Railey.
Hindi ako makapaniwala. Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon din! Ngayon din! Please lang.
"Miss?" Tanong ng lalaki sa akin na ngayon ay kagigising lang.
"Sorry!" Natutop ko ang sarili kong bibig bago tumalikod.
Shit! Gusto ko na umalis dito ngayon din!
Kinuha ko ang pagkain na in-order ko at pumunta sa counter para ipa-take-out na lang.
"Railey." Tawag ni Xy sa akin. Hindi ko siya pinansin kasalanan niya 'to.
Bwisit ka Xy, mamatay ka na talaga. Kinuha ko ang supot na inabot sa akin ng crew, at agad na lumabas. Napansin kong nakasunod pa rin siya sa akin hanggang sa paglabas ko sa cafe.
"Sinusundan mo ba ako?!" Sigaw ko sa kanya.
Napatigil naman siya, at tila nabigla sa pagsigaw ko. Para siyang isang bata na malungkot dahil nasigawan.
"Pwede ba ako makisakay?" Sabi niya.
Inirapan ko siya bago sumakay sa loob ng sasakyan. Tahimik naman siyang umupo sa front seat dahil puno ng gamit ang backseat.
"Kita mo ba ang mga 'yan?" Tanong ko sabay turo sa mga libro na nasa likod. "Binuhat ko 'yan lahat dahil sa kagagawan mo." Singhal ko.
"Akala ko kasi magugustuhan mo." Sabi niya.
"Sana tinanong mo muna ako di ba? Kung gusto ko ba ng mga ganyang bagay. Kung iniisip mo na maluho akong tao mali ka doon." Nagsimula na akong magdrive paalis sa town.
"Pumunta ka dito sa town para gumastos ng ganyan kalaki tapos wala kang sasakyan pauwi?" Tanong ko sa kanya.
"Balak ko kasi talaga na sumakay pauwi dito sa sasakyan mo. Kasama ka." Sagot niya.
Shit! My heart! Railey galit ka!
"Anong sinasabi mo na kasama ako. Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo." Pagsusungit ko.
Hindi ako marupok!
"Ayaw mo ba na makasama ako?" Tanong niya.
Gusto syempre! Enebe?
"Hindi kita gusto makasama, ilang beses mo ako tinaboy." Sagot ko sa kanya.
Tama yan Railey.
"Patawad. Magulo kasi ang pag-iisip ko." Sabi niya habang nakayuko.
Bakit ba napakalalim niya magsalita?
"Hindi mo alam kung gaano ako naguguluhan noong una kitang nakita." Sabi niya habang nakatingi lang ng diretso sa daan "Pwede bang bagalan mo magmaneho?"
Hindi ko alam kung bakit sumunod ako agad sa sinabi niya. Napanganga ako nang makitang 60kmph ang patakbo ko.
"Bakit mo ba ginagawa 'to sa akin?" Tanong ko.
"Ang alin?" Tanong niya naman sa akin.
"Ito. Ang lahat ng 'to! Last few days iniiwasan mo ako, tapos iniligtas mo ako. Sabi mo kalimutan ko ang lahat, at hindi mo ako pinapansin. And now you just bought me expensive phone, and books, sinusundan mo ako, at ngayon nakasakay ka sa kotse ko dahil gusto mo ako makasama." Naguguluhan kong sabi.
"Paumanhin. Sinabi ko na sa'yo na magulo ang pag-iisip ko nitong nakaraang mga araw." Sabi niya pero kahit hanggang ngayon mukha pa rin siyang may hang-over.
"Pwede mo bang sabihin kung bakit ka naguguluhan?" Sabi ko gamit ang pinakakalmado kong pagkatao.
"Hindi maaari." Sagot niya sa akin.
"Okay, fine." Sagot ko.
Naramdaman kong lumipat ang tingin niya sa akin.
"Pwede ba tayong magsimulang muli?" Tanong niya.
Napatingin naman ako sa kanya. Nakita kong nakangiti siya na para bang alam niyang hindi ko siya kayang tanggihan. Hindi ito isang ngiti na nang-aasar o kung anupaman. Basta't mayroong kung ano na talagang napatitig ako, that stunning sweet smile!
Pwede ba Xy!? Para sa akin break na tayo!
"What do you mean?" I asked breathlessly.
"Kumusta, ako nga pala si Xy Niall Jaymes. Ikaw si Railey, hindi ba?" Nakangiti niyang sabi habang inaabot ang kamay para makipagshake-hands.
I chuckled. So, ito pala ang ibig niyang sabihin sa "Magsimulang muli" niya.
