ang kalsada sa loob ng kakahuyan.
"Who's the current chief." Tanong ko.
"Anton Bryan Gregore Cortéz, my father." Sabi niya. "Pero wala siya dyan ngayon kaya ang Elders muna ang namumuno. He's on a business trip."
Napansin ko sa di kalayuan ang dalawang matayog, at malawak na pader. Nasa gitna nito ang isang gold na gate. Hindi katulad ng nauna na gate mas matingkad ito, mas malaki, at may nakasulat sa taas Cortéz Tribe.
Mas maraming guwardiya ang nagbabantay rito. Kusang bumukas ang gate, at sabay-sabay na nagbow ang mga guard noong dumaan kami.
I thought this place was just a hidden society pero hindi ako makapaniwala sa kung ano ang nakikita ko ngayon. It is a village for goddamn reach people! Kahit saan ako tumingin ay puro manor ang nakikita ko.
"I told you there's no indigenous people here."
"Aethan, this is insane!" Sigaw ko sa kanya.
"I know." Tipid niyang sagot.
"Nasa dulo ng daan ang bahay namin." He pointed.
Obviously, dahil ang mansion na ito ang pinakamalawak, at pinakamalaki sa lahat.
Mayroong malawak na openfield sa gitna ng kalsada, at nakatayo rito ang isang golden statue ng lalaki na may hawak na pangil sa kanang kamay, at bullet sa kaliwa.
Ipinarada ko ang kotse sa tabi ng mga kotse na nakahalera sa labas ng mansion.
"Gusto mong i-tour kita sa loob?" Tanong niya sa akin.
Umiling-iling ako.
"Baka abutin tayo ng tatlong araw sa paglilibot sa loob ng mansion niyo." Pagtanggi ko.
"Sigurado ka?" Tanong niya ulit.
"Dito na lang sa labas."
We started a walk.
"Is he the founder of Cortéz Tribe?" Tanong ko habang nakatitig sa statue.
"Yes, he is Antonio Bartolomew Gregore Cortéz." He looked at me then back to the statue.
"Bakit siya may hawak na pangil, at bala?" I asked out of curiosity.
"The fang was from the vampire who killed his beloved wife, and that bullet killed the vampire." Pag-eexplain niya.
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad papunta sa kakahuyan.
"Vampires aren't real." Pagtataka ko.
"Great Antonio used to hunt them during 1600s ever since his beloved Estella was killed." Kwento niya.
"She's your great great grandma." I said.
He nodded. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo pala ang mga bampira? Ang alam ko kasi urban legend lang sila.
"Naghanap si Antonio ng mga makakasama, bumuo siya ng isang samahan na may matinding galit sa mga bampira, at sama-sama nilang hinanap ang lungga ng mga ito, at ang simpleng samahan lang noon ng mga vampire hunter ay naging isang malaking society, at naging tribe. Karamihan sa pera ng mga naunang miyembro ng tribe ay nanggaling sa mga ibang tao na binabayaran sila upang pumatay ng mga bampira." Sabi ni Aethan na para bang pinapaliwanag sa akin kung paano umiikot ang Cortéz Tribe.
"Natigil lang ang digmaan noong nagkaroon ng kasulatan, at ang mga tao ngayon dito sa Tribe ay puro business, politics, at pera na lang ang iniintindi."
I nodded.
"When you said they are expecting good deeds, and right decisions from you because you'll be their next chief, I saw the doubt on your face."
We reached the top of the nearby hill where we are able see the Cortez Tribe below.
Umupo siya, at ako rin sa tabi niya.
"I am afraid I can't rule these rich spoiled-brat people of mine." He chuckled.
This time I nodded, "Yeah, as if they'll listen to a newly debutant man."
We laughed. Oh god, I missed this kind of teenage talk.
"Sabi mo miyembro kami ni Mom, bakit hindi kami rito nakatira?" Napagtanto ko.
"Your Dad doesn't want to be involved in this kind of society, miyembro ang Mom mo pero ang Dad mo pa rin ang nasunod noong magpakasal sila. He wants a normal life for you." Sabi ni Aethan.
"Bakit? Hindi ba normal dito?" Tanong ko ulit.
"Puro politika kasi rito, pera, luho, at ayaw niya ng ganoon." Sabi ni Aethan.
He knew these stuff because he is a son of the chief. Medyo nakaramdam ako ng awa kay Aethan dahil kahit wala pa siya sa tamang edad ay kailangan niya ng maging seryoso sa buhay, at sa mga desisyon na ginagawa niya dahil siya ang susunod na mamumuno sa ganitong mundo.
Tama si Aethan, Dad hates everything about politics, and money. But he ended up marrying a woman who was engaged in political matters, Mom. I guess they are really not for each other.