I'm so sorry for super late update, nasira po ang lumang laptop na ginagamit ko, at the same time naputulan po ng internet. At napakahina ng cellular internet sa amin at android lollipop lang po ang gamit kong phone kaya mostly H+ lang ang nasasagap kong signal HAHAHA! But anyway, thank you for the warm, and undying support kahit na napakabagal, napakatagal, ng update ko. Hopefully sana maconsider niyo po ang mga kagipitan ko ngayon! Choss! HAHAHA! I also suffered Writer's Block, so I am so sorry. Chill muna tayo sa new chapters na isusulat ko saka na tayo sa haggard part. Mahal ko kayo❤.
----------------------
Railey.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako tapos mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa Calexico. Noong pumunta ako dito halos wala pa sa sampung pares na damit ang dala ko, at ngayon halos di ko na alam kung paanong dumami ng ganito ang mga damit ko sa closet.
Hindi pa ako sigurado kung sasama ba talaga sa akin si Xy. I mean hindi ko alam kung kailangan ba talaga niya magpaalam sa mga magulang niya. Hindi ko alam kung tama ba na kunin ko ang oras niya sa holidays dahil dapat pamilya niya ang kasama niya sa mga araw na yon.
Hindi ko rin naman kaya na ipagpaalam siya dahil napaparanoid ako sa mga iniisip ko na baka magalit ang mga magulang niya, at hindi siya payagan. Tapos mag-freak out sila, at kainin ako ng buhay!
Nasapo ko ang sarili kong noo sa mga iniisip kong katangahan. Hahayaan kaya ni Xy na kainin ako ng pamilya niya?
Teka? Nagcecelebrate ba ng pasko ang mga katulad nila? I mean, may holiday ba sa kanila?
"Anong iniisip mo?" My heart suddenly went wild when I heard his velvet voice. I suddenly panicked, what if nababasa niya yung nasa isip ko?
Madalas siyang pumapasok sa kwarto ko, at dumaraan siya sa bintana. Noong una nagugulat na lang ako sa pabigla-bigla niyang pagsulpot. Ngunit ngayon ay unti-unti na akong nasasanay rito.
Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o talagang napakaconservative lang ng pag-iisip ko. Pero hindi ba't parang ang rude kapag pumapasok sa kwarto ng isang babae ang lalaki? But Xy isn't the typical type of a guy. Kung conservative ako mag-isip sa mga oras na ito, saksakan siya ng pagiging conservative. Hindi siya yung tipo ng lalaki na basta-basta na lang namamasok ng hotdog.
Nasapo ko ang sarili kong noo. Pakshet! Ano bang hotdog ang pinagsasasabi ko?! Paano kung nababasa niya ang iniisip ko? I grin when I got the idea kaya naman dinaan ko sa panghahamon ang gusto kong itanong sa kanya.
"Bakit mo tinatanong? Hindi ba't kaya niyong bumasa ng isip?" Paghahamon ko sa kanya.
Narinig ko ang paghalakhak niya. s**t! Pati ba naman pagtawa niya nakakainlove.
Wag naman sana umabot sa point na maiinlove na rin ako sa pag-utot niya. Umuutot ba ang mga bampira?
"Ilang pelikula na ba tungkol sa mga bampira ang napanood mo?" Natatawa niyang tanong.
"Marami-rami narin." Sabi ko kahit na sa totoo lang ay hindi naman ganoon karami ang napanood ko.
Saka lang naman ako nahilig sa mga vampire thingy nang makilala ko siya.
"Paano kung sinabi kong oo?" Sabi niya habang nakangisi.
Napalunok ako, at naisip ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko kani-kanina lang.
"S-sige nga hulaan mo kung ano ang nasa isip ko?" Nauutal kong sabi.
Hotdog. Sabi ng isip ko saka ako napalunok. Bakit hotdog ang nasa isip ko? Tapos na ang hapunan.
Tinitigan niya ang mga mata ko saka ngumisi, at hindi napigilan ang paghalakhak.
Nanlaki ang mga mata ko sa kakahiyan nang marealize ko na nabasa niya ang iniisip ko.
"Gutom ka ba?" Tanong niya habang tumatawa.
"Hindi ko ginustong isipin 'yon!" Pagtanggi ko. Totoo naman!
Kailangan ko pala mag-ingat sa mga iisipin ko sa tuwing kasama ko siya. Nababasa niya ba ang iniisip ko sa tuwing nakatitig ako sa kanya? Ngayon kaya nababasa niya ang isip ko?
"Oo." Sagot niya. "Kaya tapusin mo na yan dahil kailangan mo na matulog."
"Ikaw di ka ba natutulog?" Tanong ko sa kanya.
Ngumisi lang siya at humalukipkip.
"Hindi ko na maalala kung kailan ang huling tulog ko." Aniya na para bang nalulungkot siya sa bagay na ito. I guess he's longing for that thing.
Lumapit ako sa kanya, at binigyan siya ng yakap. Napapitlag ako ng saglit sa lamig ng balat niya, at kadalasan itong nangyayari. Pero nawawala ang lamig kapag naramdaman ko na ang init ng yakap niya.
"Ayos lang ako." Sabi niya.
Hinaplos niya ng marahan ang pisngi ko, kaya naman napatitig ako sa kanya. I can see the sadness on his eyes. I sighed, and did finish packing my things.
I secretly bit my lips when I suddenly realized that I can do nothing when it comes to comforting him. Ni wala akong ka-idedeya kung paano pagagaanin ang loob niya.
Mabilis kong ibinalik ang mga damit na hindi ko kailangan sa loob ng closet, at ang iba naman ay inilagay ko sa backpack.
Kasalukuyang nakatayo naman si Xy habang nakasandal sa bintana. Marahan niyang pinanonood ang bawat galaw ko. Hindi ako naaasiwa, pero yung insecurities nararamdaman ko. Bigla kong naisip na Xy is too godly for me. Kahit saang anggulo siya tignan, he's perfect. Habang ako, ganito lang. Lampa, walang gaanong kaibigan, malnourished. Isa pa hindi naman ako gaanong kagandahan.
A sudden zoom hit me. Then his cold finger touched my lips to shut me up.
"Huwag mong iinsultuhin ang sarili mo sa harap ko. Hindi mo dapat iniisip ang mga bagay na 'yan." Mababakas ang inis sa mukha niya, at ang pag-aalala na baka masaktan niya ako.
Yung itsura niya kasi mukhang mananapak. Napalunok ako, at tumango na lang.
Dumiretso na ako sa kama, at umupo naman siya sa edge nito. Ngumiti ako ng marahan saka ibinuka ang mga braso ko na parang naghihintay ng isang mahigpit na yakap. Well, naghihintay naman talaga ako ng yakap niya.
"Ano?" Tanong niya.
Tumaas ang kilay ko, akala ko ba nababasa niya isip ko? Isa pa, hindi pa ba obvious na gusto ko ng Good Night Hug?
"Hindi ko kayang basahin ang isip mo lagi, mabilis akong magugutom kung gagamitin ko ang kakayahan na yun." Sagot niya.
Napatigil ako. So he consumes energy whenever he's using that ability? s**t! Baka magutom siya sa Calexico?!
"Hindi ko papatayin ang pamilya mo." Sagot niya.
"Tumigil ka! Huwag mo na basahin ang isip ko! Aalis na tayo bukas!" Pagsaway ko sa kanya habang pinapalo ang braso niya.
"Okay! Okay!" Sagot niya habang tumatawa pa.
Muli ay binuka ko ang mga braso ko waiting for his hug pero nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Good night hug!" Demand ko.
Pero ayaw niya lumapit sa akin kaya naman ako na lang ang lumapit sa kanya.
"Tabihan mo ako para mabilis ako makatulog." Sabi ko habang yakap siya ng mahigpit.
"Hindi tayo pwedeng magtabi sa kama hangga't hindi pa kita asawa." Sabi niya.
Napakunot ang noo ko, at napatingin sa kanya. Seriously?! Xy! Hinalikan mo na ako tapos ayaw mo ako tabihan?!
"Iba ang halik sa pagtabi sa kama. Iba ang patutunguhan ng bagay na 'yon." Pagsaway niya sa akin.
"Stop reading my mind, Xy!" Pagsaway ko rin sa kanya.
"Tigilan mo rin ang pagtukso sa akin." Sabi niya.
Napangiwi na lang ako at naghalukipkip. Sa sobrang inis ko itinulak ko siya paalis sa kama ko pero wala akong magawa, malakas siya at sabi ko nga lampa ako.
"Umalis ka na, balikan mo na lang ako bukas." Inis na sabi ko.
"Hindi, babantayan kita sa pagtulog mo." Pagmamatigas niya.
"Huwag ka dito sa kama ko, doon ka." Pagtataboy ko sa kanya.
Tumayo siya at pumunta sa usual spot niya, sa may bintana. Binigyan ko siya ng masamang tingin bago nagtalukbong ng kumot.
I told you, hindi basta-basta na lalaki si Xy, at hindi siya basta-basta namamasok ng hotdog.