Railey.
"Seryoso ka ba?" I can't believe this!
"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso niyang sabi.
"Tuturuan kita." Sabi ko.
Umiling-iling siya, "Paumanhin pero ayoko talaga. Baka mapahamak ako sa bagay na 'yan." Sabi niya habang pinangingilagan ang hawak ko.
Humalakhak ako, tae! "Ang sakit mo sa tiyan, Xy!" Sabi ko habang tumatawa pa rin.
"Ilayo mo yan sa akin baka madurog ko pa ang bagay na 'yan." Masama ang tingin niya sa hawak ko.
Oo, halata naman na sa pananalita niya palang ay napag-iwaan na siya ng panahon. Pero hindi ako makapaniwala na sa panahon ngayon may mga tao pa rin pala talaga na hindi marunong gumamit ng cellphone!
Kanina ko pa siya inaasar dahil ilag na ilag siya sa cellphone na hawak ko. Ang gwapo mong tanga Xy! Bano! Bano!
"May-ari ka ng isang Ferrari 488 pero hindi ka marunong gumamit ng cellphone?" Natatawang tanong ko. "Ano ka? Mayaman na taong tabon?"
Binato ko siya ng unan, nandito kami sa kuwarto, at tinutulungan niya ako na isaayos sa shelf ang mga libro na binili ko, pati na rin ang mga libro na binili niya para sa akin. Damn! Ang rupok ko talaga pagdating sa libro.
"Dapat sinabi mo sa akin na mahilig ka sa libro para binili ko lahat ng libro doon sa bookstore." Sabi niya habang nakatingin sa bookshelf ko.
"Aba! Napakayabang mo naman ginoo!" Sigaw ko sa kanya.
"Seryoso ako, Railey." Sabi niya.
"Saka mo ako yabangan kapag marunong ka na gumamit ng cellphone." Pang-aasar ko sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang nakatingin sa basket na dala ko.
"Basement." Tipid kong sabi.
Sumunod naman siya sa akin, at binuhat ang dalawang basket. Napagdesisyunan ko maglaba kaysa naman dinadaldal ko lang 'tong si Xy.
"Bakit gusto ng Mom mo na dito mo ipagdiwang ang ika-labingwalo mong kaarawan?" Tanong niya.
"She just suggested that thing but it's me who really wants to celebrate my birthday here in Fairfield." Sabi ko.
He nodded. Inilagay ko naman ang mga damit sa washing machine pagkatapos ko i-set up lahat ng mga kailangan.
"Kailangan mo ng umuwi, it's late." Sabi ko.
Lumapit siya sa akin, at hindi ko alam ang binabalak niyang gawin. Tumayo siya sa harap ko, sobrang lapit niya. Nakatingin siya sa akin, at wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa mga mata niya. Hinaplos niya ang buhok ko, at maingat na hinawakan ang pisngi ko.
"Nakauwi na ako ngayon, Railey. Sa sobrang tagal ng hinintay ko, ngayon lang." Sabi niya.
Hindi ko man alam kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi niya ay naramdaman ko ang init sa mga mata niya na kakaiba para sa akin dahil nasanay ako sa mga malamig na tingin niya sa akin.
"Nandyan pala kayo." Sabi ni Mom.
Agad namang lumayo si Xy sa akin.
"Xy is helping me to do the laundry." Sagot ko kay Mom. Baka kung ano pang isipin niya. "Ihahatid ko na rin siya pauwi."
Umakyat na kami palabas sa basement, hindi pa rin umuuwi si Aethan.
"Xy, ihatid ka na namin." Napamulat ang mga mata ko nang sabihin ito ni Aethan.
Xy agreed. Kumunot ang noo ko.
"Ako ang maghahatid sa kanya. Baka magbugbugan pa kayo sa daan." Sabi ko.
"Sama ka para may babysitter kami." Pang-aasar ni Aethan.
"Talagang sasama ako." Singhal ko sa kanya.
Lumapit ako kay Xy, "Bakit ka pumayag?" Tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya, at ngumisi. Umupo ako sa gitna nila nang makasakay kami sa kotse ni Aethan para sigurado na hindi sila magrarambulan. Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan.
Halos 10 minuto lang ang tinagal bago kami pumasok sa isang private road papunta sa isang malaki, at lumang Italianate House. May malaki, at magandang fountain sa harap ng bahay, at napaliligiran ito ng mga bulaklak. Nakita kong tahimik na naka-park ang Ferrari ni Xy sa harap ng bahay, katabi nito ang apat pang mga sasakyan. Mas malaki ito kaysa sa mga mansion sa loob ng Cortez Tribe, at di hamak na mas malaki ito kaysa sa mansion nila Aethan.
"Dito ka nakatira?" Tanong ko kay Xy. Grabe, gaano ba kayaman ang taong 'to?
Nakita kong nakaabang sa malaking pintuan ang isang lalaki na kakulay ni Xy, at hindi ito si George. Malamang ay nakatatandang kapatid niya ito dahil hindi sila nagkakalayo ng edad, at hindi pamilyar ang lalaking ito sa akin.
Bumaba si Xy, at Aethan sa sasakyan. Sumunod naman ako.
"Stay inside the car." Utos ni Aethan sa akin.
"Dad." Narinig kong sabi ni Xy, kausap niya ang lalaking nakaabang sa amin kanina.
What the? Dad? Tatay niya 'yan?
May ibinulong si Xy sa ama niya, at napatingin ito sa akin. Hindi ito galit o kung anupaman, basta't may kung ano sa tingin niya, curiosity. Tumango-tango ito sa sinabi ni Xy, at lumipat ang tingin niya kay Aethan, at masama ang tingin na ibinigay niya dito. May sinabi siya kay Xy na silang dalawa lang ang nakakarinig.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko kay Aethan.
"Pumasok ka sa loob saglit lang 'to." Sabi ni Aethan, at hinila ako papasok sa loob ng sasakyan.
Lumapit si Aethan sa kanila, at galit na sinalubong siya ng Dad ni Xy. s**t! Pagtutulungan ba nilang bugbugin si Aethan? Itinaas ni Aethan ang kamay niya parang pinipigilan niya ata ang Dad ni Xy. Hinawakan ni Xy ang balikat ng Dad niya, at may sinabi rito. Naging kalmado naman ito, at napatingin sa sasakyan na lulan ko. Hindi ko alam kung bakit kahit na tinted ang salamin ng sasakyan ay tila nakatitig siya sa mga mata ko.
May pinag-uusapan sila, at hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may kinalaman ito sa akin.
Nakita kong may isang lalaki pa na lumabas, si George. Kasunod nito ang isang hindi pamilyar na babae, kaedad ito ng Dad ni Xy, sa tingin ko ay nasa late 20's to early 30's ang edad nila. Masyadong bata ang edad nila para magkaroon ng isang 17 years old na anak.
Napatingin ang babae sa direksyon ko, katulad ng Dad ni Xy ay parang tumatagos sa tinted na salamin ang mga tingin nila.
Galit ba sila dahil late na umuwi si Xy? Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan, at pumunta sa kanila. Napatingin sila sa akin, at aaminin ko na naiilang talaga ako.
Natahimik sila, at natigil ang usapan nang makalapit ako. Para bang mayroon silang pinag-uusapan na hindi ko dapat malaman, isang sikreto.
"Good Evening po, sorry kung late umuwi si Xy. Hindi po si Aethan ang dapat na mag-explain dahil wala po siyang kinalaman dito. Ako po yung may kasalanan, sorry po ullit." nakayuko kong sabi.
"She's pure, I told you." Sabi ni George.
"Anong pure?" Tanong ko naman.
"Indeed." Sabi ni Xy, iwas ang tingin niya sa akin.
"Aalis na kami, pag-isipan niyo sana ang sinabi ko." Sabi ni Aethan bago ako hinila palayo.
"Sorry po ulit!" Pahabol ko bago ako tuluyang kinaladkad ni Aethan.
"Ano yung sinabi mo sa kanila na dapat pag-iisipan nila ang sinabi mo?" Tanong ko kay Aethan.
