Railey.
I spent my sunday for sleeping, saturday was a restless day. Pagkatapos akong i-tour ni Aethan sa Cortéz Tribe ay sinamahan niya akong bumisita sa Fairfield High para daw maging pamilyar ako sa monday which is tomorrow. Nalungkot ako nang malaman ko na hindi pala siya nag-aaral sa Fairfield High kung hindi sa isang private school. Syempre anak siya ng isang mayaman na business man.
Ginising ako ni Mom para kumain ng hapunan. Gutom na gutom ako dahil natulog ako maghapon, at wala pa akong kain.
"So, saan naman kayo nagpunta kahapon? Masaya bang kasama si Aethan?" Mom asked.
At mayroong kakaibang tono sa kanyang boses na parang ewan ko ba malisyoso?
"Pumasyal kami sa Cortéz Tribe, at sinamahan niya ako na pumasyal sa Fairfield High para naman maging pamilyar ako bukas sa school." Inaantok kong sagot.
Oh god! I feel so exhausted, and sleepy.
"Nagugustuhan mo na ba si Aethan?" Nang-aasar na tanong ni Mom.
Medyo nagising naman ako sa tanong niya. Hindi ko alam na maintriga pala 'tong si Mom.
"He's just a childhood friend, Mom. Aethan is not my type but yeah maybe I like him." Pag-amin ko.
"He's cute, isn't he?" She winked.
I gave her a disgusting look.
"Mom?!" I chuckled.
"Sabi mo gusto mo siya." Pagpipilit ni Mom.
"I like him to be my best friend. Okay yes, he's cute and masculined but no." Pagtanggi ko.
She just gave me a wink.
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko ang mga pinggan. Paakyat na sana ako sa kwarto nang tawagin ako ni Mom.
"I have something for you." She smiled.
Medyo nagtaka naman ako pero sumama pa rin ako sa kanya. Inakbayan niya ako, at lumabas kami sa pinto papunta sa garahe.
Mayroong dalawang kotse doon, ang isa ay ang kotse na ginamit ni Mom noong sinundo niya ako sa airport, at ang isa ay nakatakip.
Iniabot niya sa akin ang isang susi, at unti-unti niyang tinanggal ang takip ng pangalawang kotse.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ang isang 2019 Mustang Bullitt.
Hindi ako makapaniwala.
Umiling-iling ako.
"Mom, I can't take it. Masyadong mahal yan." Pagtanggi ko.
Muli kong inabot ang susi sa kanya, pero tinanggihan niya ito. Hinawakan niya ang kamay ko, at inilagay sa palad ko ang susi.
"Ngayon lang ako babawi sa'yo, Railey. After 10 years, ngayon lang. Rae told me how you love driving, and the eagerness to have your own car." Sabi ni Mom habang nakatingin sa mga mata ko.
"Yeah, I love driving. But I can't imagine that I'll own an expensive car just like this. Okay na ako sa second hand cars, Mom." This is freakin' expensive.
"Take it." Sabi niya. "It's yours now, at isa pa kumuha ako sa bank account mo ng konting pera para ipandagdag sa bayad."
Niyakap ko siya, "Kaya pala nawala ako ng almost 4 million pesos sa bank account. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasabihin sayo pero ikaw pala ang kumuha, Mom?!"
"I want to surprise you!" She grinned.
"Yes, surprise me with a heart attack." I chuckled. "Thank you, Mom."
Bumalik kami sa loob ng bahay, at dumiretso naman ako sa kwarto. I took a shower and went straight to bed.
Maaga akong nagising kahit pa hindi ako nakakuha ng maayos na tulog. Ewan, kinakabahan ako sa unang araw ko sa Fairfield High. Ito kasi ang unang beses na mararanasan kong isa akong transferee.
Hindi masyadong malaki ang Fairfield High kaya naman siguradong madaling mapapansin ang bagong dating na estudyante. Isang lampang estudyante all the way from Calexico. Great! Sana naman walang mga bully. As if.
"Sana hindi lang ako yung transferee." Bulong ko sa sarili ko habang naliligo.
Yeah, I know I am praying for a goddamn miracle. Sino ba naman ang matinong estudyante na lilipat kung sa loob ng ilang buwan ay graduation na?!
"Sana wala silang pakealam." Bulong ko ulit sa sarili ko pagkatapos kong kumain ng almusal.
I took my 20th sigh as I drove to Fairfield high, and my 30th when I reached the gate of the school.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na hindi lang ako ang may mamahaling kotse dahil nakita ko ang isang 2018 Ferrari 488 na nakaparada 8 slots away from me.
I wore my hoodie as I went out my car. Gamit ko ang dati kong backpack noong sa Calexico pa ako nag-aaral. Pero bago ang mga binili ni Mom na school supplies.
"Nice car, Ms. Red." Napatingin ako sa estudyante na nakaupo sa jeepney niya habang chill lang.
I forced a smile, and started to walk away nang bumaba siya, at pumunta sa harap ko.
Mas malala siya sa mga adik na humihithit ng weed. Mukha siyang bangag, puro piercing, maitim ang labi niya na tanda ng madalas na paninigarilyo, green ang buhok niya, at may tattoo na dragon sa leeg.
Seriously? Estudyante ba 'to rito?
Napalingon ako sa paligid. Halos wala pang mga estudyante. Damn! Bakit ba kasi ang aga kong pumasok! Mukhang mapapahamak pa ako sa unang araw ko dito.
"I am Ryan. Ikaw pala yung transferee na hinihintay ng mga estudyante rito." Ngisi niya.
Humakbang ako pero hinarangan niya ulit ang daan ko.
"Hindi ko inaasahan na ganito ka pala kaganda." His breath smells like tobacco, and nicotine.
Tinapik ko ang kamay niya bago pa ito dumampi sa pisngi ko.
Nakita kong nagbago ang expression niya, at napalunok. Bakas sa mukha niya ang isang kakaibang kaba habang nakatingin sa likod ko.
Umatras si Ryan, at bumalik sa jeepney niya.
Master ba niya yung nasa likod ko? Worse ba yung naghihintay sa akin kaya pinabayaan niya ako?
Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko, tanging ulo ko lang.
I saw a man sitting behind the Ferrari 488. Nakatingin siya sa direksyon, his arms were crossed. Nakatingin siya sa akin.
Pero sa tingin ko ay hindi siya kasama ni Ryan. Dahil malinis siyang tignan, at kakaiba ang puti niya.
I usually describe myself as a chalky-paled skin pero kakaiba ang puti ng balat ng lalaki na nakatitig sa akin ngayon.
Magkahalo ang amusement, at curiosity sa mga mata niya.
Napalunok na lang ako gaya ni Ryan, at tila ba naduwag. Nagsimula na akong maglakad palayo sa parking lot.
Muli akong napatingin sa lalaking nasa Ferrari 488, nananatili ang pagtitig niya sa akin.
Shit! His gaze is starting to freak me out more than that damn Ryan.
Nice! The students of this school is starting to give me goosebumps.
Pinili ko umupo sa bench habang naghihintay na dumating ang iba pang mga estudyante. Baka kasi kung ano pang klase ng estudyante ang makasalubong ko sa loob ng school buildings kung sakaling ako lang mag-isa ang papasok doon.
I studied the school map as I walk to corridor.
"Hello?" Narinig kong sabi ng isang boses.
Hindi ko ito pinansin dahil baka hindi ako yung kinakausap. Sino ba naman ang kakausap sa akin dito e wala pa naman akong kakilala.
"Railey Selene Red?" Tanong niya.
Napaangat ako ng ulo, isang babaeng blonde ang nagsasalita, at kinakausap ako.
"Yes." Sagot ko naman.
"I am Lana, senior din ako. Editor in chief." Nahihiya niyang sabi sabay click ng camera.
Nabigla naman ako.
"Front page para sa Campus Newspaper. Alam mo ba na excited ang lahat na makita ka? Minsan lang kasi may nagagawi na bagong estudyante rito." Sabi niya.
"Please, ayoko mapunta sa newspaper. Iba na lang." Pag-iling ko. Pero hindi niya ito pinansin.
"First day right?" Sabi niya.
Tumango-tango ako.
"Ano ang una mong klase?" Tanong niya.
"Arts." Sagot ko habang nakatingin sa schedule ko.
"Sayang hindi yan yung unang subject ko e. Maybe we'll meet sa ibang subject." Nakangiti niyang sabi. "Bye, enjoy your day! Welcome sa Fairfield High!" Masaya niyang sabi bago ako iwan.
Front page?! This is getting worse.
Pumasok na ako sa classroom na nakalagay sa schedule ko. Buti naman at wala pang teacher.
Nakita ko ang mga katulad kong seniors na nagkukwentuhan, at may sariling mga mundo na parang juniors lang.
Napalingon ako sa isang estudyante na nakaupo sa thrid row katabi ng bintana.
His idescribable pale skin is familiar. Napatitig ako, siya yung lalaki na nakaupo sa Ferrari.
Bumukas ang pinto, at pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang teacher ng klase.
Bumalik naman sa ayos ang mga estudyante, at napansin ang pagkatuod ko sa harap.
Iniabot ko agad ang index card ko kay Sir Wilson na naglalaman ng basic info ko.
Ngumiti siya, "You can sit beside Mr. Jaymes that is vacant."
Who is Mr. Jaymes.
Muli akong natuod dahil hindi ko kilala kung sino yung Jaymes.
I saw two vacant seats, sa bandang likod, at sa tabi ng lalaki na kasalukuyang nakatitig sa labas ng bintana.
Naglakad ako papunta sa bandang likod pero agad na sinabi ng isang lalaki na, "Siya si Jaymes." Sabay turo sa lalaki na nakatingin na sa akin ngayon.
Damn! That gaze gives me shiver.
"Sorry." Sagot ko sa lalaki na nakaupo sa tabi ng vacant seat.
Agad naman akong yumuko, at pumunta sa tabi ni Jaymes.
I can feel his burning gaze.
Umupo ako, at nagsimulang makinig sa lecture.
Pero hindi ako makapagconcentrate dahil sa tuwing napapasulyap ako sa kanya ay nakatitig siya sa akin ng masama.
Para siyang nagpipigil ng galit. Hindi pala parang dahil galit siya. Galit na galit ang mga tingin na ibinigay niya sa akin.
Shit! Susuntukin niya ba ako? Sasapakin niya ba ako sa harap ng teacher, at classmates namin?
Muli akong napatingin sa kanya. His fists were clenched.
Nakahinga lang ako ng maluwag noong tumunog ang bell, padabog siyang umalis.
That is so intense.
Buti na lang hindi ko siya naging classmate sa mga susunod na subject ko, dahil baka mabungangaan ko talaga siya.
Lunch na, at pumunta na ako sa canteen para kumain. Pagkatapos ko bumili ng pagkain ay naghanap ako ng bakante na pwedeng upuan pero ang lahat ay puno na maliban sa upuan na nasa sulok.
Papunta na ako doon para umupo nang may maglapag ng tray doon. Damn! That skin.
Siya nanaman!
Itinaas ko ang ulo ko, ayoko na yumuko.
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang umupo ako sa harap niya.
Hindi naman siya ang may-ari ng lamesa na 'to e, and besides mag-isa lang naman siya---
Shit. Mayroon pang dalawa na papalapit kakulay niya rin, at sigurado ako na kasama niya ang dalawang ito.
Pero hindi katulad niya na nakasumalmal ang mukha, ang dalawang ito ay masaya, at nagkukwentuhan.
Napatingin ako kay Jaymes masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"May kasama ka?" Tanong ng babae na nakakapit sa braso ng isa pang paled-skin na hawig nitong si Jaymes.
Wavy brown ang buhok ng babae, itim ang mga mata niya katulad ng kay Jaymes, at sa lalaki na kasama niya. Matangos ang ilong, at napakaganda. Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Hindi katulad ko na payat pero may bilbil.
Maganda sa pandinig ang boses ng babae, at may mararamdamang warm sa boses nito.
"Hindi kami magkasama, at hindi ko siya kilala." Pagmamatapang ko. "Sorry."
Tumalikod ako, at lumapit sa counter para ipa-take-out ang mga pagkain ko.
Nakakain ako ng tahimik sa bleachers habang pinapanood ang mga estudyante na nagpapractice ng soccer.
Hindi ko ulit naging kaklase si Jaymes sa mga sumunod na subject ko. Pero hindi pa rin ako nakapagconcentrate dahil sa pamatay niyang titig, at ang galit sa mukha niya na hindi ko alam ang pinagmulan.
Pagkatapos ng last subject ay agad akong nagtungo sa parking lot para umuwi.
Isang araw pa lang ako dito sa school na 'to pero parang ayoko na.
Paalis na ako ng makita ko ulit siya na nakaupo sa likod ng Ferrari na parang kaninang umaga lang. Masama pa rin ang titig niya sa akin pero this time kalmado, at nagtataka na.
Gusto ko na bumalik sa Calexico.
Ayoko na rito.