XIV. Officially

2151 Words
Railey. "Nabalitaan niyo na ba? Nawawala daw si Ryan." Sabi ng isang estudyante na nadaanan ko sa hallway. "Nagreport daw kay Dad yung mga magulang niya kagabi dahil dalawang araw na daw siyang hindi umuuwi pati ang kapatid niya matagal ng wala." Sa palagay ko ay anak ng Sheriff ang nagsalita. Kinurot ko ng kaunti sa tagiliran si Xy. "Yes?" Tanong niya. "Si Ryan ba yung tinutukoy nila? Yung manyak?" Tanong ko. Tumango-tango si Xy. Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit?" Tanong niya. "Anong ginawa mo kay Ryan?" Tanong ko. Napangiwi siya, at tinignan ako. I gave him a "what" look. Hinila niya ako palayo sa mga estudyante. "Wala akong ginawa kay Ryan. Pero sa tingin ko napuruhan ko ng maigi ang kapatid, at kaibigan niya nang araw na yon." Seryosong sabi ni Xy. "Ano?!" I was shocked. "Pero hindi ko sila pinatay. I let the grizzly bear to eat them. Hinayaan kong makatakas si Ryan. Bear ang pumatay sa kanila hindi ako." Sabi ni Xy. Nasapok ko ang noo ko. "s**t. Talagang nakuha mo pang sisihin ang mga oso?" Galit kong sabi sa kaniya. "Alam mo kung gaano ko sila gustong patayin nung araw na yon. Hindi mo alam kung gaano kasama ang tumatakbo sa isip nila, at ang plano nilang gawin sayo." Giit ni Xy. Natahimik ako. May point siya. Pero hindi niya dapat pinuruhan ng husto ang dalawang yon. "So nasaan si Ryan ngayon?" Tanong ko. "Hindi ko alam. Hindi ko na siya pinakialaman simula noon." Sagot niya. "Hindi mo siya kinain?" Tanong ko. Nasapok niya ang sarili niyang noo. "Pwede ba Railey, hindi ako kumakain ng tao. Iniinom ko lang ang dugo nila. Nakakadiri ang iniisip mong yan, at isa pa hindi basta-basta ang dugo na iniinom namin, okay?" Pikon niyang sabi. Unti-unti niya akong kinulong sa pader gamit ang braso niya. "Gusto mo ikaw na lang ang kainin ko?" Nakangisi niyang sabi. Nanlaki ang mata ko at tinulak ko siya sa dibdib. "Aba! Marunong ka ng gumanyan ngayon ha?" Natatawa kong sabi sa kanya. "Ayaw mo bang magpakain sa akin?" Tanong niya habang nakangisi pa rin. Bakit ba ang gwapo niya kapag nakangisi? "Wag dito!" Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya saka tumawa. Akala niya siguro ay hindi ko kayang sakyan ang ginagawa niya. Shet! Parang tawa ng anghel. His laugh is music to my ears, honestly. "Okay, fine. So wala kang kinalaman sa pagkawala ni Ryan?" Tanong ko. Umiling-iling siya. Tumango naman ako, at inaya ko na siya pumunta sa first subject namin. Monday ngayon, kaya naman walang vacant time, at huling week na bago ang holiday vacation kaya naman busy ang lahat sa paghahabol ng deadlines, at pagkokompleto ng activities, projects, at reports. Sinabihan ko rin si Xy na magreview para sa darating na exam. Sabi niya ay hindi niya na mabilang kung ilang beses na siyang nag-exam kaya naman alam niya na ang isasagot sa mga tanong. Sabi ko pakopyahin niya na lang ako ng sagot, nagalit naman siya dahil hindi raw yon gawain ng isang matinong estudyante kaya nagpumilit siya na magreview kami. Mas gusto ko ang version ni Xy noong nagtapat siya sa akin kung ano talaga siya dahil malaya niyang sinasabi ang mga gusto niyang sabihin sa akin, at nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin. Nakita ko ang totoong Xy na nakatago sa malamig, at nakakatakot na panlabas niya. Nakita ko kung paano siya