Hindi niya ako sinagot. Tahimik siya hanggang sa makarating kami sa bahay. Ibinaba niya lang ako, at umalis na rin. Hindi ako sanay na makitang seryoso si Aethan dahil masayahin siya, at makulit noong una kaming nagkita dito. I mean sa muli naming pagkikita dito. Pero hindi siya ang Aethan na kilala ko, napakaseryoso niya ngayon, at para bang napakalalim ng iniisip niya.
Dahil ba ito sa Tribe?
Baka masyado lang siyang pinipressure doon, at pagod siya sa mga bagay-bagay.
Tahimik kong tinapos ang labahin, 9o'clock na rin nang magpunta ako sa kwarto. Sobrang nakapagod ang araw na 'to. Pagkatapos ko maligo ay pagod, at inantok akong napahiga sa kama ko.
Hindi pa rin mag sync-in sa utak ko ang mga sinabi ni Xy ngayong araw. Hindi ko maisip na gusto niya akong makasama, at kung gaano siya kalapit sa akin kanina, kung paano niya hinaplos ang buhok ko at kung paano niya ako pinakatitigan kanina habang hawak niya ang pisngi ko na para bang ako lang nag-iisang bagay sa mundo na iniisip niya sa mga oras na 'yon.
Ano kaya ang mga bagay na pinag-usapan nila kanina? Bakit galit si Aethan at Xy sa isa't-isa? Ano ang sinabi ni Aethan kanina na dapat pag-isipan nila Xy.
Inaalok niya ba ang mga ito na sumapi sa Tribe dahil mayaman sila? Kung tungkol doon ang bagay na 'yon bakit kailangan nila akong tignan na para bang ini-scan nila ako gamit ang isang x-ray machine?
Ganun ba talaga tumitig ang pamilya ni Xy? Nakakataranta, at nakakatunaw?
Ipinikit ko ang mga mata ko, at hinayaan na dalawin ako ng antok.
Nasa loob nanaman ako ng kakahuyan. Napatingin ako sa katawan ko, hindi ako hubad. Nakita ko naman si Aethan kaya agad ko siyang nilapitan, at niyakap. Nakita ko naman sa likod niya si Xy, nakatingin siya sa amin. Bumitiw ako sa yakap.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Aethan.
Hindi niya ako sinagot, sa halip ay niyakap niya ako.
"Tara na, Railey." Sabi niya.
Umiling-iling ako.
"Umuwi na tayo." Pag-aalok niya sa akin habang nakaaya ang kamay.
"Ayoko na bumalik." Ito ang isinagot ko.
Lumayo ako kay Aethan, at lumapit kay Xy.
"Alam ko naman na ikaw ang pipiliin niya." Sabi ni Aethan habang nakatingin kay Xy.
Marahan akong hinila ni Xy, at niyakap.
"Ligtas siya sa akin." Sabi ni Xy.
"Iiwan ka rin niya kapag nalaman niya kung ano ang sikreto na tinatago mo." Sabi ni Aethan sabay ngisi.
"Ako pa rin ang pipiliin niya kahit anong mangyari." Sabi ni Xy.
Dama ko ang init ng yakap niya kahit na sobrang lamig ng balat niya.
"Hindi ko hahayaan na mangyari yan." Sabi ni Aethan.
Naglabas siya ng isang makintab na bagay, isang baril. Nanlaki ang mata ko nang itutok niya kay Xy ang baril sabay kalabit ng gatilyo nito. Umalingawngaw sa buong gubat ang nakakabinging tunog ng baril.
"Xy!" Sigaw ko nang magising ako.
Shit! Ano nanaman ang panaginip na yon?
Napahawak ako sa dibdib ko, sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko ay halos naririnig ko na ito. Para akong tumakbo ng napakalayo, hinihingal ako at butil-monggo ang mga namuong pawis sa mukha ko.
Anong sikreto? Ang tinutukoy ni Aethan? Bakit napakalalim ng galit ni Aethan kay Xy?
Kung sakaling mayroon ngang sikreto na tinatago si Xy, iiwasan ko ba siya?
Umiling-iling ako. Hindi ko siya kayang iwasan, at tama ang sinabi niya sa panaginip ko, kahit anong mangyari siya pa rin ang pipiliin ko.