Inabot ko ang kamay niya, at tila ba para akong nakaramdam ng kakaibang kiliti sa loob ng pagkatao ko. Parang isang kuryente na nagpataas sa mga balahibo ko. Tumatayo rin ba ang mga pubic hair?
"Ako si Railey Red, Ginoong Jaymes." Sabay bow ng ulo para naman maramdaman niya kung gaano kaluma ang pananalita niya.
Ngumisi siya. "Maaari ko bang malaman kung bakit ka lumipat dito? At kung bakit mo ginulo ang tahimik kong buhay?" Tanong niya habang tumatawa ng mahina.
"Excuse me, Sir! Ikaw ang gumulo sa buhay ko." Naiiling kong sabi.
We laughed. Shemay! Bakit ang ganda niya tignan kapag tumatawa? This godlike man is really stunning, I swear!
"Lumipat ako dito dahil gusto ni Mom na dito ako magcelebrate ng 18th birthday ko. I spent so much time with my Dad and Kate. I want to give them privacy." Sabi ko.
Usually it's really hard for me to open up something about my family even with some of my friend, and I don't know why I feel so comfortable to open up something like this with Xy.
"Ayaw mo sa kanya?" Tanong niya.
I bet he's talking about Kate.
"She's great, really. I loved her, and also Marco. They're both sweet, and lovely. Gusto ko lang talaga makasama si Mom, at malapit na ako mag18 hindi naman pwede na nandoon pa rin ako." I tried to sound happy but the truth is I really miss them.
"Malungkot ka naman sa naging desisyon mo." Sabi niya.
Umiling-iling ako. "Masaya naman kasama si Mom. Hindi nga lang ako sanay sa ganito na malayo kay Dad, at kay Kate na tinuring ko ng sariling nanay. At si Marco din makulit, at nakakagigil." I gave up a bittersweet smile.
"Iba ka sa lahat ng nakilala ko." Sabi niya habang umiiling.
"Hindi siguro, katulad lang ako ng ibang mga babae dyan." Sabi ko.
"Sa palagay ko hindi." Sabi niya.
Inabot kami ng 20 minutes bago nakarating sa bahay dahil sa bagal ng patakbo ko, sa tuwing bibilisan ko kasi ay pinipigilan niya ako, at nakukuryente ako sa bawat hawak niya. Kaya sinunod ko na lang dahil baka mawalan ako ng ulirat dahil sa sobrang dami ng emosyon na nararamdaman ko na lumalala sa tuwing nagdidikit ang balat naming dalawa.
Huminto kami sa bahay para ibaba ang mga gamit na pinamili ko. Tinignan ko siya kung bakit nasa labas pa rin siya. Wala ba siyang balak pumasok?
"Xy!" Tawag ko sa kanya. Lumapit lang siya, at nanatili sa harap ng pintuan.
"Problema mo? Pasok ka." Sabi ko, agad naman siyang pumasok sa loob.
"Ibabalik ko sa'yo 'tong mga binili mo. Sorry pero hindi ko talaga matatanggap ang mga 'yan. Ang mahal kasi masyado." Sabi ko habang binubukod ang Cellphone, at ang dalawang set ng libro.
"Mahal?" Tanong niya.
"Oo, mahal." Sabi ko habang nakapamewang pa.
"Mahal?" Sabi niya ulit.
"Oo nga mahal!" Sabi ko.
"Okay, mahal." Sabi niya.
Napatigil ako nang mag-sync-in sa utak ko ang ibig niyang sabihin, at kung saan papunta ang usapan namin.
"Xy!" Sigaw ko.
"Sweetheart!" Sabi ni Mom na kabababa lang sa hagdan.
"Xy, nandito ka rin." Sabi ni Mom.
"Sinabay lang ako ni Railey sa pag-uwi. Paalis na rin po ako!" Sabi ni Xy habang nagkakamot pa ng ulo. "Malapit na rin po gumabi."
Anong klaseng edition ba 'tong si Xy? Gwapo na, magalang pa. Parang may pagkasinto-sinto nga lang.
"Dito ka na kumain." Sabi ko naman.
Gusto pa kita makasama.
"Kailangan ko ng umuwi, Railey." Sabi niya.
Tumango-tang ako, at sinamahan siya sa labas.
"Hatid na kita." Sabi ko.
Umiling-iling siya, at tumawa. Narinig ko rin ang mahinang paghagikgik ni Mom.
"Hindi na." Pagtanggi niya. "Kung ikaw ang magmamaneho, huwag na lang."
Isang kotse ang huminto sa harap ng bahay. Camaro, si Aethan.
Napansin kong nagtangis ang bagang ni Xy. Magkakilala ba sila ni Aethan?
"Railey!" Masaya niyang bati sa akin bago ako niyakap.
Napansin kong lumayo si Xy sa amin. Napatingin naman si Aethan sa kanya, at kumunot ang noo.
"Where's Tita Shane?" He asked.
"Nasa loob siya." Sagot ko naman habang hinahanap sa tingin si Mom sa loob ng bahay.
Ngumiti si Aethan, at ginulo ang buhok ko. Sinamaan niya naman ng tingin si Xy bago pumasok sa loob ng bahay.
Lumapit ako kay Xy, "Magkakilala ba kayo ni Aethan?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot, at nanatili siyang nakatalikod na para bang napakalalim ng iniiisip niya. Siguro nga magkakilala sila syempre sa iisang town sila nakatira.
Di kaya mag-exboyfriend silang dalawa?
"Sweetheart?" Tawag ni Mom sa akin kaya naman napalingon ako. Kasama niya si Aethan sa likod na mainit pa rin ang dugo kay Xy.
"May pupuntahan lang kami saglit. Xy, pwede mo ba siyang samahan muna rito?" Paghingi ni Mom ng pabor.
Agad naman pumagitna si Aethan bago pa makasagot si Xy.
"Hindi pwede, Tita." Sabi ni Aethan.
"Sige, sasamahan ko po siya. Safe po siya sa akin." Sagot ni Xy na para bang inaasar si Aethan.
Nilapitan siya ni Aethan.
"Alam mong hindi ka pwede rito, Jaymes!" Gigil na sabi ni Aethan.
Ngumisi si Xy, "Wala akong nilalabag na batas. Hindi ito sakop ng border." Confident na sabi niya.
"Kahit na, alam mo naman siguro na bawal." Babala ni Aethan. "At alam mo kung ano ang bawal na tinutukoy ko."
Tumawa ng mahina si Xy, and it was a bitter laugh.
"Bakit hindi mo sabihin?" Panghahamon ni Xy.
"Tama na 'yan." Pag-aawat ni Mom.
"It's not your concern anymore, Jaymes." Sabi ni Aethan.
Umiling-iling si Xy, "Yes, it is. Alam mo 'yan at ng kulto niyo." Mariin na sabi ni Xy.
"Ulitin mo ang sinabi mo." Sabi ni Aethan saka kinuwelyuhan si Xy.
Pumagitna ako, inawat ko si Xy, si Mom naman kay Aethan. s**t! Kapag nagkataon durog 'tong si Xy sa laki ng katawan ni Aethan. I mean malaki naman ang katawan ni Xy, medyo lamang lang si Aethan.
"Sabi ko kulto, hindi mo ba narinig?" Nang aasar na sabi ni Xy.
"Sino kaya ang halimaw sa atin?" Natatawang sabi ni Aethan.
Hinila ko na palayo si Xy.
"Railey, sasama ka sa amin!" Utos ni Aethan. "Hindi ka maiiwan kasama ng lalaking 'yan. Tita Shane, this can't be!"
Hindi ko pinansin ang kabaliwan na sinasabi ni Aethan, at pumasok na sa loob ng bahay. Hinila ko na si Xy.
Pinaupo ko muna si Xy sa sofa habang naghahanda ako ng pagkain para sa dinner. Pero sumunod din siya sa akin sa kusina.
"Mamaya kapag umuwi ka na isama mo yung mga binili mo." Sabi ko. Though, I love the hardback books, still I can't accept it dahil ayoko talaga ng mahal, at hindi ko pinaghihirapan.
"Tanggapin mo na lang." Sabi niya. "Mahal."
Damn! Parang tumalon ang puso ko! Itinago ko ang pag-ngiti ko, at ang pagkapula ng buong mukha ko habang naghahanda ako ng pagkain para sa aming dalawa.
"Sorry, bacon at itlog lang ang alam kong iluto." Napangiwi siya.
"Ayaw mo ba?" MAlungkot kong sabi.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako malungkot, nagpapaawa lang ako para di niya tanggihan.
"Kakainin ko 'yan kung tatanggapin mo ang mga binili ko." Sabi ko.
Inagaw ko ang pinggan na hinain ko para sa kanya.
"Bahala kang magutom." Sabi ko. Hindi ko tatanggapin ang mga 'yon kahit anong mangyari.
Hindi talaga.