tumawa, ngumiti, at magalit na parang isang magulang sa akin. Pinilit kong sabihin niya sa akin kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila ni Mom nung araw na yon pero hindi niya sinabi sa akin. Maraming nanibago sa awra ni Xy dahil napakafresh niya, at may ngiti sa labi. Lalo na noong lunch halos matunaw siya sa katititig ng mga babae sa cafeteria. "Tuturuan kita." Sabi ko sa kanya sabay labas ng cellphone ko. Napatingin naman siya. He just jerked his head na para bang isang alien na inaanalyze ang isang hindi pamilyar na bagay. "Xy, cellphone 'to." Sabi ko sa kanya. "Alam ko, ang ibig kong sabihin ay kung ano ang gagawin mo." Sabi niya. "Tuturuan kita kung paano sumagot ng tawag para pwede mo akong makausap kahit hindi tayo magkasama." Sabi ko sa kanya. "Nasaan ang cellphone mo?" Inilabas niya ang mamahalin niyang cellphone mula sa bulsa niya. I dialed his number at tumunog naman agad ito. Tinignan lang niya ito. "Kailangan mo lang i-slide 'yan para makausap mo ako." Pagtuturo ko sa kanya. Nasapok ko ang sarili kong noo nang igasgas niya sa bench ang screen ng cellphone. Napanganga ako, sayang! Ang mahal ng cellphone niya tapos! Tapos! Aaaargh! Narinig ko kasi ang paggasgas ng screen nito sa semento, at talaga nagcringe ako. Gwapo ka sana kung hindi ka lang bobo, Xy. "Xy!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa naman siya. "Biro lang. Heto na nga." Sabi niya habang tumatawa na para bang siraulo. Biro? Mahal na cellphone? Meron na akong sasakyan sa presyo ng cellphone niya. I mean may sasakyan naman talaga ako, pero mas mahal pa sa kotse yung cellphone niya tapos! Ewan. Nang gigigil ako. He gracefully slided his finger at the screen and the call was answered. Itinapat ko ang tenga ko sa cellphone, tinignan niya lang ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench, at naglakad palayo habang nakatingin sa akin. "Hello?" Sambit ko. s**t! Bakit ako kinakabahan? Alam ko naman na magkausap kami at ilang metro lang ako layo niya sa akin. Siguro ay dahil ito sa titig niya. Hindi talaga ako mapakali sa tuwing tinitignan niya ako. "Railey." Plain niyang sagot sa kabilang linya. "Y-yes?" Nauutal kong sagot. "I love you." Bulong ng boses sa likod ko, at halos tumayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Kahit gulat na gulat ako ay nakuha ko pa rin siyang paluin ng malakas sa mukha. "Baka may makakita sa ginawa mo!" Gigil kong sabi sa kanya sabay lingon sa paligid. Muli siyang tumawa, at hinalikan ako sa noo. "Kalma." Sabi niya habang nakangisi. "Umayos ka nga!" Gigil kong sabi sa kanya. "Wala ka bang isasagot sa sinabi ko?" Nakasimangot na sabi niya. Agad akong namula, at ngumiti. Sasagot na sana ako nang lumapit si Rina at George sa amin. "Hi!" Bati ko sa kanila. Thank you for saving me. "Any plan this holiday?" Tanong ni Rina sabay kindat sa akin. I don't really know what was that for pero parang alam niya ata yung nangyari kanina. "Rina and I decided to stay at home." Sabi ni George. "Ikaw, Railey?" "Uuwi ako sa Calexico, hindi nagcecelebrate ng Christmas si Mom." Sagot ko. Yes. Hindi ko alam kung anong nilalang ang Mom ko dahil wala siyang religion, at hindi siya nagcecelebrate ng kahit anong okasyon. Maliban ang mga okasyon sa Cortéz Tribe, pati na ang mga birthday ay hindi niya pinagdiriwang. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa birthday ko pero hindi ko rin kasi gusto na sinicelebrate ang birthday ko. Isang mapayapang araw lang siguro ay sapat na, at pinakamagandang regalo siguro kung makakasama ko si Xy sa araw na yon. Kayakap, at kausap ko lang siya maghapon. Basta't nasa tabi ko siya okay na okay na ako. "Xy? Ikaw? Kwarto lang? Mukmok? Tugtog ng piano?" Pangaasar ni George. Pero imbes na mapikon ay inakbayan ako ni Xy at sumagot. "Magpapasko kami sa Calexico." Nakangiting sabi ni Xy. Napalingon naman agad ako sa kanya. "Kailangang malaman ng Dad mo na nobyo mo ako." Sabi ni Xy. "Tapang mo naman, bro. Baka sipain niya tayo pabalik dito sa Fairfield kapag nakita niya akong may kasamang lalaki." Sarcastic kong sabi sa kanya. "Sisipain ko rin Dad mo." Sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Biro lang naman. Gusto ko lang naman makilala niya yung makakasama ng anak niya habang-buhay." Sabi ni Xy. "Ma-keso pala 'tong si Xy, hindi naman siya ganyan nung sila pa ni-" Napatigil si George, at napalunok. "Anyway, nagugutom ako Railey. Gusto mo ba akong samahan sa Cafe?" Inakbayan ako ni Rina, at hinila palayo sa dalawang Jaymes. "Sisipsip ka ba ng dugo sa Cafe?" Tanong ko sa kanya. "Ah s**t! Hindi nga pala ako tao." Napapikit siya ng madiin. "Ah ikaw? May gusto ka ba? Gusto mo ba itong buong cafeteria?" "Busog na ako Rina." Sagot ko sa kanya. "So I guess sinabi na sayo lahat ni Xy ang tungkol sa mga katulad namin." Sabi ni Rina. "Yeah, I think it's cool." Sabi ko. "Cool?!" Bakas sa mukha niya ang pagngiwi. "Yeah." Sagot ko. "So officially kayo na ni Xy?" Tanong niya habang nakangiti at naghihintay ng sagot. Dahandahan akong tumango-tango. Nagtatalon naman siya sa tuwa, at para bang siya pa ang mas kinilig sa kadahilanang kami na nga ni Xy. "So sinabi niya na sayo?" Sabi ni Rina sa akin. "Ang ano?" Tanong ko. Natutop niya ang sariling bibig. "Hindi pa niya sinabi?" Tanong ni Rina. "Ano?" Nambibitin ang babaeng to. "Wala. Wala. Hindi dapat ako ang magsasabi. Si Xy dapat." Aligaga niyang sabi. Then, the bell rang. Bumalik na kami sa bench kung saan nakaupo pa rin si Xy, at ang kapatid niyang si George na masinsinang nag-uusap. Ngumiti naman agad si Xy nang makita niya ako. Hinigit niya ako sa baywang, at sabay na nagpunta sa subjects namin. Sa totoo lang ay mas ginanahan ako mag-aral ngayong okay na kami ni Xy, at naging instant tutor ko siya lalo na sa math. Sobrang saya mag-aral kapag ganito lang lagi. Sana nakilala ko na si Xy noong grade 1 pa ako. Pero siguro kung makikila ko siya ng grade 1 ako teacher ko siya. Lagi rin kami partner sa Biology at iba pang mga activities na ginagawa by partner. Tumunog na ang bell sa pagtatapos ng last subject namin para sa araw na 'to, at para bang hindi man lang ako napagod mag-aral sa maghapon. Pumasok na ako sa sasakyan ni Xy nang hilahin niya ako palabas sa sasakyan. "Anong problema mo?" Galit kong tanong sa kanya. Isinara niya ang pinto ng kotse. "Paglalakarin mo ba ako pauwi?" Tanong ko. Muli niyang binuksan ang pinto ng kotse, hinawakan ang kamay ko, at saka ako magalang na pinapasok sa loob nito. "Thank you." Sarcastic kong sabi sa kanya. Ngumiti siya bago pumasok sa loob ng sasakyan. As usual dumiretso kami sa Huest kung saan panonoorin namin ang paglubog ng araw. As usual ulit, kanina pa nauna sila George at Rina doon dahil ang tagal magdrive ng lolo ko. Well, hindi na ito big deal para sa kanila dahil kasama na nila si Xy ng ilang daang taon kaya naman sanay na sila. "Tinanong ni Rina kung tayo na ba. Sabi ko, Oo." Sabi ko sa kanya habang mahigpit niya akong yakap mula sa likod. Ramdam ko ang tigas ng kanyang... braso, at dibdib. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya habang dinarama ko ko ang simoy ng hangin. "Sinabi ko na sa kanya ang bagay na 'yan at talagang hindi niya ako pinaniwalaan." Ramdam ko ang pag-iling ni Xy. "May sinabi siya sa akin, ang sabi niya dapat ikaw daw ang magsabi ng bagay na 'yon." Sabi ko. Marahan niya akong pinihit paharap sa kanya saka niya ako tinitigan ng mata sa mata. "Sinabi ko ang tungkol sa ating dalawa, hindi lang kay George, at Rina. Kung hindi pati na rin kay Mama at Papa." Marahang hinawakan ni Xy ang baba ko, "Gusto ka nilang makilala." Napalunok ako. "Natatakot ka ba?" Tanong niya. Tumango-tango ako. Hindi ako makapagsalita, at nakita ko ang disappointment sa mukha niya. "Natatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin." Napakagat ako ng labi at napayuko. Humalakhak siya ng mahina. "Hindi ka natatakot na dadalhin kita sa bahay na puno ng mga bampira. Kung hindi, natatakot ka na baka hindi ka nila matanggap." Natatawang sabi ni Xy. Tumango-tango ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.  "Huwag kang mag-isip ng ganyan. Gusto ka lang nilang makilala ng lubos." Sabi ni Xy nang inangat niya ang mukha ko. "Xy, anong mangyayari kapag hindi nila ako nagustuhan? Kakainin ba nila ako?" Tanong ko. "We're not eating flesh! For pete's sake." Iritang sabi ni Xy. Bet na bet ko talaga siya sa tuwing nag-eenglish siya. "Paano nga kung hindi nila ako nagustuhan?" Pangungulit ko. "Magugustuhan ka nila dahil mahal kita." Sabi ni Xy. Hindi ako kumbinsido. Kinakabahan ako. Marahan niyang inilapat ang malamig, malambot, at matamis niyang labi sa akin. I put my palm against his cold cheeks and pulled him more to deepen the kiss. "Natatakot ka pa rin ba? Nalinaw na ba ang lahat?" Tanong niya. Umiling-iling ako. "Sa tingin ko kailangan nating ulitin." Sabi ko sabay kagat ng labi. Agad niya naman akong niyakap ng mariin, at nilunod sa matamis niyang halik. Napupuno ng maraming kuryente ang buong katawan ko, at nakararamdam ako ng matinding init sa tuwing hinahalikan ko siya kahit pa malamig ang balat niya. "Okay na ba?" Tanong niyang muli. Tumango-tango ako habang nakangiti. "Sure ka ba na sasama ka sa akin sa Calexico?" Tanong ko. Tumango-tango siya. "I can't survive a day without you." Then he gave me a peck. Hinatid niya ako agad sa bahay nang magsimula ng dumilim ang paligid. Kasalukuyan akong nakahiga, at pilit na inaanalyze ang mga sinabi niya kanina. Gusto niyang makilala si Dad, at magcelebrate ng pasko sa Calexico kasama ako. Tapos gusto ng pamilya niya na makilala nila ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako mas kakabahan, sa reaksiyon ba ni Dad kapag nalaman niyang may Boyfriend na ako? O sa magiging reaksiyon ng pamilya ni Xy kapag nakilala na nila ako? Hindi ko maisip na ganito na kami kasaya ni Xy ngayon. Sana wala ng katapusan. Dahil hindi ko na kakayanin kapag nawala pa siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD